Thursday, October 22

NUMERONG “666” SA APOCALIPSIS 13:18



Ang aklat ng APOCALYPSIS na isinulat ni APOSTOL JUAN sa pulo ng PATMOS ay itinuturing na aklat ng mga SIMBOLO at mga HULA o PROPESIYA. Sa aklat na ito ay may isang POPULAR na NUMERO na lumikha ng KONTROBERSIYA sa lahat ng tao sa daigdig. Ito ay ang numerong 666. Ang isa sa mga HULA o PROPESIYA na lalong naghayag ng NAPAKADAKILANG KARUNUNGAN ng DIYOS ay ang sinasabi sa APOCALYPSIS 13:17-18 tungkol sa isang TAO na may PANGALAN na may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM. Basahin natin sa Biblia ang talatang kinalalagyan ng numerong ito.

Apocalipsis 13:17-18
“At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi SIYANG MAYROONG TANDA, SA MAKATUWID AY NG PANGALAN NG HAYOP O BILANG NG KANIYANG PANGALAN. Dito'y may karunungan.  Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't SIYANG BILANG NG ISANG TAO: AT ANG KANIYANG BILANG AY ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”

Kakaiba ang pamamaraan ng DIYOS kapag siya ay HUMUHULA o nagbibigay nang kaniyang PAUNANG PAHAYAG o NAGSASABI NG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA HINAHARAP. Dahil ang Kaniyang mga PROPESIYA o HULA ay hindi gaya ng ginagawa ng iba na kung tawagin ay PREDICTIONS o GUESSING na kadalasan ay nagkakataon lamang at hindi naman talaga natutumbok kung alin talaga ang kinatuparan. Ang PROPESIYA ng PANGINOONG DIYOS ay may ISPESIPIKONG KATUPARAN, ibig sabihin kung sino lamang talaga ang PARTIKULAR na TINUTUKOY sa HULA ay sa kaniya lamang ito maaaring matupad.

Maraming sapantaha ang mga tao tungkol sa kung ano ang kahulugan nito at kung saan at kanino ito tumutukoy.  May nagsasabi na ang numerong 666 ay MALAS na NUMERO kaya nagkaroon sila ng sari-saring pamahiin tungkol dito.  May mga tao na makita lamang ang numerong ito kahit saan man ay agad na nakakadama ng takot at pangamba.  May nagsasabi naman na ito daw ay tumutukoy sa mga TERORISTA gaya nila ADOLF HITLER noon, SADDAM HUSSEIN at maging ang presidente ng America na si RONALD REAGAN.  Itinuturo naman ng mga SAKSI NI JEHOVA na ang tinutukoy daw nito ay ang PANGSANGLIBUTANG PAMAMAHALA na sa Ingles ay ang UNITED NATIONS.  Kaniya-kaniya sila ng ispekulasyon at pala-palagay tungkol dito.  Kaya ating tukuyin ang tunay na kahulugan ng numerong 666 at kung kanino talaga natupad ang hulang ito. Sapagkat ang hulang ito ay may TIYAKAN at PARTIKULAR na KATUPARAN.

BILANG NG PANGALAN NG ISANG TAO

TANONG: Sa ano nga ba tumutukoy ang numerong 666? Liliwanagin iyan sa atin ng Bibliang Ingles ating basahin:

Revelations 13:18 Good News Translation
THIS CALLS FOR WISDOM. WHOEVER IS INTELLIGENT CAN FIGURE OUT THE MEANING OF THE NUMBER OF THE BEAST, BECAUSE THE NUMBER STANDS FOR THE NAME OF SOMEONE. ITS NUMBER IS 666.” 

Sa  Filipino:

Apocalipsis 13:18  Good News Translation
“NANGANGAILANGAN ITO NG KARUNUNGAN. SINOMANG MAY KATALINUHAN AY MALALAMAN ANG KAHULUGAN NG BILANG NG HAYOP, SAPAGKAT ANG BILANG AY KATUMBAS NG PANGALAN NG ISANG TAO. ANG KANIYANG BILANG AY 666.

Maliwanag na sinasabi ng Biblia na ang bilang na 666 (ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM) ay bilang ng kaniyang PANGALAN – isang TAO na INIHALINTULAD sa isang HAYOP. At sa pamamagitan ng KARUNUNGAN at PAGKAUNAWA ay maaaring bilangin, na ito ay bilang ng pangalan ng isang tao. Kaya hindi totoo ang paniniwala ng iba na ang DIABLO ang tinutukoy sa hula at hindi rin totoo na MALAS ang numerong 666  na kahit saan natin makita ay dapat tayong matakot.   Malinaw na sinasabi ng Biblia na ang tinutukoy dito ay ISANG TAO na INIHALINTULAD sa HAYOP na may pangalan na kung bibilangin ay katumbas ng bilang na 666.

Sa madaling salita ang PANGALAN ng TAONG ito kung SUSUMAHIN o BIBILANGIN ay may katumbas na 666.

Dito na ngayon pumasok ang mga manunuligsa sa Iglesia. Nang ituro ng IGLESIA NI CRISTO kung kanino natupad ang hulang ito ay sumagot ang mga kumakalaban sa Iglesia at sinabing si KAPATID NA FELIX Y. MANALO at maging si KAPATID NA ERAÑO G. MANALO daw ang sinasabi sa hula.

Papaano nila ito ipinaliwanag? Ganito:

FELIX   YSAGUN   MANALO
    5               6                 6

Kung ang FELIX daw ay gagamitan ng SPELLING sa tagalog ito ay magiging PELIKS. tapos magiging ganito:

PELIKS    YSAGUN    MANALO
     6                 6                    6                      =  666

At kung ang pangalan naman daw ng Ka Erdie na ERAÑO GUZMAN  MANALO ang gagamitan ng ganun ding pamamaraan:

IRANYO   GUZMAN    MANALO
      6                  6                     6                   =  666

Kaya daw ang kinatuparan ng hula na binabanggit sa APOCALIPSIS ay ang mag-amang FELIX MANALO at  ERAÑO MANALO.

Hindi maiwasang hindi matawa ang mga kapatid sa Iglesia nang kanilang ilabas ang ganitong paliwanag dahil ang sabi ng Biblia ay gamitan ng KARUNUNGAN at KATALINUHAN. 

  • MATATAWAG bang MATALINO ang isang tao na ang TAMANG SPELLING ay IMINAMALI
  • Hindi lang iyon ang sabi ba sa Biblia ang 666 ay TATLONG 6 na MAGKAKATABI na kung ating susumahin ay 6+6+6 = 18 lang? 
  • Hindi TATLONG ANIM na PINAGTABI-TABI at BINIBIGKAS ng iba na “SIX-SIX-SIX” dahil ang talagang sinasabi ng BIBLIA ay SIX HUNDRED SIXTY SIX.
  • Hindi ba ang banggit sa Biblia ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM
  • Kitang-kita ang ebidensiya na ang PROPESIYA o HULA ay kanilang HINUHULAAN LAMANG ang kahulugan (HULA NA HINULAAN PA).

Halatang-halata na kulang sila ng pagkaunawa kaya hindi nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng talata. Kung tatanggapin natin ang kanilang pagkaunawa sa 666 lalabas na sinomang tao sa daigdig na may pangalan na may anim na letra sa FIRST NAME, anim na letra sa MIDDLE NAME, at anim na letra sa LAST NAME ay siyang kinatuparan ng hula. Gaya nito:       

                            ALEXIS  ROMANA MOLINA
                                 6                 6                 6                     =  666

                            ISAIAS CARLOS  GALVEZ
                                  6               6               6                        =  666         
       
Kung susundan natin ang kanilang pakahulugan ay lalabas na natupad din sa mga taong iyan ang sinasabi sa hula? Halatang gusto lang humanap ng TABLA ang mga kumakalaban sa IGLESIA NI CRISTO kahit na nakakatawa ang kanilang pamamaraan.  Hindi kasi nila matanggap ang naging kahulugan ng APOCALIPSIS 13:18

ANG TITULONG “VICARIUS FILII DEI”

TANONG: Kanino ba ito tumutukoy? Sino nga ba ang tao na may pangalan na kung ating susumahin o bibilangin ay may katumbas na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM (666)?

Ang PAPA sa ROMA ay may titulo na “VICARIUS FILII DEI”, isang salitang LATIN na ang ibig sabihin ay KAHALILI NG ANAK NG DIYOS.  

Noong unang panahon ang “U” at “V” ay magkatumbas ganun din ang “J” at “I”. Kaya nga VICARIUS ay katumbas ng VICARIVS.

Ang pangalang JESUS naman ay isinusulat noon sa latin na IESVS kaya nga ang “INRI” ay IESVS·NAZARENVS·REX·IVDÆORVM' (JESUS NAZARENUS REX JUDAERUMJESUS NA TAGA NAZARET ANG HARI NG MGA JUDIO) mapapansin natin na ang “U” ay ginamitan ng letrang “V”.

Tumututol ang iba, ang sabi nila ang sinasabi sa hula ay PANGALAN o NAME at hindi “TITLE” o TITULO nang taong hinuhulaan. 

TANONG: Kaya ating linawin kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE” o “TITULO”?

Webster’s 1828 Dictionary
“TITLE, n. -  An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”

Ang TITULO ayon sa patotoo ng Dictionary ay PANGALAN na ikakikilala sa pinatutungkulan nito. Samakatuwid ang VICARIVS FILII DEI ay isang PANGALAN na itinatawag sa PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.

TANONG: Saan matatagpuan ang PANGALAN o TITULONG ito?

Sa isang PAHAYAGANG KATOLIKO na inilathala noong April 18, 1915 na may pamagat na “OUR SUNDAY VISITOR” sa page 3 ganito ang mababasa:


ANG SABI NG DOKUMENTONG ITO AY:

OUR SUNDAY VISITOR, BUREAU OF INFORMATION SECTION, page 3, April 18, 1915 Issue
“WHAT ARE THE LETTERS SUPPOSED TO BE IN THE POPE’S CROWN, AND WHAT DO THEY SIGNIFY, IF ANYTHING?  THE LETTERS INSCRIBED IN THE POPE’S MITRE ARE THESE:  VICARIUS FILII DEI, WHICH IS THE LATIN FOR VICAR OF THE SON OF GOD…”

Sa Filipino:

“ANO ANG ISINISIMBULO NG MGA LETRA NA NASA KORONA NG PAPA, KUNG MAYROON MAN?  ANG MGA LETRANG NAKASULAT SA MITRA NG PAPA AY ANG MGA ITO: VICARIUS FILII DEI, NA LATIN NG KAHALILI NG ANAK NG DIYOS.”

Ang mga katagang VICARIUS FILII DEI ay nakasulat sa KORONA na isinusuot ng PAPA sa ROMA ito ay nilinaw sa atin ng PAHAYAGANG KATOLIKO. Ang koronang ito ay tinawag na PAPAL TIARA o TRI-CROWN sapagkat ito’y TATLONG KORONA NA MAGKAKAPATONG (makikita ninyo sa mga larawan sa itaas).

TANONG: Paano ang pagkakasulat nito sa kaniyang KORONA?

Ipapaliwanag  ng isang kilalang-kilala ng SAKSI NI JEHOVA  na si CHARLES TAZE RUSSEL sa kaniyang isunulat na aklat. Ganito ating mababasa:

STUDIES IN THE SCRIPTURES, Charles Taze Russel; page 215
“On the POPE’S CROWN in the VATICAN MUSEUM is the recognized and most used title of the pope. VICARIVS FILII DEI (VICAR OF THE SON OF GOD). The word VICARIVS is on the TOP of the THREEFOLD CROWN. The word FILII on the SECOND CIRCLET; and the words are made from dark, shining precious jewels. The word DEI is on the UNDER PART OF THE THREEFOLD crown and is made of 100 diamonds.”

Sabi ni  Russel ang PAPA ay may KORONA na kung tawagin ay THREEFOLD CROWN na ang tawag naman ng SIMBAHAN ay “TIARA” o TATLONG MAGKAKAPATONG na KORONA sa pinaka-itaas o sa KORONA na nasa IBABAW ay mababasa ang salitang “VICARIVS”, sa PANGALAWANG KORONA ang salitang “FILII” at sa PANGATLO ang salitang “DEI”.

Maliwanag ang tao na NAGTATAGLAY ng PANGALAN na may NUMERO o BILANG na 666 ay walang iba kundi ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.

Kaya SAKTO ang sabi ng hula "ISANG TAO" dahil isang tao talaga ang nagtataglay ng pangalan na may bilang na 666.

MAAARING ITANONG NG IBA: Baka NAGKATAON lang o baka naman TSAMBA lang ito.

TANONG: Paano natin matitiyak pang LALO na hindi NAGKATAON lang kundi talagang TIYAK na TIYAK na ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA talaga ang KINATUPARAN ng HULA?

Kumuha pa tayo ng iba pang DETALYE sa BIBLIA na PALATANDAAN na ang PAPA sa ROMA talaga ang kinatuparan.

Kaya kung ating babalikan ang sinabi ng talata: 

DITO'Y MAY KARUNUNGAN. ANG MAY PAGKAUNAWA AY BILANGIN ANG BILANG NG HAYOP; SAPAGKA'T SIYANG BILANG NG ISANG TAO:”

Kaya ating BILANGIN o SUMAHIN kung ang titulong ito nga ay may katumbas ng bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM (666).

Sa isang Bibliang Ingles ay maliwanag ang pagkakasalin ng talata:

Revelations 13:18 The Living Bible
“HERE IS A PUZZLE that calls for CAREFUL THOUGHT TO SOLVE IT. Let those who are able, INTERPRET THIS CODE: THE NUMERICAL VALUES OF THE LETTERS IN HIS NAME ADD TO 666!”

Sabi ng Biblia gamitan ng KARUNUNGAN dahil may mga LETRA o TITIK na may KATUMBAS na BILANG o NUMERO kaya gagamitin natin ang ating KARUNUNGAN o KAALAMAN sa pagsasalin ng ROMAN NUMERALS sa HINDU-ARABIC NUMBERS gaya nito:

Kaya ang VICARIUS FILII DEI ay magiging:

Kitang-kita ang TOTAL o SUMA 666 as in SIX HUNDRED AND SIXTY SIX at hindi TATLONG 6 NA MAGKAKATABI o SIX-SIX-SIX hindi ba.

TANONG: Ano pa ang ilang PANGALAN o TAWAG sa PAPA ng IGLESIA KATOLIKA na may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM (666)?

Ang PAPA ay kilala rin sa TAWAG na “DVX CLERI” o “CAPTAIN of the CLERGY” sa TAGALOG ay “PINUNO ng KAPARIAN.”

TINGNAN NINYO ITO:


Narito pa ang isang salitang LATIN na “LVDOVICVS” na sa INGLES ay “VICAR of the COURT” na salitang PANTAWAG din sa PAPA.

Sobra naman yatang FAVORITE ng PAPA ang numerong 666.

May mga tumututol na nagsasabi na iyong letter “V” (VICARIUS sa halip na VICARIVS) daw ang dapat ay “U” kung letter U daw ang gagamitin hindi daw magiging 666 kundi 661 lamang ang TOTAL.  Naipalawanag na sa bandang unahan na iyong letter “U” at “V” ay MAGKATUMBAS lamang sa LATIN.

Atin patutunayan iyan sa pamamagitan ng isang napakakilalang halimbawa:

  • Napansin ba ninyo ang SPELLING ng POST OFFICE BUILDING sa MAYNILA?
  • Hindi ba iyong salitang BUILDING ay ginawang “BVILDING”?
  • Letter “V” ang ginamit sa halip na Letter “U”.
  • Dahil sa OLD LATIN ay MAGKATUMBAS lamang ang DALAWANG LETRANG ITO.


Pero nangangatwiran sila na hindi lang naman daw VICARIVS FILII DEI ang pag-sinuma ay katumbas ng 666 mayroon pang ibang pangalan at hindi naman kami tutol doon. 

NARITO ANG ISA SA HALIMBAWA:

Gaya ng halimbawa sa itaas ay makikita na may mga pangalan din na maaaring mag-EQUAL sa 666. Subalit nangangahulugan ba na dahil ang naging SUMA o TOTAL ay sa kanila na din natupad ang hula sa APOCALYPSIS? Lalabas niyan na maaaring sa libo-libong tao natupad ang sinasabi sa hula.

Ang PANGINOON DIYOS ay MARUNONG sa LAHAT dahil hindi lang Niya ibinigay ang PAGKAKAKILANLAN sa pamamagitan ng BILANG ng kaniyang PANGALAN, ibinigay din Niya ang mga KATANGIAN ng TAONG ito na lalong nagpapatibay kung sino talaga ang kinatuparan ng hula.  Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay.

ANG MGA KATANGIAN NG TAONG MAY PANGALAN NA KATUMBAS NG 666

Sinasabi sa HULA na ito ay TAO na INIHAMBING sa isang HAYOP

TANONG: Sa anong hayop ba ito inihambing at ano ba ang mga katangian nito na lalong magpapatibay sa atin ng tunay na kinatuparan ng hula. Kanina ang binasa natin ay VERSE 18 itataas lang natin ang basa sa VERSE 11:

Apocalypsis 13:11 
At NAKITA KO ANG IBANG HAYOP na umaahon sa lupa; at MAY DALAWANG SUNGAY NA KATULAD NG SA ISANG KORDERO, at SIYA'Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON.”

Ibinigay sa atin ang TATLONG KATANGIAN:

1. “MAY DALAWANG SUNGAY” - Nagtataglay siya ng dalawang sungay.
2. “KATULAD NG SA ISANG KORDERO” - Gagayahin ang KORDERO.
3. “NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON” -  Ang kaniyang sasabihin ay SALITA o ARAL ng DRAGON

Isa-isahin nating ipaliwanag ang mga katangiang ibinigay ng Biblia:

1.   MAY DALAWANG SUNGAY

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng SUNGAY”. Ano ba isinisimbulo o isinasagisag nito?

Amos 6:13 
Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”

Ang SUNGAY ayon sa Biblia ay KALAKASAN.  Kaya ang taong tinutukoy na may bilang na 666 na may DALAWANG SUNGAY ay nagtataglay ng DALAWANG KALAKASAN

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng KALAKASAN? Kung ating babasahin sa BIBLIANG ENGLISH ay ganito ang nakalagay.

Amos 6:13  King James Version
Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH?”

Samakatuwid ang KALAKASAN ay STRENGTH sa English na may MEANING na:

WEBSTER’S 1828 DICTIONARY
STRENGTH - That property or quality of an animal body by which it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and FORCE.”

Makikita sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang STRENGTH o KALAKASAN ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA. Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay ISANG TAO na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN iyon ang tinutukoy na DALAWANG SUNGAY na kaniyang taglay. 

TANONG: Ilan at anu-ano ang KAPANGYARIHAN ng Papa?

Sasagutin tayo ng isang CARDINAL ng IGLESIA KATOLIKA:

FAITH OF OUR FATHERS, by James Cardinal Gibbons,  p. 113
“THE POPES were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…”

Sa Filipino:

“ANG MGA PAPA ay hindi lamang matatapat na AMA NG KALULUWA, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”

Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA ay nagtataglay ng DALAWANG URI ng KAPANGYARIHAN:

1. KAPANGYARIHANG SPIRITUAL at
2. KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA

Kapuwa saklaw ng PAPA ang pamamahala sa RELIHIYON at sa GOBYERNO. 
  • PASOK ANG PAPA SA UNANG KATANGIAN
2.   KATULAD NG ISANG CORDERO

TANONG: Sino ba ang CORDERO na binabanggit sa Biblia?

Juan 1:29 
Nang kinabukasan ay nakita ni Juan SI JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ANG CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!

ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO ANG CORDERO NG DIYOS. Samakatuwid Siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis. 

TANONG: Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin ng taong ito?

Colosas 1:18 
At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

Si CRISTO ang ULO ng IGLESIA. 

TANONG: Ang PAPA sa ROMA ba ay ipinakikilala rin bilang ULO ng IGLESIA? Isa namang PARING KATOLIKO ang sasagot sa atin:

Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, page 49
"THE POPE, therefore, as vicar of Christ, IS THE VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ Himself is the invisible head."

Sa Filipino:

“ANG PAPA, samakatuwid, bilang kahalili ni cristo, AY ANG NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”

Ayon sa Pari ANG PAPA AY ANG NAKIKITANG ULO NG IGLESIA DITO SA LUPA, SI CRISTO NAMAN DAW ANG HINDI NAKIKITANG ULO. Samakatuwid para sa kanila ANG PAPA ANG ULO NG IGLESIA SA LUPA, SI CRISTO NAMAN ANG ULO NG IGLESIA SA LANGIT.

TANONG: May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia? Hindi lang iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa langit lang?

Mateo 28:18 
At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

Napakaliwanag na ang Papa ay nag-aangkin ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na kay Cristo sa langit man o sa lupa. 

Nabasa natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI (VICAR OF CHRIST) o KAHALILI NI CRISTO. Samakatuwid HINAHALINHAN o PINAPALITAN ng PAPA ang PAMAMAHALA NI CRISTO SA IGLESIA hindi lang ginaya ang Cristo kundi NAKIPANTAY PA SA KANIYA SA KAPANGYARIHAN.

TANONG: Maaari bang magkaroon ng KAHALILI o KAPALITAN si Cristo? Sasagutin sa atin iyan ng Biblia:

Hebreo 7:24 
Datapuwa't SIYA, SAPAGKA'T NAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN AY MAY PAGKASASERDOTE SIYANG DI MAPAPALITAN.”

Ang KAPANGYARIHAN, POSISYON at KARANGALANG ibinigay ng DIYOS kay CRISTO kailanman ay hindi maaagaw ni mapapalitan ninoman.  Ang pagsasabing ang PAPA ay KAHALILI NI CRISTO ay maliwanag na PAKIKIPANTAY at PANGGAGAYA sa CORDERO ng Diyos na ito ay isang napakalaking kasalanan at kalapastanganan sa harap ng Diyos. 

TANONG: Hindi lang iyon, kung ating lalawak-lawakan pa ang ating pagtalakay ano pa ang ginaya ng Papa na itinuturing na pinakamataas na Pari ng Iglesia Katolika?


SIYA ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO, sinulat ng Paring si Enrique Demond, page 195
"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA. ANG PARENG GAYAK SA PAGMIMISA AY NAKAKATULAD NI JESUKRISTO noong umakyat sa bundok ng kalvario."

Ang pananamit ni Cristo ang tinularan ng PAPA at mga PARI ng Iglesia Katolika.
  • PASOK NA NAMAN SA IKALAWANG KATANGIANG IBINIGAY NG BIBLIA ANG PAPA.
3.   NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON

TANONG: Sino ba ang DRAGON na ang salita nito ang gagayahin ng taong may bilang na 666 sa kaniyang pangalan?

Apocalypsis 20:2 
At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon.”

Ang salita ng DRAGON o ng DIABLO at SATANAS ang sasalitain ng taong ito. Samakatuwid MAGTUTURO SIYA NG ARAL NG DEMONIO.

 TANONG: Ano ang mga aral ng demonio na ituturo ng PAPA sa IGLESIA KATOLIKA?

1 Timoteo 4:1 
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

1 Timoteo 4:3 
“NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

Ang taong hinuhulaan ay magtuturo ng PAGBABAWAL NG PAG-AASAWA at PAGLAYO o PAGBABAWAL SA PAGKAIN NG LAMANGKATI O KARNE. Na mga ARAL ng DEMONIO na katumbas ay SALITA NG DRAGON

TANONG: Kapuwa natupad ba sa Iglesia Katolika ang aral na  ito? Mayroon bang itinuro sa kanilang ganitong aral? Basahin natin ang pagtatapat ng mga PARI ng Iglesia Katolika sa kanilang isinulat na aklat.


ANG PANANAMPALATAYA NG ATING MGA NINUNO, sinulat ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, pahina 396
"Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL SA MGA SACERDOTE (O PARI) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena."


SIYA ANG INYONG PAKINGGAN: ARAL NA KATOLIKO, sinulat ng Paring si Enrique Demond, pahina 139
"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE SA MGA ARAW NG IPINAGBABAWAL NIYA."

Tupad na tupad sa PAPA ang mga katangiang ibinigay ng BIBLIA tungkol sa taong nagtataglay ng bilang na 666 sa kaniyang PANGALAN o TITULO

Kaya nga may mga pangalan man na kung susumahin ay MAG-E-EQUAL sa 666 kung hindi naman pasok sa TATLONG KATANGIANG ITO ay hindi siya ang kinatuparan ng PROPESIYA.  Ang POSISYONG ito - ang pagiging PAPA ng isang tao ang naglalagay sa kaniya bilang ANTI-CRISTO ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM

Mananatili ka pa ba sa relihiyong pinamumunuan niya? Magsuri sana kayo mga mahal naming kaibigan.



No comments:

Post a Comment