Tuesday, September 22

PAGSUSURI SA ARAL NG MORMONS


JOSEPH SMITH TUNAY BANG SUGO NG DIYOS


Sa panahon natin ngayon na laganap ang napakaraming relihiyon at napakaraming mangangaral na nagpapakilalang sila ang tunay at may karapatan sa pangangaral. Ang ating Panginoong Diyos ay hindi nagkulang ng pagbibigay sa atin ng gabay kung papaano makikilala ang tunay na mangangaral at ang tunay na relihiyon at ito’y sinalita ng Diyos at ipinasulat niya sa Biblia o mga Banal na Kasulatan.

TANONG: Ano sinasabi ng Diyos sa mga BULAANG PROPETA o HINDI TUNAY NA SUGO ng Diyos?

Jeremias 23:21
HINDI KO SINUGO ANG MGA PROPETANG ITO, gayon ma'y nagsitakbo sila: AKO'Y HINDI NAGSALITA SA KANILA, GAYON MA'Y NANGHULA SILA.

Jeremias 14:14
Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, ANG MGA PROPETA AY NANGHUHULA NG KASINUNGALINGAN SA AKING PANGALAN; HINDI KO SILA SINUGO, O INUTUSAN KO MAN SILA, O NAGSALITA MAN AKO SA KANILA: SILA'Y NANGANGHUHULA sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at NG BAGAY NA WALA, at ng daya ng kanilang sariling puso.

Jeremias 23:26 Magandang Balita
KAILAN PA BA MAGBABAGO ANG MGA PROPETANG ITO NA NANGANGARAL NG KASINUNGALINGAN AT NAGPAPAHAYAG NG SARILI NILANG MGA KATHA?

TANONG: Paano makikilala ang TUNAY NA SUGO ng Diyos?

Isaias 8:20
Sa KAUTUSAN at sa PATOTOO! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.

Ibinigay ng Diyos ang pagkakakilanlan sa TUNAY NA SUGO. Dalawa ang katangiang kailangan nilang taglayin ayon sa Diyos: sila’y nagsasalita ayon sa;

(1) KAUTUSAN
(2) PATOTOO

Ang sabi nga “KUNG HINDI SILA MAGSALITA NG AYON SA SALITANG ITO TUNAY NA WALANG UMAGA SA KANILA”.  Ang UMAGA ay kasingkahulugan ng LIWANAG:

Isaias 58:8
“Kung magkagayo'y SISIKAT ANG IYONG LIWANAG NA PARANG UMAGA, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.”

Ibig sabihin kung hindi taglay ng isang mangangaral ang dalawang katangiang binanggit ng Diyos, ang nasa kanila ay hindi liwanag kundi kadiliman – ang mga mangangaral na ito ay hindi mga tunay na sugo ng Diyos kundi MGA BULAANG PROPETA o MGA BULAANG GURO.

1.  ANG KAUTUSAN

TANONG:  Ano ang kahulugan ng KAUTUSAN ayon sa Biblia?

Kawikaan 6:23
Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang KAUTUSAN ay liwanag; at ang mga saway na TURO ay daan ng buhay:”

Ayon sa Biblia ang KAUTUSAN ay “TURO o “ARAL” na ito’y daan ng buhay.

TANONG: Paano kung mangaral ang tunay na sugo ng Diyos?

Juan 7:16-18
Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay MAKIKILALA NIYA ANG TURO, KUNG ITO'Y SA DIOS, O KUNG AKO'Y NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ANG HUMAHANAP NG KALUWALHATIAN NIYAONG SA KANIYA'Y NAGSUGO, ANG GAYON AY TOTOO, AT SA KANIYA'Y WALANG KALIKUAN

Ayon sa Panginoong Jesu Cristo, makikilala ang TUNAY NA SUGO kung ang itinuturo niya ay galing sa nagsugo sa kaniya [ANG PANGINOONG DIOS] at hindi siya nagsasalita na mula sa kaniyang sarili lamang. Samakatuwid ang tunay na sugo ay nagsasalita at nagtuturo ng tunay na mga aral na pawang nakasulat sa mga Banal na kasulatan o ng Biblia, hindi siya nagtuturo ng aral na hindi mababasa sa mga Banal na Kasulatan o mga aral na inimbento o kinatha lamang. Ang kaniyang itinuturo ay DALISAY O PURONG MGA SALITA NG DIYOS na nasa Biblia:

TANONG: Paano pa kung mangaral ang tunay na sugo ng Diyos?

Juan 3:34  
“SAPAGKA'T ANG SINUGO NG DIOS AY NAGSASALITA NG MGA SALITA NG DIOS: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.”

Ang kaniyang itinuturo ay DALISAY o PURONG MGA SALITA NG DIYOS na nasa Biblia. Hindi DINARAGDAGAN O BINABAWASAN ng tunay na sugo ng Diyos ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia. Ang itinuturo niya’y kung ano lamang ang mababasa at nasusulat sa Banal na Aklat.

TANONG: Ano ang kaibahan ng tunay na sugo sa ibang mga mangangaral ngayon ng relihiyon?

1 TESSALONICA 2:3 
“Sapagka't ANG AMING INIAARAL AY HINDI SA KAMALIAN, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

Ang kaniyang aral ay WALANG KALIKUAN O KAMALIAN. At kailan man ay hindi mo siya makikitaan ng kahit isang aral na wala sa Biblia.

2.  ANG PATOTOO

Hindi lamang ang kautusan ang sapat na batayan upang kilalanin silang tunay, dapat taglay din nila ang PATOTOO, na ito naman ang kahulugan ayon sa Biblia.

Apocalypsis 19:10
“At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, “Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong PATOTOO ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng HULA.”

Sa saling English ganito ang pagkakasalin sa talatang iyan.

Apocalipsis 19:10 (King James Version)
And I fell at his feet to worship him. And he said unto me, See thou do it not: I am thy fellowservant, and of thy brethren that have the TESTIMONY of Jesus: worship God: for the testimony of Jesus is the SPIRIT OF PROPHECY.

Ang ibig sabihin ng PATOTOO sa Biblia ay HULA o sa wikang ingles ay prophecy (basahin sa King James Version ang nakalagay ay … “spirit of prophecy” ) at hindi guesing.

Samakatuwid ang TUNAY NA SUGO ay dapat taglay ang dalawang katangiang ito:

1.   KAUTUSAN - Ang itinuturo niya ay HANGO SA MGA SALITA NG DIYOS na nakasulat sa Biblia at hindi galing sa kaniyang sarili lamang at hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag at ng kaniyang sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.

2.  PATOTOO - Dapat may HULA o PROPESIYA na tumutukoy sa kaniyang KAHALALAN o “AUTHORITY” ng kaniyang pagkasugo, sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral - sa madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo.

Kung ang mga katangiang nabanggit ay hindi taglay ng isang nagpapakilalang mangangaral, siya’y hindi tunay na sugo ng Diyos. At ang kaniyang turo ay turo lamang ng tao.  At kapag turo lamang ng tao ang ating nasunod, mawawalan ng kabuluhan ang ating ginagawang paglilingkod at pagsamba sa Diyos:

Mateo 15:9
DATAPUWA'T WALANG KABULUHAN ANG PAGSAMBA NILA SA AKIN, NA NAGTUTURO NG KANILANG PINAKAARAL ANG MGA UTOS NG MGA TAO.”

Kumuha tayo ng mga halimbawa sa Biblia, na hinulaan ang kanilang kahalalan o karapatan bilang mga sugo ng Diyos.

HALIMBAWA NG MGA SUGO NG DIYOS NA MAY HULA O PROPESIYA SA BIBLIA:

1.      SI JUAN BAUTISTA:

Maraming taon pa bago ang pagkapanganak kay Juan Bautista ay hinulaan na ang kaniyang pagdating at ang tungkulin na kaniyang gagampanan. Gaya ng mababasa sa aklat ni Propeta Isaias:

Isaias 40 :3
“Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.”

At makalipas ang ilang daang taon. Nangaral si Juan Bautista na siyang katuparan ng hulang ito.

Juan 1:19-23
“At ITO ANG PATOTOO NI JUAN, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, SINO KA BAGA? AT KANIYANG IPINAHAYAG, AT HINDI IKINAILA; AT KANIYANG IPINAHAYAG, HINDI AKO ANG CRISTO. At sa kaniya'y…..
kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? SINABI NIYA, AKO ANG TINIG NG ISANG HUMIHIYAW SA ILANG, TUWIRIN NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, GAYA NG SINABI NG PROPETA ISAIAS.”

Kapansin-pansin na kung kanino lamang natupad ang hula ay siya mismo ang nagpapaliwanag nito. Mapapansin din na sa hula, hindi binabanggit ng Diyos ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang kaniyang tungkulin na gagampanan, at saan siya magmumula, bilang katunayan ng kaniyang kahalalan at karapatan sa pangangaral.

2.      SI APOSTOL PABLO:

Si Apostol Pablo na isa ring sugo ng Diyos ay may hula din na tumutukoy sa kaniya maraming taon bago pa ang kaniyang pagsilang sa mundo:

Isaias 49:6
“Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, IKAW AY AKING IBIBIGAY NA PINAKAILAW SA MGA GENTIL UPANG IKAW AY MAGING AKING KALIGTASAN HANGGANG SA WAKAS NG LUPA.”

At nang magkaroon ng katuparan ay ipinaliwanag din ni Apostol Pablo ang kahulugan nito:

Gawa 13:46-47
“At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.  SAPAGKA'T GANITO ANG IPINAGUTOS SA AMIN NG PANGINOON, NA SINASABI, INILAGAY KITANG ISANG ILAW NG MGA GENTIL, UPANG IKAW AY MAGING SA IKALILIGTAS HANGGANG SA KAHULIHULIHANG HANGGANAN NG LUPA.”  

3.      AT ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO:

Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang PINAKADAKILANG SUGO (Filipos 2:9) ay may hula rin na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang karapatan bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang kaniyang pagsilang sa sanglibutan.  Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:

Isaias 61:1-2
“Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;”

Na katulad din ng mga una nating halimbawa, dumating ang panahon na ipinaliwanag din ni Jesus na siya ang kinatuparan ng hulang ito:

Lucas 4:16-21
“At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. AT IBINIGAY SA KANIYA ANG AKLAT NG PROPETA ISAIAS. AT BINUKLAT NIYA ANG AKLAT, NA NASUMPUNGAN NIYA ANG DAKONG KINASUSULATAN, SUMASA AKIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON, SAPAGKA'T AKO'Y PINAHIRAN NIYA UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA DUKHA: AKO'Y SINUGO NIYA UPANG ITANYAG SA MGA BIHAG ANG PAGKALIGTAS, AT SA MGA BULAG ANG PAGKAKITA, UPANG BIGYAN NG KALAYAAN ANG NANGAAAPI, UPANG ITANYAG ANG KAAYAAYANG TAON NG PANGINOON. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. AT SIYA'Y NAGPASIMULANG MAGSABI SA KANILA, NGAYO'Y NAGANAP ANG KASULATANG ITO SA INYONG MGA PAKINIG.”

Kapansin-pansin na binasa muna ni Jesus ang dakong kinasusulatan ng hulang tumutukoy sa kaniya at saka niya ito ipinaliwanag. Makikilala ang mga tunay na sugo kung sila’y hinuhulaan sa Biblia, bago pa sila isinilang, hindi sinasabi ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang huhulaan ay ang kanilang paglitaw, ang kanilang tungkuling gagampanan na siyang katibayan ng kanilang karapatan sa pangangaral.

TANONG: Paano magturo o mangaral ang tunay na sugo ng Diyos?

2 Pedro 1:20-21
Na maalaman muna ito, na ALIN MANG HULA NG KASULATAN AY HINDI NAGBUHAT SA SARILING PAGPAPALIWANAG. Sapagka't HINDI SA KALOOBAN NG TAO DUMATING ANG HULA kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita BUHAT SA DIOS, na NANGAUDYOKAN NG ESPIRITU SANTO.

Ang tunay na sugo ng Diyos ay hindi nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili kundi nagsasalita ng ayon sa udyok ng Espiritu Santo.

TANONG: Ano ang isa sa napakahalagang tungkuling ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tunay na sugo?

Malakias 2:7 at 10 (Magandang Balita Biblia)
TUNGKULIN NG MGA SASERDOTE NA ITURO ANG TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS. SA KANILA DAPAT SUMANGGUNI ANG MGA TAO TUNGKOL SA AKING KALOOBAN, sapagkat sila ang mga SUGO ng Makapangyarihang si Yahweh…Hindi ba IISA ANG ATING AMA AT ITO'Y ANG IISANG DIYOS na lumalang sa atin?  Kung gayo'y bakit sumisira tayo sa pangako sa isa't isa at bakit winawalang-kabuluhan natin ang kasunduan ng Diyos at ng ating mga magulang?

Kaya, sa tunay na sugo ng Diyos marapat na lumapit ang tao at hanapin ang Kaniyang mga salita, sapagkat sila ang tagapag-ingat ng kaalamang mula sa Diyos

Ngayon ating gamitin ang CRITERIA FOR JUDGING sa TAGAPANGARAL na si JOSEPH SMITH:

TANONG: Pasado ba si Joseph Smith na kinikilalang propeta ng samahang Mormons ukol sa pagtuturo sa TUNAY NA DIYOS? Ganito ang sinasabi ng kanilang aklat:

MORMONS DOCTRINE; Bruce R. McConkie, p. 317

THERE ARE THREE GODS – THE FATHER, SON, AND HOLY GHOST – who, though separate in personality, are united as one in purpose, in plan, and all the attributes of perfection.”

Sa Filipino:

MAY TATLONG DIYOS – ANG AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO – na, bagaman magkakahiwalay ang personalidad ay iisa sa layunin, sa panukala, at sa lahat ng katangian ng kasakdalan.”

Ayon sa turo ng mga Mormons, ilan daw ang Diyos. Maliwanag ang ating nabasa “MAY TATLONG DIYOS – ANG AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO”

TANONG: Sang-ayon ba ang Biblia sa aral o doktrinang  ito ng mga Mormons? Ilan ang Diyos ayon sa pagtuturo ng ating Panginoong Jesucristo?

Juan 17:1 at 3 (New Pilipino Version)
PAGKATAPOS MASABI ITO NI JESUS, TUMINGALA SIYA SA LANGIT AT NANALANGIN: "AMA, dumating na ang oras.  Luwalhatiin mo ang iyong Anak para maluwalhati ka ng iyong Anak…At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, NA MAKILALA KA NILA NA IISANG TUNAY NA DIOS, at si Jesu-Cristo na sinugo mo.

Ilan ang tunay na Diyos ayon sa Panginoong Jesucristo? Iisang tunay na Diyos. Sino ang iisang tunay na Diyos? Ang Ama. Gaano kahalaga kung kilalanin natin ang Diyos ay iisa? Ayon sa ating binasa ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.

TANONG: Ayon sa mga Apostol, ilan ang Diyos na kanilang itinuro?

I Corinto 8:6 (Magandang Balita Biblia)
SA GANANG ATIN AY IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.

Efeso 4:6
ISANG DIOS AT AMA NG LAHAT, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

1 Timoteo 2:5
Sapagka't MAY ISANG DIOS at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

Ayon sa turo ng mga Apostol ang Diyos ay IISA. At sino ang iisang Diyos ayon sa kanila? Ang AMA.
Ayon sa aral ng mga Mormons ilan daw ang DIyos? MAY TATLONG DIYOS – ANG AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO.

Kung gayon sa  aral pa lang ukol sa tunay na Diyos ay BAGSAK na si Joseph Smith. Hindi siya tunay na sugo ng Diyos. Sapagkat ang aral na itinuturo ng TUNAY NA SUGO ng Diyos ay IISA ang TUNAY NA DIYOS walang iba kundi ang AMA.

TANONG: Ano pa ang aral na itinuro ng kanilang kinikilalang sugo na si Joseph Smith?

MORMONS DOCTRINE; Bruce R. McConkie, p. 278

GOD the Eternal Father, our FATHER IN HEAVEN, is an exalted, perfected, and GLORIFIED PERSONAGE HAVING TANGIBLE BODY OF FLESH AND BONES. The designation Father is to be taken literally, it signifies that the Supreme Being is the literal Parent or Father of the spirits of all men.

Sa Filipino:

ANG DIYOS ang Walang Hanggang Ama, ang ating AMA NA NASA LANGIT, ay ISANG PERSONA na pinadakila, pinasakdal at niluwalhati NA MAY TUNAY NA KATAWANG BINUBUO NG LAMAN AT MGA BUTO. Ang katawagang Ama ay dapat unawaing literal, ipinakikilala nito ang Kataastaasang Persona ay ang literal na Magulang o Ama ng mga Espiritu ng lahat ng tao.

Ayon sa katuruang Mormons, ano ang likas na kalagayan ng Diyos - ISANG PERSONA NA MAY
TUNAY NA KATAWANG BINUBUO NG LAMAN AT MGA BUTO.

TANONG: Ano ba ang tunay na likas na kalagayan ng Diyos ayon sa Biblia?

JUAN 4:24
ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

TANONG: Ano ang ibig sabihing ang Diyos ay ESPIRITU?

Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ANG ISANG ESPIRITU'Y WALANG LAMAN AT MGA BUTO, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

TANONG: Bakit pinaniniwalaan ng mga Mormons na ang Diyos ay may laman at mga buto gaya ng karaniwang tao?

MORMONS DOCTRINE; Bruce R. McConkie, p. 321

JOSEPH SMITH said: “GOD HIMSELF WAS ONCE AS WE ARE NOW, AND IS AN EXALTED MAN, AND SITS ENTHRONED IN YONDER HEAVENS!...I am going to tell you how God came to be God. We have imagined and supposed that God was God from all eternity. I will refute that idea, and take away the veil, so that you may see….It is the first principle of the gospel to know for a certainty the character of God and to know that we may converse with him as one man converses with another, and that HE WAS ONCE A MAN like us; yea, that GOD HIMSELF, THE FATHER of us all, DWELT ON AN EARTH, THE SAME AS JESUS CHRIST himself did; AND I WILL SHOW IT FROM THE BIBLE…”

Sa Filipino:

Sinasabi ni JOSEPH SMITH: ANG DIYOS MISMO NOON AY DATING KATULAD NATIN NGAYON, AT SIYA AY ISANG TAONG PINADAKILA, AT NAKALUKLOK DOON SA MGA LANGIT!….Sasabihin ko sa inyo kung paano ang Diyos ay naging Diyos. Iniisip at inaakala natin na ang Diyos ay Diyos mula sa walang hanggan. Pabubulaanan ko ang kaisipang iyan, at aalisin ko ang lambong, upang iyong makita…Pangunahing simulain ng ebanghelyo na tiyakin ang katangian ng Diyos at alamin na maari natin Siyang kausapin kung paano ang isang tao ay nakikipag-usap sa isa pang tao, at SIYA AY MINSANG NAGING TAO tulad natin; oo, na ANG DIYOS MISMO, ANG AMA nating lahat, AY NANIRAHAN SA LUPA, TULAD NG GINAWA NI JESUCRISTO mismo, AT IPAPAKITA KO ITO MULA SA BIBLIA.”

TANONG: Sinasang-ayunan ba ng Biblia ang pagtuturong ito ng mga Mormons? Payag ba ng Diyos na Siya ay maging tao? Ganito ang pahayag mismo ng Diyos:

Oseas 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

TANONG: Ano pa ang kakatuwang aral o doktrina ng mga Mormons?

MORMONS DOCTRINE; Bruce R. McConkie, p. 322

“ Further, as the Prophet also taught, there is “a God above the Father of our Lord Jesus Christ,…If Jesus Christ was the Son of God, and John discovered that GOD THE FATHER OF JESUS CHRIST HAD A FATHER,…Hence IF JESUS HAD A FATHER, CAN WE NOT BELIEVE THAT HE HAD A FATHER ALSO?”

Sa Filipino:

Dagdag pa rito, sa pagtuturo din ng Propeta, mayroong isang Diyos na mataas kaysa Ama ng ating Panginoong Jesucristo,…Kung si Jesucristo ang Anak ng Diyos, at natuklasan ni Juan na ANG DIYOS NA AMA NI JESUCRISTO AY MAYROONG AMA…Kaya nga KUNG SI JESUS AY MAYROONG AMA, HINDI BA NATIN PANINIWALAANG SIYA, ANG AMA AY MAYROON DING AMA?”

Lumilitaw na ang aral na ito ng Mormons ayon sa kanilang aklat ang Diyos o Ama ng Panginoong Jesucristo ay may Ama.

TANONG: Ayon sa Biblia,  ang Diyos ba ay may pinagmulan o may pasimula?

Awit 90:2
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, MULA NGA NG WALANG PASIMULA HANGGANG SA WALANG HANGGAN, IKAW ANG DIOS.

Ang tunay na Diyos ay walang pasimula at walang hanggan.

TANONG: Ang tunay na Diyos ba ay may kinikilala pang ibang Diyos?

Isaias 44:8
Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi.  MAY DIOS BAGA LIBAN SA AKIN? oo, walang malaking Bato; AKO'Y WALANG NAKIKILALANG IBA.

Ayon sa ating nabasa sa mga talata ng Biblia ay hindi tunay na sugo si Joseph Smith at hindi tunay na relihiyon ang kaniyang itinataguyod na kilala sa tawag na Mormons. Ang kaniyang mga aral na itinuro ay wala sa Biblia at labag pa sa pagtuturo ng Banal na Kasulatan. Dahil para sa kanila ang Biblia ay kulang at hindi sapat para sampalatayanan sa ikapagtatamo ng kaligtasan.  Si Joseph Smith ay walang patotoo o hula mula sa Biblia maging ang pagtuturo niya ukol sa tunay na Diyos ay salungat sa aral ng Diyos.

No comments:

Post a Comment