Sunday, October 4

DUGO O DINUGUAN MAARI NA BANG KAININ SA PANAHONG CRISTIANO?



Para mabigyang katuwiran ng mga kaibayo namin sa pananampalataya o iyong mga hindi namin ka-relihiyon na tumututol sa aral ng IGLESIA NI CRISTO na BAWAL ANG PAGKAIN NG DUGO ay gumagamit din sila ng Biblia upang mahikayat ang mga tao na ang aming sinusunod na kautusang ito ay hindi matuwid sapagkat ayon sa kanila totoong bawal ang pagkain ng dugo kaya nga daw may mababasa tayo sa Biblia. Pero ito daw ay isang kautusan na umiral lamang noong panahon ng LUMANG TIPAN at sa panahon daw ng BAGONG TIPAN ay maaari na daw itong makain ng tao sapagkat ito daw ay nilinis na ng Diyos. BAWAL DAW NOON PERO HINDI NA BAWAL NGAYON.

ARGUMENTO: Sinasabi nila: LAHAT NG MABIBILI SA PAMILIHAN AY PUWEDENG KAININ?”

Narito ang isa sa kanilang pinagbabatayan:

1 Corinto 10:25 
LAHAT NG IPINAGBIBILI SA PAMILIHAN AY KANIN NINYO, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;”

Kapag daw sinabing “LAHAT” ibig sabihin LAHAT puwedeng kanin. Kaya maliwanag daw na kasali ang DUGO na puwedeng kainin dahil ang dugo daw ay maaaring mabili sa pamilihan lalo na sa panahon natin ngayon. Kaya maaari na itong kainin.

Nakalimutan yata ng ating mga kaibigan na ang kanilang katuwirang ito na dahil sa sinabing LAHAT ay maaari nang kainin ang LAHAT ng nabibili sa pamilihan.  Lilitaw  ganito ang kakalabasan?

Maaari na rin tayong kumain ng PAKO, GUNTING, PALANGGANA, TIMBA, TSINELAS, YERO, SEMENTO AT IBA PA... na mga nabibili rin sa pamilihan. Hindi ba ganiyan ang resulta kung ating sasakyan ang kanilang argumento na maaaring makain ang LAHAT ng mabibili sa pamilihan?

Maaaring mangangatuwiran sila at sasabihin na OBVIOUS naman na ang tinutukoy diyan ay PAGKAIN at hindi iyong mga hindi nakakain kaya ibig lamang sabihin daw ng talata ay “LAHAT NG PAGKAIN NA MABIBILI SA PAMILIHAN AY PUWEDENG KANIN NG TAO.”

Tama iyan wala tayong tutol diyan maaari nating kainin ang lahat ng uri ng pagkain na nabibili sa palengke, supermarket, grocery store, sari-sari store, etc.

Pakatandaan PAGKAIN ang ating pag-uusapan dito. Kaya narito na ngayon ang TANONG:

ANG DUGO BA AY KABILANG SA URI NG TINATAWAG NA PAGKAIN

Naitanong na ba ninyo sa inyong sarili kung ang dugo ba ay pagkain?

TANONG: Ano ba ang pagtuturing ng Diyos sa dugo?

Deuteronomio 12:23 
“Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY na kasama ng laman.”

Napakaliwanag sa Biblia na ang DUGO ay siyang BUHAY hindi ibinigay sa tao para maging pagkain. Kaya hindi maaaring makain ang DUGO sapagkat hindi ito PAGKAIN. Kahit na mangatuwiran pa sila na maaari  naman itong makain. Bawal kumain ng BUHAY ang katumbas ng pagkain ng Dugo ay pagkain ng BUHAY. Kaya nga ang banggit ng Diyos ay, “HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY”

Iyan ang dahilan kung bakit bawal kainin ang dugo ito ay dahil sa MATAAS NA PAGKILALA at PAGPAPAHALAGA ng DIYOS sa BUHAY.

ARGUMENTO: Ang katuwiran naman ng iba: “ABA, NAKAKAIN NAMAN NG TAO ANG DUGO KAYA PAGKAIN DIN IYON.”

Iyon bang LUPA puwedeng makain? May mga tao na kumakain niyan. Iyong APOY makakain din ba? Siyempre kita ninyo napapanood natin maging sa TV na may mga tao na kumakain ng APOY maski BUBOG, ESPADA, SINULID, BAKAL, PAPEL, etc. Nakakain ng tao iyan pero tanong.  Mga pagkain ba iyan? Hindi matuwid na katuwiran na dahil nakakain ay nasa uring PAGKAIN na.

Ang dugo bukod sa hindi itinuturing na pagkain ng Diyos ay ipinagbawal pa Niya itong kainin.

Kaya nga kahit na mabibili pa ito sa pamilihan hindi ito kabilang sa maaaring makain ng tao.

Dahil ang DUGO ay:
  • Hindi ibinigay sa tao bilang pagkain niya. Buhay ang tawag ng Diyos diyan at hindi pagkain.
  • Ipinagbawal ng Diyos na ito ay kainin ng tao kahit magagawa niyang kanin sa kabila nang ito ay hindi pagkain.

ARGUMENTO: Sinasabi nila: “ANG DUGO AY NILINIS NA NG DIYOS KAYA PUWEDE NANG KANIN.”

May pagkakamali rin na sabihin na ang DUGO ay nilinis na ng Diyos kaya maaari na itong kanin ng tao.

Kaya itanong natin sa kanila:
  • Kailan ba itinuring ng DIYOS na ang dugo ay MARUMI?
  • May maipapakita ba silang talata sa Biblia na itinuring ng Diyos na MARUMI ang DUGO  kaya maaari na nating makain ay sapagkat ito’y nilinis na Niya?

BUHAY ang pagtuturing ng DIYOS sa DUGO.

Nagkaroon ba kahit isang pagkakataon noong una na ang naging pagtuturing ng Diyos sa dugo ay MARUMI? Nasaan sa Biblia iyan at anong talata?

TANONG: Bakit ano ba ang gamit ng dugo?

Levitico 17:11 
“Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at AKING IBINIGAY SA INYO SA IBABAW NG DAMBANA UPANG ITUBOS SA INYONG MGA KALULUWA: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”

NAPAKATAAS ng pagkakilala ng Diyos sa dugo. Isipin ninyo ito ang iniutos Niyang gamitin ng tao upang tumubos sa kaluluwa.


KAILANMAN ay hindi itinuring ng Diyos na MARUMI ang DUGO kaya papaano nila sasabihin na ito ay nilinis na nang Diyos kaya maaari nang makain. Sa pangangatuwiran nilang ang DUGO ay maaari ng kainin sa panahong CRISTIANO ay isang maliwanag na PANLILINLANG nila sa mg tao.

No comments:

Post a Comment