TANONG: Totoo bang kapag namatay ang isang tao umaakyat kaagad-agad ang KALULUWA sa LANGIT o di kaya ay nagpupunta sa IMPIYERNO?
Malaganap na paniniwala ng mga pangkaraniwang
Cristiano sa kasalukuyang panahon tungkol sa kaluluwa ang mga sumusunod:
- Ang TAO ay binubuo ng KALULUWA at KATAWAN LAMANG, at ANG KALULUWA AY WALANG KAMATAYAN.
- Ang ESPIRITU ay siya ring KALULUWA ng isang tao.
- Kapag namatay ang isang tao ay humihiwalay ang KALULUWA o ESPIRITU ayon sa kanila at pumupunta kaagad sa LANGIT o di kaya ay sa PURGATORYO o sa IMPIERNO.
- Maaaring MAGLAKBAY ang kaluluwa ng HIWALAY SA KATAWAN at maaari pa nitong MADALAW at MAKAUSAP ang mga buhay na KAANAK.
Totoo kaya ang mga paniniwalang ito? Sinasang-ayunan
ba ito ng Biblia? Ating tunghayan ang patotoo ng Biblia tungkol sa isyung ito.
I.
ILAN BA ANG SANGKAP NG TAO AYON SA BIBLIA?
AYON SA
BIBLIA TATLO – ESPIRITU, KALULUWA at KATAWAN
1 Tesalonica
5:23
“At
pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong ESPIRITU at KALULUWA at KATAWAN ay
ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong
Jesucristo.”
Maliwanag ang pahayag ng Biblia na TATLO ANG SANGKAP NG ISANG TAO. Hindi
totoo na kaluluwa at katawan lamang gaya ng paniniwala ng iba.
TANONG: Papaano naman ang paniniwala ng iba na ang kaluluwa at espiritu ay iisa
lamang? Tunghayan natin ang sagot:
Hebreo 4:12
Sapagka't
ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na
may dalawang talim, at bumabaon HANGGANG
SA PAGHIHIWALAY NG KALULUWA AT ESPIRITU,
ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka
ng puso.
Kitang-kita ang ebidensiya mula sa Biblia na ang KALULUWA at ESPIRITU ay tunay na MAGKAIBA.
Dahil dumarating sa panahong naghihiwalay ang dalawang ito at ito’y sa panahon
ng pagpanaw ng isang tao. Maliwanag kung
gayon na hindi totoo ang malaganap na paniniwala na ang kaluluwa ay siya ring
espiritu.
II.
ANO ANG NANGYAYARI SA TATLONG SANGKAP PAG ANG TAO’Y NAMATAY NA?
TANONG: Ano nga ba ang nangyayari sa tatlong sangkap ng tao, kapag siya ay
pumanaw?
Isa-isahin natin, unahin natin ang KATAWAN:
Ecclesiastes 12:7(a)
“At ANG ALABOK AY MAUUWI SA LUPA gaya ng
una,…”
Awit 44:22 at 25(b)
Oo, dahil sa
iyo ay pinapatay kami buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa
patayan….ANG AMING KATAWAN AY NADIDIKIT
SA LUPA.”
Ang KATAWAN
ng tao ay nilikha ng Diyos mula sa alabok at dahil sa ito ay YARI SA ALABOK KAYA SA ALABOK DIN NAUUWI
KAPAG SIYA AY PUMANAW.
TANONG: Ano naman ang mangyayari sa KALULUWA? Totoo kaya ang paniniwala ng marami na wala itong
kamatayan at humihiwalay ito sa katawan ng tao kapag siya’y namatay? Narito ang sagot:
Ezekiel 18:4
“Narito,
lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang
kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA
NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.”
Awit 119:25
“ANG KALULUWA KO'Y DUMIDIKIT SA ALABOK:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.”
Awit 44:25
“Sapagka't ANG AMING KALULUWA AY NAKASUBSOB SA ALABOK:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.”
Kaya hindi totoo ang malaganap na paniniwala na
ang kaluluwa ng isang tao ay walang kamatayan. Ang KALULUWA na nagkakasala ayon sa Biblia ay MAMAMATAY. Wala namang tao sa mundo na hindi nagkasala (Roma 3:23) maliban sa Panginoong
JesuCristo (1 Pedro 2:21-22). Kaya
lahat ng pangkaraniwang tao na nagkasala ang kaniyang kaluluwa ay mamamatay.
Kapag siya ay namatay na ipinakita rin sa atin ng Biblia na hindi totoo ang
paniniwalang humihiwalay ang kaluluwa sa katawan ang sabi nga NAKASUBSOB o NAKADIKIT SA ALABOK na ang tinutukoy ay ang KATAWAN.
TANONG: Ano naman ang nangyayari sa ikatlong sangkap – ang Espiritu?
Ecclesiastes 12:7
“At ang
alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ANG
DIWA AY MABABALIK SA DIOS na nagbigay sa kaniya.”
Ano ba iyong diwa na tinutukoy, basahin natin sa
ibang salin ng Biblia sa parehong verse:
Ecclesiastes 12:7 King James Version
“Then shall
the dust return to the earth as it was: and THE SPIRIT SHALL RETURN UNTO GOD who gave it.”
Samakatuwid ang ating DIWA ay iyon din ang ating ESPIRITU.
Na binabawi ng Diyos sa tao kapag siya ay pumanaw na.
Kaya hindi totoo ang paniniwala na ang kaluluwa ay
hindi namamatay at umaakyat kaagad sa LANGIT,
nagpupunta sa PURGATORIO, o di
kaya’y sa IMPIYERNO ang isang tao kapag
siya ay namatay na. Sinasalungat ito ng mga katotohanang nakasulat sa Biblia. ANG KATOTOHANANG NASA BIBLIA AY ANG
KALULUWA AY NAMAMATAY AT NADIDIKIT SA ALABOK O KATAWAN, SA MADALING SALITA ANG
KATAWAN NG TAO AY NABUBULOK AT BUMABALIK SA KANIYANG PAGKALUPA. Hindi rin totoo na humihiwalay ang kaluluwa
sa katawan kundi kasama ng katawan sa pagkabulok tanging ang DIWA o ESPIRITU lamang ANG UMAAKYAT
SA LANGIT DAHIL KINUKUHA NG DIYOS.
III.
BAKIT NAMAMATAY ANG KALULUWA?
TANONG: Bakit nga ba namamatay ang kaluluwa? Narito ang kasagutan:
Genesis 2:7
“At nilalang
ng Panginoong Dios ang tao sa aalabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga
butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ANG
TAO AY NAGING KALULUWANG MAY BUHAY.”
NAMAMATAY
ANG KALULUWA
sapagkat sa tatlong sangkap ng tao ANG
KALULUWA ANG MAY TAGLAY NA BUHAY kaya natural pag namatay ang tao mamamatay
ang kaniyang kaluluwa dahil ito lamang ang may buhay sa tatlong sangkap.
IV.
ANO ANG MANGYAYARI SA TAO KAPAG ANG KANIYANG DIWA O ESPIRITU AY MAGBALIK NA SA
DIYOS?
TANONG: Kapag binawi na nang Diyos ang DIWA
o ESPIRITU ano ang mangyayari sa
tao na namatay? Tunghayan natin ang sagot sa:
Awit 146:4
“Ang hininga
niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; Sa araw ding yaon
ay MAWAWALA ANG KANIYANG PAGIISIP.”
Ang isang taong namatay ay nawawalan ng pag-iisip
dahil ANG DIWA O ESPIRITU AY SIYA NATING
PAG-IISIP, PANDAMA, ITO ANG DAHILAN KAYA TAYO NASASAKTAN, NALULUMBAY, NATUTUWA,
UMIIBIG AT NAMUMUHI. Lahat ng ito ay mawawala sa isang tao kapag siya ay
patay na dahil binabawi ito ng Diyos na nagbigay sa kaniya.
TANONG: At dahil sa wala nang pagiisip ang isang patay maaari pa ba niyang
malaman ang mga bagay na nangyayari sa paligid o sa daigdig ng mga taong
nabubuhay pa? Basahin nating muli ang paliwanag ng Biblia:
Eclesiastes
9:5-6
Sapagka't
nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't HINDI NALALAMAN NG PATAY ANG ANOMANG BAGAY ni mayroon pa man silang
kagantihan; SAPAGKA'T ANG ALAALA SA
KANILA AY NAKALIMUTAN. MAGING ANG KANILANG PAGIBIG, GAYA NG KANILANG PAGTATANIM
AT NG KANILANG PANANAGHILI AY NAWALA ngayon; na WALA man SILANG ANOMANG
BAHAGI PA NA MAGPAKAILAN MAN SA ANOMANG BAGAY NA NAGAWA SA ILALIM NG ARAW.
Kaya ang kaugalian ng iba na kinakausap ang
kanilang mga yumaong mahal sa buhay o simonan sa mga taong patay na ay hindi
marapat gawin. Bakit? Sapagkat hindi na sila maririnig ni malalaman pa ng taong
patay ang kanilang ginagawa.
Halimbawa:
Iyong TAONG
alam nating WALA SA KATINUAN NG PAG-IISIP ay hindi natin pinag-aaksayahang
kausapin dahil alam nating HINDI TAYO MAUUNAWAAN lalo na iyong WALANG PAG-IISIP.
Kaya isang kamalian na kausapin pa ang isang taong
patay na gaya nga ng nakikita nating ginagawa ng iba na kinakausap iyong puntod
ng kanilang mga yumao na mahal sa buhay. Isa itong napakalaking pagkakamali.
Bukod doon karumaldumal sa harap ng Diyos ang
pakikipag-ugnayan o pagsangguni sa mga patay. Ganito ang ating mababasa sa;
Deuteronomio
18:10-12
HUWAG MAKAKASUMPONG SA IYO NG SINOMANG nagpaparaan
sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga
pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o
nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o SUMASANGGUNI SA MGA PATAY. Sapagka't SINOMANG GUMAGAWA NG MGA BAGAY NA ITO AY KARUMALDUMAL SA PANGINOON:
at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios
sa harap mo.
Kaya iwasan natin ang pagsangguni doon sa mga
tinatawag na medium na nagsasagawa ng “PAKIKIPAG-USAP SA PATAY” dahil natiyak
natin mula sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na hindi na maaari
pang makausap ang mga yumao nating mahal sa buhay. Kung mayroon man silang nakakausap ay
natitiyak nating hindi iyon ang mga yumao nilang kaanak – dahil WALA NAMAN HINDI KAYANG GAWIN ANG DIABLO
MAILIGAW O MADAYA LAMANG NIYA ANG MGA TAO:
Apocalipsis
13:13-14
“At SIYA'Y GUMAGAWA NG MGA DAKILANG TANDA,
na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa
paningin ng mga tao. At NADADAYA NIYA
ANG MGA NANANAHAN SA LUPA DAHIL SA MGA TANDA NA SA KANIYA'Y IPINAGKALOOB na
magawa sa paningin ng hayop; na SINASABI
SA MGA NANANAHAN SA LUPA, NA DAPAT SILANG GUMAWA NG ISANG LARAWAN ng hayop
na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.”
Ang DIABLO
din ang dahilan kung bakit may mga nagmumulto at pinapaniwala tayo na totoo
iyon ang mga yumao nating mga mahal sa buhay upang tayo ay DAYAIN at para kaniyang SIRAIN
at KONTRAHIN ang mga katotohanang
ito na nakasulat sa Biblia at tayo ay mailigaw.
V.
ANO ANG PAKIRAMDAM NG ISANG TAONG PATAY?
TANONG: Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong patay? Kailangan pa bang tayo’y mamatay para
maranasan ang nararanasan ng isang taong namatay na? Narito ang pagtuturo
ni Cristo:
JUAN 11:11-13
“Ang mga
bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, SI LAZARO NA ATING KAIBIGAN AY NATUTULOG;
nguni't AKO'Y PAROROON, UPANG GISINGIN
KO SIYA SA PAGKAKATULOG. Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon,
kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
SINALITA NGA NI JESUS ANG TUNGKOL SA
KANIYANG PAGKAMATAY: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang
karaniwang pagtulog.”
Tulad ng isang natutulog ang pakiramdam ng isang
tao pag namatay na. Hindi ba pag ang isang tao ay natutulog siya ay walang
naririnig ni walang nalalaman sa nangyayari sa paligid niya? At hindi natin
ginagawang makipagusap sa taong alam nating natutulog. Kaya hindi rin marapat
na kausapin ang isang patay. ANG
PAKIRAMDAM NG TAONG PATAY AY PAKIRAMDAM NG ISANG TAO NA MAY DI PANGKARANIWANG
PAGTULOG AYON SA BIBLIA. Kaya hindi na kailangan pang mamatay para
maranasan ang pakiramdam ng isang taong patay na dahil MAIHAHALINTULAD ITO SA ISANG NAPAKAHIMBING NA PAGKAKATULOG na kung
minsan ay ating nararanasan kahit tayo ay buhay pa.
VI.
PAANO ANG PANINIWALA NG MGA KATOLIKO NA KAPAG ANG ISANG TAO AY BANAL O ISANG
SANTO SIYA AY NASA LANGIT NA?
Sa paniniwala ng mga KATOLIKO ang mga SANTO o
MGA TAONG BANAL lamang ang KAAGAD na pupunta sa LANGIT.
TANONG: Totoo kaya ang paniniwalang ito? Ating tunghayan ang patotoo ng
Biblia:
Gawa 2:29 at 34
“Mga
kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang TUNGKOL
SA PATRIARKANG SI DAVID, na SIYA'Y
NAMATAY AT INILIBING, AT NASA ATIN ANG KANIYANG LIBINGAN HANGGANG SA ARAW NA
ITO….Sapagka't HINDI UMAKYAT SI
DAVID SA MGA LANGIT; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon
sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko.”
Maliwanag na ipinakita sa atin ng Biblia na SI HARING DAVID AY HINDI UMAKYAT SA LANGIT.
TANONG: Bakit hindi umakyat sa langit si David? Ano bang uring tao si David? Ganito ang
pagpapakilala niya mismo:
Awit 86:2
“Ingatan mo
ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y
BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa
iyo.”
Sabi ni DAVID
ay BANAL sa madaling salita isa
siyang SANTO - kung ang pagbabatayan ay paniniwalang Katoliko. Subalit maliwanag
na sinabi sa atin ng Biblia na HINDI
UMAKYAT SI DAVID SA LANGIT. Kaya HINDI
TOTOO NA KAPAG BANAL O ISANG SANTO AY AAKYAT SA LANGIT.
Subalit hindi naman natin maikakaiala na MAYROON NANG MGA TAO SA LANGIT NGAYON SA
KASALUKUYAN. Pero hindi kasali dun si DAVID. Sino ang mga taong iyon?
VII.
ILAN AT SINO LAMANG BA ANG TAONG KASALUKUYANG NASA LANGIT NGAYON?
Narito at ating malalaman ngayon ANG MGA TAONG NASA LANGIT HANGGANG SA
KASALUKUYAN sila ay sina;
- ENOC
- PROPETA ELIAS at
- PANGINOONG JESUCRISTO
1. Umakyat si ENOC sa langit sa pamamagitan ng PAGKUHA SA KANIYA NG DIYOS:
Genesis 5:24
“At lumakad
si ENOC na kasama ng Dios: at di
siya nasumpungan, sapagkat KINUHA NG
DIOS.”
Hebreo 11:5
“Sa
pananampalataya si ENOC AY INILIPAT
UPANG HUWAG NIYANG MAKITA ANG KAMATAYAN; AT HINDI SIYA NASUMPUNGAN, SAPAGKA'T
SIYA'Y INILIPAT NG DIOS: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa
kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios.”
2. Si PROPETA ELIAS naman ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng ISANG KARONG APOY NA ITINAAS SA LANGIT SA
PAMAMAGITAN NG ISANG IPO-IPO:
2 Hari 2:11
“At
nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, NAPAKITA ANG ISANG KARONG APOY, at mga
kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at SI ELIAS AY SUMAMPA SA LANGIT SA PAMAMAGITAN NG ISANG IPOIPO.”
3. At ang ating PANGINOONG JESUCRISTO na INIAKYAT SA MGA ALAPAAP:
Gawa 1:8-9
“Datapuwa't
tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at
kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At pagkasabi niya ng mga bagay na
ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay DINALA
SIYA SA ITAAS; AT SIYA'Y TINANGGAP NG ISANG ALAPAAP at ikinubli sa kanilang
mga paningin.”
ANG MGA
TAONG NABANGGIT AY UMAKYAT SA LANGIT NG BUONG-BUO – TAGLAY NILA ANG KANILANG
KALULUWA, ESPIRITU AT KATAWAN. Sila lamang TATLO
ang kasalukuyang nasa langit ngayon.
Walang sinasabi ang Biblia tungkol sa mga aral ng
ibang relihiyon na mga taong umakyat din sa langit gaya ni BIRHENG MARIA na pinaniniwalaan ng mga Katolikong nasa langit din
ngayon. WALANG PURGATORIO, at wala
ring binabanggit na may pinarurusahan na sa IMPIERNO.
VIII.
KUNG WALA NGAYON ANG MGA TAONG PATAY SA LANGIT O IMPIYERNO NASAAN SILA, AT
KAILAN SILA PUPUNTA SA LANGIT O DI KAYA’Y HAHATULAN SA IMPIYERNO?
Maliwanag
nating nakita sa Biblia na;
- Ang kaluluwa ng tao ay hindi humihiwalay sa kaniyang katawan.
- Kung saan nalibing ang katawan ng isang tao nandoroon din ang kaniyang kaluluwa.
TANONG: Kailan naman muling babangon ang mga taong namatay na? Narito ang
sagot:
Job 14:10-12
“Nguni't ANG TAO AY NAMAMATAY AT NATUTUNAW; Oo, ANG TAO AY NALALAGUTAN NG HININGA, at
saan nandoon siya? Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, At ang ilog ay
humuhupa at natutuyo; Gayon ANG TAO AY
NABUBUWAL AT HINDI NA BUMABANGON: HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA, SILA'Y
HINDI MAGSISIBANGON, NI MANGAGIGISING MAN SA KANILANG PAGKAKATULOG.”
Ang tao ay mananatili sa kaniyang libingan HANGGANG SA PANAHON NA ANG LANGIT AY
MAWALA, AT ANG PAGKAWALA NG LANGIT AY MAGAGANAP SA ARAW NG PAGHUHUKOM na
siya ring muling pagparito ng Panginoong Jesus:
2 Pedro 3:10 at 7
Datapuwa't darating
ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ANG SANGKALANGITAN SA ARAW NA IYAN AY MAPAPARAM na kasabay ng
malaking ugong, at ANG MGA BAGAY SA
LANGIT AY MAPUPUGNAW SA MATINDING INIT, at ang lupa at ang mga gawang nasa
lupa ay pawang masusunog….Nguni't ANG
SANGKALANGITAN NGAYON at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita AY ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN
SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama.
Ang pagparito ni Cristo na siya ring PANAHON NG PAGKABUHAY NA MAGULI NG MGA
NAMATAY:
Juan 5:25
“Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na MARIRINIG NG MGA PATAY ANG TINIG NG ANAK NG DIOS; AT ANG MANGAKARINIG AY
MANGABUBUHAY.”
Apocalipsis
20:12-15
“At NAKITA KO ANG MGA PATAY, MALALAKI AT
MALILIIT, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga
aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ANG MGA PATAY AY HINATULAN AYON SA MGA
BAGAY NA NASUSULAT SA MGA AKLAT, AYON SA KANILANG MGA GAWA. At IBINIGAY NG DAGAT ANG MGA PATAY NA NASA
KANIYA; AT IBINIGAY NG KAMATAYAN AT NG HADES ANG MGA PATAY NA NASA KANILA:
at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ANG KAMATAYAN AT ANG HADES AY IBINULID SA
DAGATDAGATANG APOY. ITO ANG IKALAWANG
KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY. At KUNG ANG SINOMAN AY HINDI NASUMPUNGANG NAKASULAT SA AKLAT NG BUHAY, AY
IBINULID SA DAGATDAGATANG APOY.”
Hebreo 9:27
“At KUNG PAANONG ITINAKDA SA MGA TAO ANG
MAMATAY NA MINSAN, AT PAGKATAPOS NITO AY ANG PAGHUHUKOM.”
2 Pedro 2:9
“ANG PANGINOON AY MARUNONG MAGLIGTAS NG MGA
BANAL, SA TUKSO AT MAGLAAN NG MGA DI MATUWID SA ILALIM NG KAPARUSAHAN HANGGANG
SA ARAW NG PAGHUHUKOM.”
Sa ARAW NG
PAGHUHUKOM o sa MULING PAGPARITO NI
CRISTO malalaman ng tao kung saan siya mapupunta. Kung sa LANGIT ba o sa IMPIYERNO, dahil sa panahong iyon doon pa lamang IGAGAWAD ANG GANTIMPALA at ANG PAGPAPARUSA SA LAHAT NG MGA TAO.
Mateo 25:32-34
at 41
“At TITIPUNIN SA HARAP NIYA ANG LAHAT NG MGA
BANSA: at SILA'Y PAGBUBUKDINBUKDIN
niya na GAYA ng pagbubukodbukod ng
pastor sa mga TUPA at sa mga KAMBING; At ILALAGAY NIYA ANG MGA TUPA SA KANIYANG KANAN, datapuwa't SA KALIWA ANG MGA KAMBING. Kung
magkagayo'y SASABIHIN NG HARI SA NANGASA
KANIYANG KANAN, MAGSIPARITO KAYO, MGA PINAGPALA NG AKING AMA, MANAHIN NINYO ANG
KAHARIANG NAKAHANDA SA INYO BUHAT NANG ITATAG ANG SANGLIBUTAN….Kung
magkagayo'y SASABIHIN NAMAN NIYA SA MGA
NASA KALIWA, MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MGA SINUMPA, AT PASA APOY NA WALANG
HANGGAN NA INIHANDA SA DIABLO AT SA KANIYANG MGA ANGHEL.”
Ito ang mga
KATOTOHANANG itinituro ng Biblia na dapat nating sampalatayanan, tanggapin
at paniwalaan.
No comments:
Post a Comment