Isa sa pangkaraniwan
ninyong mapapansin kapag kayo ay dumalo
sa kanilang FELLOWSHIP WORSHIP SERVICE
ng mga tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIAN, bukod sa napakahaba ng oras
nito na kadalasan ay tumatagal ng APAT na
oras (kung minsan ay higit pa) ay ang
bahaging kung saan may patatayuin ng PASTOR
o PASTORA sa harap ng kapulungan ang
isang miyembro nila upang I-SHARE o MAGPATOTOO kung papaano binago ni LORD ang kanilang buhay. Ito ang
tinatawag nilang PAGPAPATOTOO o pagbibigay ng TESTIMONY.
ISANG
HALIMBAWA NG TESTIMONY O PAGPAPATOTOO NG KANILANG KAANIB:
“Mga Brothers and
Sisters, isa po akong dating adik at sakit ng ulo ng aking mga magulang, sugapa
po ako sa alak at laging nasasangkot sa basag ulo, subalit ng binago ni Lord
ang buhay ko. Kahit po pumunta kayo sa amin at ipagtanong ninyo kung sino ngayon
ang pinakamatinong tao doon ay sasabihin nila na ako iyon. Dahil napakalaki po ng aking naging
pagbabago, naging matino na po ako, hindi na po ako nag-aadik at kahit po magtanong
pa kayo sa mga tao sa amin sasabihin nila sa inyo na mabuting tao na po ako.”
PAGKATAPOS
SISIGAW ANG AUDIENCE: Amen, Alleluyah!
Sa
biglang tingin animo ay ang Panginoong Diyos ang napapapurihan subalit ang
hindi nila napapansin ay PINUPURI na
nila ang KANILANG SARILI.
Kailan
man ay hindi itinuro ni CRISTO ng MGA APOSTOL at wala ring mababasa sa
buong BIBLIA ang gawaing ito na PAGPUPURI sa SARILI. Ang Panginoong JesuCristo na napuspos ng magagandang
katangian kailanman ay hindi nag-angkin ng KAPURIHAN
patungkol sa Kaniyang sarili. Ano ang katunayan? Ganito ating mababasa sa:
Marcos 10:17-18
“At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may
isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y
tinanong, MABUTING GURO, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay
na walang hanggan? At sinabi sa kaniya ni Jesus, BAKIT TINATAWAG MO AKONG
MABUTI? WALANG MABUTI KUNDI ISA LAMANG, ANG DIOS.”
Napakaliwanag
ng ating nabasa si CRISTO ay HINDI NAG-ANGKIN na sabihin ng sinoman
na Siya ay MABUTI. Ayon sa Kaniya ay
para sa DIYOS lamang ang lahat ng
kapurihang ito. Bahagi ito ng Kaniyang pagtuturo tungkol sa KABABAANG-LOOB.
TANONG: Katanggap-tanggap ba sa Diyos ang pagpupuri na ipinapatungkol natin sa
ating mga sarili?
Lucas 18:10-14 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang
manalangin, ANG ISA AY PARISEO at ANG ISA AY MANININGIL NG
BUWIS. Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa
kaniyang sarili: ‘O DIYOS, NAGPAPASALAMAT AKO SA IYO SAPAGKAT HINDI AKO
KATULAD NG IBA NA MGA MAGNANAKAW, MANDARAYA, MANGANGALUNYA, O KAYA’Y KATULAD NG
MANININGIL NG BUWIS NA ITO. DALAWANG BESES AKONG NAG-AAYUNO SA LOOB NG
SANLINGGO AT NAGBIBIGAY RIN AKO NG IKASAMPUNG BAHAGI MULA SA LAHAT NG AKING
KINIKITA. Samantala, ang maniningil ng buwis nama’y nakatayo sa
malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang
kaniyang dibdib at sinasabi, ‘O DIYOS, MAHABAG PO KAYO SA AKIN NA ISANG
MAKASALANAN! SINASABI KO SA INYO ANG LALAKING ITO’Y UMUWING PINATAWAD SA
KANIYANG MGA KASALANAN, NGUNIT ANG UNA AY HINDI. SAPAGKAT ANG SINUMANG
NAGMAMATAAS AY IBABABA AT ANG NAGPAPAKUMBABA AY ITATAAS.”
Hindi
kailan man katanggap-tanggap sa harap ng Diyos ang ginagawa ng sinomang tao na PAGPUPURI sa SARILI. Dahil para sa Kaniya ito ay isang uri ng PAGMAMATAAS.
Kaya kahit na totoo pa na talagang gumagawa tayo ng mabuti pero ito ay ating
ipinagsasasabi pa ang nagiging resulta nito ay napupuri natin ang ating sarili at
ang ibubunga ay mawawalan ng saysay ang ating paggawa ng mabuti.
Ang
aral na itinuturo ng Panginoong JesuCristo ay KABABAANG LOOB huwag nating pupurihin ang ating mga sarili dahil
mawawalan ng saysay ang ating ginagawang kabutihan kung ito nama’y
ipinagsasasabi pa natin sa iba.
TANONG: Ano ang aral at turo ng Panginoong JesuCristo na dapat makita sa mga
tunay na lingkod Niya?
Mateo 5:14-16 Ang Bagong Magandang
Balita Biblia
“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod
na nakatayo sa burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi
ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan.
Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng
nasa bahay. GAYUNDIN NAMAN, DAPAT NINYONG PALIWANAGIN ANG INYONG ILAW
SA HARAP NG MGA TAO UPANG MAKITA NILA ANG INYONG MABUBUTING GAWA AT PAPURIHAN
ANG INYONG AMA NA NASA LANGIT.”
Ito
po ang maliwanag na sinabi ng Panginoong JesusCristo na kailangan ang MAKITA ng mga TAO sa atin ay ang ating MABUBUTING
GAWA sa gayon ay kanilang PAPUPURIHAN
ang AMA na nasa LANGIT.
“Hindi
kailangan na IPAGSABI at tumayo sa isang STAGE at sabihin sa mga tao
ang KABUTIHANG NAGAWA”
Kailangan
ang mga tao sa ating paligid ang makapansin sa ating MABUBUTING GAWA. Sila ang makakita nito na ating ginagawa sa gayon
ay maging daan ito ng KAPURIHAN para
sa ating DIYOS.
TANONG: Marapat ba na pakitang-tao lamang kaya lang natin gagawin ay para lang
may maipakita tayo sa tao na tayo ay gumagawa ng mabuti?
Mateo 6:1 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Pag-ingatan ninyong hindi PAKITANG-TAO LAMANG ang paggawa ninyo ng
mabuti. KAPAG GANIYAN ANG GINAWA NINYO, WALA KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA
BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.”
Kapag
pakitang-tao lamang kaya tayo gagawa ang sabi ng Panginoong JesuCristo, “WALA
KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.”
TANONG: Kanino lamang natin dapat iukol ang
kapurihan?
1 Timoteo 1:17
“Ngayon
sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, SA IISANG DIOS, AY
ANG KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Siya nawa.”
Kaya
kailanman ay huwag nating PUPURIHIN
ang ating sarili sa kaninoman LALO NA SA
HARAP NG DIYOS. Sapagkat ang KAPURIHAN
ay PARA lamang sa AMA na Siyang lumikha ng lahat ng
bagay.
Anoman
ang mabuting bagay na ating nagawa palagi nating tatandaan ang KAPURIHAN ay PARA sa DIYOS lamang. HUWAG NA HUWAG nating PUPURIHIN kailanman ang ating mga SARILI. HAYAAN NATING MAKITA NG MGA TAO ANG ATING MABUBUTING GAWA NA GINAGAWA
NATIN NG TAOS SA PUSO AT WALANG HALONG PAGKUKUNWARI.
Kaya
mali ang isinasagawa ng mga BORN AGAIN
na kung tawagin ay PAGPAPATOTOO o pagibigay ng TESTIMONY na kung
saan sinasabi nila sa tao ang kanilang mga nagawang kabutihan na naging resulta
daw ng pagbabago sa kanila ni LORD.
Iyan
ang dahilan kung bakit wala kaming ganyan sa IGLESIA NI CRISTO dahil hindi iyan utos ni Cristo at ng Panginoong
Diyos na gawin.
Nawa
ay naging malinaw sa inyo ang ating naging pagtalakay.
No comments:
Post a Comment