Ang PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH)
ay isang pangkatin ng relihiyon na nagpakilala umano na sila ang TOTOO at TUNAY na RELIHIYON. Susuriin
natin ngayon kung naaayon ba sa BIBLIA
ang ARAL na kanilang itinataguyod
PAG-ARALAN MUNA NATIN:
Si CRISTO
ay NAGTATAG ng TUNAY na IGLESIA noong UNANG SIGLO. Ito ay mababasa natin sa;
Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw
ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO
KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig
laban sa kaniya.”
Ang IGLESIA na itinayo ni CRISTO
na tinawag Niyang “AKING IGLESIA” ay
nagsimula bilang isang MUNTING KAWAN.
Kung bakit ang banggit ni CRISTO ay MUNTING KAWAN, dahil KAKAUNTI pa lamang ang bilang ng mga kaanib
noon sa IGLESIA na itinayo Niya.
Lucas 12:32
“Huwag kayong mangatakot, MUNTING KAWAN; sapagka't nakalulugod na
mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian.”
Ang KAWAN na tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO o CHURCH OF CHRIST ayon kay APOSTOL PABLO.
Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves
and to all the FLOCK over which the
Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”
Salin sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong
mga sarili at ang buong KAWAN na
rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya
ng kaniyang dugo.”
Kaya, mula noong maitatag ni CRISTO ang Kaniyang IGLESIA na nagsimula bilang MUNTING KAWAN o KAKAUNTI PA LAMANG ANG BILANG NG MGA KAANIB hanggang sa ito ay LUMAGANAP at DUMAMI ang bilang ng mga kaanib sa panahon ng pangangasiwa ng mga APOSTOL.
Subalit, dahil sa pagpasok ng mga HIDWANG PANANAMPALATAYA at MATINDING PAG-UUSIG sa UNANG IGLESIA, pagkatapos na mamatay ang mga APOSTOL ay unti-unting naitalikod sa TUNAY NA PANANAMPALATAYA ang mga kaanib at ang mga NANINDIGAN SA TUNAY NA ARAL ay WALANG AWANG PINATAY. Kaya, ang UNANG IGLESIA NI CRISTO ay NAWALA o NATALIKOD sa URI ng pagsunod sa TUNAY
na ARAL ng DIYOS.
For more Info click
the description below:
TANONG: Ano ang ipinagpaunang HULA
ni CRISTO ukol sa muling pagkakaroon
ng KAWAN o IGLESIA NI CRISTO sa HINAHARAP?
John 10:16 Easy-to-Read Version
“I HAVE OTHER SHEEP TOO. THEY ARE
NOT IN THIS FLOCK HERE.
I MUST LEAD THEM ALSO. THEY WILL LISTEN TO MY VOICE. IN THE FUTURE THERE WILL BE ONE FLOCK AND
ONE SHEPHERD.”
Sa Filipino:
“MAYROON PA AKONG IBANG MGA TUPA. SILA AY WALA SA KAWAN NA NARITO.
KAILANGAN KO DIN SILANG PANGUNAHAN. SILA AY MAKIKINIG SA AKING TINIG. SA HINAHARAP AY MAGKAKAROON NG
ISANG KAWAN AT ISANG PASTOL”
Ipinagpauna ng PANGINOONG JESUCRISTO na mayroon pa Siyang IBANG MGA TUPA na gagawin Niyang ISANG KAWAN. Kung gayon gagawin Niyang IGLESIA NI CRISTO ang Kaniyang IBANG
MGA TUPA NA WALA PA SA KAWAN o IGLESIA NI CRISTO noong narito pa Siya
sa lupa.
Ang pagtitipon ng IBANG MGA TUPA ng PANGINOONG
JESUCRISTO upang maging IGLESIA NI
CRISTO ay mangyayari sa HINAHARAP
o sa DARATING NA PANAHON. Kaya
tinawag Niya silang Kaniyang IBANG MGA
TUPA dahil “WALA SILA SA KAWANG NARITO” na ang tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO.
Hindi nangangahulugang DALAWANG IGLESIA ang itinayo ni Cristo.
Ang IGLESIA NOONG UNANG SIGLO at ang
IGLESIANG KINABIBILANGAN NG KANIYANG
IBANG MGA TUPA ay IISANG IGLESIA NI
CRISTO.
Kung paanong IISA ipinaliwanag iyan ni APOSTOL
PABLO.
Efeso 4:4
“MAY ISANG KATAWAN, at isang
Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo
“
Ang ISANG KATAWAN na tinutukoy ay ang IGLESIA.
Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”
PUNTAHAN at SURIIN
natin ngayon ang PMCC baka kasi angkinin nila na sila itong KAWAN na LILITAW SA
HINAHARAP NA HINULAAN NI CRISTO.
TANONG: Atin ngayong suriin, kailan ba nagsimula at naitatag ang PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST
(PMCC)?
Source: Click the
description below.
“The PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH), often
shortened as the PMCC (4th Watch),
is a "Christian church" based in the Philippines, FOUNDED IN 1972 BY APOSTLE ARSENIO T.
FERRIOL. Its members are often called 4th Watchers.”
Ang PMCC o PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH) ay itinatag ni ARSENIO T. FERRIOL noon lamang taong 1972 sa PILIPINAS.
Arsenio Ferriol, the Founder of the
Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC)
Subalit, dapat suriin ng lahat lalo na
sa mga NADAYA sa PMCC, na sa ganitong TAON (1972) ba lilitaw ang IBANG MGA TUPA o KAWAN NI CRISTO ayon sa
Kaniyang HULA?
SURIIN NATIN ANG HULA NG DIOS:
TANONG: Saan dako magmumula ang IBANG MGA
TUPA NI CRISTO NA WALA PA SA KAWAN noon o hindi pa natatawag sa IGLESIA na itinayo ni CRISTO noong narito pa Siya sa lupa?
Isaiah 43:5 James Moffat Version
“From the FAR EAST will I bring your offspring, and from the far west, I will
gather you.”
Salin sa Filipino:
“Mula sa MALAYONG SILANGAN dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran
ay titipunin ko kayo”
Ang DAKO na pagmumulan ng IBANG
MGA TUPA ni Cristo ay ang FAR EAST
o MALAYONG SILANGAN ayon sa HULA ng DIYOS. Ang PILIPINAS ang kinatuparan ng HULA ng
DIYOS na doon magmumula ang IBANG MGA TUPA ni Cristo. Dahil ang
PILIPINAS ay nasa FAR EAST.
A SHORT HISTORY OF THE FAR EAST; by Kenneth Scott Latourette, page
290
Salin sa Filipino:
“Kabilang sa tinatawag na dako ng mga
Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa. Ang mga ito ay wala sa
Malayong Silangan. Ang FAR EAST o MALAYONG SILANGAN ay ang rehiyon sa
Asya na kinaroroonan ng PILIPINAS…”
Hinulaan rin ng Diyos ang PANAHON ng paglitaw ng IBANG MGA TUPA ni CRISTO. Sa panahong iyon TATAWAGIN
o DADALHIN ng Diyos ang Kaniyang MGA ANAK NA LALALAKI at BABAE na mula sa SILANGANAN, sa MALAYO.
Isaias 43:5-6 New King James Version
“Fear not, for I am with you; I will
bring your descendants FROM THE EAST,
And gather you from the west; I will say to the north, 'Give them up!' And to
the south, 'Do not keep them back!' Bring MY
SONS FROM AFAR, And MY DAUGHTERS
FROM THE ENDS OF THE EARTH.”
Salin sa Filipino:
“Huwag kang matakot, sapagkat ako'y
sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi MULA
SA SILANGANAN, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga,
'bayaan mo!' At sa timugan, 'Humag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking MGA ANAK NA MULA SA MALAYO, at ang
Aking MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA.”
Binanggit sa HULA ng DIYOS kung kalian
ang PANAHON ng PAGLITAW ng mga IBANG TUPA NI
CRISTO o KAWAN NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO. Sa panahon ng “MGA WAKAS NG LUPA.”
Ang PMCC o PENTECOSTAL
MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH) ba ay sa panahon ng MGA WAKAS NG LUPA lumitaw sa PILIPINAS. Natitiyak nating HINDI, sapagkat 1972 lang sila natatag at nagsimula sa Pilipinas.
Ang MGA WAKAS NG LUPA ay ang MGA
PANGITAIN NA ATING MAKIKITA BAGO ANG KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN. Ito ay ang mga PALATANDAAN NG MULING PAGPARITO NI CRISTO na tinawag ng BIBLIA na “MGA PINTUAN” na ito’y MGA
BAGAY NA KAILANGANG MAGANAP MUNA BAGO ANG KAWAKASAN. Bawat PINTUAN ay ISANG WAKAS, kung kaya tinawag na “MGA WAKAS” ay sapagkat MARAMI
ANG MGA ITO.
Mateo 24:33
“Gayon din naman kayo, PAGKA NANGAKITA NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO, AY
TALASTASIN NINYO NA SIYA'Y MALAPIT NA, NASA MGA PINTUAN NGA.”
Mateo 24:3
“At samantalang siya'y nakaupo sa
bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na
nagsisipagsabi, SABIHIN MO SA AMIN,
KAILAN MANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA ITO? AT ANO ANG MAGIGING TANDA NG IYONG PAGPARITO, AT NG
KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN?”
Kung gayon, ang MGA WAKAS NG
LUPA ay ang PANAHONG MALAPIT NA
ANG WAKAS NG SANLIBUTAN o ARAW NG
PAGHUHUKOM.
Ang isa sa halimbawa ng MGA WAKAS NG LUPA na mga pangyayaring
makikita ayon kay Cristo kung ang PANAHON
ay nasa MGA WAKAS NA NG LUPA ay isang
DIGMAANG AALINGAWNGAW o MAPAPABALITA SA BUONG DAIGDIG. Sapagkat
ANG MGA DIGMAANG ITO ay PAMBUONG MUNDO.
Mateo 24:6-7 Magandang Balita Biblia
“MAKARIRINIG KAYO
NG ALINGAWNGAW NG LABANAN at ng MGA BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN. Huwag kayong mababagabag. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa
ito ang wakas. Sapagkat MAKIKIBAKA ANG BANSA LABAN SA KAPWA BANSA
AT ANG KAHARIAN SA KAPWA
KAHARIAN. Magkakagutom at
lilindol sa iba't ibang dako.”
Maliwanag na ang tinutukoy ng PANGINOONG JESUSCRISTO ay ang UNANG DIGMAANG PANDAIGIDIG o kilala sa
tawag na FIRST WORLD WAR na naganap
halos LABING SIYAM NA SIGLO ang layo
ng pagitan ng panahon ng Unang Iglesia na pinamahalaan ng mga APOSTOL.
Sa panahong ito lilitaw ang IBANG MGA TUPA ni CRISTO. Naganap ang UNANG
DIGMAANG PANDAIGDIG na siya ring PANAHON
o PETSA ng paglitaw ng IBANG MGA TUPA ni CRISTO ay taong 1914.
WORLD HISTORY, by Boak , Slosson,
and Anderson, pages 478-479
“THE
FIRST WORLD WAR was unlike any war in the past. …This was the first war in
three dimensions; the first war in which cities were bombed from the air and
winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable,
nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a
kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.”
Salin Filipino:
“ANG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG ay hindi katulad ng anomang digmaan sa nakaraan. …Ito ang unang
digmaan sa tatlong larangan; ang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba
mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga
alapaap. Mangyari pa na ang mga eroplano
noong 1914 ay hindi gaanong
mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa
ngayon. Sila ay tunay na naging
mahahalagang tagapagmanman (isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na
kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”
Naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG noong HULYO 27, 1914.
HISTORY OF THE WORLD, VOL
VIII, by Ridpath, page 3409
“Servia’s answer was handed to the
Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the afternoon of the 25th as it was
the reply was term unsatisifactory and evasive and diplomatic relations were
broken off the same evening. Preparations for war already well forward were
vigorously pressed ON THE 27TH AND INVASION OF
SERBIA WAS BEGUN AND SOON AFTER BELGRADE WAS BOMBARDED.”
Salin sa Filipino:
“Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa
ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay
sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at umiiwas at ang relasyong diplomatiko
at nasira nung gabi ring iyon. Ang
paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang itinulak NOONG IKA 27 ANG PAGLUSOB SA SERBIA AY NAGSIMULA
PAGKATAPOS NA BOMBAHIN ANG BELGRADE.”
NOW GOD BE THANKED, by John Masters, page 112
“On JULY 27TH, 1914, after four weeks of threats, counter-threats,
entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and ultimatums, AUSTRIA DECLARED WAR ON SERBIA.”
Sa Filipino:
“Noong HULYO 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta,
kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga
pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatum, NAGDEKLARA NG DIGMAAN ANG AUSTRIA SA SERBIA.”
Ito ay malinaw na pagsisimula ng
panahong MGA WAKAS NG LUPA kasabay nito ang PAGTAWAG NG DIYOS SA KANIYANG MGA ANAK na
siya ring IBANG MGA TUPA ni CRISTO mula sa MALAYONG SILANGAN o FAR EAST
. Bilang katuparan ng hulang ito, ang na IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamahalaan ng PILIPINAS noong HULYO 27, 1914 at hindi sa panahong 1972.
Natitiyak natin ngayon, mula sa mga patotoo ng BIBLIA kung sino ang TUNAY
Natitiyak natin ngayon, mula sa mga patotoo ng BIBLIA kung sino ang TUNAY
na HINULAAN.
Kaya ang TANONG natin sa mga PENTECOSTAL
MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH).
- Mapapatunayan ba nila na sa taong 1972 MATUTUPAD at LILITAW ang IBANG MGA TUPA NI CRISTO o KAWAN NI CRISTO?
- Bakit sa taong 1972 lang LUMITAW at NAITATAG ang PMCC?
Kaya sa mga NADAYA ng samahang PMCC,
MAGSURI kayo sa KATOTOHANAN.
Ang KATOTOHANAN ang SUSUBOK
sa inyo at hindi yaong aral na maaaring IKALILIGAW
ng marami.
TANONG: Paano makikilala ang isang TUNAY
NA MANGANGARAL?
Juan 7:17-18
“Kung ANG SINOMANG TAO AY NAGIIBIG GUMAWA NG KANIYANG KALOOBAN, AY MAKIKILALA
NIYA ANG TURO, KUNG ITO'Y SA DIOS, o kung ako'y nagsasalita na mula sa
aking sarili. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng
kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian
niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon at totoo, at SA KANIYA'Y WALANG KALIKUAN.”
Tiyakin muna ninyo kung ang TURO at ARAL na itinataguyod ng isang MANGANGARAL
tulad ni ARSENIO T. FERRIOL ay ayon ba sa BIBLIA.
Itanong ninyo sa kaniya:
“KAILAN ANG
TAMANG PANAHONG NG PAGLITAW SA IBANG MGA TUPA NI CRISTO SA JUAN 10:16”
No comments:
Post a Comment