Juan 10:9
“Ako ang
pintuan; ang sinomang taong pumasok sa
akin, ay siya'y maliligtas, AT
PAPASOK AT LALABAS, AT MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.”
Ang
isa sa mga talata ng Biblia na nagpapatotoo na MAHALAGA at KAILANGAN
ang pagpasok sa IGLESIA upang matamo
ng tao ang pagliligtas ng Panginoong JesuCristo ay ang nasusulat sa Juan 10:9. Sa unang bahagi ng
talata—kung saan sinabi ng Panginoon na, “AKO
ANG PINTUAN; ANG SINOMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA’Y MALILIGTAS …”—ay
isinasaad ang pangako ni Cristo na ang maliligtas ay yaong mga nagsipasok sa
Kaniya, samakatuwid baga’y ang mga napaloob sa KAWAN na walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO (Juan 10:7; 10:9, Revised English Bible; Gawa 20:28, Lamsa Translation).
Juan 10:7
“Muli ngang SINABI SA KANILA NI JESUS, KATOTOHANAN,
KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”
John
10:9 Revised English Bible
“I
AM THE DOOR; ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.”
Sa Pilipino:
Juan
10:9 Revised English Bible
“AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA LOOB NG
KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”
Acts
20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to
yourselves and to all the FLOCK over
which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased
with his blood.”
Sa Pilipino:
Gawa
20:28 George M. Lamsa Translation
“Ingatan ninyo kung gayon ang
inyong mga sarili at ang buong KAWAN
na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng
kaniyang dugo.”
Gayunman, hindi malinaw sa iba ang kahulugan ng
karugtong na bahagi ng talatang Juan
10:9 — “…AT PAPASOK AT LALABAS, AT
MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.”
MAYROONG
IBA NA ANG PAKAHULUGAN AY MAY HALONG PAMIMILOSOPO:
Kaya raw
sinabing “PAPASOK AT LALABAS AT
MAKASUSUMPONG NG PASTULAN” ay dahil nasa loob ng kulungan ang mga
nagsipasok kay Cristo at kinakailangang ilabas upang mapastulan kagaya raw ng
ginagawa sa mga literal na kawan ng tupa.
SINASABI
NAMAN NG IBANG MGA MANUNULIGSA SA IGLESIA
NI CRISTO:
Kung ang
pagpasok daw na tinutukoy sa bahaging iyon ng talata ay ang pagpasok sa Iglesia ni Cristo, kung gayon ang paglabas daw na tinutukoy ay ang paglabas
din ng Iglesia ni Cristo para
makasumpong ng pastulan. Ang KONKLUSYON
nila: Ang mga pumasok sa Iglesia
ni Cristo ay dapat daw lumabas para maligtas.
Ano ang kamalian ng ganitong pakahulugan?
Lilitaw na sinasalungat ng Panginoong Jesucristo ang mismong ipinahayag
Niya. Sa isang banda ay sinasabi Niyang ang pumasok sa Kaniya ay
maliligtas; at sa kabilang dako naman ay pinalilitaw na sinasabi Niyang ang
kailangan ay pumasok at pagkatapos ay lumabas? Napaka-imposible!
TANONG: Si Cristo ba ay magsasalita ng daya o ng kasinungalingan?
1 Pedro 2:22
“Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN
NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”
TANONG: Itinuro ba ni Cristo na dapat lumabas sa Iglesia upang maligtas?
Juan 15:5-6
“Ako ang
puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya,
ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't KUNG
KAYO'Y HIWALAY SA AKIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA. KUNG SINOMAN AY HINDI MANATILI
SA AKIN, AY SIYA'Y MATATAPONG KATULAD NG
SANGA, AT MATUTUYO; AT MGA TITIPUNIN AT MGA IHAHAGIS SA APOY, AT MANGASUSUNOG.”
Wala Siyang itinuro na dapat lumabas sa Iglesia
upang maligtas. Bagkus sinabi pa nga Niya na ang mahiwalay sa Kaniya ay
gaya ng sanga na nahiwalay sa puno—matutuyo, titipunin at ihahagis sa apoy.
TANONG: Alin ang apoy na tinutukoy ng ating Panginoong JesuCristo?
Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa
mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga
mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga
mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi
ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY
AT ASUPRE; NA SIYANG IKALAWANG KAMATAYAN.”
Ang apoy na tinutukoy ay ang DAGAT-DAGATANG APOY o KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN.
ALAMIN NATIN: Ano
ang kahulugan ng sinabing iyon ng Panginoong Jesucristo sa Juan 10:9? Ayon sa Panginoong JesuCristo ang mga taong
nagsipasok sa Kaniya na pinangakuan Niyang maliligtas ay mayroong PAPASUKAN at PAGLABAS nila roon ay makasusumpong sila ng PASTULAN.
TANONG: Saan ba nakatakdang pumasok hindi lamang ang mga umanib sa Iglesia ni
Cristo kundi maging ang lahat ng tao?
Isaias 38:10 Ang
Biblia, 1905 edition
“Aking
sinabi: Sa kasibulan ng aking mga kaarawan ay PAPASOK AKO SA PINTUAN
NG LIBINGAN: Ako’y
nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.”
Lahat ng tao ay nakatakdang pumasok sa libingan o
mamatay.
TANONG: Bakit ang tao ay nakatakdang mamatay?
Roma 5:12
Kaya, kung
paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan,
at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ANG KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA
TAO, SAPAGKA'T ANG LAHAT AY
NANGAGKASALA:-“
Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN;
datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay
Cristo Jesus na Panginoon natin.”
Ang tao ay nakatakdang mamatay bilang kabayaran ng
kasalanan.
TANONG: Walang tututol sa katotohanang ang tao ay namamatay, kung paanong tiyak
ang pagdating ng kamatayan ng isang tao, ano pa ang tiyak na daranasin ng tao?
Hebreo 9:27
“At KUNG PAANONG ITINAKDA SA MGA TAO ANG
MAMATAY NA MINSAN, AT PAGKATAPOS NITO AY ANG PAGHUHUKOM;”
At kung paanong itinakda ng Diyos sa mga tao ang
kamatayan, “PAGKATAPOS NITO AY ANG
PAGHUHUKOM”. Gayunman, ang kahigitan ng mga NAGSIPASOK KAY CRISTO o UMANIB
SA KANIYANG IGLESIA ay tiyak na LALABAS
SILA SA LIBINGAN at MAKASUSUMPONG NG
PASTULAN.
TANONG: Ano ang tiniyak ng Panginoong JesuCristo sa Kaniyang Iglesia
na hindi makapananaig?
Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi
ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang
aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA
KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN.”
Tiniyak ni Cristo na ang Kaniyang Iglesia ay hindi
pananaigan ng kapangyarihan ng kamatayan. Gayunman, ang kahigitan ng mga NAGSIPASOK KAY CRISTO o UMANIB SA KANIYANG IGLESIA ay tiyak na LALABAS SILA SA LIBINGAN at MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.
Ito ang kahulugan ng sinabi ng Panginoong
Jesucristo sa Juan 10:9, sapagkat ang mga nagsipasok sa Kaniya o ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ang
pinangakuan Niya ng kaligtasan, “PAPASOK”
man sila sa libingan ay “LALABAS” din
sila roon o muling mabubuhay.
TANONG: Kailan magaganap ang paglabas sa libingan ng mga namatay kay Cristo o
Iglesia Ni Cristo?
1 Tesalonica
4:16
“Sapagka't
ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng
arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG
NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI;”
Magaganap
ito sa Kaniyang ikalawang pagparito o sa Araw ng Paghuhukom.
TANONG: Bakit naman sinabi na ang
mga nasa KAWAN o IGLESIA
NI CRISTO na papasok at lalabas sa libingan ay “MAKASUSUMPONG NG PASTULAN”?
DALAWA ANG
URI NG PAGKABUHAY NA MULI:
- ang una ay para sa BUHAY NA WALANG HANGGAN.
- ang isa pa ay sa PAGHATOL o WALANG HANGGANG KAPARUSAN.
Juan 5:28-29
“Huwag
ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras na ANG LAHAT NG NANGASA LIBINGAN AY MAKARIRINIG NG KANIYANG TINIG, AT
MAGSISILABAS; ANG MGA NAGSIGAWA NG MABUTI, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA BUHAY;
AT ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”
TANONG: Sino ang mapalad na makakalakip na makasama sa UNANG PAGKABUHAY NA MULI?
1 Tesalonica
4:16-17
“Sapagka't
ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng
arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG
NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI; KUNG MAGKAGAYON, TAYONG
NANGABUBUHAY, NA NANGATITIRA, AY AAGAWING KASAMA NILA SA MGA ALAPAAP, UPANG
SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: AT SA GANITO'Y SASA PANGINOON TAYO
MAGPAKAILAN MAN.”
Ang mga kay Cristo ay kasama sa unang pagkabuhay
na muli at ang mga aabutang buhay na Iglesia Ni Cristo ang sabi sa talata, “AAGAWING KASAMA NILA SA MGA ALAPAAP, UPANG
SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: AT SA GANITO'Y SASA PANGINOON TAYO
MAGPAKAILAN MAN.”
TANONG: Saan dadalhin ni Cristo ang mga kasama sa unang pagkabuhay at inabutang
buhay na Iglesia Ni Cristo?
Apocalipsis
21:1-4
“AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG
ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT
ANG DAGAT AY WALA NA. AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA
NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing
kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. AT NARINIG KO ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA MULA SA LUKLUKAN, NA
NAGSASABI, NARITO, ANG TABERNAKULO NG DIOS AY NASA MGA TAO AT SIYA'Y MANANAHAN
SA KANILA, AT SILA'Y MAGIGING MGA BAYAN NIYA, AT ANG DIOS DIN AY SASA KANILA,
AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA;
AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O
NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”
Sila ay dadalhin Niya upang manirahan sa Bayang Banal,
sa bagong langit at lupa.
TANONG: Ano ang uri ng magiging pamumuhay sa Bayang Banal?
Apocalipsis
7:16-17
“SILA'Y HINDI NA MAGUGUTOM PA, NI MAUUHAW PA
MAN; NI HINDI NA SILA TATAMAAN NG ARAW, O NG ANOMANG INIT: SAPAGKA'T ANG
CORDERO NA NASA GITNA NG LUKLUKAN AY SIYANG MAGIGING PASTOR NILA, AT SILA'Y
PAPATNUGUTAN SA MGA BUKAL NG TUBIG NG BUHAY: AT PAPAHIRIN NG DIOS ANG BAWA'T
LUHA NG KANILANG MGA MATA.”
Kaya sa muling pagkabuhay ay hindi na sila
magugutom o mauuhaw o mamamatay man sapagkat si Cristo, na magiging pastor nila
ay papatnugutan o papastulan sila sa mga bukal ng tubig ng buhay. Ito ang
pastulang masusumpungan nila sa Bayang Banal na ipinangako ng Diyos sa Kaniyang
mga hinirang.
Samakatuwid, malinaw na
sa Juan 10:9 ay nakasaad ang pangakong kaligtasan ni Cristo sa mga
nagsipasok sa Kaniya o umanib sa Kaniyang Iglesia.
TANONG: Ano ang nakatakda nilang pagdaraanan upang makamit ito?
- Papasok sila at lalabas sa LIBINGAN.
- Mamamatay ngunit MULING MABUBUHAY,
- Maninirahan sa BAYANG BANAL na pinapatnugutan ng TUBIG NG BUHAY at
- MAKAKASUMPONG NG PASTULAN ang “SARIWANG PASTULAN” (Awit 23:2) na kanilang pinakaaasam.
Awit 23:2
“KANIYANG
PINAHIHIGA AKO SA SARIWANG PASTULAN: PINAPATNUBAYAN NIYA AKO SA SIPING NG MGA
TUBIG NA PAHINGAHAN.”
No comments:
Post a Comment