Wednesday, September 30

UKOL SA KAAYUSAN SA PANANAMIT NG MGA SUMASAMBA NA IGLESIA NI CRISTO




Isa sa mga nakakatawag ng pansin sa mga taga-sanlibutan ay ang kaayusan sa pananamit ng Iglesia Ni Cristo sa tuwing sasamba. Tama naman ito at ito ay nasa Biblia. Hindi lang sanay ang marami sa ganito. Kung tayo nga ay may MEETING halimbawa o dadaluhang kung anomang OKASYON hindi ka naman pupunta ng kung ano na lang ang maisuot mo. Baka mag-rent ka pa ng AMERICANA kung sa kababaihan naman ay MAMAHALING BESTIDA! Sa pagsamba hindi naman tao lang ang ka-meeting natin. Hindi naman kailangan magsuot ng mamahalin. Basta MAAYOS at MARAPAT sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos na tapat.

TANONG: Ano ang isa sa mga utos ng Diyos na kasamang dapat tuparin kapag sumasamba sa Kaniya?

Awit 96:1-3 at 8-9 Salin ng isang Paring Katoliko na si Jose Abriol
“Magsiawit kayo sa Panginoon ng isang panibagong awitin; magsiawit kayo, buong sangkalupaan. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ang kanyang pangalan; ipahayag ninyo araw-araw ang kaligtasang nanggagaling sa kanya. Isalaysay ninyo sa mga bansa ang kanyang kahanga-hangang gawa…Maghandog sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kanyang ngalan ! Handugan siya ng mga alay at pumasok sa kanyang looban; SAMBAHIN ANG PANGINOON NANG MAY BANAL NA KASUOTAN. Manginig kayo sa harap niya, sangkalupaan!”

Ang saling ito ay salin na ginawa ng isang paring Katoliko na si Jose Abriol. Kabilang sa utos ng Panginoong Diyos ang “SAMBAHIN ANG PANGINOON NANG MAY BANAL NA KASUOTAN.” Pansinin na HINDI INI-SPECIFIED NG TALATA KUNG ANONG KASUOTAN, kundi ang banggit ay “BANAL NA KASUOTAN.” Kaya, isang kamalian na hanapan kami ng nakasulat sa Biblia na “BARONG” o “AMERIKANA.”

Maging sa ibang salin ng Biblia ay ganito ang sinasabi.

Awit 96:1-3 at 8-9 Revised Standard Version
“Sing to the LORD a new song; sing to the LORD, all the earth! Sing to the LORD, bless his name; tell of his salvation from day to day. Declare his glory among the nations, his marvelous works among all the peoples!...Ascribe to the LORD the glory due his name; bring an offering, and come into his courts! WORSHIP THE LORD IN HOLY ARRAY; tremble before him, all the earth!”
  
May mga namimilosopo huwag sanang ikagagalit ng sinoman hindi lamang KAMALIAN kundi isang KAMANGMANGAN ang kanilang pagpuna sa kaayusan sa pananamit sa pagsamba – bakit hahanapin mo kung nakasulat sa Biblia ang mga hindi pa naman existido noong isinulat ang Biblia? Ang Panginoong Diyos kasi ay hindi mag-uutos ng isang partikular sa mga tao na hindi naman aplikable sa kanila ang gayung utos sapagkat alam Niya na may pagbabago sa kultura ng tao sa bawat dako at sa paglipas ng mga panahon. Kaya nga ang kautusan para sa mga Judio tulad ng paghahalas ay hindi ipinag-utos sa mga Gentil na naging kaanib sa Iglesia noong unang siglo (cf. Gawa 10:1-2 at 13 at 19). Ganon din sa kasuotan sa pagsamba, WALANG SPECIFICATION na ibinigay sa mga sasamba kundi ang sabi ay “SAMBAHIN NINYO ANG PANGINOON SA BANAL NA KASUOTAN.”

Kung alin ang tinutukoy na “BANAL NA KASUOTAN” ay ganito ang paliwanag ng mga BIBLE SCHOLARS (babasahin namin ito hindi sapagkat ito ang aming batayan kundi upang ipakita na ang sinasabi namin ay sinasang-ayunan maging ng mga nagsipagsaliksik ng Biblia kaya hindi aming pakahulugan lamang kundi siyang katotohanan na pinatutunayan maging ng iba):

The Interpreter’s Dictionary of the Bible, Vol. I, p. 231
 Salin sa Filipino:

“BANAL NA KASUOTAN…May pananalitang tinutukoy sa MAAYOS (O MARAPAT) NA KASUOTAN’…”

Ang “BANAL NA KASUOTAN” ay tumutukoy sa MAAYOS O MARAPAT NA KASUOTAN. Kaya nagkakamali ang iba sa pagpapakahulugan na ang ipinatutupad sa mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdalo sa pagsamba ay “MAGANDANG KASUOTAN” – saksi ang lahat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ang doktrina ay “MAAYOS AT MARAPAT” na kasuotan ang dapat isuot kapag sumasamba sa Diyos.

Ang maayos at marapat na kasuotan sa pagsamba ay hindi nangangailangang mahal, maganda at magarbo – kahit mumurahin lamang at simple kung maayos at nararapat sa kabanalan ng okasyon. Hindi ba’t sa pagsamba ay humaharap tayo sa Diyos, sa pagharap nga sa isang kinikilalang tao ay hindi tayo haharap ng nakapambahay, nakapantulog, kundi iaangkop natin sa okasyon, sa pagharap pa ba sa Diyos hindi natin iaangkop ang ating kasuotan gayung haharap tayo sa Makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa.

Samakatuwid, ang doktrina sa Iglesia Ni Cristo ay humarap sa Diyos sa pagsamba na ang kasuotan ay maayos at naaangkop sa kabanalan ng okasyon (nagkakamali lamang sa pakahulugan ang nagsasabing ang tinutukoy namin ay “GANDA” ng kasuotan). Kaya, hindi aplikable sa amin ang sinabi ng iba “…HINDI BASIHAN ANG GANDA NG DAMIT SA PAGSAMBA KUNDI PUSO ANG TINITIGNAN NG DIOS HINDI ANG DAMIT...” Dumalo kayo ng pagsamba at mag-obserbang mabuti na makikita ninyo na maraming mga kapatid na simple lamang ang suot na damit (ang iba pa nga sapagkat galing sa trabaho o paaralan ay iyon na ring uniporme nila ang suot nila sa pagsamba – bakit hindi, kung angkop naman at maayos ang kanilang kasuotan).

ARGUMENTO: Sinabi ng iba “Papaano ang mga taong walang pambili ng mga damit tulad ng polo?

Kung ang tinutukoy ng Iglesia Ni Cristo na kasuotan sa pagsamba ay hindi pala “MAGAGANDANG DAMIT” na gaya ng naging pakahulugan ng iba kundi simple at maayos na damit lang pala kaya ANG USAPIN DITO AY HINDI HALAGA KUNDI PAGPAPAHALAGA SA PAGSUNOD SA UTOS NG DIYOS.

TANONG: Ano ba ang kahayagan ng pagtupad sa utos na ito ng Diyos ukol sa kaayusan sa pananamit sa pagsamba?

1 Juan 5:3
“Sapagka't ITO ANG PAGIBIG SA DIOS, NA ATING TUPARIN ANG KANIYANG MGA UTOS: AT ANG KANIYANG MGA UTOS AY HINDI MABIBIGAT.”

Ang sabi ang may pag-ibig sa Diyos ay “ATING TUPARIN ANG KANIYANG MGA UTOS.” Isang maayos at simpleng polo (na kahit mumurahin lamang o binili sa ukay-ukay) para gamitin sa pagharap sa Diyos sa tuwing pagsamba ay isang “NAPAKABIGAT NA BAGAY” ba? – oo, sa hindi umiibig sa Diyos. Subalit sa tunay na umiibig sa Diyos ay “ANG KANIYANG MGA UTOS AY HINDI MABIBIGAT.”

ARGUMENTO: Sinasabi ng iba, “Paano ang mga taong pauwi na galing sa trabaho at wlang planong sumamba sa araw na iyon pero biglang naisipan sumamba kaso hindi naka-polo?

Ganiyan talaga ANG TINGIN NG IBA SA PAGSAMBA SA DIYOS, ISANG BAGAY NA KUNG KAILAN LAMANG MAISIPAN? Hindi ganyan ang sinasabi ng Biblia. Ukol sa pagsamba sa Diyos ay ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo:

Juan 4:23
“Datapuwa't DUMARATING ANG ORAS, at ngayon nga, NA SASAMBAHIN NG MGA TUNAY NA MANANAMBA ANG AMA sa espiritu at katotohanan: SAPAGKA'T HINAHANAP NG AMA ANG MGA GAYON NA MAGING MANANAMBA SA KANIYA.”

Sa mga tunay na mananamba hindi kung kalian lang maisipan ang pagsamba, kundi alam niyang “HINAHANAP NG AMA” na Siya’y sambahin ng mga tunay na mananamba. Ang may kaisipan na ang pagsamba ay kung kailan lamang biglang maisipan ay hindi kaisipan ng mga tunay na mananamba. Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat kinikilala nilang isang mahalagang pananagutan nila sa Diyos ang pagsamba, kung sasamba sila pagkatapos ng pagpasok sa paaralan o trabaho, kung ang uniporme naman nila’y angkop ay iyon na ang gagamitin nila sa pagdalo sa pagsamba, at kung hindi naman, ay hindi isang napakabigat na bagay sa kanila ang magbaon ng isang polo o damit na pangsamba. Ganito namin pinahahalagahan ang pagsamba sapagkat sa pamamagitan nito’y nagagawa namin na ang Diyos ang pangunahin sa aming buhay.

Paano kung tayo naman ang tanungin ng Panginoon Diyos ng “ISANG MAAYOS NA DAMIT NA ANGKOP SA KABANALAN NG OKASYON SA PAGHARAP MO SA LUMIKHA SA IYO NA SIYANG PATULOY NA NAGBIBIGAY SA IYO NG BUHAY AT LAKAS AT PINAGKAKAUTANGAN MO NG LAHAT-LAHAT SA IYONG BUHAY  AY MABIGAT PARA SA IBA?” Pero sa umiibig sa Diyos “ANG KANIYANG MGA UTOS AY HINDI MABIBIGAT.” 

No comments:

Post a Comment