May mga pangkatin ng
pananampalataya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtataguyod ng
pangingilin ng SABBATH o PAMAMAHINGA SA ARAW NG SABADO. Mayroon
ding pangkatin ng pananampalataya na nagsasabing ang mga Cristiano ay hindi
saklaw ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Dahil dito mahalagang ATING SURIIN kung ang mga CRISTIANO ay nasasaklaw o hindi ng
batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Sa ikaliliwanag ng paksang ito,
mahalagang malaman natin ang ukol dito.
TANONG: Papaano ang pangingilin ng SABBATH
sang-ayon sa utos ng ating Panginoong Dios. Magpasimula tayo sa pahayag ng
Dios sa:
Exodo 20:8-11 New Pilipino Version
"ALALAHANIN MO ANG ARAW NG SABBAT at
panatilihin itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho at gagawa ng lahat ng
iyong gawain. Ngunit ANG IKAPITONG ARAW
AY SABBAT SA PANGINOON MONG DIOS. SA
ARAW NA ITO AY HUWAG KANG GAGAWA NG ANUMANG GAWA, NI ANG ALILA MONG LALAKI O
BABAE, NI ANG IYONG MGA HAYOP, NI ANG MGA TAGA-IBANG BAYANG NASA LUGAR NA
NASASAKUPAN MO. Pagkat anim na araw na ginawa ng PANGINOON ang mga langit
ang lupa, ang dagat, at lahat ng nasa mga ito, ngunit namahinga siya sa
ikapitong araw. Kaya, pinagpala ng
PANGINOON ang araw ng Sabbat at ginawa itong banal.”
Mabuti
ay ihanay natin isa-isa ang UTOS NG
DIYOS na nakapaloob sa pangingilin ng araw ng SABBATH:
- Ang Sabbath ay araw ng PAMAMAHINGA.
- Ang mga ISRAELITA ay pinagbawalang MAGTRABAHO o GUMAWA NG ANOMANG GAWAIN sa araw ng Sabbath.
- Ang kanilang anak na LALAKI o BABAE maging ang kanilang mga ALILANG LALAKI o BABAE ay hindi dapat atangan ng anomang gawain bagkus sila ay dapat magpahinga sa ikapitong araw.
- Gayundin naman ang mga HAYOP tulad ng BAKA ay hindi dapat papagtrabahuin sa araw ng Sabbath.
- Maging ang mga TAGA IBANG BAYAN na nakikipamayan sa ISRAEL ay dapat ding MAGPAHINGA sa ikapitong araw.
TANONG: Ano ang nasasaklaw ng pagbabawal na gumawa ng anomang gawain sa araw ng
Sabbath? Ganito ang ating matutunghayan sa Banal na Kasulatan:
Exodo 35:3
“HUWAG
KAYONG MAGPAPANINGAS NG APOY SA INYONG BUONG TAHANAN SA ARAW NG SABBATH.”
Sa
pangingilin ng Sabbath MAHIGPIT NA
IPINAGBABAWAL ng Dios ang MAGPANINGAS
NG APOY SA BUONG TAHANAN.
TANONG: Kung bawal ang magpangingas ng apoy. Ipinahihintulot kaya ng Dios ang
magluto o mag-ihaw ng pagkain sa araw ng Sabbath? Ganito ang pahayag ni
Moises:
Exodo 16:23
“At kaniyang sinabi sa
kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na
sabbath sa Panginoon: IHAWIN NINYO ANG
INYONG IIHAWIN, AT LUTUIN NINYO ANG INYONG LULUTUIN; AT LAHAT NA LALABIS AY
ITAGO NINYO SA GANANG INYO, NA INYONG ITIRA HANGGANG SA KINABUKASAN.”
Maliwanag
na ipinag-utos ng Dios na sa ikaanim na araw pa lamang bago lumubog ang araw ay
ihawin na ang dapat ihawin at lutuin ang dapat lutuin sapagkat sa IKAPITONG ARAW ay SABBATH sa PANGINOON ay HINDI IPINAHIHINTULOT ng Dios ang PAGLULUTO o PAGPAPANINGAS NG APOY.
TANONG: Ano pa ang hindi ipinahihintulot ng Diyos na gawin sa araw ng Sabbath?
Exodo 16:29
“Tingnan ninyo, na
sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath, kung kaya't kaniyang
ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira
ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan, HUWAG
UMALIS ANG SINOMAN SA KANIYANG KINAROROONAN, SA IKAPITONG ARAW.”
Noong
ibigay ng Dios ang MANA sa mga ISRAELITA doon sa ilang ay mapapansin
natin na sa ikaanim na araw ay ibinigay ang mana para maging pinaka pagkain
nila sa loob ng dalawang araw. Bakit? Sapagkat SA IKAPITONG ARAW NA SIYANG ARAW NG SABBATH AY HINDI NIYA
PINAHIHINTULUTAN SILA NA UMALIS SA KANILANG KINAROROONAN UPANG MANGUHA NG MANA
NA PINAKA-PAGKAIN.
TANONG: Ano pa ang ipinagbawal ng Diyos sa mga Israelita sa araw ng Sabbath?
Nehemias 10:31 New Pilipino Version
"KAPAG ANG MGA TAO SA AMING PALIGID AY
NAGTINDA NG KANILANG KALAKAL O PAGKAIN KUNG ARAW NG SABBAT O ANUMANG ARAW NG
PANGILIN, HINDI KAMI BIBILI SA KANILA.
Tuwing ikapitong taon, hindi namin bubungkalin ang aming bukirin, at
kalilimutan na ang lahat ng aming pautang.”
Kaugnay
pa rin ng pangingilin ng Sabbath, IPINAGBABAWAL
DIN NG DIOS SA MGA ISRAELITA ANG MAKIPAGKALAKALAN AT PAMIMILI NG PAGKAIN SA ARAW
NG SABBATH. Ang mga Israelitang inutusang mangilin ng Sabbath ay nangako na
hindi sila makikipagkalakalan ni bibili ng anomang pagkain sa araw ng Sabbath.
TANONG: Ano naman ang parusang itinakda ng Dios sa sinumang masusumpungan na
gumagawa ng anomang gawain sa araw ng Sabbath? May ganitong sinasabi ang
Biblia:
Exodo 35:2
“Anim na araw na gagawa,
datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang
kapahingahan sa Panginoon: SINOMANG
GUMAWA NG ANOMANG GAWA SA ARAW NA IYAN AY PAPATAYIN.”
Napakabigat
ng parusa sa sinumang masumpungan na gumagawa ng anomang gawain sa araw ng
Sabbath. "KAMATAYAN ANG PARUSA."
TANONG: May nakatala ba sa Biblia sa kasaysayan ng Israel na ang sinomang masumpungan na gumagawa ng
anomang gawa sa araw ng Sabbath ay pinatawan ng parusang kamatayan? Mayroon
basahin natin:
Bilang 15:32-36
“At samantalang ang mga
anak ni Israel ay nangasa ilang, ay NAKASUMPONG
SILA NG ISANG LALAKE NA NAMUMULOT NG KAHOY SA ARAW NG SABBATH. At silang
nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay
Aaron, at sa buong kapisanan. At kanilang inilagay siya sa bilangguan,
sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya. At SINABI NG PANGINOON KAY MOISES, ANG LALAKE
AY WALANG PAGSALANG PAPATAYIN; BABATUHIN SIYA NG BUONG KAPISANAN sa labas
ng kampamento. At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at KANILANG BINATO SIYA HANGGANG SA MAMATAY
ng mga bato; GAYA NG INIUTOS NG
PANGINOON KAY MOISES.
Natunghayan
natin sa kasaysayan ng Israel na bina-bato hanggang sa mamatay ang sinumang
masumpungan na gumagawa ng anomang gawa sa araw ng Sabbath.
Ihanay
natin ngayon sa isang talaan kung papaano dapat ipangilin ang Sabbath mula sa
ating natunghayan na ipinahayag ng Banal na Kasulatan:
- Huwag MAGTATRABAHO o GUMAWA NG ANUMANG GAWAIN sa araw ng Sabbath.
- Huwag MAG-IIHAW , MAGLULUTO o MAGPAPANINGAS NG APOY.
- Huwag MAKIKIPAGKALAKALAN o BIBILI ng pagkain.
- BABATUHIN HANGGANG SA MAMATAY ang masusumpungang gumagawa ng anumang gawa sa araw ng Sabbath.
ANG
PANGINGILIN NG MGA "SEVENTH DAY ADVENTIST" o "SABADISTA"
Mapapansin
natin na ang pangkatin ng pananampalataya na nagtataguyod ng pangingilin ng SABBATH ay HINDI GANAP NA SUMUSUNOD sa paraan ng pangingilin na ipinag-uutos
ng Panginoong Dios.
- Kahit araw ng SABADO na siyang IKAPITONG ARAW ay masusupungan na sila ay NAGLULUTO o NAGPAPAINIT NG KANILANG MGA PAGKAIN na ito’y malinaw na paglabag sa tuntunin ng pangingilin sa araw ng Sabbath.
- Ang iba ay nagtutungo sa mga PAMILIHAN upang BUMILI ng kanilang mga pangangailangan na ito ay hindi rin nararapat gawin ayon sa batas ng Sabbath.
- Kung ang iba ay nagpapahinga sa kanilang mga gawain sa araw ng Sabado ay patuloy naman nilang PINAGTATRABAHO o INAATANGAN NG MGA GAWAIN ang kanilang mga ALILA o KATULONG sa kanilang mga tahanan na ito ay tahasan ding paglabag sa tuntunin ng Dios ukol sa pangingilin ng Sabbath.
- Lalong hindi magagawa ng mga nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath na lapatan ng parusang KAMATAYAN ang masusumpungan nila na GUMAGAWA o NAGTATRABAHO sa araw ng Sabbath.
TANONG: Kung totoo na hanggang ngayon ay dapat ipangilin ang Sabbath, ang uri
ng kanilang pagtupad na isang bahagi lamang ng kautusan ang pinahahalagahan at
ang ilang bahagi ay wina-walang kabuluhan ay ipinagkakasala sa buong kautusan.
May ganitong pagtuturo ang Biblia:
Santiago 2:10 New Pilipino Version
“Sapagkat ANG SINUMANG TUMUTUPAD SA BUONG KAUTUSAN NGUNIT
LUMABAG KAHIT SA ISANG PUNTO LAMANG NITO AY LUMALABAG SA BUONG KAUTUSAN.”
Ang
mga unang Cristiano ay hindi inutusang mangilin ng Sabbath. Walang mababasa sa
Bagong Tipan na ipinag-utos ng ating PANGINOONG
JESUSCRISTO o ng MGA APOSTOL sa
mga Cristiano na sila ay mangilin ng araw ng Sabbath.
TANONG: Ano ang katunayan na si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi
nangilin ng araw ng Sabbath? Tunghayan natin ang nakatalang pangyayari na
nakatala sa NEW TESTAMENT o BAGONG TIPAN:
Mateo 12:1
“Nang panahong yaon ay
naglalakad SI JESUS NANG ARAW NG SABBATH
SA MGA BUKIRAN NG TRIGO; AT NANGAGUTOM ANG KANIYANG MGA ALAGAD AT
NANGAGPASIMULANG MAGSIKITIL NG MGA UHAY AT MAGSIKAIN.”
Ito
ang katunayan na si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi nangingilin ng
Sabbath. Araw ng Sabbath noon nang ang mga alagad ni Jesus ay magutom sa
kanilang paglalakad. Sila’y nagsikitil ng mga uhay na yaon ay hindi nararapat
gawin sa araw ng Sabbath. Magugunita natin na noong ibigay ng Dios ang mana sa
mga Israelita doon sa ilang hindi Niya pinahintulutan sila na manguha ng mana
sa ikapitong araw. Kung kaya’t sa ikaanim na araw pa lamang ay ibinigay na Niya
ang mana para sa dalawang araw bilang pinaka pagkain. Kaya ang ginawa ng mga
alagad ni Cristo na pagkitil ng mga uhay sa araw ng Sabbath ay tunay na labag
sa tuntuning ibinigay ng Dios sa mga Israelita ukol sa pangingilin ng Sabbath.
TANONG: Ano pa ang matibay na katunayang hindi itinaguyod ni Cristo ang
pangingilin ng Sabbath?
Mateo 12:10-12
“At narito, MAY ISANG TAO NA TUYO ANG ISANG KAMAY. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, MATUWID BAGANG MAGPAGALING SA ARAW NG
SABBATH? upang siya'y kanilang maisumbong. At SINABI NIYA SA KANILA, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang
tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya
aabutin, at hahanguin? Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang
tupa! Kaya't MATUWID NA GUMAWA NG MABUTI SA ARAW NG SABBATH.”
Araw
din ng Sabbath noon nang pagalingin ni Cristo ang isang lalaking tuyo ang isang
kamay. Ang gayong pagpapagaling sa maysakit ay hindi nararapat gawin sa araw ng
Sabbath sapagkat sinabi ng Dios “SA ARAW
NA IYAN AY HUWAG KAYONG GAGAWA NG ANOMANG GAWA”. Maliwanag kung gayon na si
Cristo at kahit ang Kaniyang mga alagad ay hindi tagapagtaguyod ng pangingilin
ng Sabbath. Tahasang sinabi ni Cristo, “MATUWID
NA GUMAWA NG MABUTI SA ARAW NG SABBATH”
TANONG: Sa panahon ni Cristo sino ang masugid na tagapagtaguyod ng pangingilin
ng Sabbath? Ganito ang nakatala na mga pangyayari sa Banal na Kasulatan:
Juan 9:16
“Ang ilan nga sa mga FARISEO ay nangagsabi, ANG TAONG ITO'Y hindi galing sa Dios,
sapagka't HINDI NANGINGILIN SA SABBATH. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang
makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng
pagkakabahabahagi sa gitna nila.”
Sa
Banal na Kasulatan ay nakasaad na ang mga FARISEO
na siyang kaaway ni Cristo sa Kaniyang kapanahunan AY SIYANG MASUGID NA TAGAPAGTAGUYOD NG PANGINGILIN NG SABBATH.
TANONG: Ano pa ang matibay na katunayang hindi itinaguyod ni Cristo ang
pangingilin ng Sabbath?
Juan 5:8-9
“SINABI SA KANIYA NI JESUS, MAGTINDIG KA, BUHATIN MO ANG IYONG HIGAAN,
AT LUMAKAD KA. AT PAGDAKA'Y GUMALING ANG LALAKE, AT BINUHAT ANG KANIYANG HIGAAN
AT LUMAKAD. NOON NGA'Y ARAW NG SABBATH.”
Sa
araw din ng Sabbath nang pagalingin naman ni Cristo ang isang taong malaon nang
maysakit.
TANONG: Ano ang ibinunga sa ginawang ito ni Cristo sa pagpapagaling ng maysakit
sa araw ng Sabbath. Basahin nating muli ang nakasulat sa Biblia:
Juan 5:16
“At dahil dito'y PINAGUSIG NG MGA JUDIO SI JESUS, SAPAGKA'T
GINAGAWA NIYA ANG MGA BAGAY NA ITO SA ARAW NG SABBATH.”
Dahil
dito, lalong PINAG-UUSIG ng mga
Judio ang ating Panginoong JesusCristo sa Kaniyang ginawang pagpapagaling ng
maysakit sa araw ng Sabbath.
Si
Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi tagapagtaguyod ng pangingilin ng
Sabbath. Ang mga kaaway ni Cristo sa Kaniyang kapanahunan ang masugid na
tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath.
TANONG: Kasalanan ba ang hindi pangingilin ng Sabbath sa panahon natin o
panahong Cristiano? Maibibilang kaya na kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga
alagad ang hindi nila pangingilin ng Sabbath? Iyon kaya’y isang paglabag sa
kautusan ng Dios? Batay sa tala ng Biblia ating tunghayan muli:
Oseas 2:11 Magandang Balita Biblia
“WAWAKASAN KO NA ANG LAHAT NG
kanyang kasayahan, mga kapistahan, MGA
ARAW NG PANGILIN at lahat ng itinakda niyang pagdiriwang.”
Hindi
magiging kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila
pangingilin ng Sabbath. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na “WINAKASAN NA NG DIOS ANG MGA PANGINGILIN NG MGA ARAW.”
TANONG: Aling mga araw ng pangingilin ang tinutukoy na winakasan na ng Dios?
Basahin natin sa ibang salin ng Biblia sa gayon ding VERSE:
Oseas 2:11 Ang Biblia
“AKIN DIN NAMANG PAPAGLILIKATIN ang kaniyang mga kalayawan, ang
kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ANG KANIYANG MGA SABBATH, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.”
Tiniyak
na ang mga araw ng pangingilin na winakasan na ng Dios ay ang Sabbath. Kaya
kung ang pangingilin ng Sabbath ay winakasan na ng Dios hindi magiging
kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin nito.
Hindi maituturing na ito ay paglabag sa kautusan. Manapa ang patuloy pa ring
nangingilin ng Sabbath ang lumalabag sa kautusan sapagkat ang pangingilin ng
Sabbath ay winakasan na ng Dios.
TANONG: Itinuro ba ng mga Apostol ang pangingilin ng Sabbath?
Colosas 2:16 New Pilipino Version
“Kaya nga, HUWAG NA KAYONG PASASAKOP SA ANUMANG UTOS
tungkol sa inyong pagkain o inumin, ni sa pagdiriwang ng kapistahang
relihiyoso, pagdiriwang sa Bagong Buwan o TUNGKOL
SA ARAW NG SABBAT.”
Makatuwiran
ang pagkasulat ni Apostol Pablo sa mga Cristiano na hindi na dapat pasakop
tungkol sa pangingilin ng araw ng Sabbath.
ARGUMENTO: Paano naman daw yaong mga babae na nagsipahinga sa araw ng Sabbath?
Hindi ba sa Lucas 23:56 ay may
binabanggit na mga babaing nagsipagpahinga sa araw ng Sabbath?
Mabuti
ay basahin natin ang kanilang ginagamit na talata sa ibang salin na ng Biblia:
Lucas 23:56 New Pilipino Version
“Pagkatapos, umuwi sila
at naghanda ng mga pabango at mira. Ngunit NAGPAHINGA
MUNA SILA NG ARAW NG SABBAT BILANG PAGSUNOD SA KAUTUSAN.”
Tama
ang nakasulat sa talata ngunit yaon ay hindi mapanghahawakan na ang mga
Cristiano ay inutusan na mangilin sa araw ng Sabbath. Walang gayong utos sa mga
Cristiano. Hindi nag-utos si Cristo na sa Kaniyang mga alagad na ipangilin ang
araw ng Sabbath. ANG MGA BABAING
TINUTUKOY AY NAHIRATI SA DATI NILANG KAUGALIAN NA ANG KAUGALIANG IYON AY TAGLAY
PA RIN NILA NG SILA’Y MAGSISAMPALATAYA KAY CRISTO.
TANONG: Ang gayong mga maling kaugalian ay hindi pinayagan ni Apostol Pablo na
gawin ng mga Cristiano?
Galacia 4:9-11
“Datapuwa't ngayon yamang
nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y
nangakikilala ng Dios, BAKIT MULING
NANGAGBABALIK KAYO DOON SA mahihina at walang bisang MGA PASIMULANG ARAL, na sa mga yao'y NINANASA NINYONG MAGBALIK SA PAGKAALIPIN? IPINANGINGILIN NINYO ANG MGA ARAW, at mga buwan, at mga panahon, at
mga taon. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal
ako sa inyo ng walang kabuluhan.”
Tunay
na hindi pinayagan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano na magtaglay pa ng mga MALING KAUGALIAN GAYA NG PANGINGILIN NG MGA
ARAW, sapagkat ITO’Y NANGANGAHULUGAN
NA BUMABALIK SILANG MULI SA PAGKA-ALIPIN.
TANONG: Kanino ba ibinigay ng Diyos ang utos ng
pangingilin ng Sabbath?
Ezekiel 20:12 New Pilipino Version
“IBINIGAY
KO RIN SA KANILA ANG AKING MGA SABBAT BILANG TANDA SA PAGITAN NAMIN, PARA
MALAMAN NILANG AKO ANG PANGINOON NA NAGPABANAL SA KANILA.”
Ang
pangingilin ng Sabbath ay ibinigay ng Dios sa mga Israelita bilang isang tanda
na sila’y pinalaya sa pagkaalipin doon sa Egipto. Kaya ang pangingilin ng
Sabbath ay hindi para sa mga Cristiano. Ito ay para sa mga Israelita na
inilabas sa pagkalipin sa lupain ng Egipto.
TANONG: Ano ang mahigpit na itinagubilin ni APOSTOL PABLO sa mga unang Cristiano na nangingilin pa ng araw ng
Sabbath?
Colosas 2:16 Magandang Balita Biblia
“Kaya't HUWAG NA KAYONG PASASAKOP sa anumang
tuntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong buwan o SA ARAW NG PAMAMAHINGA.”
Walang
talata sa Biblia na nagsasaad na ang mga Cristiano ay dapat mangilin ng araw ng
Sabbath.
Nawa
ay nakatulong ito sa mga taong nagsusuri ng KATOTOHANAN.
No comments:
Post a Comment