TUNGKOL
SA IPINANANAKOT NA PURGATORYO
Ang
mga KATOLIKO ay may pinaniniwalaang PURGATORYO. Ito ang itinuro ng mga PARI sa kanila at tinanggap naman nila nang HINDI NA SINURI kung
saan nagmula ang aral na ito—kung mula sa Diyos o kung mula lamang sa mga
tao. Sukat ang ito’y kinagisnan nila
sapat na yaon upang sila’y SUMAMPALATAYA
at lubos na MAGTIWALA hanggang sa
pati ang MGA LUPA nila at MGA KAYAMANAN
nila ay ibigay nila sa SIMBAHAN (kaya nagkaroon ng asyenda ang mga pari sa
Pilipinas) — sapagkat pinapaniwala sila ng mga pari na sa pamamagitan ng
kanilang PAGPAPARASAL at PAGPAPAMISA ay MAHAHANGO ANG MGA KALULUWA NG KANILANG MGA MINAMAHAL SA APOY NG (umano’y) PURGATORYO.
TANONG: Ano ang aral ng IGLESIA KATOLIKA
ukol sa KALULUWA PAGKAMATAY NG TAO?
Bilang patotoo, sisipiin natin ang sinasabi ng isang
PARING KATOLIKO sa kaniyang isinulat
na aklat na pinamagatang:
SIYA ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO; ni Enrique Demond, p. 71
“ANG TATLONG ESTASION PAGKAMATAY NG KATAWAN
NG TAO”…
“PAGKAMATAY NA PAGKAMATAY NG ATING KATAWAN
ANG KALULUWA NATIN AY HAHARAP AGAD SA HUKOM NA SI JESUCRISTO upang
ipagbigay sulit niya ang kanyang mga gawa at ayon sa kahatulan siya’y
mapaparoon sa LANGIT, sa INFIERNO o sa PURGATORYO.”
Ayon sa pagtuturo ng pari, PAGKAMATAY NA PAGKAMATAY RAW NG TAO, ANG KALULUWA RAW nito’y HAHARAP AGAD SA HUKOM NA SI JESUCRISTO
upang magsulit at ayon daw sa kahatulan,
ito ay mapaparoon sa LANGIT, sa IMPIYERNO o sa PURGATORYO. Ang PURGATORYO
raw ay ISA SA DAKONG PATUTUNGUHAN NG
KALULUWA PAGKAMATAY NG TAO.
TANONG: Ano ang PURGATORYO?
Ang makasasagot sa tanong na iyan ay ang mga
paring kumatha ng PURGATORYO, kaya
mga pari rin ang nakakaalam kung ano ito.
Tingnan natin ang paliwanag ng isang pari:
SIYA
ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO; ni Enrique Demond, pp. 71-73
“ANG PURGATORYO AY ISANG POOK NA SANGAGAN NA
KINALALAGYAN NG MGA KALULUWA NA NANGAMATAY sa mahal na grasia ng Dios,
datapuwa’t hindi pa nakapagbabayad dito sa lupa ng boong pagbabayad sa tapat na
katarungan ng Dios DAHIL SA MGA
KASALANANG munti o dahil sa parusang may hanggan na HINDI PA PINATATAWAD.”
Tunghayan naman natin ang paliwanag ng isa pang pari
sa kaniyang isinulat na aklat:
CATECISMO: ni Luis de Amezquita, pp.
25
“T.
DIYATA ANO ANG PURGATORYO?
S. PAGSASANGAGAN (kung baga
sa ginto) SA MGA KALULUWA NG KRISTIANONG banal na nakapagsisi man
at nakapagkumpisal man datapuwa’t HINDI
PA NAKAPAGKAWAS DITO SA LUPA NG BOONG KAWAS SA MGA KASALANAN NILA…”
Kung susuriin nating mabuti ang purgatoryong
nilikha ng mga pari lumalabas ayon din sa kanilang paliwanag:
Ang LAHAT ng mga KATOLIKO kasama na ang lahat ng mga PAPA at mga PARI. MASUSUGBA sa kanilang SANGAGANG PURGATORYO.
Bakit?
Sapagka’t ayon sa kanila, ANG
SASANGAGIN SA PURGATORYO ay ang mga
KALULUWA ng mga KRISTIYANONG BANAL
na kahit namatay sa grasya ng Diyos, NAKAPAGSISI
at NAKAPAGKUMPISAL MAN nguni’t HINDI pa NAKAPAGKAWAS dito sa lupa.
Dahil sa PATI ANG MGA PAPA AT MGA
PARI ay nagkukumpisal at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan, at NANINIWALA SILA na sila’y mga kristiyanong
banal, kaya SILANG LAHAT AY SASANGAGIN
SA kanilang SANGAGANG PURGATORYO.
Kung gayon, WALANG
KATOLIKO ANG MAKALILIGTAS SA APOY NG PURGATORYO (kung totoo ngang mayroon nito).
TANONG: Papaano raw matutulungan ang mga kaluluwang sinasangag sa purgatoryo? Ganito ang sabi ng isang Cardinal ng Iglesia
Katolika:
ANG PANANAMPALATAYA NG ATING MGA NINUNO, ni Cardinal James Gibbons, pp. 210
“MAY ISANG PURGATORYO, at ANG MGA KALULUWANG NAPIPIGIL DOON AY
MATUTULUNGAN NG MGA PANALANGIN NG
MGA MATAPAT, lalung-lalo na sa pamamagitan ng karapat-dapat na Sacrificio
sa Altar.”
Ganito naman ang patotoo ng paring si Enrique
Demond sa kanyang aklat:
SIYA ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO: ni Enrique
Demond, pp. 73
“ANG DINADALITA NG MGA KAAWA-AWANG KALULUWA
SA PURGATORYO ay ang hindi pagkakita sa Diyos at maraming sarisaring hirap
at sakit. WALA SILANG MAGAGAWA SA SARILI NILA UPANG MAKAALIS SA KANILANG
KAPAHAMAKAN. Nguni’t TAYONG NABUBUHAY PA DITO SA LUPA ANG
MAKATUTULONG AT MAKAPAGBABAYAD SA KANILANG UTANG SA DIYOS. TAYO AY MAKATUTULONG
SA KANILA SA PARAAN NG MGA PANALANGIN, NG MGA INDULHENSIYANG IPINATUTUNGKOL SA
KANILA, ng mga paglilimos at ng ibang gawang kabanalan, LALUNG-LALO NA SA PARAAN NG SACRIFISIO NG
SANTA MISA.”
PANALANGIN daw at MISA ng mga taong nabubuhay ang
makatutulong sa mga kaawa-awang kaluluwa na nasa purgatory. KUNG TOTOONG MAY PURGATORYO at ang mga kaluluwa
ng “KRISTIYANONG BANAL” nagsisi at
nagkumpisal man na mga katoliko ay sinasangag doon at ang tanging makatutulong
upang sila’y mahango roon ay ang mga buhay na naririto sa lupa, sa pamamagitan
ng kanilang mga panalangin at pagmimisa.
- Bakit hindi manalangin nang manalangin at magmisa nang magmisa ang mga pari KAHIT NA WALANG BAYAD upang mahango sa sinasabi nilang purgatoryo ang mga kaluluwang umano’y pinarurusahan doon ,
- Bakit KUNG WALANG BAYAD ay AYAW MAGMISA ang mga pari?
- Ang ibig pa nila ay ADELANTADO ANG BAYAD at BUHAY KA PA AY MAGBAYAD KA NA RAW AGAD upang kung mamatay ka ay tiyak daw na maipagpapamisa ang kaluluwa mo.
- Papaano ang mga WALANG IBABAYAD sa pari, di mabubulok sa purgatoryo?
- Maliwanag na ang hinahango ng mga pari ay hindi ang kaluluwa sa panakot nilang purgatoryo KUNDI ANG PERA SA BULSA NG KANILANG MGA NADAYA AT NALINLANG.
Kung ang ARAL
tungkol sa PURGATORYO ay aral na
mula sa Diyos dapat itong masumpungan sa BANAL
NA KASULATAN. Ang mga ARAL NG DIYOS ay nasusulat sa BIBLIA.
Ang mga itinuro ng ating PANGINOONG
JESUCRISTO ay nasusulat sa Biblia gayundin ang ipinangaral ng mga APOSTOL.
- Tungkol sa PURGATORYO na ISANG KATHA NG MGA PARI ay WALANG SINASABI ang BIBLIA.
- Ang BIBLIA ay TAHIMIK tungkol sa PURGATORYO!
- Si CRISTO ay WALANG BINANGGIT na SANGAGAN NG MGA KALULUWA.
- ANG MGA APOSTOL ay HINDI RIN NAGTURO ng UKOL sa BAGAY NA ITO.
Ang mga paring Katoliko lamang ang nagtuturo
niyan. Hindi natin ito dapat ipagtaka,
sapagka’t ang mga pari nama ay hindi sinugo ng Diyos. Hindi sila inutusan upang mangaral ng
Ebanghelyo. At dahil sa ANG ARAL TUNGKOL SA PURGATORYO AY WALA SA
BIBLIA, ITO AY HINDI ARAL NG DIYOS KUNDI ARAL NG TAO, AT KUNG ARAL NG TAO, ITO
AY WALANG KABULUHAN SA HARAP NG DIYOS, kaya dapat itakwil sapagka’t ibang
ebanghelyo.
Mateo 15:9
“Datapuwa't WALANG KABULUHAN ANG PAGSAMBA NILA SA AKIN,
NA NAGTUTURO NG KANILANG PINAKAARAL ANG MGA UTOS NG MGA TAO.”
Galacia 1:6-9
“Ako'y
namamangha na KAY DALI NINYONG
NAGSILIPAT SA IBANG EVANGELIO buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi MAYROONG
ILAN NA SA INYO'Y NAGSISILIGALIG, AT NANGAGIIBIG NA PASAMAIN ANG EVANGELIO NI
CRISTO. Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ANG MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO
NA IBA SA AMING IPINANGANGARAL SA INYO, AY MATAKUWIL. Ayon sa aming sinabi
nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, KUNG ANG SINOMAN AY MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA KAY SA
INYONG TINANGGAP NA, AY MATAKUWIL.”
TANONG: Kami ba lamang ang nagsasabing wala sa Biblia ang aral tungkol sa
purgatoryo? Tingnan natin ang sinasabi ng Pambansang Bayani na si Jose
Rizal tungkol dito sa purgatoryong ipinananakot ng mga pari:
Noli Me Tangere, pp.
52
“Subali’t IPAGPATULOY NATING ALAMIN KUNG PAPAANO
NAPALIPAT SA KATOLISISMO ANG PURGATORYONG IYAN, NA HINDI NATUTUNGHAN SA BIBLIA
NI SA MGA BANAL NA EBANGHELYO, SI MOISES MAN AT SI JESU-CRISTO AY DI BUMANGGIT
BAHAGYA MAN SA BAGAY NA ITO…ANG MGA KRISTIYANO NG MGA UNANG SIGLO AY HINDI
NANINIWALA SA PURGATORYO. Sila’y nangamamatay na taglay ang masayang
pag-asa na madaling makakaharap ang Diyos.”
Maliwanag ang sabi ni Rizal. ANG
PURGATORYO NG MGA PARI AY HINDI MATUTUNGHAN SA BIBLIA O SA EBANGHELYO. SI MOISES NA DAKILANG LIDER SA PANAHON NG
ISRAEL AT SI JESUCRISTO NA PINAKADAKILANG LIDER SA PANAHONG KRISTIYANO, AY
HINDI BUMANGGIT BAHAGYA MAN TUNGKOL SA PURGATORYO.
TANONG: Bakit nagkaroon ng aral na Purgatoryoang Iglesia Katolika? Sino ang kumatha nito? Sino ang nagpasya na
magkaroon ng aral na purgatoryo ang Iglesia Katolika? Sasagutin tayo ng paring Paulista sa
kanyang aklat na:
THE QUESTION BOX, ni Bertrand L. Conway, pp. 393
“THE CATHOLIC CHURCH HAS DEFINED THE
EXISTENCE OF PURGATORY IN THE DECREE OF UNION drawn up AT THE COUNCIL OF FLORENCE IN 1439 and AGAIN AT THE COUNCIL OF TRENT (Sess. xxv.) which says: “THE
CATHOLIC CHURCH, instructed by the Holy Ghost, has from Sacred Scriptures
and the ancient traditions of the Fathers, TAUGHT
IN SACRED COUNCILS, and very recently in the Ecumenical Synod (Sess. vi.,
can. 30; Sess. xxii., chs. 2, 3), THAT
THERE IS PURGATORY, AND THAT THE SOULS THEREIN DETAINED ARE HELPED BY THE
SUFFRAGES OF THE FAITHFUL, BUT PRINCIPALLY BY THE ACCEPTABLE SACRIFICE OF THE
ALTAR.”
Salin Sa
Pilipino:
“ANG PAGKAKAROON NG PURGATORYO AY TINIYAK NG
IGLESIA KATOLIKA SA PAMAMAGITAN NG UTOS O PASYA SA PAGKAKAISA (DECREE OF UNION)
na niyari sa KONSILYO NG FLORENCIA
NOONG 1439, at INULIT SA KONSILYO NG TRENTO (sess xxv.) na nagsasaad: ‘ANG
IGLESIA KATOLIKA na tinuruan ng Espiritu Santo, mula sa mga Banal na
Kasulatan at sa matatandang kaugalian ng mga magulang ay nagturo sa mga Banal
na Kapulungan (Sacred Council) at ngayon
AY NAGTUTURO SA PANGKALAHATANG
KAPULUNGAN (Ecumenical Synod Sess.
vi., can 30; Sess. xxii, chs. 2, 3) ito, NA
MAYROONG PURGATORYO, AT ANG MGA KALULUWANG DOON AY NAPIPIGIL AY NATUTULUNGAN SA
PAMAMAGITAN NG MGA PANALANGIN NG MGA TAPAT, NGUNI’T LALUNG-LALO NA NG KARAPAT-DAPAT
NA HANDOG SA DAMBANA.”
Maliwanag sa sagot na ito ng paring si Conway na ANG PURGATORYONG IPINANGANGARAL NILA AY
HINDI ARAL NA MULA SA DIYOS KUNDI SA PASYA NG KONSILYO NG FLORENCIA NOONG 1439
AT INULIT SA KONSILYO NG TRENTO. Ano
ang karapatan ng mga konsilyong ito upang yumari ng mga aral na
sasampalatayanan ng tao? Na tinuruan daw
sila ng Espiritu Santo at ang itinuro ay MAYROON
DAW PURGATORYO AT ANG MGA KALULUWANG DOO’Y NAPIPIGIL AY MATUTULUNGAN DAW SA
PAMAMAGITAN NG MGA PANALANGIN AT LALO NA RAW NG KARAPAT-DAPAT NA HANDOG SA
DAMBANA O MISA? Hindi Espiritu Santo
ang nakapagturo sa mga obispong bumuo ng Konsilyong yumari at nagpasyang may
Purgatoryo. WALANG KINALAMAN ANG ESPIRITU SANTO sa kathang aral na ito ng mga
Pari! Sinasangkalan lamang nila ang
Espiritu Santo upang madaya at malinlang ang mga panatikong Katoliko.
TANONG: Totoo ba na ang Purgatoryo ay isang daya? Na ito’y hindi umiiral? Na
ito’y imbento lamang ng Iglesia Romana?
Tunghayan ninyo ang PAGTATAPAT ng ISANG NAGING
PARING KATOLIKO SI G. LUCIEN VINET. Tumanggap siya ng orden noong 1933, katulong na paroko sa St. Jean at
Moris, Manitoba; Pastor ng Lac de Bonnet, Manitoba; kapelyang (Chaplain)
katoliko sa Royal Canadian Air Force nang ikalawang Digmaang Pandaigdig, at UMALIS SA PAGKAPARI NOONG 1942. Ganito
ang sabi niya sa kanyang aklat na pinamagatang:
I Was A Priest, by Lucien Vinet, pp. 7
“INDEED, AS ROMAN PRIEST, WE HAVE ACCEPTED FROM
THEM MASS MONEY TO RELIEVE THE SOULS IN A NON-EXISTENT PURGATORY. WE TOOK ADVANTAGE OF OUR PARISHIONERS
RELIGIOUS SUPERSTITIONS AND WE PLAYED ON THEIR FEELINGS TO EXTRACT FROM THEM
MONEY UNDER PRETEXT OF DELIVERING THEIR DEPARTED BELOVED ONES FROM IMAGINARY
SUFFERINGS OF A FICTITIOUS PURGATORY.”
Salin Sa
Pilipino:
“SA KATOTOHANAN, BILANG MGA PARING ROMANO,
KAMI AY TUMATANGGAP MULA SA KANILA NG SALAPING PARA SA MISA UPANG HANGUIN ANG
MGA KALULUWA SA ISANG HINDI UMIIRAL NA PURGATORYO. AMING SINASAMANTALA ANG AMING MGA PAROKYA SA KANILANG MGA PAMAHIIN UKOL
SA RELIHIYON AT AMING PINAGLALARUAN ANG KANILANG MAKATAONG DAMDAMIN UPANG
KATASIN MULA SA KANILA ANG SALAPI SA ILALIM NG BALATKAYONG PAGLILIGTAS SA
KANILANG MGA YUMAONG MINAMAHAL MULA SA HINIHINAGAP NA PAGDURUSA SA KABULAANANG
PURGATORYO.”
I
Was A Priest, by Lucien Vinet, pp. 10
“THE REAL JUDAS IS THE ROMAN PRIEST WHO KNOWS
THE WICKEDNESS OF ROMANISM AND YET CLINGS TO IT FOR MATERIAL GAIN.”
Salin Sa Pilipino:
“ANG TUNAY NA JUDAS AY ANG PARING ROMANO NA
NAKAAALAM NG KABUKTUTAN NG ROMANISTA AT GAYUNMAN AY NANGANGAPIT DITO DAHIL SA
PAKINABANG.”
I Was A Priest, by Lucien Vinet, pp. 28
“WHEN WILL ROMAN CATHOLIC THROUGHOUT THE WORLD
OPEN THEIR EYES AND COME TO THE REALIZATION THAT THE HOLINESS OF THEIR CHURCH
AND THEIR PRIESTS IS A PURE FARCE!”
Salin Sa Pilipino:
“KAILAN PA KAYA IDIDILAT ANG MGA MATA NG MGA
KATOLIKO ROMANO SA BUONG DAIGDIG AT DARATING SA PAGKATIYAK NA ANG KABANALAN NG
KANILANG IGLESIA AT NG KANILANG MGA PARI AY ISANG TUNAY NA BIRU-BIRUAN.”
I
Was A Priest, by Lucien Vinet, pp. 41
“PURGATORY, LIKE MASS, HAS NO FOUNDATION IN HOLY
SCRIPTURE. CHRIST ANG THE FIRST
CHRISTIANS NEVER TALKED ABOUT IT AND NEVER KNEW OF ITS SUPPOSED EXISTENCE.”
Salin Sa
Pilipino:
“ANG PURGATORYO, GAYA NG MISA, AY WALANG SALIGAN
SA BANAL NA KASULATAN. SI CRISTO AT ANG
UNANG KRISTIYANO AY HINDI KAILAN MAN NAG-USAP UKOL DITO AT HINDI NALAMAN ANG
KANYANG IPINALALAGAY NA PAG-IRAL.”
I Was A Priest, by Lucien Vinet, pp. 41
“WE EX-PRIEST, KNOWS VERY WELL THAT MASS AND
PURGATORY ARE INVENTIONS THAT ARE EXCEEDINGLY PROFITABLE, but so NOT ASK A PRIEST who is still in
bondage to Rome to explain to you what Mass really is and how it has come into
being . HE CANNOT ANSWER YOU WITH SINCERITY.”
Salin Sa Pilipino:
“KAMING MGA NAGING PARI, ANG NAKAAALAM NA
MABUTI NA ANG MISA AT ANG PURGATORYO AY MGA IMBENTO NA MAY SUKDULANG PAKINABANG,
datapuwa’t HUWAG TATANUNGIN ANG ISANG
PARI na natatalian ng Roma na magpaliwanag sa inyo kung ano ang Misa sa
katotohanan at kung papaano ito lumitaw, SIYA’Y
HINDI MAKASASAGOT SA INYO NANG BUONG KATAPATAN.”
NARITO ANG PAGTATAPAT NG NAGING PARING SI G. LUCIEN VINET.
- Hindi totoong may purgatoryo.
- Iyan ay hindi umiiral!
- Iyan ay kabulaanan!
- Iyan ay imbento lamang ng Iglesia Romana!
- Ang pagdurusa ng mga kaluluwang umano’y nasa purgatoryo ay sa hinagap lamang. Nguni’t binabayaran ng mahal ang paring nagmimisa ng mga kaawaawang nadaya, sa pag-asang sa pamamagitan nito’y mahahango ang mga kaluluwang hinihinagap na nagdurusa sa kabulaanang purgatoryo.
- Alam ng lahat ng pari ang kabuktutang ito ng Iglesia Katolika nguni’t nangangapit pa rin sila rito dahil sa pakinabang.
- Alam din nila na ang purgatory ay walang saligan sa Banal na Kasulatan at si Cristo at ang unang Cristiano ay walang kamalayan ukol dito nguni’t sinasamantala nila ang kamangmangan ng kanilang kaanib upang katasin mula sa kanila ang salapi sa ilalim ng balatkayong pagliligtas sa kanilang mga yumaong mga minamahal mula sa hinihinagap na pagdurusa sa kabulaanang purgatoryo.
Salamat na lamang sa Diyos at nagkaroon ng isang
Lucien Vinet na nagkaroon ng lakas ng loob na ibunyag ang KARIMA-RIMARIM NA RAKET ng mga nagpapanggap pa namang mga kahalili
ng Diyos dito sa lupa.
Isa pa ring paring katoliko ang dahil sa hindi
matagalan ang sumbat sa kanya ni Cristo dahil sa kanyang pagnanakaw sa salapi
ng mga kaawa-awang tao sa pamamagitan ng kanyang walang kabuluhang pagmimisa ay
iniwan ang pagka-pari. Siya’y si G. JOSEPH ZACCHELLO, na nagtamo ng
karapatang pagkapari noong IKA-22 NG
OKTUBRE, 1939. Ganito ang kanyang
pagtatapat na mababasa sa kanyang sinulat na polyeto na pinamagatang:
The Priest Who Found Christ
“Ang mga
maralitang tao ay pinagkakalooban ako ng mula sa $5.00 HANGGANG $30.00 sa DALAWAMPUNG
MINUTONG SEREMONYANG TINATAWAG NA MISA, sapagka’t IPINANGANGAKO KO SA KANILA NA PALALAYAIN ANG KALULUWA NG KANILANG MGA
KAMAG-ANAK SA APOY NG PURGATORYO.
Nguni’t sa tuwing pagmamalasin ko ang malaking krusipiho sa dambana ay WARING SI CRISTO AY SINUSUMBATAN AKO AT
SINASABING: NINANAKAW MO ANG SALAPI NG
MGA TAO, ng mga nilikhang nagpapakahirap sa paggawa, SA PAMAMAGITAN NG IYONG WALANG KATOTOHANANG MGA PANGAKO. IKAW AY NAGTUTURO NG MGA ARAL NA LABAN SA
AKING MGA ARAL.”
Maliwanag ang pagtatapat na ito ng naging paring
si Joseph Zacchello. PAGNANAKAW ang tawag sa kanilang
ginagawang pagsingil sa mga tao ng salapi dahil SA KANILANG PAGMIMISA NA IPINANGANGAKONG PALALAYAIN ANG KALULUWA NG
KANILANG MGA MINAMAHAL SA APOY NG PURGATORYO. SINUSUMBATAN
SIYA NI CRISTO ayon sa kanya at SINASABING
ANG KANYANG MGA PANGAKO AY WALANG KATOTOHANAN, AT NAGTUTURO SIYA NG MGA ARAL NA
LABAN SA KANYANG MGA ARAL. At dahil
hindi niya matagalan ang sumbat sa kanya iniwan niya ang pagka-pari at
ipinagtapat ang mga katotohanang ito.
Ganito sana ang lahat ng mga pari!
Lahat sana ng mga paring katoliko ay katulad nina Lucien Vinet at Joseph
Zacchello!
Bihirang katoliko marahil ang nakakaalam na buhay
pa sila ay dapat na silang magbayad (adelantado ang bayad) sa mga pari (P5.00 ISANG MISA; 30 SUNUD-SUNOD NA ARAW
NA MAGMIMISA KAYA ANG KABUUANG HALAGA AY P150), upang kung sila’y mamatay
ay makasiguro (raw) sila na maipagpamisa ang kanilang mga kaluluwa. Sa ikatitiyak ng mga kababayang katoliko ng
mga bagay na ito, tunghayan ninyo ang sinasabi sa:
THE FAMILY CHRISTIAN CALENDAR 1950
“MAKIPAGKAYARI NGAYON UKOL SA MISA PAGKATAPOS NG
INYONG KAMATAYAN”
“Ang aming TANGING KASUNDUAN ukol sa MISA (MISA ESPESYAL) ay magdudulot sa
iyo ng kapakinabangan ng mga MISA BATAY
SA HALAGA SA KASUNDUAN KAPAGKARAKA PAGKATAPOS NG INYONG KAMATAYAN — panahong
nangangailangan ang iyong kaluluwa ng tulong ukol sa espiritu. Walang pagkabalam gaya ng sa mga bagay na ang
testamento ay pinawalang kabuluhan,
walang misang gaganapin. KUNG ILALAGAK MO ANG IYONG BAYAD NGAYON,
PINANANAGUTAN NAMIN NA MAGSAGAWA NG MGA MISA, KAPAGKARAKA NA MAIPAGBIGAY ALAM
SA AMIN ANG IYONG PAGKAMATAY AT KUNG HIHILINGIN MO, MAGBABAYAD KAMI NG 2% (P.02
SA PISO NA TUBO) SA IYONG DEPOSITO, KUNG ITO’Y P200.00 O HIGIT PA. May karapatan ka rin, kung ibig mo, na kuning
muli ang kuwalta sa panahon ng mahigpit na pangangailangan na kami’y mabigyan
ng tatlumpung araw na palugit.
“SA GANITONG MAGAAN NA PARAAN PINAKAMABUTING
MAGBIGAY SAMANTALANG NABUBUHAY KA PA NIYONG BINABALAK MONG IBIGAY SA PANAHON NG
KAMATAYAN. ANO MANG HALAGA MULA P50.00
PATAAS AY TINATANGGAP.
ANG HALAGA NG ISANG MISA AY P5.00.
“MGA MISA NI GREGORIO”
“Si San Gregoriong
Dakila ay itinagubilin ang paggawa ng 30
MISA SA LOOB NG 30 SUNUD-SUNOD NA ARAW na tanging patungkol sa pagpapahinga
ng tanging tinutukoy na patay. Ito ang
banal na paniniwala, PINATUTUNAYAN NG
MARAMING MULTO, na sa katapusan ng ika-30 misa ang kaluluwa ay mahahango sa
apoy ng PURGATORYO.
“Ang
tatlumpung Misang ito ay kailangang isagawa sa loob ng 30 sunud-sunod na araw,
walang patlang. Kung mapatlangan, dapat
ulitin mula sa pasimula.
“Ang mga
ito’y maaaring patungkol lamang sa namatay.
“Ang mga
Misa ni Gregorio ay isa sa mga dakilang tulong sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.
“ANG MGA MISA NI GREGORIO UKOL SA ISANG TAO”
“Magkaroon
ng mga Misa ni Gregorio patungkol sa iyong mahal na yumao at makipagkayari na
ang mga ito’y maisagawa kapagkaraka pagkatapos ng iyong pagkamatay. Wala nang ibang higit na maaaring makaalaala
na maipatungkol sa iyo kundi ikaw na rin.
“IPADALA ANG IYONG BAYAD SA MGA PARI ni
San Pablo at MAKIPAGKAYARI SA MGA
MAPAGKAKATIWALAANG MGA TAO NA MAGBABALITA SA AMIN PAGKATAPOS NG IYONG
PAGKAMATAY. ANG MISA AY SISIMULAN AGAD.
“BAYAD SA MGA MISA NI GREGORIO”
“Ang mga
Pari ni San Pablo ay tumatanggap ng pinakamababang bayad sa halagang P150 sa
mga misa ni Gregorio. Maraming tao ay
nagpapadala ng malaking bayad dahil sa pangyayaring ang pananagutan ng mga Misa
ni Gregorio ay nagtataglay ng kapansinpansing balakid.”
Ito’y maliwanag.
Hinihingi ng mga pari na ang mga Katoliko ay magbayad na samantalang
nabubuhay upang kung mamatay ay tiyak daw na mai-pagpapamisa agad ang kanilang
kaluluwa at tiyak din nilang sa katapusan ng ika-30 Misa (30 Misa ang gagawin
sa loob ng 30 sunud-sunod na araw) ang kaluluwa raw ay mahahango sa apoy ng
Purgatoryo.
Samakatuwid talagang ang mga katoliko ayon sa mga
pari pagkamatay ay sa purgatory ang tungo!
Kaya ngayon pa ay (buhay pa sila at wala pa sa purgatoryo nila)
pinagbabayad na sila upang pagkamatay nila ay masimulan na ng pari ang paghango
sa kanilang kaluluwa. Nguni’t ang
nakapagtataka lamang nito ay naipagpamisa na at lahat nagdaan na ang maraming
Todos los Santos ay hindi pa rin nahahango ang nasabing kaluluwa. May talaan ba ang mga pari ng mga kaluluwang
mga nahango na ang mga kasalukuyang hinahango at ang mga hahanguin pa? Natitiyak nating wala! At talaga namang wala. Ang unang wala ay ang sinasabi nilang
purgatoryo. Iyan ay hindi umiiral at
kabulaanan lamang! At lalong walang mga
kaluluwang sinasangag doon!
Panahon na upang idilat ng mga kababayang naming Katoliko
ang kanilang mga mata sa katotohanan!
Magsuri lamang sila at ang pagbatayan ay ang mga salita ng Diyos na
nasusulat sa Biblia matitiyak nilang sila ay nadaya at nalinlang! Magbalik loob kayo sa Diyos habang may
panahon pa!
No comments:
Post a Comment