Tuesday, September 22

PAGSUSURI SA ARAL NG SAKSI NI JEHOVAH - PART 1



“JEHOVAH” TAMA BA BILANG PANGALAN NG DIYOS?

Hindi lingid sa atin na may samahang pang relihiyon na gumagamit ng pangalang JEHOVAH para tukuyin ang di-umano’y TUNAY NA DIOS ng Biblia. Suriin natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga bang naayon sa mga nakasulat sa BIBLIA. Magpasimula tayo at kung ating susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng DIOS ang Kanyang sarili sa Kaniyang UNANG BAYAN ang ISRAEL sa pamamagitan ng IBA’T-IBANG PANGALAN.

Sa Exodo 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”

EXODO 3:13-14
“At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila? At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.

Sa Isaias 57:15 ay atin namang mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”

Isaias 57:15
“Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ANG PANGALAN AY BANAL; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Dito naman sa Exodo 34:14 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay  “MAPANIBUGHUIN”

Exodo 34:14
“Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ANG PANGALAN AY MAPANIBUGHUIN; ay mapanibughuin ngang Dios:”

Sa Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “AMA”

Isaias 63:16
“Sapagka't ikaw ay aming AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh PANGINOON, AY AMING AMA, aming Manunubos na mula sa walang pasimula AY SIYA MONG PANGALAN.”

Dito naman sa Awit 68:4 ay sinasabi ng Biblia na ang pangalan ng Dios ay “JAH”

Awit 68:4
“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ANG KANIYANG PANGALAN AY JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.”

Maging sa Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ISHI”

Oseas 2:16
“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong ISHI, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa BIBLIA. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. SIYA ANG DIOS NA NANGANGAHULUGANG LAKAS O KAPANGYARIHAN.

Sinasabi ng Biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang KAPANGYARIHAN (Jer. 10:12).

Jeremias 10:12
“KANIYANG GINAWA ANG LUPA SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG KAPANGYARIHAN, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa.”

Siya ay tinatawag na AMA sapagkat SA KANIYA NAGMULA ANG LAHAT NG BAGAY (1 Cor. 8:6).

1 Corinto 8:6
“Nguni't SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, NA BUHAT SA KANIYA ANG LAHAT NG MGA BAGAY, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

Siya’y tinatawag na MAPANIBUGHUIN, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang diyos (Exo. 34:14-17).

Exodo 34:14-17
“Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ANG PANGINOON NA ANG PANGALAN AY MAPANIBUGHUIN; ay mapanibughuin ngang Dios: Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain; At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios. HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG MGA DIOS na binubo.”

Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “AKING ASAWA” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan (Oseas 2:16).

Oseas 2:16
“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong ISHI, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang Dios ay BANAL kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).

Levitico 11:44
“Sapagka't AKO ANG PANGINOON NINYONG DIOS: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; SAPAGKA'T AKO'Y BANAL; ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.”

Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios  na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo:

New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix

Salin sa Filipino:

“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay DIOS, ang pagkakasalin ng orihinal na ELOHIM. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay PANGINOON, kumakatawan sa ADONAI. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan".

Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa APAT NA LETRAYHWH.

ARGUMENTO: Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay Jehovah, kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo kaya ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah?

Mahalagang ating suriin, at alamin kung sino ang unang gumamit at kung kailan unang ginamit ang salitang Jehovah.

Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay  “SAKSI NI JEHOVAH” o “JEHOVAH’S WITNESS”  na siyang malimit gumamit ng pangalang “Jehovah”. Sila ang ating tanungin.

 TANONG: Sino at kailan unang ginamit ang pangalang Jehovah? Sa kanilang opisyal na magasin, “Ang Bantayan”  inilathala noong Agosto 1, 1980 ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan.

Ang Bantayan: Agosto 1, 1980
“Kapuna-puna nga, SI RAYMUNDUS MARTINI, ISANG MONGHENG KASTILA NG ORDENG DOMINICANO ANG UNANG NAGSALIN NG “JEHOVAH” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na PUGEO FIDEI, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”

Pansinin natin na kinikilala ng mga “Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na si Raymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE.

Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:

The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v
“THE FORM ‘JEHOVAH’ IS OF LATE MEDIEVAL ORIGIN”

Maging ang bantog na mananalaysay na si WEBSTER sa kaniyang ANCIENT HISTORY ay nagpahayag:

 “THIS NAME JEHOVAH WAS NEVER KNOWN TO THE ANCIENT HEBREW”

Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya.

TANONG: Bakit sa ibang salin ng Biblia ay nakasulat ang pangalang “JEHOVAH”? Ang THE LIVING BIBLE ENCYCLOPEDIA IN STORY AND PICTURES, vol.7, pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan.

The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures: Vol.7, pp. 905-906

Salin sa Filipino:

“Jehovah (je-ho’va), ang salitang English ng HEBREONG TETRAGRAM na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15) ANG ORIGINAL NA BIGKAS NITO AY HINDI NABABATID.”

Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng TETRAGRAM.  Ang salitang TETRAGRAMMATON ay nagmula sa wikang GRIEGO na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra. Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang APAT NA LETRA ng alpabetong Hebreo na Yod-Hey-Waw-Hey katumbas ng YHWH o JHVH.

Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga KATINIG lamang at walang mga PATINIG kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito. Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at dahil sa hindi pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios.

Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. page 177 sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito ang ating matutunghayan:

Ellicott’s Commentary on the Bible, Vol. I. . page 177

Salin sa Filipino:

“Ang baybay ng salitang JEHOVAH ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang (J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa ADONAI (PANGINOON) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A, O, E alinsunod sa uri ng KATINIG na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh; SiFursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ay Yehovah.”

Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”, ANG BANTAYAN na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:

ANG BANTAYAN, Agosto 1, 1980, pahina 4-5
“……. ANG PANGALAN NG DIYOS SA MAS MATATANDANG MANUSKRITONG HEBREO AY NAKASULAT NA YHWH O JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “TETRAGRAMMATON”, na ang ibig sabihin “APAT NA LETRA”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, HINDI MATIYAK KUNG ANONG PATINIG NG DALAWANG SALITANG HEBREO NA A.DO.NAY (PANGINOON) AT EL.O.HIM (DIYOS) AY ISINAMA SA TETRAGRAMMATON AT ANG LUMABAS NA BIGKAS AY YE.HO.WAH. Sa wakas SA ANYONG LATIN, ITO’Y NAGING “JEHOVAH”. Subalit, MARAMING ISKOLAR NA HEBREO ANG NAGSASABI NA MAS TAMA RAW ANG “YAHWEH”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “YEHWAH” sa lahat ng kaniyang edisyon”

Pansinin natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH o JHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh”  “Yehveh” at “Yehwah”

Alinman sa mga ito ay hindi mapapanghawakan. Bakit? Sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay. Ituloy natin ang pagbasa sa pahina 11.

ANG BANTAYAN, Agosto 1, 1980, pahina 11
“Ngunit anong salita ang “WASTONG KUMAKATAWAN” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “YEHWAH” at ang iba ay JEVE at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na MGA PALA-PALAGAY LAMANG ANG PINAGBABATAYAN sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.”

Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alinman sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.

Sa kanilang aklat na HAYAANG MAGING TAPAT  ANG DIOS, sa pahina 24 ay ganito ang kanilang pahayag:

HAYAANG MAGING TAPAT  ANG DIOS, pahina 24
“………bagaman ang ALIN MAN SA MGA ITO AY HINDI KAYPALA SIYANG PAGBIGKAS NG DIOS SA KANIYANG PANGALAN KAY MOISES”

Maging ang  mga dalubhasa sa Biblia ay nagpatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:

The Bible Revised Standard Version, p. v

Salin sa Filipino:
 
“ANG SALITANG “JEHOVAH” AY DI WASTONG KUMAKATAWAN SA ANO MANG ANYO NG PANGALAN DI GINAMIT SA HEBREO.”

Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya ANG PANGALANG “JEHOVAH” NA ITO’Y MALIWANAG NA DI SINASANG-AYUNAN NG MGA DALUBHASA SA BIBLIA AT LALO NA NG BIBLIA MISMO.

TANONG: Paano kung tangkain ng iba na baguhin, bawasan at dagdagan ang mga salita na nakasulat sa Biblia? Ano ang mahigpit na tagubilin ng Diyos ukol sa Kaniyang salita na nakasulat sa Biblia?

Deuteronomio 4:2
HUWAG NINYONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN ANG SALITA NA AKING INIUUTOS SA INYO, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.”

Mahigpit na ipinagbabwal ng Diyos ang magdagdag o magbawas ng mga salita na nakasulat sa Biblia.

TANONG: Sa panahon ng pangangaral ng ating Panginoong Jesucristo ano rin ang mahigpit na tagubilin Niya ukol sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia?

Matthew 5:18 Contemporary English Version
“Heaven and earth may disappear. But I promise you that not EVEN A PERIOD OR COMMA WILL EVER DISAPPEAR FROM THE LAW. Everything written in it must happen.”

Sa Filipino:

“Ang langit at lupa ay maaaring mawala.  Ngunit ipinangangako ko na KAHIT ANG ISANG TULDOK O KUWIT AY HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN.  Lahat ng nakasulat doon ay mangyayari.”

Maliwanag ang pagtuturo ng Panginoong Jesucristo, hindi niya ipinahihintulot na maging ang TULDOK o KUWIT ay mawala sa mga kautusan o Salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia?
TANONG: Nang mangaral ang mga Apostol. Ano rin ang kanilang mahigpit na tagubilin sa mga unang Cristiano?

I Corinto 4:6
“Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay MANGATUTO KAYO NA HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.”

Ayon sa pagtuturo ni Apostol Pablo, kinakailangang HINDI TAYO DAPAT HUMIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT.

TANONG: Ano ang mabigat na parusa sa mga taong mangangahas na magdagdag, magbawas, mag-alis at magbago ng mga salita na nakasulat sa Biblia?

Apocalipsis 22:18-19
“Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, KUNG ANG SINOMAN AY MAGDAGDAG SA MGA ITO, AY DARAGDAGAN SIYA NG DIOS NG MGA SALOT NA NAKASULAT SA AKLAT NA ITO: AT KUNG ANG SINOMAN AY MAGALIS SA MGA SALITA NG AKLAT NG HULANG ITO, AY AALISIN NG DIOS ANG KANIYANG BAHAGI SA PUNONG KAHOY NG BUHAY, AT SA BAYANG BANAL, NA NANGAKASULAT SA AKLAT NA ITO.”

Kasuklam sa Panginoong Diyos at parurusahan ang magdagdag ni magbawas, mag-alis at magbago ng mga salita na nakasulat sa Biblia.

No comments:

Post a Comment