ITINATANONG NG IBA;
- Kung ang mga INC members ang maliligtas sa Judgment Day, how about those people na hindi narating ng pangangaral ng INC.
- Iyong mga tribes sa Africa, mga bansang walang INC at mga taong nabuhay before 1914? hindi ba ligtas ang gayon karaming tao?
Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA
NI CRISTO sa HULING ARAW na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos
sa lahat ng mga bansa:
Mateo 24:14
“AT IPANGANGARAL
ANG EVANGELIONG ito ng kaharian SA BUONG SANGLIBUTAN sa pagpapatotoo
SA LAHAT NG MGA BANSA; at KUNG MAGKAGAYO'Y DARATING ANG WAKAS.”
At kapag naisagawa na ng IGLESIA NI CRISTO na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi ni Cristo: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.
Kaya hindi pa nagwawakas dahil hindi pa NAAABOT
ng IGLESIA NI CRISTO ang lahat ng kasuluk-sulukan ng daigdig. Maaabot
din ng pangangaral ng tunay na IGLESIA ang buong sanglibutan dahil sa
pag-unlad ng technology. Ang IGLESIA ay may mga programa sa RADYO,
TV at INTERNET para ipangaral sa buong bansa ang kahalagahan ng IGLESIA.
Doon sa pangalawang tanong na, Papaano iyong
mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG
UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, Paano sila ngayon maliligtas?
Narito ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:
Roma 2:12
“Sapagka't
ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG
WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY
SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN.”
May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay SA
PANAHON NANG WALANG KAUTUSAN (110A.D. TO 1914A.D.), o HINDI UMIIRAL ANG
TUNAY NA ARAL NG DIYOS. Hindi nakaabot sa tao ang Kaniyang mga salita dahil
WALANG TUNAY NA SUGO at WALANG TUNAY NA IGLESIA. Kung nagkasala
sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa
panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY (33A.D.
to 110A.D.) at noong 1914 hanggang sa ARAW NG PAGHUHUKOM ay
meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay
sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.
TANONG: Papaano hahatulan ang mga tao na
nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?
Roma 2:14-15
“(Sapagka't kung ANG MGA GENTIL NA WALANG KAUTUSAN sa katutubo,
AY NAGSISIGAWA NG MGA BAGAY NG KAUTUSAN, ANG MGA ITO, NA WALANG KAUTUSAN, AY
SIYANG KAUTUSAN SA KANILANG SARILI; NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG
NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at
ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't
isa).”
Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA. Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN O TUNAY NA ARAL AT WALANG TUNAY NA IGLESIA.
- Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral.
- Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral.
- Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.
TANONG: May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?
Genesis 4:9-12
"At SINABI
NG PANGINOON KAY CAIN, SAAN NAROON SI ABEL NA IYONG KAPATID? At SINABI
NIYA, AYWAN KO: AKO BA'Y TAGAPAGBANTAY SA AKING KAPATID? At sinabi niya,
Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin
mula sa lupa. At NGAYO'Y SINUMPA KA SA LUPA NA SIYANG NAGBUKA NG BIBIG NA
TUMANGGAP SA IYONG KAMAY NG DUGO NG IYONG KAPATID; Pagbubukid mo ng lupa,
ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging
palaboy at hampas-lupa sa lupa."
NOONG
PATAYIN NI CAIN SI ABEL AY MAYROON NA
BANG BATAS NA BAWAL ANG PUMATAY? WALA
PA.
Dahil sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong
taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi naman natin kayang sabihin
na hindi nakonsensya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain. Kaya ng
hinahanap ng Diyos kung nasaan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na
pinatay niya ito, kundi sabi niya “AYWAN KO, AKO BA'Y TAGAPAGBANTAY SA AKING
KAPATID?” at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang
batas o kautusang nakasulat na umiiral.
No comments:
Post a Comment