Tuesday, September 22

NAGAWA BA NG DIABLO NA ALISIN ANG UTOS NG DIYOS SA IYONG PUSO?


MARAMING UTOS NG DIYOS ANG NAKASULAT SA BIBLIA.

Alin sa marami Niyang utos ang sa Kaniya ay totoong nakalulugod ngunit inaalis ng Diablo sa puso ng mga tao?

ANG PAG-AABULOY AY UTOS NG DIYOS na kapag ito ay ating tinutupad, ANG DIYOS AY TOTOONG NALULUGOD ayon sa;

2 Corinto 9:7-8
MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: HUWAG MABIGAT SA LOOB, O DAHIL SA KAILANGAN: sapagka't INIIBIG NG DIOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA. At MAAARING GAWIN NG DIOS NA ANG LAHAT NG BIYAYA AY MAGSISAGANA SA INYO; UPANG KAYO, NA MAYROONG LAGING BUONG KAYA SA LAHAT ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa.

Hebreo 13:15-16
Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ANG PAGABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN: sapagka't SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.

ANG PAGHAHANDOG NG HAING PASASALAMAT AY UTOS NG DIYOS na kapag ito ay ating ginawa ay NALULUWALHATI SIYA ayon sa;

Awit 50:14 at 23
IHANDOG MO SA DIOS ANG HAIN PASASALAMAT: At tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:…ANG NAGHAHANDOG NG HAING PASASALAMAT AY LUMULUWALHATI SA AKIN; At sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap Aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.

Samakatuwid, kung ANG DIYOS AY NALULUGOD SA MGA NAGHAHANDOG O NAG-AABULOY, sino naman ang may malaking galit sa mga naghahandog? Ayon sa Biblia, ang Diablo ay may malaking galit sapagka’t kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya ayon sa

Apocalipsis 12:12
Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan.  Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ANG DIABLO'Y BUMABA SA INYO, NA MAY MALAKING GALIT, SA PAGKAALAM NIYA NA KAUNTING PANAHON NA LAMANG MAYROON SIYA.

Ayon din sa hula ng Biblia, ang babakahin ng diablo ay ang binhi ng babae na nagsisitupad ng mga utos ng Diyos at may patotoo ni Jesus ayon sa

Apocalipsis 12:17
At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, at umalis UPANG BUMAKA SA NALABI SA KANIYANG BINHI, NA SIYANG NAGSISITUPAD NG MGA UTOS NG DIOS, AT MGA MAY PATOTOO NI JESUS:

Ang babae ay lumalarawan sa Iglesia Ni Cristo at ang binhi ng babae ay ang Iglesia Ni Cristo na may patotoo ni Jesus. Ang patotoo ni Jesus ay ang espiritu ng hula ayon sa;

Apocalipsis 19:10
At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin.  At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong MGA KAPATID NA MAYROONG PATOTOO NI JESUS: sumamba ka sa Dios: sapagka't ANG PATOTOO NI JESUS AY SIYANG ESPIRITU NG HULA.

Ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 ang siyang katuparan ng patotoo o hula ni Jesus ukol sa Kaniyang “IBANG MGA TUPA”.

Juan 10:16
At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN, at magkakaroon ng isang pastor.

Na magiging isang kawan o Iglesia Ni Cristo.

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.

Sa Filipino:

Gawa 20:28 George M. Lamsa Translation
Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.

Kaya natitiyak natin na tayo na mga Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw ang babakahin ng diablo na gaya ng leong umuungal ay gumagala at humahanap ng masisila niya ayon sa;

1 Pedro 5:8
Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ANG INYONG KALABAN NA DIABLO, NA GAYA NG LEONG UMUUNGAL, AY GUMAGALA NA HUMAHANAP NG MASISILA NIYA:

Ano ang paraan ng Diablo para madaya niya ang mga tao na nakapakinig na ng mga aral ng Diyos? Ayon kay Cristo.

Lucas 8:12
At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y DUMARATING ANG DIABLO, AT INAALIS ANG SALITA SA KANILANG PUSO, UPANG HUWAG SILANG MAGSISAMPALATAYA AT MANGALIGTAS.

Kapag naalis na ang salita sa kanilang mga puso, ano na ang magiging kasunod? Hindi na sila sasampalataya. Ano ang magiging hantungan ng hindi nila pagsampalataya sa salita ng Diyos? Ayon kay Cristo, hindi na sila maliligtas.

Magagawa ba ng Diablo ang kaniyang maitim na balak o layunin na alisin ang salita ng Diyos sa iyong puso? Kapag hindi mo pinanghawakang matibay ang ebanghelyo o ang mga salita ng Diyos na ipinangaral sa atin, at kapag hindi mo ito lubos na sinampalatayanan, maaagaw ng Diablo ang mga salita ng Diyos sa iyong puso.

Sino ang unang mag-asawa na napagtagumpayan ng Diablo? Ang sagot sa tanong na ito ay tiyak na alam na alam na ninyo. Sina Adan at Eba, kapuwa sila nadaya ni Satanas. Sino naman ang mag-asawa sa panahong Cristiano na napagtagumpayan din ng diablo? Sina Ananias at Sapira na naglingid ng isang bahagi ng kanilang abuloy o handog? Ano ang sabi ni Apostol Pedro kay Ananias?

Gawa 5:3
Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, BAKIT PINUSPOS NI SATANAS ANG IYONG PUSO UPANG MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?

Napatunayan natin sa pangyayari kina Ananias at Sapira na nadaya sila ng Diablo. Pinuspos ni Satanas ang kanilang mga puso. Ganyan din ang mangyayari sa ating mga puso kapag hindi natin sinasampalatayan ang mga salita ng Diyos na itinuro sa atin. Alam ng diablo na hindi niya tayo madadaya ukol sa kahalagahan ng pagdalo sa pagsamba gayundin ang pagtulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Hindi rin niya kaya na panghinain tayo sa pagkakilala sa Diyos at kay Cristo. Alam din ng diablo na masigla tayo sa iba’t ibang gawain sa Iglesia at matibay ang panghahawak natin sa aral ukol sa pag-iibigang magkakapatid.

Ngayon, aling aral ng Diyos ang agresibong inaalis ng Diablo sa ating mga puso? KUNG ANG PAGBABATAYAN NATIN AY ANG MGA LUMABAS SA INTERNET NA MGA PAHAYAG LABAN SA IGLESIA, LABAN SA PAMAMAHALA AT MAGING SA MGA MINISTRONG NASA SANGGUNIAN, ANG KARAMIHAN SA KINUKUWESTIYON AT TINUTULIGSA AY ANG UKOL SA ATING MGA ABULOY O HANDOG. Kapag tumigil na tayo sa pag-aabuloy o kaya ay nag-alinlangan tayo sa ating mga inihahandog ay nagawa ng Diablo na alisin ang salita ng Diyos sa ating mga puso.

Alam na alam natin kung anu-ano ang mga pinag-uukulan ng ating mga handog. Alam din natin kung saan ginugugol ng Pamamahala ang ating mga abuloy. ANG LAHAT AY GINUGUGOL PARA SA IKALULUWALHATI NG DIYOS. Kaya kapag ginamit ang ating handog sa pagpapatayo ng bahay sambahan, ang Diyos ay naluluwalhati

Hagai 1:8
Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at MANGAGTAYO KAYO NG BAHAY; AT AKING KALULUGDAN, AT AKO'Y LULUWALHATI, SABI NG PANGINOON.

Kapag ginagamit sa pagpapalaganap at nagbunga ng marami ay naluluwalhati ang Diyos

Juan 15:5 at 16 at 8
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: ANG NANANATILI SA AKIN, AT AKO'Y SA KANIYA, AY SIYANG NAGBUBUNGA NG MARAMI: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa… Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't KAYO'Y HINIRANG KO, AT AKING KAYONG INIHALAL, UPANG KAYO'Y MAGSIYAON AT MAGSIPAGBUNGA, AT UPANG MANATILI  ANG INYONG BUNGA: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo... SA GANITO'Y LUMULUWALHATI ANG AKING AMA, NA KAYO'Y MAGSIPAGBUNGA NG MARAMI; at gayon kayo'y magiging aking alagad.

Kapag ginamit sa pagsasagawa ng pagsamba, ang Diyos ay naluluwalhati

Awit 29:2
IBIGAY NINYO SA PANGINOON ANG KALUWALHATIANG MARAPAT SA KANIYANG PANGALAN: INYONG SAMBAHIN ANG PANGINOON SA KAGANDAHAN NG KABANALAN.
Saksi tayo sa maraming mga tagumpay ng Iglesia na ginugulan ng Pamamahala mula sa ating mga handog. Kaya para sa mga tunay na sumasampalataya, kahit na ano pa ang marinig natin na mga pang-uupat at pag-ususig ay magpapatuloy tayo sa paghahandog sa Diyos.

Ano naman ang gagawin ng diablo para huwag ka nang magpatuloy sa pag-aabuloy? Aalisin muna sa iyong puso ang salita ng Diyos

Lucas 8:12
At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y DUMARATING ANG DIABLO, AT INAALIS ANG SALITA SA KANILANG PUSO, UPANG HUWAG SILANG MAGSISAMPALATAYA AT MANGALIGTAS.

Kapag hindi ka na sumasampalataya sa aral ng Diyos ay bubulagin niya ang iyong pag-iisip upang hindi mo na makita ang liwanag

2 Corinto 4:4
Na BINULAG NG DIOS NG SANGLIBUTANG ITO ANG MGA PAGIISIP NG MGA HINDI NAGSISISAMPALATAYA, UPANG SA KANILA'Y HUWAG SUMILANG ANG KALIWANAGAN NG EVANGELIO ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Kaya bagama’t naghandog din sina Ananias at Sapira, hindi sila naging karapat-dapat dahil sa pinuspos ni Satanas ang kanilang puso.

Gawa 5:3
Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, BAKIT PINUSPOS NI SATANAS ANG IYONG PUSO UPANG MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?

Hindi sila sumunod sa napagkaisahan ng unang Iglesia na ibigay ang lahat ng napagbilhan ng kanilang mga pag-aari sa paanan ng mga apostol na siyang mga nangangasiwa sa Iglesia noon

Gawa 4:32-35
At ANG KARAMIHAN NG MGA NAGSISAMPALATAYA AY NANGAGKAKAISA ANG PUSO at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan. At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. Sapagka't wala sinomang nasasalat sa kanila: palibhasa'y IPINAGBILI NG LAHAT NG MAY MGA LUPA O MGA BAHAY ang mga ito, AT DINALA ANG MGA HALAGA NG MGA BAGAY NA IPINAGBILI, AT ANG MGA ITO'Y INILAGAY SA MGA PAANAN NG MGA APOSTOL: at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.

Paano naman ngayon binubulag ng Diablo ang puso at pag-iisip ng ilang mga Iglesia Ni Cristo?
  • Nakakalat sa Internet ang kaniyang mga sinasabi sa pamamagitan ng mga taong dinaya niya. Sinasabi ng mga nadaya niya na may “CORRUPTION” o “KATIWALIAN” DAW sa pananalapi ng Iglesia Ni Cristo.
  • Kaya hinihimok nila ang mga kapatid na hindi na raw dapat pang mag-abuloy dahil sa ninanakaw lang naman daw ng Sanggunian ang kanilang inihahandog.
  • Pinagbibintangan din nila ang mga ministro na nagpapayaman daw mula sa abuloy. 
  • Inaakusahan din nila ang ilang mga ministro na tiwali dahil sa ang mga abuloy daw natin ay ipinambibili ng mga mamahaling sasakyan samantalang sila daw na mga mahihirap ay nagtatrabaho at lumalakad lang patungo sa kapilya.
  • Sinasabi pa ng mga nadaya ni Satanas na may katiwalian daw sa paggamit ng pondo ng Iglesia dahil sa halip na gamitin para sa pagpapatayo ng mga kapilya ay ginamit daw sa pagpapatayo ng Philippine Arena (bagama’t alam nilang walang tigil ang pagpapatayo natin ng kapilya, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa).
  • Sinabi pa ng isang dating ministro na ngayon ay tiwalag na (hinatulan ng Diyos dahil sa pagsisinungaling), na bumaba daw ang handugan sa probinsiya at malaki na raw ang porsiyento ng hindi na nag-aabuloy.
  • Ang iba naman na ginamit ni Satanas ay hinihikayat ang mga kapatid na PISO na lang ang i-abuloy at isulat daw sa sobre na “PARA KAY KA JUN SANTOS ANG PERANG ITO.”
  • Hindi ba isang kahayagan ito na wala silang paggalang sa utos ng Diyos ukol sa pag-aabuloy?

Ilan lamang sa mga binanggit sa itaas ang sinasabi ng mga tao na pinuspos ni Satanas ang kanilang puso para magsinungaling. Kapag pinaniwalaan natin ang kanilang mga pahayag ay tiyak na madadaya din tayo ni Satanas. Paano tayo hindi madadaya ng diablo?

Gawa 26:17-18
Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y SINUSUGO KITA, UPANG IDILAT MO ANG KANILANG MGA MATA, UPANG SILA'Y MANGAGBALIK SA ILAW MULA SA KADILIMAN AT MULA SA KAPANGYARIHAN NI SATANAS HANGGANG SA DIOS, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

Ang Sugo ng Diyos at ni Cristo ang kakasangkapanin upang idilat ang mga mata ng mga bulag, upang dalhin sila mula sa kadiliman hanggang sa liwanag, at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Diyos. Sa mga sugo ibinigay ng Diyos ang salita at ang ministeryo ng pagkakasundo upang ang mga taong nadaya ng diablo ay makabalik sa Kaniya

2 Corinto 5:18-20
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at IBINIGAY SA AMIN ANG MINISTERIO SA PAGKAKASUNDO; Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at IPINAGKATIWALA SA AMIN ANG SALITA NG PAGKAKASUNDO. KAMI NGA'Y MGA SUGO SA PANGALAN NI CRISTO, NA WARING NAMAMANHIK ANG DIOS SA PAMAMAGITAN NAMIN: KAYO'Y PINAMAMANHIKAN NAMIN SA PANGALAN NI CRISTO, NA KAYO'Y MAKIPAGKASUNDO SA DIOS.

Ang Pamamahala na mula sa Diyos ay inilagay Niya sa Iglesia upang siyang magturo ng Kaniyang mga salita.

Colosas 1:25
Na AKO'Y GINAWANG MINISTRO NITO, AYON SA PAMAMAHALA NA MULA SA DIOS na ibinigay sa akin para sa  inyo UPANG MAIPAHAYAG  ANG SALITA NG DIOS.

Tatanglawan nila tayo ng ilaw na ito ang mga salita ng Diyos na ating tinatanggap sa panahon ng pagsamba.

Awit 119:105
ANG SALITA MO'Y ILAWAN SA AKING MGA PAA, AT LIWANAG SA AKING LANDAS.

1 Corinto 14:26
Ano nga ito, mga kapatid?  PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.

Ang salita ng Diyos ang ginamit ng ating Panginoong JesuCristo kaya hindi nagtagumpay ang diablo laban sa kaniya.

Mateo 4:4
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, HINDI SA TINAPAY LAMANG MABUBUHAY ANG TAO, KUNDI SA BAWA'T SALITANG LUMALABAS SA BIBIG NG DIOS.

Gamitin din natin ang ating pananampalataya upang huwag tayong madaya ng ating kaaway na diablo.

1 Pedro 5:8-9
Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ANG INYONG KALABAN NA DIABLO, NA GAYA NG LEONG UMUUNGAL, AY GUMAGALA NA HUMAHANAP NG MASISILA NIYA: Na SIYA'Y LABANAN NINYONG MATATAG SA INYONG PANANAMPALATAYA, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.

Kaya patuloy nating sundin ang mga aral ng Diyos ukol sa pag-aabuloy. Gawin natin ang itinuro sa atin na magbigay ayon sa pasiya ng ating puso, huwag mabigat sa loob at hindi napipilitan lamang sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.

2 Corinto 9:7
MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: HUWAG MABIGAT SA LOOB, O DAHIL SA KAILANGAN: SAPAGKA'T INIIBIG NG DIOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA.

Dapat nating ihanda ang ating mga abuloy upang huwag maging sapilitan.

2 Corinto 9:5
Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at IHANDA AGAD ANG INYONG ABULOY na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at HINDI GAYA NG SAPILITAN.

Gawin natin ang ipinayo ni Apostol Pablo sa mga taga Galacia na tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa atin ay magbukod at magsimpan ayon sa ating iginiginhawa o ayon sa biyaya na ating tinanggap sa Diyos.

1 Corinto 16:1-2
Ngayon TUNGKOL SA AMBAGAN sa mga banal, ay GAWIN DIN NAMAN NINYONG GAYA NG INIUTOS KO SA MGA IGLESIA NG GALACIA. TUWING UNANG ARAW NG SANGLINGGO ANG BAWA'T ISA SA INYO AY MAGBUKOD NA MAGSIMPAN, AYON SA KANIYANG IGINIGINHAWA, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

Huwag tayong maghahandog ng labis o tira sapagkat ang Diyos ay hindi napabibiro, kung ano ang ating itinanim ay iyon din ang ating aanihin.

Galacia 6:7-8
HUWAG KAYONG PADAYA; ANG DIOS AY HINDI NAPABIBIRO: sapagka't ANG LAHAT NA IHASIK NG TAO, AY SIYA NAMAN AANIHIN NIYA. Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ANG NAGHAHASIK NG SA ESPIRITU AY SA ESPIRITU MAGAANI NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Sundin natin sa pag-aabuloy ang mga patakarang itinuro ng Diyos sa atin. Huwag nating biruin ang paghahandog.
Huwag din tayong pumayag na mahadlangan ng kahirapan sa buhay ang ating tungkuling paghahandog. Kunin nating halimbawa ang mga kapatid natin sa Macedonia na kahit na sila noon ay nasa matinding kahirapan ay nagsipag-abuloy, hindi lamang ayon sa kanilang kaya kundi higit pa.

2 Corinto 8:1-3
Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob SA MGA IGLESIA NG MACEDONIA; KUNG PAANONG SA MARAMING PAGSUBOK SA KAPIGHATIAN ang kasaganaan ng kanilang katuwaan AT ANG KANILANG MALABIS NA KARUKHAAN ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob. Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako AT HIGIT PA SA KANILANG KAYA, AY NAGSIABULOY SILA sa sariling kalooban,

Nagawa nila ang ganito kataas na uring paghahandog dahil sa ibinigay nila noon ang kanilang sarili sa Pamamahala.

2 Corinto 8:4
Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at SA PAKIKISAMA SA PANGANGASIWA NG MGA ABULOY SA MGA BANAL:

Nakipagkaisa sila noon sa Namamahala sa kanila sapagkat alam nila na ang kanilang mga inihandog ay sinisinop na mabuti para hindi lamang maging kagalang-galang sa mata ng mga tao kungdi higit sa lahat ay sa mata ng Diyos.

2 Corinto 8:19-20
At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin TUNGKOL SA BIYAYANG ITO, NA PINANGANGASIWAAN NAMIN SA IKALULUWALHATI NG PANGINOON, AT UPANG IPAMALAS ANG AMING SIKAP: NA INIILAGAN ITO, NA SINOMA'Y HUWAG KAMING SISIHIN TUNGKOL SA ABULOY NA ITO NA AMING PINANGANGASIWAAN:

Ganito din ang ginagawa ng kasalukuyang Pamamahala. Sinisinop na mabuti ang ating mga handog. Sa mga lokal pa lamang ay naglalagay na ng mga maytungkulin sa pananalapi na sumisinop ng ating mga abuloy, pagkatapos ay sa mga tanggapan ng distrito hanggang sa Opisina Central. Maraming mga tapat na katulong ang Pamamahala na mga maytungkulin sa Pananalapi upang maingatan ang kalinisan at kabanalan ng pananalapi ng Iglesia Ni Cristo.

  • Tanggapin natin ng walang pag-aalinlangan ang sinabi ng Kapatid na EDUARDO V. MANALO na “WALANG KATIWALIAN” o “ANOMALYA” sa Pananalapi ng Iglesia. 
  • Sila ang pakinggan natin sapagkat sila ang unang nagmamalasakit sa kapakanan ng buong Iglesia. 

Huwag nating pakinggan ang mga taong pinuspos ni Satanas ang kanilang mga puso para magsinungaling. Para sa kanila ang sinabi ni Apostol Pedro na: “HINDI KAYO NAGSINUNGALING SA TAO KUNDI SA DIYOS”.

Gawa 5:4
Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan?  Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? HINDI KA NAGSINUNGALING SA MGA TAO, KUNDI SA DIOS.

No comments:

Post a Comment