Tuesday, September 29

MAS KINIKILALA BA NG MGA IGLESIA NI CRISTO SI KAPATID NA FELIX Y. MANALO KAYSA SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO?



Ang mga tumutuligsa sa IGLESIA NI CRISTO ay umimbento ng mga paratang upang mapigilan ang mga tao na makinig sa mga aral ng Diyos at huwag silang maganyak na magpatuloy ng pagsusuri sa mga aral na itinuturo sa mga nagnanais na umanib sa Iglesia Ni Cristo.

Ang isa sa mga ipinaparatang sa amin ay ang ukol sa PAGKAKILALA namin sa KARAPATAN ni Kapatid na FELIX Y. MANALO. Sinasampalatayan ng IGLESIA NI CRISTO na siya ang katuparan ng hinuhulaang “ANGHEL” na magmumula sa SILANGAN sa Apocalipsis 7:2-3.

TANONG: Paano nila pinilipit ang KATOTOHANANG ito?

Ang “ANGHEL” daw ay mas mataas sa “TAO” kaya si Kapatid na FELIX Y. MANALO na ANGHEL ay mas mataas daw sa ating PANGINOONG JESUCRISTO. Bakit? Dahil sa sinasampalatayanan natin na si Cristo ay “TAO” sa KANIYANG LIKAS NA KALAGAYAN dahil Siya mismo ang nagpatotoo nito sa Biblia nang sabihin niya sa:

Juan 8:40
Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG SA INYO'Y NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

Kaya ang WRONG CONCLUSION nila ay MAS MATAAS DAW ANG PAGKAKILALA NATIN KAY KAPATID NA FELIX Y. MANALO KAYSA SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.

Tandaan natin na ito ay isang PARATANG LANG at WALANG KATOTOHANAN. Bakit natin sinasabi na ito ay isang paratang lamang at walang katotohanan?

  • Wala tayong ARAL o DOKTRINA na mas mataas si Kapatid na Felix Y. Manalo sa ating Panginoong JesuCristo.
  • Hindi nangangahulugan na dahil si KAPATID NA FELIX Y. MANALO ay “ANGHEL” ay mas mataas na siya sa ating PANGINOONG JESUCRISTO.

Kaya lang nila ito ginagawang “ISSUE” laban sa atin ay dahil sa inililigaw nila ang mga tao na hindi alam kung ano ba ang kahulugan ng terminong “ANGHEL.”

TANONG: Bakit ba si Kapatid na Felix Y. Manalo ay kinikilala nating anghel? Ano ba ang ibig sabihin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ay isang anghel? Ang mga autoridad ng Iglesia Katolika ay nagpapatunay ukol dito:

DISCOURSES ON THE APOSTLES’ CREED; by: Crock, Clement H., New York, Joseph F. Wagner, © 1938, p. 72
“They are called ‘ANGELS', FROM A GREEK WORD WHICH MEANS MESSENGER. THE WORD ‘ANGEL’, THEREFORE, DOES NOT EXPRESS THE NATURE OF THESE SPIRITS, BUT RATHER THE OFFICES...”

Ang ibig sabihin nito siya ay “SUGO” (NG DIYOS) sapagkat ANG TERMINONG ANGHEL na galing sa wikang GRIYEGO, ay “SUGO” ang kahulugan sa wikang Pilipino. Alam kaya ng mga kaibigan nating Katoliko na nagpaparatang sa atin na ang kahulugan ng salitang “ANGHEL” ay “SUGO”? Baka naman sadyang inililigaw lang nila ang mga tao? Ang terminong “ANGHEL” ay HINDI TUMUTUKOY SA KALAGAYAN KUNDI SA TUNGKULIN? Kaya, si KAPATID NA FELIX Y. MANALO ay ANGHEL sapagkat ito ang kaniyang TUNGKULIN: siya ay “SUGO” ng DIYOS.

ARGUMENTO: Paano raw magiging ‘ANGHEL” ang isang taong katulad ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO?

Bakit ganito ang kanilang itinatanong? Dahil sa kanilang MALING AKALA na ANG TAO AY HINDI MAAARING MAGING ANGHEL. Ano ang katunayang mali ang paniniwalang ang tao ay hindi maaaring tawaging “ANGHEL”?

TANONG: Sa Biblia ba ay may mga TAO na tinawag na ANGHEL?

MGA TALATA SA BIBLIA NA ANG TERMINONG “ANGHEL” AY TUMUTUKOY SA MGA “TAO”
BIBLE VERSES
GREEK TERM
PALIWANAG


Santiago 2:25


“TOUS ANGELOUS”
ay isinalin na “MGA SUGO” at ito ay tumutukoy sa mga TAO na isinugo ni Josue kay Rahab.

Lucas 7:24

“TÅŒN ANGELÅŒN
ay isinalin na “MGA SUGO” at ito ay tumutukoy sa mga TAO na isinugo ni Juan.




Lucas 9:52




“ANGELOUS”
ay isinalin na “MGA SUGO” at ito ay tumutukoy sa mga TAO na isinugo ng ating Panginoong JesuCristo sa unahan ng Kaniyang mukha at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano.

Kaya isang malaking pagkakamali na akalain na ang tao ay hindi maaaring tawaging anghel.

Maging sa Malachi 2:7 Douay-Rheims Version (Official Catholic Version), ang saserdote ay tinawag na “THE ANGEL OF THE LORD OF HOSTS.” Ipinaliwanag din ng mga AWTORIDAD KATOLIKO sa FOOTNOTE ang kahulugan ng terminong “ANGEL” sa talatang ito ay:

“2,7: THE ANGEL: THE MINISTER AND MESSENGER…”.

Ang MINISTRO ba ay TAO? Oo. Kung gayon, HINDI MALING TAWAGIN NA SI KAPATID NA FELIX Y. MANALO AY ANGHEL SAPAGKAT SIYA AY ISANG TAO AT ISANG MINISTRO.

TANONG: Lahat ba naman ng tao ay maaaring tawaging ANGHEL? Hindi. Sinong tao ang maaaring tawaging ANGHEL? ANG TAO NA ISINUGO NG DIYOS.

Matthew 11:7-10 Douay-Rheims Version
“And when they went their way, Jesus began to say to the multitudes concerning JOHN: What went you out into the desert to see? a reed shaken with the wind? But what went you out to see? A MAN clothed in soft garments? Behold they that are clothed in soft garments, are in the houses of kings. But what went you out to see? a prophet? yea I tell you, and more than a prophet. For this is he of whom it is written: Behold I SEND MY ANGEL before thy face, who shall prepare thy way before thee.”

Tandaan nating mabuti na si Juan Bautista ay isang TAO ay tinawag na “ANGEL”. Ayon sa Juan 1:6 saling Biblia ng Sambayanang Pilipino ay ganito ang sinasabi ukol sa kaniya:

 Juan 1:6 Biblia ng Sambayanang Pilipino
“MAY TAONG SUGO ANG DIYOS - JUAN ANG KANYANG PANGALAN.”

Kaya ang BIBLIA ay nagtuturo ukol sa mga tao na tinawag na anghel. Isang MALAKING KAMANGMANGAN sa panig ng mga tumutuligsa sa IGLESIA NI CRISTO ang sinasabi nilang HINDI MAAARING TAWAGING ANGHEL ANG ISANG TAO NA KATULAD NI KAPATID NA FELIX Y. MANALO. Subalit, bagamat sinasampalatayanan nating ANGHEL si KAPATID NA FELIX Y. MANALO ay wala tayong ARAL o DOCTRINA na mas mataas siya sa ating PANGINONG JESUCRISTO.

TANONG: Gaano kataas ang pagkakilala natin sa ating Panginoong JesuCristo? Ganito ang sinasabi sa Biblia:

Filipos 2:9-11 Magandang Balita Biblia
“Kaya naman, SIYA’Y ITINAMPOK NG DIYOS AT BINIGYAN NG PANGALANG HIGIT SA LAHAT NG PANGALAN, ANUPAT ANG LAHAT NG NILALANG NA NASA LANGIT, NASA LUPA, AT NASA ILALIM NG LUPA AY MANINIKLUHOD AT SASAMBA SA KANYA. AT IPAHAHAYAG NG LAHAT NA SI JESU-CRISTO ANG PANGINOON, SA IKARARANGAL NG DIYOS AMA.”

Kinikilala natin na wala ng iba pang nilalang ang Diyos na mas mataas sa ating PANGINOONG JESUCRISTO. Sino ba ang nagtaas sa Kaniya sa ibabaw ng lahat ng mga nilalang? Ayon sa Biblia, ITINAMPOK O ITINAAS SIYA NG DIYOS. Lahat ng nilalang ng Diyos ay dapat sambahin ang ating Panginoong JesuCristo. Kaya, LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO AY SUMASAMBA SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO, KASAMA NATING SUMASAMBA KAY CRISTO SI KAPATID NA FELIX Y. MANALO NOONG SIYA AY NABUBUHAY PA. Kaya paano nila ngayon pararatangan ang Iglesia Ni Cristo na mas mataas ang pagkakilala natin kay Kapatid na Felix Y. Manalo? Siya mismo ang nagturo sa atin na dapat nating sambahin ang ating Panginoong JesuCristo.

Ngunit dapat nating tandaan na KAYA NATIN SINASAMBA ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO ay sapagkat UTOS ITO NG DIYOS at ang pagsamba sa Kaniya ay sa IKARARANGAL o IKALULUWALHATI NG DIYOS AMA.

TANONG: Pareho ba ang kapangyarihan ng AMA at ng ANAK? Magkapantay ba sa kapangyarihan ang AMA at ang ANAK?

Hindi. Mas mataas ang kapangyarihan ng AMA kaysa sa Kaniyang ANAK.

TANONG: Ano ang katunayan mula sa Biblia na mas mataas ang Ama na siyang tunay na Diyos kaysa sa Kaniyang Anak? Ganito ang pagtuturo ni Apostol Pablo:

1 Corinto 15:27-29 Magandang Balita Biblia
“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.” (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG ANAK NAMAN ANG PAIILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.”

Maliwanag ang sinasabi ng Biblia: “ANG ANAK NAMAN ANG PAIILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS.” Sino ba ang Anak? Di ba ang ating Panginoong JesuCristo? Kanino siya paiilalim? Sa kapangyarihan ng Diyos. Iba ang Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo kaysa kay Cristo na paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos!

Kaya nagkakamali ang mga TAGAPAGTURONG KATOLIKO sa kanilang pagtuturo na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos. Kailanman ay HINDI ITINURO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO NA SIYA AY TUNAY NA DIYOS. Ipinakilala niya sa atin nang siya ay manalangin sa Ama na nasa langit na Siya lamang ang “kaisa-isang tunay na Diyos”

Juan 17:1 at 3 Salita ng Buhay
PAGKASABI NI JESUS NITO, TUMINGALA SIYA SA LANGIT AT NAGSABI, ‘AMA, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak… At ito ang buhay na walang hanggan – ang makilala Ka nila, IKAW NA KAISA-ISANG TUNAY NA DIYOS, at si Jesu-Cristong sinugo mo”

Sinasamba ng mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ang TUNAY NA DIYOS at ang ating PANGINOONG JESUCRISTO. Kasama sa mga sumamba sa ating Panginoong JesuCristo si KAPATID NA FELIX Y. MANALO kaya HINDI SIYA MAS MATAAS KAY CRISTO.
Kaya, sa mga kaibigan naming mga Katoliko at Protestante na nakabasa ng paliwanag na ito, sana ay huwag kayong mahadlangan sa inyong PAGSUSURI sa mga ARAL NA SINASAMPALATAYAN NG IGLESIA NI CRISTO. Magpatuloy kayo sa pakikinig upang malaman ninyo ang tunay na KATOTOHANAN ukol sa DIYOS at sa ating PANGINOONG JESUCRISTO, maging ang ukol sa PAGKA-SUGO NI KAPATID NA FELIX Y. MANALO.

No comments:

Post a Comment