Ang
mga naniniwalang DIYOS si CRISTO kaya nakapanghihikayat ng mga
tao ay gumagamit din ng mga talata sa Biblia, kaya ang nagiging sapantaha tuloy
ng mga nakakapakinig ay totoo ang kanilang itinuturo dahil sa Biblia naman nila
binasa.
Sa mga HINDI
NAKAPAGSUSURI na napangingibabawan lang ng kung magkaminsan ay bunga na
lang ng kanilang MATINDING PAGHANGA marahil
sa kanilang TAGAPAGTURO ay hindi na
namamalayan na sila ay natuturuan na ng MALING
ARAL.
Upang masuportahan ang kanilang paniniwala na si CRISTONG DIYOS ay mayroon nang PRE-EXISTENCE o UMIIRAL na mula pa nang pasimula ay ginagamit nila ang nakasulat sa
Kawikaan 8:22-30.
Basahin natin ang nasabing mga talata:
Kawikaan 8:22-30
“Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago
pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng
walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga
kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay
nalagay, Bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya
nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng
sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya'y maglagay
ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa
itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang
dagat ng kaniyang hangganan Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang
utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako
na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na
nagagalak na lagi sa harap niya;”
Pagkatapos basahin ang mga talatang iyan ay
sasabihin nila na si CRISTO raw ang
nagsasalita diyan. Iyan daw ay sinalita ni JESUS
noong Siya daw ay naroon pa sa langit kasama ng AMA. Kaya daw napakaliwanag na si CRISTO ay DIYOS dahil
mayroon daw bang tao na umiral o naroon na bago pa lalangin ang SANGLIBUTAN o DAIGDIG.
TANONG: May
nabasa ba kayong si CRISTO ang
nagsasalita sa mga nasabing talata?
Kung magiging tapat lang sana sila sa atin, kitang-kita
naman sa talata na walang sinasabi na si CRISTO
ang nagsasalita diyan. Kahit basahin pa ang buong aklat ng MGA KAWIKAAN wala tayong mababasa na si CRISTO iyan.
TANONG: Alin kung gayon ang NAGLILIWANAG na KATOTOHANAN sa Kawikaan 8:22-30?
SAGOT: Napakaliwanag na ang
nagsasalita sa Kawikaan
8:22-30 ay ang “KARUNUNGAN” - itataas lang natin ang pagbasa sa TALATANG 12 sa kapareho ding CHAPTER:
Kawikaan 8:12
“Akong KARUNUNGAN ay tumatahan sa kabaitan, At
aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.”
Walang duda, hindi tututol ang mga
naniniwalang si CRISTO ang nagsasalita sa talata at ang sasabihin nila TAMA ang KARUNUNGAN nga ang nagsasalita diyan.
Pagkatapos ay magtatanong sila ng ganito: “HINDI BA SINASABI SA BIBLIA NA SI CRISTO
AY KARUNUNGAN NG DIYOS?” at babasahin nila ang talatang ito:
1 Corinto 1:24
“Nguni't sa
kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, SI CRISTO ang kapangyarihan ng Dios, at ANG KARUNUNGAN NG DIOS.”
Maliwanag na sinasabi sa talatang ito na “SI CRISTO ANG KARUNUNGAN NG DIYOS.” At
hindi TUTUTOL kailan man ang IGLESIA NI CRISTO sa sinasabing iyan ng
BIBLIA dahil talagang nasa BIBLIA iyan.
Ang tinututulan ng IGLESIA NI CRISTO ay ang kanilang MALING PAGKAUNAWA sa sinasabi na SI CRISTO ANG KARUNUNGAN NG DIYOS ay Siya mismo ang KARUNUNGAN NG DIYOS na sinasabi sa BUONG BIBLIA.
Magkakaroon ng SALUNGATAN sa mga talata ng Biblia kapag tinanggap na SI CRISTO ANG KARUNUNGAN NG DIYOS SA BUONG
BIBLIA. Narito ang ilang halimbawa:
1 Hari 4:29
“At binigyan
ng Dios si SALOMON ng KARUNUNGAN, at di kawasang katalinuhan
at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.”
Walang alinlangan na ang ibinigay na KARUNUNGAN kay HARING SOLOMON ay KARUNUNGAN
NG DIYOS.
Kaya ang TANONG
natin sa kanila: Si CRISTO ba ang
ibinigay na KARUNUNGAN kay SOLOMON?
Narito pa ang isa:
Lucas 2:40
“At lumalaki
ang BATA, at lumalakas, at NAPUPUSPOS NG KARUNUNGAN: at sumasa
kaniya ang biyaya ng Dios.”
Dito sa talatang ito na sinasabi na ang BATANG si CRISTO ay NAPUPUSPOS NG
KARUNUNGAN.
Ang TANONG
natin sa kanila: Si CRISTO rin ba
ang KARUNUNGAN NA PUMUPUSPOS SA KANIYANG
SARILI? Hindi ba lalabas na DALAWA na ngayon ang CRISTO? Isang BATANG CRISTO na pinupuspos ng KARUNUNGANG
CRISTO?
Sa isang taong PALABASA ng BIBLIA na
may MALINAW NA PAGIISIP ay hindi
nila maaaring matanggap kailanman na si CRISTO
ang KARUNUNGAN na binabanggit sa mga
talatang iyan. Dahil katakut-takot na salungatan ang mabubuo at hindi lamang sa
mga talatang iyan kundi sa napakarami pang iba.
ANG BUONG KATOTOHANAN: Hindi lahat ng nababasang “KARUNUNGAN” sa BIBLIA
ay TUMUTUKOY kay CRISTO.
Ang mahirap sa kanila nakabasa lang ng KARUNUNGAN sa Biblia iyong nagsasalita
sa KAWIKAAN
8:22-30 ipinagpalagay na nila si CRISTO mismo iyon.
TANONG: Bakit natin natitiyak na hindi si CRISTO
ang sinasabi sa KAWIKAAN na KARUNUNGAN? Narito ang katunayan at pansinin
ang pagpapakilala ng aklat ng KAWIKAAN
sa KARUNUNGAN:
Kawikaan 7:4
“Sabihin mo
sa KARUNUNGAN, Ikaw ay aking KAPATID NA BABAE; At tawagin mong iyong
kamaganak na babae ang unawa:”
Maliwanag na ang ipinakikilalang KARUNUNGAN sa KAWIKAAN ay tinatawag na KAPATID
NA BABAE. Samakatuwid ISANG BABAE.
Kaya kung ipagpipilitan na si CRISTO
ang KARUNUNGANG iyan lalabas ngayon
na bago pa bumaba si CRISTO at NAGKATAWANG TAO si CRISTO ay ISANG BABAE at
naging LALAKE lang noong nasa LUPA na. PROBLEMANG NAPAKALAKI iyan! Kung ganito ang kalalabasan ito ay maituturing
na ARAL na LABAG na LABAG sa BIBLIA.
Baka naman
magpalusot sila at sabihing diyan sa KAWIKAAN 7:4 hindi
si CRISTO iyan kasi BABAE iyan. Pero iyong nasa KAWIKAAN 8:22-30
iyon si CRISTO kasi LALAKE iyon.
Puntahan natin iyan sa kanilang paniniwala ang BABAE lang na tinutukoy na KARUNUNGAN ay iyong nasa KAWIKAAN 7:4.
Pero iyong nasa KAWIKAAN
8:22-30 iyon daw ay LALAKE.
Totoo kaya iyon?
Hindi ninyo mapapansin sa BIBLIANG TAGALOG ito
pero sa ENGLISH BIBLE mapapansin
natin ng maliwanag. Itataas lang natin ang basa sa KAWIKAAN 8:1-3:
Kawikaan 8:1-3
Ang Biblia 1905
“Hindi ba
umiiyak ang KARUNUNGAN, at
inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? Sa taluktok ng mga mataas na dako sa
tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; Sa tabi ng mga
pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw
ng malakas:”
Proverbs 8:1-3 King James Version
“Doth not WISDOM
cry? and understanding put forth HER
voice? SHE standeth in the top of
high places, by the way in the places of the paths. SHE
crieth at the gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors.”
Kitang-kita na sa TAGALOG makakalusot sila diyan. Pero sa isa sa mga BIBLIANG ENGLISH sa KING JAMES VERSION maliwanag na BABAE ang GENDER ng KARUNUNGAN na
tinutukoy diyan. Pansinin ang paggamit ng mga PRONOUN o PANTUKOY na “SHE” at “HER” na PAMBABAE na
hindi mapapansin sa BIBLIANG TAGALOG.
Kaya kahit saan sila sumuot diyan hinding-hindi
sila makakalusot sa katotohanang HINDI SI
CRISTO ang TINUTUKOY na KARUNUNGAN na nagsasalita sa Kawikaan 8:22-30.
Maliban na
lang kung ituturo nila na si CRISTO ay
BABAE o isang DIYOSA bago NAGKATAWANG-TAO.
Napakalaking problema nila ngayon iyan.
Ito pa ang lalong higit na magpapatunay na
talagang MALI ang kanilang PAGPAPALAGAY na si CRISTO iyan. Dahil ang PANGINOONG
JESUCRISTO mismo ay nagpapatunay na BABAE
ang KARUNUNGAN gaya ng mababasa
sa:
Luke 7:35 King James Version
“But WISDOM is justified of all HER children.”
Kaya napakaliwanag mula OLD TESTAMENT hanggang NEW
TESTAMENT ay ipinapakilala na BABAE
ang KARUNUNGAN.
Kaya masasabi natin at walang pagdududa na sila ay
nahulog sa MALING PAGKAUNAWA ang mga
gumagamit ng Kawikaan
8:22-30 para patunayan na si CRISTO ang nagsabi ng mga salitang iyon
dahil siya mismo iyon.
Ito ang ating iiwanang mga tanong sa kanila:
1. Kung
hindi si CRISTO ang KARUNUNGAN sa Kawikaan 8:22-30. Sino iyon?
2. Bakit BABAE ang pagpapakilala sa KARUNUGAN?
3. Anong
uring KARUNUNGAN ng DIYOS si CRISTO?
4. Ano ang
pagkakaiba Niya sa KARUNUNGANG binabanggit
sa aklat ng KAWIKAAN?
No comments:
Post a Comment