Madalas nating marinig sa mga
tagapagturo ng SEKTANG PROTESTANTE AT MGA NAGPAPAKILALANG BORN AGAIN
CHRISTIAN ang paniniwala tungkol sa napakadaling paraan daw ng kaligtasan.
Sinasabi nila na basta tanggapin mo lamang daw si Cristo bilang SARILING TAGAPAGLIGTAS o PERSONAL SAVIOR ay LIGTAS KA NA at WALA KA NANG
GAGAWIN PA. Para patunayan diumano ang kanilang sinasabi ay gumagamit
din sila ng Biblia.
Ang
pinaka paborito nilang talata ay ang nakasulat sa:
Juan 3:16
“Sapagka't gayon na
lamang ang mga pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Sa
nasabing talata ay mayroon silang DALAWANG
ipinupuntos:
UNA - lahat daw ng tao sa mundo ay nailigtas ni Cristo.
IKALALAWA - sumampatalaya ka lamang daw kay Cristo ay ligtas ka na, wala ka ng
gagawin pa.
At para
suportahan ang kanilang sinasabi ay gagamitin din nila ang nakasulat sa Gal. 2:16;
Efe. 2:9 at Tito 3:5: Basahin natin ang kanilang
pinagbabatayan:
Galacia
2:16
“Bagama't naaalaman na
ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay
Cristo Jesus, upang tayo'y ariing - ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay
Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang
ayon sa kautusan ay hindi aariing - ganap ang sinomang laman.”
Efeso 2:9
“Hindi sa pamamagitan ng
mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.”
Tito 3:5
“Na hindi dahil sa mga
gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ngayon sa kaniyang kaawaan ay
kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at
ng pagbabago sa Espiritu Santo."
Sa unang
tingin ay iisipin mo nga naman na may punto sila at ang sinasabi nila ay totoo.
Dahil sila ay gumagamit din ng Biblia. Ang akala ng marami ay totoo na ang
kanilang aral kaya ang resulta ay marami ang napaniwala. Kaya kapag pinupuna
natin ang kanilang aral ay sumasama ang loob nila na para bagang ang pinupuna
natin ay ang mismong pagkatao ng kanilang mga tagapagturo.
Sa
pagkakataong ito ay tatalakayin natin kung totoo ba ang kanilang sinasabi at
ang malaganap na paniniwala bang ito ay nakasalig ba talaga sa Biblia? Balikan
natin ang nakasulat sa Juan 3:16 na ganito
ang sinasabi:
Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang mga pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na
ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kahit basahin pa natin ng paulit ulit ang nasabing
talata ay wala tayong mababasa na nailigtas ni Cristo ang lahat ng tao sa
sanglibutan kagaya ng kanilang sinasabi. Dahil kasi binabanggit ang salitang "SANGLIBUTAN" inakala nila ay ang buong sanglibutan na ang
nailigtas ni Cristo.
Kung tatanggapin natin na tama ang kanilang
paniniwala lilitaw na wala na pa lang mapapahamak. Ang problema ay may mga
talata itong kokontrahin. Kaya hindi maaaring tanggapin ang gayong paniniwala.
TANONG: Bakit hindi maaaring tanggapin ang gayong
paniniwala? Gaano ba kadami ang maliligtas
ayon sa Panginoong JesuCristo? Ganito ang
ating mababasa sa:
Lucas
13:23-24 Magandang Balita Biblia
“May isang nagtanong sa kanya: “Ginoo KAKAUNTI PO BA ANG MALILIGTAS?”
Sinabi niya, Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa
inyo, MARAMI ANG MAGPIPILIT NA PUMASOK NGUNIT HINDI MAKAPAPASOK.”
Samakatuwid
ay KAKAUNTI LAMANG ANG MALILIGTAS ayon
sa Panginoon.
TANONG: Gaano naman kadami ang
mapapahamak?
Apocalipsis
20:8-9
At lalabas upang dumaya
sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin
sila sa pagbabaka: na ANG BILANG NILA AY
GAYA NG BUHANGIN SA DAGAT. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at
kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at BUMABA ANG APOY MULA SA LANGIT, AT SILA'Y
NASUPOK.
Kasing dami ng buhangin sa dagat ang mga taong
susunugin sa dagat-dagatang apoy. Samakatuwid hindi talaga
maaaring tanggapin ang kanilang paniniwala na lahat ng tao ay nailigtas ni
Cristo.
TANONG: Sino ba kung gayon ang tinutukoy sa Juan 3:16 na
hindi mapapahamak at magkakaroon ng buhay na walang hanggan?
SAGOT: Ayon sa talata ay “ANG SINOMANG SA KANIYA’Y SUMAMPALATAYA.”
Samakatuwid hindi ang buong sanglibutan.
Pero
siguradong ang susunod nilang sasabihin ay ganito:
“Kita ninyo? Tama nga kami, SUMAMPALATAYA KA LAMANG KAY
CRISTO LIGTAS KA NA…”
Kahit pa
bali-baligtarin natin ang talata ay wala tayong mababasa na sumampalataya “LAMANG“ kay Cristo ay ligtas na. Ang
problema kasi ay DINADAGDAGAN NILA ng
salitang “LANG” o “LAMANG” kaya nag-iiba tuloy ng
kahulugan ang talata. Sila kasi ang pilit na nagbibigay ng kahulugan sa
nasabing talata. Bakit hindi mismo ang Biblia ang pasagutin natin?
TANONG: Sino ba ang mga TUNAY na
sumasampalataya kay Cristo?
Juan 8:31
“SINABI NGA NI JESUS SA
MGA JUDIONG YAON NA NAGSISISAMPALATAYA SA KANIYA, Kung
kayo'y MAGSISIPANATILI SA AKING
SALITA, kung magkagayo'y TUNAY
NGA KAYONG MGA ALAGAD KO;”
Ito ay
pangungusap mismo ng Panginoong Jesus. Kung tatanggapin natin na tama ang
sinasabi nila na sumampalataya LAMANG
kay Cristo ay ligtas na. Ito sana ang napakagandang pagkakataon na sabihin ni
Cristo sa mga Judio na ligtas na sila dahil sumasampalataya sila pero sa halip,
ano ang sinabi ni Cristo? “…KUNG KAYO'Y MAGSISIPANATILI SA AKING SALITA, kung magkagayo'y TUNAY NGA KAYONG MGA ALAGAD KO;” Malinaw na ang mga tunay na
alagad ni Cristo ay yaong mga NAGSISIPANATILI
SA KANYANG SALITA at hindi iyong mga sumasampalataya lamang.
MAARING ITANONG NILA: Ano ba ang ibig sabihin ni Cristo na magsipanatili sa kanyang salita?
Ito ba iyong mga taong sasabihin lamang na tinatanggap niya si Cristo bilang PERSONAL SAVIOR?
Kung babasahin
natin sa ibang salin ng Biblia ang Juan 8:31ay ganito ang banggit:
Juan 8:31 Magandang Balita Biblia
“Sinabi naman ni Jesus sa
mga Judiong naniniwala sa kanya, "KUNG
PATULOY KAYONG SUSUNOD SA AKING ARAL, tunay ngang kayo'y mga alagad ko;”
Samakatuwid,
ANG MGA TUNAY NA ALAGAD NI CRISTO AY MAY
GAGAWIN, SUSUNOD SA KANIYANG ARAL. Sapagkat iyon ang magiging KATIBAYAN NA TUNAY NGA SILANG ALAGAD NI
CRISTO at hindi sasampalataya lamang gaya ng kanilang itinuturo.
Kahit pa
basahin natin ng buo ang Biblia ay wala tayong mababasa na utos ni Cristo at ng
mga Apostol na “SUMAMPALATAYA LAMANG”
ang tao para maligtas. Hindi sila makakapagbigay ng kahit isang talata dahil kabaligtaran ito sa
nakasulat sa Biblia.
TANONG: Ano ang katunayan? Ganito
ang mababasa sa:
Santiago 2:24
“Nakikita ninyo na SA
PAMAMAGITAN NG MGA GAWA'Y inaaring ganap ang tao, at HINDI SA
PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA LAMANG.”
Sa ating binasa ay maliwanag na
kinontra ng Biblia ang kanilang paniniwalang SUMAMPALATAYA LAMANG AY LIGTAS NA dahil ang sabi sa talata ay “INAARING GANAP ANG TAO SA PAMAMAGITAN NG
GAWA AT HINDI SA “PANANAMPALATAYA LAMANG.” Ang GAWA kasi ang NAGPAPASAKDAL
SA PANANAMPALATAYA kaya hindi maaaring wala ito. Narito ang katunayan:
Santiago 2:22
“Nakikita mo na ang
pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at SA PAMAMAGITAN NG
MGA GAWA AY NAGING SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA;”
Kaya kung
sasabihin nila na hindi na kailangan ang gawa, paano magiging sakdal ang
pananampalataya kung walang gawa?
TANONG: Ano pa ang kailangan ng taong
sumasampalataya? Tatanggapin mo lang ba si Cristo sa iyong puso gaya ng
sinasabi nila? Ganito naman ang nakasulat sa:
Filipos 1:29
“Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo,
HINDI LAMANG UPANG MANAMPALATAYA SA KANIYA, KUNDI UPANG MAGTIIS DIN
NAMAN ALANGALANG SA KANIYA:”
Bukod sa susunod sa aral ang mga tunay na mga alagad ni Cristo ay
kinakailangan din naman silang MAGTIIS. Hindi kasi maaaring PANANAMPALATAYA
LANG ang taglay ng tao dahil wala na siyang pinagkaiba kay SATANAS kung
pananampalataya lang ang nasa kaniya. Narito ang katunayan?
Santiago
2:19 Magandang Balita Biblia
“Sumasampalataya ka sa iisang Dios, hindi ba? Mabuti
iyan! ANG MGA DEMONYO MAN AY SUMASAMPALATAYA RIN – AT NANGANGATAL PA.”
Kung pananampalataya lang pala ang basehan sa kaligtasan mas may
karapatan pa pala sa kaligtasan ang MGA DEMONYO kaysa sa mga nagtuturo
na hindi na kailangan ang gawa dahil MAS MATINDI PA ANG PANANAMPALATAYA NG
MGA DEMONYO KESA SA KANILA. Pero alam nating hindi maliligtas ang mga
demonyo dahil hindi naman nila ginagawa ang aral ni Cristo kaya ang mga
nagsasabing hindi na kailangan ng gawa ay wala din pinagkaiba sa
pananampalataya ng mga demonyo. Kaya LABAG SA ARAL NG BIBLIA ANG SABIHIN NA
WALA NG GAGAWIN ANG TAO PARA MALIGTAS.
TANONG: Ano ang
tawag ni Apostol Santiago sa mga taong nagsasabing “SUMAMPALATAYA LANG AT
WALA NG GAGAWIN“?
Santiago 2:20
“Datapuwa’t
ibig mo bagang maalaman, OH TAONG WALANG KABULUHAN, NA ANG PANANAMPALATAYA
NA WALANG MGA GAWA AY BAOG?”
Masakit man
ito pero Biblia mismo ang may sabi na ang tawag ni Apostol Santiago sa mga
nagsasabi na hindi kailangan ang gawa ay TAONG WALANG KABULUHAN. Sa
ibang salin pa nga ng Biblia ay HANGAL ang banggit.
Santiago
2:20 Magandang Balita Biblia
“Ibig mo pa bang
patunayan ko sa iyo, HANGAL, na
walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kalakip na gawa?”
TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng taong
walang kabuluhan sa Biblia?
Kawikaan 6:12
“TAONG WALANG
KABULUHAN, TAONG MASAMA, ay siya na lumalakad na MAY MASAMANG
BIBIG.”
Samakatuwid ay MAY MASAMANG BIBIG pala ANG SINUMANG NAGTUTURO
NA HINDI NA KAILANGAN ANG GAWA PARA MALIGTAS.
TANONG: Ano ang isinusumbat si Cristo sa mga taong tumatawag
sa Kaniya ng Panginoon pero hindi naman ginagawa ang sinasabi Niya.
Lukas 6:46 Magandang Balita Biblia
“TINATAWAG NINYO AKONG ‘PANGINOON, PANGINOON,’ NGUNIT HINDI NAMAN NINYO GINAGAWA ANG SINASABI KO.”
Ibig
sabihin NAPAKA-HALAGA NG PAGSUNOD SA TURO NI CRISTO kailangang GINAGAWA
ito dahil ito ang magpapatunay na sila ang mga tunay na alagad Niya.
TANONG: Maliligtas
ba ang mga taong hindi gumaganap sa turo ni Cristo na galing sa Diyos?
Mateo 7:21
“HINDI LAHAT NG
TUMATAWAG SA AKIN, ‘PANGINOON, PANGINOON,’ AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT,
KUNDI YAON LAMANG SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG AKING AMANG NASA LANGIT.”
Ang mga
taong maliligtas na makakapasok sa kaharian ng langit ay yaon “LAMANG” mga
taong GUMAGANAP NG KALOOBAN ng Amang nasa langit. Sila ang mga tunay na
sumasampalataya at mga tunay na mga alagad ni Cristo.
TANONG: Ano ang nahahayag kapag sinunod
natin ang kalooban ng Diyos na itinuro ng ating Panginoong JesuCristo?
I Juan 3:10
“DITO NAHAHAYAG ANG
MGA ANAK NG DIOS, at ang mga anak ng diablo: ANG SINOMANG HINDI
GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY HINDI SA DIOS, ni ang hindi umiibig sa kaniyang
kapatid.”
Itinuturing
na mga ANAK NG DIOS ang gumagawa ng katuwiran o salita ng Dios. Kaya
kapag ang itinuturo ay hindi na kailangan ang gawa alam na ninyo kung kaninong
anak sila ayon sa talata, “MGA ANAK NG DIABLO: ANG SINOMANG HINDI GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY HINDI SA DIOS.”
TANONG: Ano ba ang kapalaran ng mga
gumagawa ng kalooban ng Dios?
Apocalipsis 14:13
At narinig
ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, MAPAPALAD ang
mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu,
upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; SAPAGKA'T ANG KANILANG MGA
GAWA AY SUMUSUNOD SA KANILA.
Kaya huwag
na tayong magbaka-sakali sa maling aral na hindi na kailangan ng gawa. Tiniyak
ng Biblia na ang mga gumagawa ng aral ni Cristo at ng Ama ang makakapasok sa
langit. Ang mga kumikilala sa Dios ay HINDI DAPAT NAGBABAKASAKALI lalo
na at kaluluwa niya ang nakasalalay.
TANONG: Ano ang dapat masiguro ng
naghahangad ng kaligtasan?
I Corinto 9:26
“Kaya AKO’Y TUMATAKBO TUNGO SA ISANG TIYAK NA HANGGANAN; HINDI AKO SUMUSUNTOK SA HANGIN.”
Kaya ang aral na “SUMAMPALATAYA LAMANG” ay ligtas na ay ARAL NA SUNTOK SA HANGIN wala itong katiyakan sa kaligtasan. Ibig
sabihin hindi ikapagtatamo ng kaligtasan dahil napatunayan nating labag ito sa
itinuturo ng Biblia.
Napatunayan natin na nagkamali ng
pakahulugan ang mga gumagamit ng Juan 3:16 sa kanilang
pagtuturo.
Sa halip na ipagdamdam ng mga hindi
pa kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ang
aming paglalahad na ito ay inyong ituring na isang pagmamalasakit ito sa inyo.
Kami ay nagsasabi ng KATOTOHANANG ito
ay batay sa mga salita na nakasulat sa BIBLIA
na sana ay siyang ating TANGGAPIN,
PANIWALAAN, at higit sa lahat ay ating SUNDIN.
No comments:
Post a Comment