Wednesday, September 23

PAGBIBIGAY NG IKAPU o 10 % NA PAGHAHANDOG HINDI IPINAG-UTOS SA MGA CRISTIANO



TANONG: Ano ba ang IKAPU at kailan ito unang isinagawa?

GENESIS 14:20
“At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng IKASANGPUNG BAHAGI ng buong samsam.”

Nagsimula ang pagbibigay ng IKAPU o IKASANGPUNG BAHAGI o (10%) ng maghandog si Abraham sa Diyos nito noong nabubuhay pa siya. Samakatuwid nagsimula sa PANAHON NI ABRAHAM.

TANONG: Nang isagawa ang pagbibigay ng IKAPU noon, ito ba ay ibinibigay o inihahandog bilang PERA o SALAPI?

LEVITICO 6:20
“Ito ANG ALAY NI AARON AT NG KANIYANG MGA ANAK NA KANILANG IHAHANDOG SA PANGINOON sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang IKASANGPUNG BAHAGI ng ISANG EPA NG MAINAM NA HARINA, NA PINAKAHANDOG NA HARINA magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon.”

Nehemias 10:37 Magandang Balita Biblia
MAGDADALA RIN KAMI ng minasang harina MULA SA UNANG ANI NG TRIGO at ang UNANG BUNGA NG BAWAT PUNONGKAHOY.  Magbibigay rin kami ng IKAPU ng MGA INANI SA AMING LUPAIN.  Ngunit ANG IKAPUNG ITO AY KUKUNIN NA SA AMIN NG MGA LEVITA AT SILA NA ANG MAGDADALA SA TEMPLO.

Maliwanag na mababasa sa Biblia na HINDI PERA ang inihahandog na IKAPU noon, kundi mga INANI sa LUPAIN o BUKIRIN at ito ay ibinibigay sa mga LEVITA o MGA TAGAPAGLINGKOD sa TEMPLO.

TANONG: Bakit INANI sa BUKIRIN ang ibinibigay na IKAPU?

Kasi sa panahon natin ang ilan sa mga SAMAHANG CRISTIANO ay nagbibigay ng PERA bilang HANDOG na IKAPU o 10% OFFERING. Hindi pa ba uso ang PERA noon sa panahon ng OLD TESTAMENT kaya hindi sila nagbibigay ng PERA bilang IKAPU?

GENESIS 17:23
“At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ANG LAHAT NG BINILI NIYA NG KANIYANG SALAPI, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.”

Samakatuwid may PERA o SALAPI na noon pang panahon ni Abraham, ngunit hindi sila naghahandog ng PERA bilang IKAPU. Maliwanag na ang ginagawa ng iba na pagbibigay ng PERA bilang IKAPU ay hindi batay sa Biblia. Ang sinasabi sa OLD TESTAMENT na IKAPU ay mga ANI sa BUKIRIN at ito’y dadalhin sa KAMALIG para maging pagkain sa TEMPLO o BAHAY ng DIYOS:

MALAKIAS 3:10
“Dalhin ninyo ang buong IKASANGPUNG BAHAGI sa KAMALIG, UPANG MAGKAROON NG PAGKAIN SA AKING BAHAY, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.”

DEUTERONOMIO 14:22-23
“Iyo ngang PAGSASANGPUING BAHAGI ang lahat na BUNGA NG IYONG BINHI na nanggagaling taontaon SA IYONG BUKID. AT IYONG KAKANIN SA HARAP NG PANGINOON MONG DIOS, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ANG IKASANGPUNG BAHAGI NG IYONG TRIGO, ng iyong ALAK at ng iyong LANGIS, at ang mga panganay sa iyong BAKAHAN at sa iyong KAWAN; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.”

Makikita natin ng malinaw na talagang HINDI PERA ang HANDOG na IKAPU noon na isinasagawa sa BAYANG ISRAEL sa LUMANG TIPAN kahit na mayroon din naman silang PERA na maaaring ihandog dahil ang IKAPU nila na inihandog sa DIYOS ay kakainin din nila sa harap ng PANGINOON. Dahil ang HANDOG na IKAPU ang nagsisilbing PAGKAIN sa TEMPLO.

TANONG: Gaano kadalas o tuwing kailan sila nagbibigay o naghahandog ng IKAPU?

DEUTERONOMIO 14:28
SA KATAPUSAN NG BAWA'T TATLONG TAON ay iyong kukunin ANG BUONG IKASANGPUNG BAHAGI NG IYONG BUNGA NG TAONG YAON, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:”

DEUTERONIMIO 26:12
“Pagkatapos mo ng pagbibigay ng BUONG IKASANGPUNG BAHAGI NG IYONG PAKINABANG SA IKATLONG TAON, na siyang TAON NG PAGBIBIGAY NG IKASANGPUNG BAHAGI, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;”

Napakaliwanag na mababasa Biblia ang pagbibigay ng IKAPU ng BUNGA ng ANI sa BUKIRIN ay TUWING KATAPUSAN NG BAWAT TATLONG TAON. EVERY THREE YEARS ang pagbibigay ng IKAPU sa Bayang Israel noon.

Samakatuwid, hindi tuwing may PAGSAMBA, hindi LINGGUHAN, hindi BUWANAN ang pagbibigay kundi TUWING IKATLONG TAON.

Kaya napakaliwanag ang PATOTOO ng BIBLIA kung ano ba talaga ang IKAPU:

  • Ito ay IKASANGPUNG BAHAGI ng ANI SA BUKIRIN at HINDI PERA
  • Ibinibigay ito sa MGA LEVITA na tagapaglingkod sa TEMPLO upang maging PAGKAIN doon.
  • Kinakain ng naghandog ang IKAPU sa HARAP ng PANGINOON.
  • Tuwing IKATLONG TAON ang pagbibigay ng IKAPU.

Sa ganitong paraan isinasagawa ng BAYANG ISRAEL noon at ganon din isinasagawa ng mga JUDIO sa relihiyong JUDAISMO maski na sa panahon natin ngayon ang pagbibigay ng IKAPU.

Ito ngayon ang MALAKING TANONG
  • Ang mga CRISTIANO ba ay INUUTUSAN na MAGSAGAWA ng IKAPU gaya ng iniutos sa BAYANG ISRAEL noon?
  • Kailangan pa ba tayong MAGHANDOG NG IKASANGPUNG BAHAGI ng ANI NG ATING BUKIRIN sa panahon natin ngayon o maging IKASANGPUNG BAHAGI ng SALAPI mula sa ating KINITA at PINAGPAGALAN gaya ng ginagawa ng ilang relihiyon sa panahon natin ngayon?

TANONG: Ano ang UTOS sa PANAHONG CRISTIANO? Basahin natin ang isang tagpo sa buhay ng ating Panginoong Jesucristo;

MARCOS 12:41-44
“At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at MINASDAN KUNG PAANONG INIHUHULOG NG KARAMIHAN ANG SALAPI SA KABANG-YAMAN: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.” At lumapit ang isang babaing bao, at SIYA'Y NAGHULOG NG DALAWANG LEPTA, NA ANG HALAGA'Y HALOS ISANG BELES. At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman: Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.”

Kitang-kita sa sinasabi ng Biblia na ang PAGBIBIGAY o PAGHAHANDOG sa PANAHONG CRISTIANO ay hindi na katulad sa KAUTUSAN na ipinatupad noon sa BAYANG ISRAEL sa OLD TESTAMENT. Hindi na ito IKAPU at hindi rin ito HANDOG mula sa ANI SA BUKIRIN kundi SALAPING HANDOG mula sa ikinabubuhay ng NAGHANDOG.

TANONG: Magkano ang dapat ibigay sa PAGHAHANDOG o PAG-AABULOY?

2 CORINTO 9:7-8
MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: HUWAG MABIGAT SA LOOB, O DAHIL SA KAILANGAN: SAPAGKA'T INIIBIG NG DIOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:”

Maliwanag na sa PANAHONG CRISTIANO ang PAGHAHANDOG ay HINDI na sa PARAANG IKAPU gaya sa OLD TESTAMENT kundi sa pamamagitan ng PAGBIBIGAY ng SALAPING HANDOG ng hindi tinatakdaan o tinotokahan ng HALAGA. Kundi ang MAGHAHANDOG o ang MAGBIBIGAY ang MAGPAPASIYA kung MAGKANO ang KANIYANG IBIBIGAY batay sa pasiya ng kaniyang PUSO.

Ganiyan ang ABULUYAN o HANDUGAN na ipinatutupad sa IGLESIA NI CRISTO, wala kaming IKAPU. Ang sa amin ay KUSANG LOOB NA PAGHAHANDOG na hindi tinatakdaan ng HALAGA.

No comments:

Post a Comment