Wednesday, January 13

BANAL NA HAPUNAN O SANTA CENA MAY ABULUYAN BA?



Kapag nalalapit na ang BANAL NA HAPUNAN o SANTA CENA lahat ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay lubusang NASASABIK at NAGHAHANDA sa ganitong mga pagkakataon. Sapagkat totoong NAPAKASELAN para sa IGLESIA NI CRISTO ang gawaing BANAL NA HAPUNAN. Hindi lingid sa bawat miyembro ng IGLESIA NI CRISTO na anomang GAWAIN o AKTIBIDAD ay may mga kaibayo sa pananampalataya ang BUMABATIKOS, PUMUPUNA at hindi ito maiiwasan. Para lalong magliwanag ang MGA SALITA NG DIYOS ay sagutin natin ang nagiging tanong nila ukol sa BANAL NA HAPUNAN.

Ang naitatanong nila ay:
  • Bakit may ABULUYAN ang SANTA CENA?
  • UTOS ba ng PANGINOONG JESUSCRISTO na MAG-ABULUYAN sa BANAL NA HAPUNAN?

Basahin natin ang nakasulat sa;

Marcos 14:12 
“AT NANG UNANG ARAW NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”

Noong PANAHON ng PANGINOONG JESUCRISTO ito ay isinabay Niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang Kaniyang BANAL NA HAPUNAN.

Isang pagdiriwang sa mga JUDIO ang KAPISTHAN NG TINAPAY ng walang LEBADURA at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Malaki ang kaibahan nito sa BANAL NA HAPUNAN dahil ang KAPISTHAN NG TINAPAY o  HAPUNANG PANGPASKUWA ito ay talagang KAINAN.

PAGKATAPOS na MAKAKAIN ng HAPUNANG PANGPASKUA ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUCRISTO ang Kaniyang BANAL NA HAPUNAN.

Ganito ang ating matutunghayan sa;

Lucas 22:14-15  at 20
“At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO bago ako maghirap:…Gayon din naman ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”

Maliwanag ang sabi ng Panginoong JesuCristo; PAGKATAPOS NA MAKAHAPON ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA at saka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.

Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA NI CRISTO ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA dahil hindi naman sila mga JUDIO. Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay REQUIREMENT lamang na gawin ng mga JUDIO.

Narito ang dahilan:

Exodo 12:27 
“Na inyong sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.”

Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay “PASSOVER” noong panahon ni MOISES na PINATAY ang lahat ng PANGANAY at hindi nadamay ang mga anak ng bayang ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO dahil sa nilagpasan sila sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga pintuan.

Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON o PAGSAMBA nila isinagawa ang BANAL NA HAPUNAN o STA. CENA.

1 Corinto 11:20 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Kaya’t sa inyong PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo.”

Ito iyong talatang naibigay ko na sa nakaraan na kinagagalitan ni APOSTOL PABLO ang mga CRISTIANO sa CORINTO na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG. Kaya nasabi ni APOSTOL PABLO na HINDI BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.

At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:

1 Corinto 14:26 
“Ano nga ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”

Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya ang IGLESIA NI CRISTO ngayon ay ganon din ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa PAGSAMBA gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANONG GENTIL dahil kami man ay HINDI REQUIRED na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA dahil hindi naman kami LAHING JUDIO.

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY hindi ang BANAL NA HAPUNAN:

Hebreo 13:15-16 
“Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”

Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS o sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAG-AABULOY kami sa PAGSAMBA at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.

No comments:

Post a Comment