BAKIT HINDI NABAUTISMUHAN ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO SA
LOOB NG IGLESIA NI CRISTO?
Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pagka-SUGO o MENSAHERO ni Kapatid na FELIX
MANALO hindi maiiwasan minsan na MAITANONG
ng ilang NAGSUSURI pati na ang mga MANUNULIGSA para BIGYAN NG MALING KAHULUGAN ang tungkuling ginampanan ng mahal na
kapatid. Hinggil rito kanilang iniugnay sa kanilang tanong gamit ang talata ng
Biblia.
Ganito ang isa sa kanilang itinanong:
"Ayon
sa Mateo 28:19 sinabi ni Cristo na
ang lahat ng bansa ay dapat mabautismuhan upang maging ALAGAD Niya. At Siya na pinakamataas sa lahat ng SUGO ay binautismuhan nga ni JUAN BAUTISTA. Paano ngayon masasabi na
si FELIX MANALO ay tunay na SUGO?"
Mabuti ay basahin natin ang nilalaman ng talata na
kanilang pinagbabatayan:
Mateo 28:19
“Dahil dito
magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na
sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:”
Totoong hindi nabautismuhan ang kapatid na FELIX MANALO sa IGLESIA NI CRISTO sapagkat walang agad na naroon na sumunod sa
kanyang gawain para siya ay bautismuhan. Tandaan natin na ang UNANG IGLESIA NI CRISTO ay nahulog sa PAGKATALIKOD sa ARAL ng DIYOS at ang PAGLITAW ng IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS
ay pinangunahan ng kapatid na FELIX
MANALO sa PAGPAPANUMBALIK nito
sa PAGSUNOD sa TUNAY na ARAL ng DIYOS. Samakatuwid sino ngayon ang mag-babautismo
sa kaniya?
Katulad ng KATOTOHANAN
tungkol kay JUAN BAUTISTA na TINAWAG at SINUGO ng DIYOS sa
kaukulang gawain na siya mismo ay HINDI rin
NABAUTISMUHAN. Ngunit si JUAN BAUTISTA ay isang SUGO ng DIYOS.
Ang ating PANGINOONG
JESUCRISTO ay tumanggap ang BAUTISMO
sa pamamagitan ni JUAN BAUTISTA na ISINUGO ng DIYOS kung saan ay SUMUNOD
at INIHANDA ANG KANIYANG DAAN.
Ganito ang nakasulat sa:
Mateo 3:3
“Sapagka't
ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, ANG TINIG NG ISANG SUMISIGAW SA ILANG,
IHANDA NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, TUWIRIN NINYO ANG KANIYANG MGA LANDAS.”
Ang BAUTISMO
na tinanggap ng PANGINOONG JESUCRISTO
ay IBA sa URI ng BAUTISMO na
iniutos Niya sa mga Apostol.
Ang BAUTISMO
na isinagawa ng mga Apostol ay ang KAPATAWARAN
NG MGA KASALANAN.
Gawa 2:38
“At sinabi
sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at MANGAGBAUTISMO
ANG BAWA'T ISA SA INYO sa pangalan ni Jesucristo SA IKAPAGPAPATAWAD NG INYONG MGA KASALANAN; at tatanggapin ninyo
ang kaloob ng Espiritu Santo.”
Ang tumanggap ng TUNAY na BAUTISMO ay
magiging ALAGAD ayon sa:
Mateo 28:19
“Dahil dito
magsiyaon nga kayo, at GAWIN NINYONG MGA
ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, NA SILA'Y INYONG BAUTISMUHAN sa pangalan ng
Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:”
Si CRISTO
ay HINDI NAGKASALA.
1 Pedro 2:21-23
“Sapagka't
sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't SI CRISTO man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa,
upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:
Na, nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y
magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa
humahatol ng matuwid:”
Siya’y ginawang PANGINOON.
Gawa 2:36
Pakatalastasin
nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA
NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.
Si CRISTO ay NABAUTISMUHAN hindi para sa isang dahilan kundi para "MATUPAD ANG KALOOBAN NG DIYOS." Ganito
ang mababasa sa:
Mateo 3:13-15 Magandang
Balita Biblia
“Si Jesus ay
dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo.
Sinansala siya ni Juan na ang wika, "Ako po ang kailangang bautismuhan
ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!" Ngunit tinugon siya ni Jesus, "HAYAAN MO ITONG MANGYARI NGAYON;
SAPAGKAT ITO ANG NARARAPAT NATING GAWIN UPANG MATUPAD ANG KALOOBAN NG
DIYOS." At pumayag si Juan.”
Sa kabilang dako ANG DIYOS MISMO sa Kanyang sarili ang NAGLINIS kay kapatid na FELIX
Y. MANALO ng kaniyang MGA KASALANAN
nang sa gayon siya ay GAWING KARAPAT-DAPAT
upang IPANGARAL ang Kaniyang MENSAHE ukol sa KALIGTASAN SA MGA HULING ARAW. Ganito ang pahayag ng DIYOS mismo:
Isaias 43:25
"AKO, AKO NGA AY SIYANG PUMAPAWI NG IYONG
MGA PAGSALANGSANG ALANG-ALANG SA AKIN; AT HINDI KO AALALAHANIN ANG IYONG MGA
KASALANAN."
Ang punto na si kapatid na FELIX Y. MANALO ay hindi nabautismuhan sa IGLESIA NI CRISTO ay hindi isang dahilan upang alisan siya ng KARAPATAN mula sa pagiging isang TUNAY na SUGO ng DIYOS. Ang kaniyang
KARAPATAN bilang isang TUNAY na MANGANGARAL NG EBANGHELYO SA MGA HULING ARAW ay napatunayan sa
pamamagitan ng mga iba't-ibang mga HULA
o PROPESIYA na nakasulat sa BANAL NA KASULATAN o BIBLIA . Ang isa rito ay nakasulat sa:
Apoc. 7:2-3
"AT NAKITA KO ANG IBANG ANGHEL NA UMAAKYAT
MULA SA SIKATAN NG ARAW, NA TAGLAY ANG TATAK NG DIOS NA BUHAY: at SIYA'Y
SUMIGAW NG TINIG NA MALAKAS sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak
ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang
dagat, kahit ang mga punong kahoy, HANGGANG
SA AMING MATATAKAN SA KANILANG MGA NOO ANG MGA ALIPIN NG ATING DIOS. "
Maraming mga talata ng BIBLIA na katuparan sa PROPESIYA lalo na sa KARAPATAN ng PAGIGING SUGO ng kapatid na FELIX
MANALO gaya ng nakasulat sa:
Isaias 41:9-10 at 14-16
“IKAW NA AKING HINAWAKAN MULA SA MGA WAKAS NG
LUPA, AT TINAWAG KITA MULA SA MGA SULOK NIYAON, AT PINAGSABIHAN KITA, IKAW AY
AKING LINGKOD, AKING PINILI KA AT HINDI KITA ITINAKUWIL; HUWAG KANG MATAKOT, SAPAGKA'T AKO'Y
SUMASAIYO; HUWAG KANG MANGLUPAYPAY, SAPAGKA'T AKO'Y IYONG DIOS; AKING
PALALAKASIN KA; OO, AKING TUTULUNGAN KA; OO, AKING AALALAYAN KA NG KANANG KAMAY
NG AKING KATUWIRAN. HUWAG KANG MATAKOT, IKAW NA UOD NA JACOB, AT KAYONG MGA TAO
NG ISRAEL; AKING TUTULUNGAN KA; SABI NG PANGINOON, AT ANG IYONG MANUNUBOS AY
ANG BANAL NG ISRAEL. NARITO, AKING GINAWA KANG BAGONG KASANGKAPANG PANGGIIK NA
MATALAS NA MAY MGA NGIPIN; IYONG GIGIIKIN ANG MGA BUNDOK, AT DIDIKDIKING DUROG,
AT IYONG GAGAWIN ANG MGA BUROL NA PARANG IPA. IYONG PAHAHANGINAN, AT TATANGAYIN
NG HANGIN, AT PANGANGALATIN NG IPOIPO: AT IKAW AY MAGAGALAK SA PANGINOON, IKAW
AY LUWALHATI SA BANAL NG ISRAEL.”
Isaias 43:5-6
“HUWAG KANG MATAKOT, SAPAGKA'T AKO'Y SUMASAIYO:
AKING DADALHIN ANG IYONG LAHI MULA SA SILANGANAN, AT PIPISANIN KITA MULA SA
KALUNURAN; AKING SASABIHIN SA HILAGAAN, BAYAAN MO, AT SA TIMUGAN, HUWAG MONG
PIGILIN; DALHIN MO RITO ANG AKING MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, AT ANG
AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA;”
Isaias 46:11
“NA TUMATAWAG NG IBONG MANGDADAGIT MULA SA
SILANGANAN, NG TAONG GUMAGAWA NG AKING PAYO MULA SA MALAYONG LUPAIN; oo, aking
sinalita, akin namang papangyayarihin; aking pinanukala, akin namang gagawin.”
Apocalipsis 14:9-14
“At ANG IBANG ANGHEL, ang pangatlo, ay
sumunod sa kanila, NA NAGSASABI NG
MALAKAS NA TINIG, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang
larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom
din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa
inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap
nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan
araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at
sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. NARITO ANG PAGTITIYAGA NG MGA BANAL, NG MGA NAGSISITUPAD NG MGA UTOS NG
DIOS, AT NG PANANAMPALATAYA KAY JESUS. At narinig ko ang isang tinig na
mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, MAPAPALAD
ANG MGA PATAY NA NANGAMAMATAY SA PANGINOON mula ngayon: oo, sinasabi ng
Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; SAPAGKA'T ANG KANILANG MGA GAWA AY SUMUSUNOD SA KANILA. At nakita
ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap
ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong
na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.”
Samakatuwid KAHIT
WALANG NAGBAUTISMO sa kaniya sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ang kaniyang KARAPATAN
ay NAGMULA sa DIYOS na kinatuparan sa pamamagitan ng mga PROPESIYA o HULA na nakasulat sa BIBLIA. Siya ay TUNAY na
SUGO na PINILI NG DIYOS upang simulan ang Kaniyang GAWAING PAGLILIGTAS SA MGA HULING ARAW NA ITO.
No comments:
Post a Comment