Dapat
lamang na tayong mga ANAK ay tumanaw
ng UTANG NA LOOB sa ating mga MAGULANG na nagbigay sa atin ng buhay.
Bagamat hindi lahat ng mga anak ay nabigyan ng maginhawang buhay ay nararapat
lamang na mahalin natin sila. Lalung-lalo na yaong mga napagkalooban ng
maginhawang pamumuhay.
TANONG: Mayroon bang utos ang Diyos ukol sa paggalang sa ating mga magulang?
Efeso 6:1-3 New
Pilipino Version
“MGA ANAK, SUNDIN NINYO ANG INYONG MGA
MAGULANG alang-alang sa Panginoon, pagkat ITO ANG NARARAPAT. "IGALANG
MO ANG IYONG AMA'T INA" - ITO ANG UNANG UTOS NA MAY PANGAKO - "UPANG
MAPABUTI KA AT HUMABA ANG BUHAY MO DITO SA LUPA."
Sadyang NAPAKAHALAGA
ang utos sa PAGGALANG sa ating mga MAGULANG. Sa anong kadahilanan? Ito ang
UNANG UTOS na may kalakip na PANGAKO. Ano ang pangako? Ang sabi sa
talata, "UPANG MAPABUTI KA AT
HUMABA ANG BUHAY MO DITO SA LUPA."
TANONG: Kung mayroong utos ang Diyos kung papaano natin dapat ituring ang ating
mga magulang. Mayroon din bang binabanggit ang Bibliya kung ano ang hindi
marapat na gawin sa ating mga magulang?
Kawikaan 30:11 New Pilipino Version
“MAY MGA TAONG SUMUSUMPA SA KANILANG AMA AT DI
GUMAGALANG SA KANILANG INA.”
Ayaw ng Diyos na NILALAPASTANGAN at HINDI
IGINAGALANG ng mga ANAK ang
kanilang mga MAGULANG.
TANONG: Sa panahon ng bayang Israel, ano ang parusa sa anak na lapastangan at
hindi marunong gumalang sa magulang?
Ganito ang nakasulat sa:
Levitico 20:9 Magandang Balita Biblia
“SINUMANG SUMUMPA SA KANYANG AMA AT INA AY
PAPATAYIN.”
Maliwanag ang pasya ng Diyos, “KAMATAYAN” o “DEATH PENALTY”
ang hatol sa mga anak na lapastangan at hindi marunong gumalang sa kanilang
magulang.
TANONG: Ano pa ang mahigpit na tagubilin sa mga anak na hindi marapat gawin sa
ating mga magulang?
Mateo 15:4
“Sapagka't
sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, ANG MANUNGAYAW SA AMA AT SA INA, AY MAMATAY
SIYANG WALANG PAGSALA.”
HINDI
MALILIGTAS ang
anak na NANUNUNGAYAW o NAGSASALITA NG MASAMA laban sa kaniyang
mga magulang. Maliwanag kung gayon na ang mga taong MAGALANG sa kanilang magulang ang siyang magtatamo ng BUHAY NA WALANG HANGGAN at KABALIGTARAN ng mga anak na LAPASTANGAN o HINDI MARUNONG GUMALANG sa
kanilang mga magulang.
TANONG: Kung nararapat lamang na IGALANG
at MAHALIN natin ang ating mga
magulang bilang pagsunod sa utos ng Diyos. Ano ang dapat nating MAGUNITA bilang pagmamahal sa ating mga
magulang?
Mateo 10:37
“ANG UMIIBIG SA AMA O SA INA NG HIGIT KAY SA
AKIN AY HINDI KARAPATDAPAT SA AKIN; at ang umiibig sa anak na lalake o anak
na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.”
Hindi masama na MAHALIN o IBIGIN natin ang
ating mga magulang sapagkat iyon ay utos ng Diyos subalit kung mas nakahihigit
na ang pag-ibig natin sa ating magulang kaysa sa pag-ibig natin sa Panginoong
Diyos ang sabi sa talata, “HINDI
MAGIGING KARAPATDAPAT SA DIYOS”
TANONG: Papaano ba makikilala ang umiibig sa Diyos? Sasabihin lang ba natin na
iniibig natin ang Diyos?
1 Juan 5:3 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ANG TUNAY NA UMIIBIG SA DIYOS AY YAONG
TUMUTUPAD NG KANYANG MGA UTOS. At HINDI NAMAN MAHIRAP SUNDIN ANG KANYANG MGA
UTOS.”
Ayon kay Apostol Juan ang kahayagan ng umiibig sa
Diyos ay TUMUTUPAD ng Kaniyang mga utos.
At sa TUNAY na umiibig sa Diyos hindi
mahirap para sa kaniya ang pagsunod sa mga utos ng Diyos.
TANONG: Malulugi ba ang kaanib sa Iglesia Ni Cristo na itinakwil ng kaniyang
mga magulang na hindi niya kapananampalataya bunga ng pag-uusig dahil sa
pagsunod sa utos ng Diyos?
Awit 27:10 New Pilipino Version
“KAHIT NA AKO ITAKWIL NG AKING AMA AT INA,
TATANGGAPIN PA RIN AKO NG PANGINOON.”
Maliwang ang sagot ng Biblia, sa mga nanindigan sa
pagsunod sa utos ng Diyos sa pag-anib sa Iglesia Ni Cristo itakwil man sila ng
kanilang mga magulang na hindi Iglesia Ni Cristo dahil sila ay inusig may pangako
ang Diyos sa kanila. Ano ang pangako? Sila ay kakalingain at kakandiliin ng
Diyos?.
TANONG: Ano ang tagubilin ng Diyos sa mga anak na naghahangad ng magandang
kapalaran?
Kawikaan 23:22-25 Magandang Balita Biblia
“PAKINGGAN MO ANG IYONG AMA na
pinagkakautangan mo ng buhay, at HUWAG
HAHAMAKIN ANG IYONG INA SA KANYANG KATANDAAN. HANAPIN MO ANG KATOTOHANAN, KAALAMAN AT UNAWA. PAHALAGAHAN MO ANG MGA ITO AT HUWAG
PABABAYAANG MAWALA. Ang ama ng taong matuwid ay tigib ng kagalakan. IPINAGMAMALAKI NG AMA ANG ANAK NA MATALINO.
SIKAPIN MONG IKAW AY MAGING
KARAPAT-DAPAT IPAGMALAKI NG IYONG MGA MAGULANG AT MADUDULUTAN MO NG KALIGAYAHAN
ANG IYONG INA.”
Ito ang susi ng tagumpay sa mga anak na
naghahangad ng magandang kapalaran. SUNDIN
at IGALANG ang ating mga MAGULANG. Sikaping tuklasing may
pagsisikap ang “KATOTOHANAN, KAALAMAN at UNAWA.
PAHALAGAHAN ANG MGA ITO AT HUWAG PABABAYAANG MAWALA.” MAGPAKATALINO upang MAIPAGMALAKI ng mga magulang at
madulutan sila ng KALIGAYAHAN.
TANONG: Ano ang pangako ng Diyos dito pa lang sa lupa sa mga anak na marunong
gumalang sa kanilang mga magulang?
Exodo 20:12
“IGALANG MO ANG IYONG AMA AT ANG IYONG INA:
UPANG ANG IYONG MGA ARAW AY TUMAGAL SA IBABAW NG LUPA na ibinibigay sa iyo
ng Panginoon mong Dios.”
Kawikaan 1:8-9 Biblia ng Sambayanang Pilipino
“DINGGIN, ANAK KO, ANG PAGTUTUWID NG IYONG AMA,
AT HUWAG TANGGIHAN ANG TURO NG IYONG INA; MAGANDANG PUTONG SA IYONG ULO ANG MGA
IYON AT KUWINTAS SA LEEG MO.”
TANONG: Ano naman ang babala ng Diyos sa
mga suwail at lapastangang anak?
Deuteronomio
27:16 Magandang
Balita Biblia
“SUMPAIN ANG SINUMANG HINDI MARUNONG
GUMALANG SA KANYANG MGA MAGULANG.' Ang sagot ng kapulungan: 'Amen.'
Ayaw nating mangyari sa ating buhay ang tayo ay sumpain
ng ating Panginoong Diyos ang nais natin ay tumanggap palagi ng Kaniyang
pagpapala. Kaya napakahalaga na sundin natin ang UNANG UTOS NG DIYOS NA NILAKIPAN NIYA NG PANGAKO – ANG PAGGALANG SA ATING MGA MAGULANG.
No comments:
Post a Comment