Tuesday, January 31

ANO ANG PANGALAN NG IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO?


Ang PANGALAN ay ITINATAWAG sa IKAKIKILALA ng isang TAO, BAGAY, HAYOP, LUGAR o ORGANISASYON.

Nang lalangin ng Dios ang unang tao, siya ay binigyan Niya ng PANGALAN - ADAN. Ang babae na ibinigay ng Dios na makasama ni Adan ay binigyan niya ng PANGALAN - EVA. Ang mga HAYOP na nilalang ng Dios ay binigyan din ni ADAN ng mga PANGALAN.

Genesis 2:20 New Pilipino Version
“BINIGYAN NG LALAKI NG KANYA-KANYANG PANGALAN ANG LAHAT NG HAYOP NA MAAMO, ANG MGA IBON SA HIMPAPAWID AT LAHAT NG HAYOP NA MAILAP KAPARANGAN.  Ngunit walang makitang angkop na katulong ni Adan.”

Sa Biblia, malimit na ang PANGALAN ay may KAHULUGAN tulad ng pangalang ADAN na ang kahulugan ay TAO. Ang pangalang EVA ay nangangahulugang INA NG LAHAT NG NABUBUHAY.

Matapos patayin ni CAIN ang kaniyang kapatid na si ABEL, ang ipinanganak ni Eva ay pinangalanang SET na ang kahulugan ay ITINAKDA o KAHALILI. Naaangkop ang pangalang ito sapagkat SI SET ANG NAGING KAHALILI NI ABEL. Iilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga pangalang ibinigay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong una.

ANG PANGALAN NG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO

Ang isa sa mga ikakikilala sa TUNAY na IGLESIA na itinatag ni CRISTO ay ang PANGALAN.

TANONG: Ano ang pangalan ng Iglesiang itinatag ni Cristo at anu-ano ang ipinakikilala ng pangalang ito?

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

Sa BAGONG TIPAN ang PANGALANG OPISYAL na itinawag sa Iglesiang itinatag ni Cristo ay IGLESIA NI CRISTO. Angkop na angkop ang pangalang ito sa pahayag ni Cristo.

Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESYA, at hindi makapananaig sa kanya kaliit ang kapangyarihan ng kamatayan.”

Ipinakikilala ng pangalang IGLESIA NI CRISTO ang PAGMAMAY-ARI NI CRISTO sa IGLESIA.

Ipinakikilala rin nito ang KAUGNAYAN ni CRISTO sa IGLESIA.

Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA;”

Bukod sa mga nabanggit sa unahan ay ipinakikilala rin ng pangalang IGLESIA NI CRISTO ang may KAUGNAYAN sa pagtatamo ng KALIGTASAN.

Gawa 4:12 Magandang Balita Biblia
KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, sapagkat sa silong ng langit, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO."

Ang KALIGTASAN ay matatagpuan lamang sa PANGALAN ni CRISTO. Marapat lamang na ang IGLESIA na itinatag Niya ay tawagin na sunod sa PANGALANG CRISTO - IGLESIA NI CRISTO, sapagkat ito ang ILILIGTAS NI CRISTO.

Efeso 5:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”

ANG PATOTOO NG IBA'T-IBANG RELIHIYON

Isang PARING JESUITA na si FRANCIS B. CASSILLY ay nagpapatotoo na ang itinatag ni Cristo ay tinawag na IGLESIA NI CRISTO o CHURCH OF CHRIST. Ganito ang kaniyang isinulat.

RELIGION: DOCTRINE AND PRACTICE FOR USE IN CATHOLIC HIGH SCHOOLS, 12th and Revised edition, Chicago: Cassily, Francis B., S.J Loyola University Press, 1934, pages 442-443

“5. DID JESUS CHRIST ESTABLISH A CHURCH?
YES, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, WE LEARN THAT JESUS CHRIST ESTABLISHED A CHURCH, which from the earliest times HAS BEEN CALLED AFTER HIM the Christian Church or THE CHURCH OF CHRIST”

Salin sa Filipino:

“5. SI JESUCRISTO BA AY NAGTATAG NG IGLESIA?
OO, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, mula sa biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ATING NALAMAN NA SI CRISTO AY NAGTATAG NG ISANG IGLESIA, na mula sa kauna-unahang panahon ay TINAWAG NA SUNOD SA KANIYANG PANGALAN, ang iglesia cristiana o ANG IGLESIA NI CRISTO.”

Maging ang PRORESTANTE na si MYER PEARLMAN ay nagpapatotoo rin na IGLESIA NI CRISTO ANG ITINATAG NI CRISTO. Tunghayan natin ang kaniyang sinulat.

KNOWING THE DOCTRINES OF THE BIBLE, page 349

Salin sa Filipino:

“....HINULAAN NI CRISTO ANG PAGTATATAG NG ISANG BAGONG KONGREGASYON O IGLESIA, ISANG INSTITUSYUNG SA DIOS NA DAPAT MAGPATULOY NG KANIYANG GAWAIN SA MUNDO. MAT.16:18. ITO ANG IGLESIA NI CRISTO....”

Si JAMES E. TALMAGE ng MORMON CHURCH ay nagbigay rin ng patotoo na IGLESIA NI CRISTO ANG WASTONG PANGALAN NG IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO.

THE GREAT APOSTASY, page 12

Salin sa Filipino:
“IPINAGKALOOB NIYA ANG KAPANGYARIHAN SA IGLESIA, IPINALIWANAG NIYA ANG KAHALAGAHAN NG PAGTAWAG SA ORGANISASYON SA PANGALANG MARAPAT DITO---ANG IGLESIA NI CRISTO....”

Si JOHN HUS na sinundan ng mga REPORMADOR ay nagpapatotoo rin na Iglesia ni Cristo ang itinatag ni Cristo.

FORERUNNERS OF THE REFORMATION:THE SHAPE OF LATE MEDIEVAL THOUGHT, page 231

Salin Sa Filipino:

“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA, at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi makapananaig laban sa kaniya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang talian ninyo sa lupa ay tatalian sa langit at anumang kalagan ninyo sa lupa ay kakalagan sa langit' . BINABANGGIT NG EBANGHELYO RITO ANG TUNGKOL SA IGLESIA NI CRISTO, ANG KANIYANG PANANAMPALATAYA AT ANG KANIYANG PUNDASYON AT AWTORIDAD. ANG IGLESIA AY TINUTUKOY NG MGA SALITANG,' ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA'.”

IBA PANG KATAWAGAN SA IGLESIA

Itinatanong ng iba:
Kung IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng tunay na Iglesia, bakit sa BAGONG TIPAN o NEW TESTAMENT ay may mababasa na IGLESIA NG MGA BANAL?

Totoong sa BAGONG TIPAN ay may iba't-ibang katawagang gamit upang tumutukoy sa IGLESIA NI CRISTO. Isa na rito ang IGLESIA NG MGA BANAL.

1 Corinto 14:33
“Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga IGLESIA NG MGA BANAL,”

Ang katawagang ITO AY HINDI SIYANG OPISYAL NA PANGALAN NG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO, kundi TUMUTUKOY LAMANG ITO SA URI NG MGA KAANIB nito.

1 Corinto 6:11
“At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't BINANAL NA KAYO, nguni't inaring-ganap na kayo SA PANGALAN NG PANGINOONG JESUCRISTO, at sa Espiritu ng ating Dios.”

Ang IGLESIA NG MGA BANAL ay katawagang tumutukoy sa URI o KATANGIAN NG MGA KAANIB SA IGLESIA, SILA AY BINANAL.

SILA AY PINAPAGING BANAL KAY CRISTO.

1 Corinto 1:2
“Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa MGA PINAPAGINGBANAL KAY CRISTO JESUS, NA TINAWAG NA MANGAGBANAL, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:”

TINAWAG UPANG MANGAGPAKABANAL.

Roma 1:7
“Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, TINAWAG NA MANGAGBANAL: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.”

SILA AY PINILI UPANG MAGING BANAL AT WALANG DUNGIS SA PAGIBIG.

Efeso 1:4
“AYON SA PAGKAPILI NIYA SA ATIN SA KANIYA BAGO ITINATAG ANG SANGLIBUTAN, UPANG TAYO'Y MAGING MGA BANAL AT MGA WALANG DUNGIS SA HARAPAN NIYA SA PAGIBIG:”

May mababasa rin sa BAGONG TIPAN na IGLESIA NG MGA PANGANAY.

Hebreo 12:23
“Sa pangkalahatang pulong at IGLESIA NG MGA PANGANAY na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,”

Hindi ito tumutukoy sa PANGKALAHATANG PANGALAN NG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO. Bagkus ito ay TUMUTUKOY SA MGA JUDIO NA PANGANAY o MGA UNANG KAANIB SA IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO.
Tinatawag din silang PANGUNAHING BUNGA

Apocalipsis 14:4
“Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis.  At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO saan man siya pumaroon.  Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging MGA PANGUNAHING BUNGA sa Dios  at sa Cordero.

Kaya ang IGLESIA NG MGA PANGANAY ay katawagang TUMUTUKOY SA ISANG BAHAGI o LAHI NG MGA KAANIB SA IGLESIA - ang mga JUDIO.

Mayroon ding mababasa sa BAGONG TIPAN na;

IGLESIA NG GALACIA

Galacia 1:2
“At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga IGLESIA NG GALACIA:”

IGLESIA NG MACEDONIA

2 Corinto 8:1
“Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga IGLESIA NG MACEDONIA;”

IGLESIA NG MGA GENTIL

Roma 16:4
“Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga IGLESIA NG MGA GENTIL:”

IGLESIA NG DIOS NA NASA CORINTO

1 Corinto 1:2
“Sa IGLESIA NG DIOS NA NASA CORINTO, sa makatuwid bagay sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:”

IGLESIA NA NASA ANTOQUIA

Gawa 13:1
“Sa IGLESIA NGA NA NASA ANTIOQUIA ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo.”

IGLESIA NA NASA JERUSALEM

Gawa 8:1
“At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa IGLESIA NA NASA JERUSALEM; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.”

At marami pang iba. Ang lahat ng ito ay tumutukoy hindi sa kabuuan ng Iglesiang itinatag ni Cristo, kundi sa mga LOKAL o MGA DAKO na narating ng IGLESIA NI CRISTO sa panahon ng mga APOSTOL.

Sa katunayan, hindi angkop na tawaging IGLESIA NG MGA GENTIL ang mga JUDIO na naging kaanib sa Iglesia. Gayundin naman, hindi angkop na ang IGLESIA NA NASA JERUSALEM ay tawaging IGLESIA NG MACEDONIA. Ngunit angkop na itawag sa mga kaanib sa Iglesia na itinatag ni Cristo saan man silang dako naroon ang pangalang IGLESIA NI CRISTO.

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

IGLESIA NG DIYOS

Sa BAGONG TIPAN lalo na sa mga sulat ni APOSTOL PABLO maraming beses na tinawag niyang IGLESIA NG DIOS ang IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO.

1 Corinto 1:2
“Sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:”

1 Corinto 11:22
“Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang IGLESIA NG DIOS, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman?  Ano ang aking sasabihin sa inyo?  Kayo baga'y aking pupurihin?  Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.”

1 Corinto 15:9
“Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang IGLESIA NG DIOS.”

2 Corinto 1:1
“Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.”

Galacia 1:13
“Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang IGLESIA NG DIOS:”

1 Timoteo 3:5
“(Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa IGLESIA NG DIOS?”

1 Timoteo 3:15
“Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang IGLESIA NG DIOS na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.”

Dapat mapansin na sa bawat pagkakataon na ginamit ni APOSTOL PABLO ang IGLESIA NG DIYOS ito ay lagi niyang pinapatungkol sa mga GENTIL na kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

Ang tinatawag na na GENTIL ay HINDI KABILANG SA MGA ISRAELITA o HINDI LAHING JUDIO at sila ay itinuturing na WALANG DIYOS.

Efeso 2:12 Magandang Balita Biblia
“Alalahanin ninyo na noong panahong iyon, HIWALAY KAYO KAY CRISTO, HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL, AT DI-SAKLAW NG MGA TIPANG NASASALIG SA MGA PANGAKO NG DIYOS.  Noo'y nabubuhay KAYONG WALANG PAG-ASA AT WALANG DIYOS.”

Ang mga GENTIL dati ay HINDI BAYAN NG DIOS.

Roma 9:24-25 Magandang Balita Biblia
“Tayo ang tinutukoy na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio kundi mula rin sa MGA HENTIL. 25Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "YAON DATING HINDI KO BAYAN AY TATAWAGIN KONG'BAYAN KO,' At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong 'Mahal ko.'”

Ang mga GENTIL dati ay HINDI KUMIKILALA sa TUNAY na DIYOS.

1 Tesalonica 4:5
“Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng MGA GENTIL NA HINDI NANGAKAKAKILALA SA DIOS;

Sapagkat ang mga GENTIL ay INILIGAW SA MGA PIPING DIYOS-DIYOSAN.

1 Corinto 12:2
“Nalalaman ninyo na NANG KAYO'Y MGA GENTIL PA, AY INILIGAW KAYO SA MGA PIPING DIOSDIOSAN, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.”

Subalit ng ang mga GENTIL ay naging KAANIB sa IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO hindi na sila ibinibilang na TAGA IBANG BAYAN.

Efeso 2:19 New Pilipino Version
“Kaya ngayon, ay HINDI NA KAYO MGA DAYUHAN O MGA BANYAGA, KUNDI MGA KABABAYAN NG MGA HINIRANG, KABILANG SA SAMBAHAYAN NG DIOS,”

Ang mga GENTIL ay KINIKILALA na ng DIYOS bilang BAYAN NIYA.

Roma 9:24-25 Magandang Balita Biblia
“Tayo ang tinutukoy na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio kundi mula rin sa MGA HENTIL. 25Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "YAON DATING HINDI KO BAYAN AY TATAWAGIN KONG'BAYAN KO,' At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong 'Mahal ko.'”

Samakatuwid ang katawagang IGLESIA NG DIYOS ay ginamit ni APOSTOL PABLO upang bigyang diin sa MGA GENTIL na umanib sa IGLESIA NI CRISTO na SILA ay SA DIYOS NA.
















No comments:

Post a Comment