Ang isa sa mga
ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng IGLESIA NI CRISTO sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang
Cristiano ay ang nauukol sa TUNAY NA
LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO. Kinikilala ng IGLESIA NI CRISTO ang mga KATANGIAN
at KARANGALANG taglay ni Cristo.
KATANGIAN at KARANGALANG taglay ni CRISTO
|
|
SIYA AY GINAWANG “PANGINOON”
|
Gawa
2:36
“Pakatalastasin
nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA
NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
|
“TAGAPAGLIGTAS”
|
Gawa
5:31
“Siya'y
pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at TAGAPAGLIGTAS, upang magbigay ng
pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.”
|
“PANGULO” NG
IGLESIA
|
Colosas
1:18
“At SIYA ANG ULO ng katawan, sa makatuwid
baga'y NG IGLESIA;"
Efeso
5:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat
ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa,
tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG
IGLESYA, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.”
|
IPINAG UTOS NA
SIYA AY “SAMBAHIN”
|
Filipos
2:9-11
“Kaya
siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa
lahat ng pangalan; Upang SA PANGALAN
NI JESUS AY ILUHOD ANG LAHAT NG TUHOD, ng nangasa langit, at ng nangasa
ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng
mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”
|
“ANAK NG DIYOS”
|
Mateo
3:17
“At
narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya
kong lubos na kinalulugdan.”
|
Kaya MATAAS ang PAGKALILALA at PAGPAPAHALAGA ng IGLESIA NI CRISTO kay CRISTO dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya ay hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang ORIHINAL at NAUNANG mga aral ng mga unang Cristiano ay TUNAY NA DIYOS SI CRISTO na NAGKATAWANG-TAO. Kaya kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ibang-iba sa mga aral ng mga unang Cristiano sa panahong nabubuhay pa ang mga Apostol.
Sa kabila ng lahat ng Kaniyang KATANGIAN pinatutunayan ng mga PROPETA, ng PANGINOONG DIYOS, ng mga APOSTOL at ng PANGINOONG JESUCRISTO mismo na Siya ay TAO sa Kaniyang LIKAS NA KALAGAYAN at Siya'y iba sa tunay na Diyos.
ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO
|
|
TAO: ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO |
Isaias
53:3
“Siya'y
hinamak at itinakuwil ng mga tao; ISANG
TAONG sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na
pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin
hinalagahan siya.”
Mateo
1:18
“Ang
pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay
magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y NAGDADALANG-TAO sa pamamagitan ng
Espiritu Santo.”
Gawa
2:22-24 Magandang Balita Biblia
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! SI JESUS NA TAGA-NAZARET ay sinugo
ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga
himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa
gitna ninyo. Ngunit ANG TAONG ITO na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya
at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa
mga makasalanan. Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa
kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito
maaaring mamayani sa kanya.”
1
Timoteo 2:5
“Sapagka't
may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ANG TAONG SI CRISTO JESUS.”
Juan
8:40
“Datapuwa't
ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG SA INYO'Y NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN, na aking narinig sa
Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”
|
Ngunit sa kabila ng
katotohanang ito, marami pa rin sa hanay ng mga nagpapakilalang Cristiano ang
naniniwalang Diyos ang Panginoong Jesucristo. Gumagamit din sila ng mga talata
sa Biblia upang patunayan na aral ng Biblia ang paniniwala nilang ito.
Ang isa sa itinuturing
nila na malalakas daw na batayan sa paniniwala nilang ito ay ang isinasaad sa Juan 1:1 at 14 na doon di-umano'y itinuro ni Apostol Juan na SI CRISTO AY DIOS NA NAGKATAWANG-TAO.
Bago pa raw likhain ang sanlibutan ay naroon na Siya o EKSISTIDO na.
TANONG: Tama ba ang
pagkaunawa nila sa nilalaman ng talatang ito? Suriin nating ang nilalaman
ng Juan 1:1 at 14.
Juan 1:1 New Pilipino Version “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa-Dios, at ang
Salita ay Dios.”
Juan 1:14
New Pilipino Version “Nagkatawang-tao ang
Salita at tumahan sa gitna natin. Nakita
namin ang kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa
Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.”
Paano inuunawa ng iba
ang mga talatang ito? Si CRISTO DAW ay
may likas na kalagayan na ( o EKSISTIDO na ) noon pang una.
Yayamang si CRISTO daw ang SALITA at ANG SALITA DAW AY DIYOS. Kaya si CRISTO DAW AY DIYOS NA UMIIRAL NA SA PASIMULA PA LAMANG AT PAGKATAPOS
AY NAGKATAWANG TAO. Ito ang nakapalaoob sa aral nila na “INCARNATION” o “PAGKAKATAWANG TAO NG DIYOS.”
Ano ang dapat nating
mapansin sa nilalaman ng Juan 1:1 at 14:
UNA
- Walang sinasabi sa mga talatang ito na ang Panginoong JesuCristo ay EKSISTIDO na o UMIIRAL NA NG PASIMULA PA LAMANG.
IKALAWA
- Wala ring sinasabi rito na SI CRISTO
ANG TUNAY NA DIYOS.
IKATLO
- Wala ring sinasabi sa mga talatang ito na SI CRISTO AY DIYOS NA NAGKATAWANG TAO.
Kaya suriin natin ang
bawat SUGNAY o CLAUSE ng talatang Juan 1:1
at ang UNANG SUGNAY ng TALATANG 14.
TANONG: Paano dapat
unawain ang mga SUGNAY ng mga
talatang ito na gaya ng sumusunod?
1. Sa
Pasimula ay ang Salita
2. At
ang Salita ay sumasa Diyos
3. At
ang Salita ay Diyos
4. Nagkatawang
tao ang Salita (TALATANG 14)
1. UNANG SUGNAY
(CLAUSE): “SA PASIMULA AY ANG SALITA”
Talakayin natin ang
nilalaman ng UNANG SUGNAY.
TANONG: Paano dapat
unawain ang sinasabi sa talata ni Apostol Juan na “SA PASIMULA AY ANG SALITA”? Ano ba ang kahulugan ng terminong "VERBO" o "SALITA"? Ito ba ay Cristo na may
kalagayan na? Ganito ang sinasabi sa isang FOOTNOTE ng Juan 1:1 sa:
ANG BAGONG TIPAN NG ATING MANANAKOP AT PANGINOONG JESUCRISTO
(Manila: Catholic
Trade School, 1964) ay isinalin ni P.
Juan T. Trinidad, S.J. mula sa Vulgata Latina
"VERBO ...at ang
Anak ay TINAWAG NIYANG ISANG URI NG
BANAAG NG KAISIPAN NA NAGMUMULA SA AMA ..."
Ang paniniwala ng IGLESIA KATOLIKA ukol kay CRISTO - SIYA AY DIYOS. Ano ang pakahulugan ng isang awtoridad sa Iglesia
Katolika ng salitang ''VERBO''?
Hindi isang likas na kalagayan kundi ISANG
BANAAG NG KAISIPAN NA NAGMUMULA SA AMA (DIYOS). Iba ang “VERBO” o “SALITA” sa tunay na Diyos na kinaroroonan ng SALITA o KAISIPAN. Kaya
sa PASIMULA ay hindi pa EKSISTIDO o HINDI PA UMIIRAL ang Panginoong JesuCristo kundi NASA ISIP PA LAMANG SIYA NG DIYOS.
TANONG: Namalagi ba
siyang nasa isip ng Diyos? Hindi. Dumating ang panahong si Cristo ay ipinangako
ng Diyos?
Roma 1:2-3
NA KANIYANG
IPINANGAKO NANG UNA sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta
sa mga banal na kasulatan, TUNGKOL SA
KANIYANG ANAK, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.”
Samakatuwid wala pang
umiiral na Cristo ng pasimula kundi Siya ay pangako pa lamang ng Panginoong
Diyos.
TANONG: Kailan pa
ipinangako ng Diyos ang pagkakaroon ng Cristo?
Genesis 3:15
“AT PAPAGAALITIN KO
IKAW AT ANG BABAE, AT ANG IYONG BINHI AT ANG KANIYANG BINHI: ITO ANG DUDUROG NG
IYONG ULO, AT IKAW ANG DUDUROG NG KANIYANG SAKONG.”
Sa halamanan pa lang ng EDEN ay SINALITA na ng Diyos
ang tungkol kay CRISTO.
TANONG: Kanino pa
ipinangako ng Diyos ang pagkakaroon ng Cristo?
Genesis 17:7
“At AKING PAPAGTITIBAYIN
ANG AKING TIPAN sa iyo at SA IYONG
BINHI pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na
ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.”
Galacia 3:16
“Ngayon KAY ABRAHAM NGA
SINABI ANG MGA PANGAKO, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na
gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At SA IYONG BINHI, NA SI CRISTO.”
Ipinangako kay ABRAHAM ang pagkakaroon ng CRISTO.
TANONG: Ang aral
bang ito ng Biblia na magkakaroon ng CRISTO
na SA PASIMULA ay BALAK, PANUKALA o PLANO pa
lamang ng Diyos ay sinasang-ayunan maging ng mga nagtuturong si Cristo ay Diyos
gaya ng Iglesia Katolika? Ganito ang sinasabi ng isang Aklat Katoliko na
pinamagatang:
THE TEACHING OF CHRIST: A
CATHOLIC CATECHISM FOR ADULTS, page 74
Salin
sa Pilipino:
“SI CRISTO AY SADYANG
INILALARAWAN MULA PA SA KASAYSAYAN NG PASIMULA NG TAO.”...”Si Cristo na siyang
magtitipon sa lahat ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kaniyang mistikal na katawan, na ito ay
ang Iglesia, ay Siyang…"PANGANAY SA
LAHAT NG NILALANG" (Colosas
1:15).”… “SI CRISTO ANG TIYAK NA UNA
SA BANAL NA PLANO.”
Tinatanggap maging ng
mga awtoridad Katoliko na SI CRISTO AY
UNA SA BANAL NA PLANO O PANUKALA NG DIYOS upang maging PANGANAY SA LAHAT NG NILALANG tulad ng isinasaad sa Colosas 1:15. Samakatuwid WALA PANG CRISTO SA PASIMULA PA LAMANG kundi PLANO, BALAK, o NASA ISIP pa lamang siya ng
DIYOS.
Kaya sinasabi sa UNANG SUGNAY (CLAUSE) ng Juan 1:1 na, "SA PASIMULA AY ANG SALITA" (New Pilipino Version).
2. IKALAWANG SUGNAY
(CLAUSE): “AT ANG SALITA AY SUMASA DIYOS”
Talakayin natin ang
nilalaman ng IKALAWANG SUGNAY.
TANONG: Paano ang
wastong pag-unawa sa sinasabi ni Apostol Juan sa PANGALAWANG SUGNAY ng Juan
1:1 na “AT ANG SALITA AY SUMASA
DIYOS”?
Ihambing natin ito sa
itinuturo ng Biblia na SA PASIMULA PA
LAMANG o BAGO PA LALANGIN ANG
DAIGDIG ang Panginoong Jesucristo ay NASA
ISIP NA NG PANGINOONG DIYOS. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pedro sa
kaniyang sulat sa:
1 Pedro 1:20 ANG
BAGONG TIPAN NG ATING MANANAKOP AT PANGINOONG JESUCRISTO” (Manila: Catholic Trade School, 1964) ay isinalin ni P. Juan T. Trinidad, S.J. mula sa Vulgata
Latina.
“NASA ISIP NA SIYA NG
DIYOS BAGO PA LALANGIN ANG DAIGDIG ngunit ipinakilala siya ngayong huling
panahon dahil sa inyo.”
Sa liwanag ng
katotohanang ito na sa Biblia rin nakasulat dapat nating unawain ang sinasabing
“ANG SALITA AY SUMASA DIOS.”
- SUMASA DIYOS ang Kaniyang Salita.
- Siya ang MAY-ARI o PINAGMULAN ng Salita.
Kapag tinanggap natin
na may kalagayan na ang SALITA buhat pa ng pasimula bilang
isang Diyos at isinaalang-alang ang sinasabi sa IKALAWANG SUGNAY ng Juan 1:1
na “ANG SALITA AY SUMASA DIOS”
lilitaw na DALAWA ANG TUNAY NA DIOS:
- Ang SALITA(isang Diyos)
- Ang NAGSALITA o KINAROROONAN(isa pang Diyos) ng SALITA.
Labag ito sa aral ng
Biblia na IISA LAMANG ANG TUNAY NG DIYOS.
TANONG: Ano ang
katunayan na IISA lamang ang TUNAY NA DIYOS?
Juan 17:1
“ANG MGA BAGAY NA ITO AY
SINALITA NI JESUS; AT SA PAGTINGALA NG KANIYANG MGA MATA SA LANGIT, AY SINABI
NIYA, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw
ay luwalhatiin ng Anak:”
Juan 17:3 “At ito ang buhay na walang hanggan,
na IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS
NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”
1 Corinto 8:6 Magandang Balita Biblia
“Sa ganang atin ay IISA
LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay
para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y
nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.”
TANONG: Kailan
nagkaroon ng katuparan ang sa PASIMULA
AY SALITA, PLANO o PANGAKO pa lamang ng Diyos ukol sa
Cristo?
Galacia 4:4
“Datapuwa't NANG DUMATING
ANG KAPANAHUNAN, AY SINUGO NG DIOS ANG KANIYANG ANAK, NA IPINANGANAK NG ISANG
BABAE, NA IPINANGANAK SA ILALIM NG KAUTUSAN.”
Nang Siya ay IPAGDALANG-TAO at IPINANGANAK ng Kaniyang ina na si Maria.
- Nang hindi pa ipinagdadalang-tao at ipinanganganak ni Maria ang Panginoong Jesucristo ay hindi pa siya umiiral. Hindi pa Siya EKSISTIDO o WALA PANG LIKAS NA KALAGAYAN.
- Sa pasimula ay SALITA o PLANO pa lamang ang tungkol sa pagkakaroon ng Cristo.
- Ang nagplano o ang nagsalita ay ang Diyos. Kaya sinabi ni Apostol Juan sa ikalawang sugnay, “ANG SALITA AY SUMASA DIOS.”
TANONG: Kung gayon sino ang tinutukoy ni Apostol Juan na TUNAY NA DIYOS sa IKALAWANG SUGNAY ng Juan 1:1
“ANG SALITA AY SUMASA DIOS” na
kinaroroonan ng VERBO o SALITA?
Juan 17:1
“ANG MGA BAGAY NA ITO AY
SINALITA NI JESUS; AT SA PAGTINGALA NG KANIYANG MGA MATA SA LANGIT, AY SINABI
NIYA, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw
ay luwalhatiin ng Anak:”
Juan 17:3 “At ito ang buhay na walang hanggan,
na IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS
NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”
Ang AMA ang TUNAY NA DIYOS na tinutukoy sa IKALAWANG
SUGNAY ng Juan 1:1 “ANG SALITA AY SUMASA DIOS” na
kinaroroonan ng VERBO o SALITA?
Ano ang dapat nating
maunawaan? Ang sumulat ng Juan 1:1 at 14
ay si APOSTOL JUAN na siya ring
sumulat ng Juan 17:1 at 3. Hindi
niya sasalungatin ang kaniyang sariling sulat at pahayag na natutuhan niya
mismo sa ating Panginoong JesuCristo.
TANONG: Sino ang
ipinakilalang TUNAY NA DIYOS sa
sulat ni Apostol Juan?
SAGOT: Ang AMA
at hindi si Cristo.
3. IKATLONG SUGNAY
(CLAUSE): “AT ANG SALITA AY DIYOS”
Suriin naman natin ang
sinasabi ni Apostol Juan sa IKATLONG
SUGNAY ng Juan 1:1 na “AT ANG SALITA AY DIYOS”.
TANONG: Ano ang
pagkakagamit ng terminong ''Dios'' sa ikatlong sugnay nang talatang ating
pinag-aaralan?
Lucas 1:37
“Sapagka't WALANG
SALITANG MULA SA DIOS NA DI MAY KAPANGYARIHAN.”
Ang pagkakagamit ng
terminong “DIOS” sa IKATLONG SUGNAY ay hindi ginamit bilang isang PANGALAN
(NOUN) kundi bilang isang PANG-URI
(ADJECTIVE). Inuuri lamang niya ang salita ng Diyos. Ano ang katunayan? Ang
sabi sa talata “ANG SALITA NG DIYOS AY
MAKAPANGYARIHAN.”
TANONG: Ano rin ang
katangian o uri ng Panginoong Diyos na nagsalita? Ganito ang patotoo mismo
ng Diyos:
Genesis 35:11
“At sinabi sa kaniya ng Dios, AKO ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT; ikaw ay lumago at dumami
ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga
hari ay lalabas sa iyong balakang.”
Samakatuwid MAGKAURI ang DIYOS at ang Kaniyang SALITA.
Bakit? Sapagkat taglay ng SALITA ng
Diyos ang KAPANGYARIHAN ng Diyos na
nagsalita.
TANONG: Ano ang
katunayan na ang salita ng Diyos ay makapangyarian?
Isaias 46:11
“Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, AKING SINALITA, AKIN NAMANG PAPANGYAYARIHIN; AKING PINANUKALA, AKIN
NAMANG GAGAWIN.”
Kapag SINALITA ng Diyos ay TIYAK NA MATUTUPAD.
TANONG: Ang
katotohanang bang ito ay tinatanggap maging ng ibang mga nagsuri ng Biblia?
THE NEW BIBLE DICTIONARY, page 703
Salin
sa Pilipino:
“ANG SALITA AY MAY
KAPANGYARIHANG KATULAD NG SA DIYOS NA NAGSALITA NITO.”
Mabuti pa at tayo ay
magbigay ng HALIMBAWA ng mga
salitang ginamitan ng PANG-URI o ADJECTIVE.
Sa naturang pangungusap
ang salitang “GOLD” ay isang ADJECTIVE. INURI niya ang TIME
bilang isang mahalagang bato na kasing halaga ng GOLD. Maliwanag na HINDI
LITERAL na GOLD ang pakahulagan
sa naturang pangungusap. Ganyan din ang sa IKATLONG
SUGNAY na “AT ANG SALITA AY DIYOS.”
Ayon din sa iba pang
mga nagsuri, kaya sinabing “AT ANG
SALITA AY DIYOS” ay upang IPAKILALA o
ILARAWAN ang URI ng SALITA, Ganito ang
isinasaad sa aklat ng mga Saksi ni Jehovah na pinamagatang:
Aid to Bible
Understanding: by
Watch Tower Bible page 919
Salin
sa Pilipino:
“Una, DAPAT NA MAPANSIN
NA SA TEKSTO MISMO AY IPINAKIKITA NA ANG SALITA AY 'KASAMA NG DIYOS' DAHIL DITO
AY HINDI MAARING 'MAGING DIYOS' samakatuwid baga'y ang makapangyarihang
Diyos.(pansinin din ang bersikulo 2, na hindi na sana kinakailangan kung
sinasabi sa bersikulo 1 na ang salita ay ang Diyos) Bilang karagdagan, ang
salitang katumbas ng “DIYOS” (Griyego,
THE-OS) sa ikalawang paglitaw nito
sa bersikulo ay walang PANTUKOY na “ANG” (Griyego, HO). Tungkol sa katotohanang ito, sinabi ni obispo Westcott,
kasamang gumawa ng Westcott and Hort Greek Text of the Christian Scriptures,
na: TALAGANG ITO AY HINDI NAGTUTURO NG
KANIYANG PERSONA. “(Sinipi mula sa pahina 116 ng An idiom Book of new
Testament Greek, na isinulat ni Prof. C.F.D. Moule 1953 ed.) KINIKILALA RIN NG IBA PANG TAGAPAGSALIN
na ang terminong Griyego ay ginamit bilang isang PANG-URI upang maglarawan sa URI
NG SALITA, kaya isinalin nila ang parirala nang ganito: “ANG SALITA AY BANAL.”
Ayon sa aklat ng mga
Saksi ni Jehovah, ang terminong "DIYOS"
ay hindi ginamit na PANGALAN (NOUN) kundi
PANG-URI (ADJECTIVE), sapagkat
ginamit ito upang URIIN at ILARAWAN ang SALITA. Ang salita ay Diyos. Dapat ding mapansin na sa manuskritong
Griyego ng BAGONG TIPAN, ang
termingong “DIYOS” sa nabanggit na
sugnay ay walang pantukoy na "ANG”
(ang katumbas nito sa Griyego ay HO)
samantalang kapag ang terminong "DIYOS"
ay ginagamit bilang PANGALAN (NOUN) ito
ay ginagamitan ng PANTUKOY,
samakatuwid baga'y “ANG DIYOS” (sa
Griyego, HO THEOS).
Ito rin ang
pinatutunayan ng isa pang aklat na pinamagatang:
THE FOURTH GOSPEL: ITS
SIGNIFICANCE AND ENVIROMENT: ni R. H. Strachan, D.D, page 99
Salin sa Pilipino:
"Ang mga pangwakas na salita ng tal. 1 ay dapat isaling, “ANG
LOGOS AY BANAL.” Dito, ang salitang THEOS
ay walang PANTUKOY, na
nangangahulugang ito ay PANG-URI."
Dahil walang pantukoy
na “ANG” (sa Griyego, HO) ang terminong “DIYOS” (sa Griyego, THEOS)
sa IKATLONG SUGNAY ng Juan 1:1, ito ay ginamit bilang PANG-URI (ADJECTIVE) at hindi bilang PANGALAN (NOUN). Hindi sinabi ni
Apostol Juan na “ANG SALITA AY ANG DIOS”
kundi “ANG SALITA AY DIOS.”
Kaya sa ibang salin ng
Biblia ay sinasabi sa IKATLONG SUGNAY
ng Juan 1:1 na “ANG SALITA AY DIYOS”:
James Mofatt Translation
|
“THE LOGOS WAS DIVINE”
|
Goodspeed Translation
|
“THE WORD WAS DIVINE”
|
4. UNANG SUGNAY
(CLAUSE) NG TALATANG Juan 1:14 “NAGKATAWANG TAO ANG SALITA”
Isa ring karaniwang
paniniwala na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil sinasabi sa Juan 1:14 na, “NAGKATAWANG-TAO ANG SALITA.” Para sa mga taong nagtataglay ng
ganitong paniniwala may dalawang likas na kalagayan si Jesucristo: “TAONG TOTOO AT DIYOS NA TOTOO”.
Ito ay MALING PAGKAUNAWA sa nakasulat sa
Biblia.
UNA - Walang
nakasulat sa Juan 1:14 na ang Diyos
ay NAGKATAWANG TAO.
PANGALAWA - Hindi lamang
WALA kundi LABAG PA sa Biblia ang paniniwalang ito sapagkat ANG DIYOS AY HINDI TAO.
IKATLO - Ang DIYOS ay hindi maaaring maging TAO!
Oseas 11:9
“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako
babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako
paroroon na may galit.”
IKAAPAT - At ang TAO ay hindi maaaring maging DIYOS!
Ezekiel 28:9
“Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y
Dios? nguni't IKAW AY TAO, AT HINDI DIOS,
sa kamay niya na sumusugat sa iyo.”
IKALIMA – Labag sa
Biblia ang paniniwala na ang Diyos ay NAGKATAWANG-TAO
na mula sa kalagayang ESPIRITU - WALANG
LAMAN AT MGA BUTO.
Juan 4:24
“ANG DIOS AY ESPIRITU:
at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at
sa katotohanan.”
Lucas 24:39
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin
nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ANG ISANG ESPIRITU'Y WALANG LAMAN AT MGA BUTO, na gaya ng inyong
nakikita na nasa akin.”
IKAANIM – Salungat sa
aral ng Biblia na ang Diyos ay NAGING
TAO sapagkat ANG DIYOS AY HINDI NAGBABAGO
NI ANINO MAN NG PAG-IIBA.
Malakias 3:6 New Pilipino Version
“AKONG PANGINOON AY HINDI
NAGBABAGO. Dahil dito, kayong mga supling ni Jacob ay hindi nalilipol.”
Santiago 1:17
“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay
pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa AMA
ng mga ilaw, NA WALANG PAGBABAGO, NI
KAHIT ANINO MAN NG PAGIIBA.”
TANONG: Paano natin
dapat unawain ang Juan 1:14 “NA NAGKATAWANG-TAO ANG SALITA”? Ganito
ang ating mababasa sa:
Mateo 1:18 “ANG
PAGKAPANGANAK NGA KAY JESUCRISTO AY GANITO: Nang SI MARIA NA KANIYANG INA ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama AY NASUMPUNGANG SIYA'Y NAGDADALANG-TAO sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.”
Mateo 1:20 “Datapuwa't samantalang pinagiisip
niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa
panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap
kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang DINADALANG-TAO ay sa Espiritu Santo.”
Natupad ang SALITA ng Diyos o PANGAKO ng Diyos na magkakaroon ng Cristo at TAO ang katuparan nito.
Ang Diyos ba na
nagsalita o ang kinaroroonan ng salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay
na pakahulugan ng iba? Hindi. Ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag: na “NAGKATAWANG-TAO
ANG SALITA” (New Pilipino Version). Walang
sinabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao. Kaya sa KING JAMES VERSION ang pagkakasalin ay
ganito: “AND THE WORD WAS MADE FLESH”
(“AT ANG SALITA AY GINAWANG LAMAN”).
HALIMBAWA:
Kung may isang tao na nagpaplano na siya ay magtatayo nang bahay, may
bahay na ba? Wala pa dahil PLANO o SALITA pa lamang. Ang SALITA o PLANONG iyon ay KAISIPAN
NIYA at SUMASA KANIYA sapagkat
siya ang NAGBALAK at PINAGMULAN niyon. Kailan nagkaroon ng
bahay? Nang MATUPAD ang PLANO ukol sa kayarian nito. Nang
maitayo na ang bahay, siya ba na nagsalita ang naging bahay? Hindi.
Kaya hindi rin ang
Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao. Kundi ang SINALITA, PANUKALA o ang
PLANO Niya ang NAGKATAWANG TAO.
Kung gayon sino ang
katumbas ng sinasabi sa Juan 1:14 na
“NAGKATAWANG TAO ANG SALITA”?
Natupad ang PLANO, BALAK o SALITA ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula ay SALITA (VERBO) pa lamang ng Diyos - ang katuparan ay TAO SA LIKAS NA KALAGAYAN.
Bilang pangwakas,
napatunayan natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1 at 14 ang mga gumagamit ng talatang ito upang patunayan na
si Cristo di-umano ay Diyos na nagkatawang tao. LABAG SA ARAL NG BIBLIA ANG PANINIWALANG ANG DIYOS AY NAGKATAWANG-TAO.
LABAG DIN SA ARAL NG BIBLIA ANG PANINIWALANG SI CRISTO AY DIYOS NA TOTOO AT TAO
PANG TOTOO. Ang AMA ang KAISA-ISANG TUNAY NA DIYOS at ang PANGINOONG JESUCRISTO ay SUGO NG DIYOS - ito ang pagkakilalang
may buhay na walang hanggan.
Juan 17:1 Salita ng Buhay “PAGKASABI
NI JESUS NITO, TUMINGALA SIYA SA LANGIT AT NAGSABI, ‘AMA, dumating na ang
oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak.”
Juan 17:3 Salita ng Buhay “AT ITO ANG BUHAY NA
WALANG HANGGAN – ANG MAKILALA KA NILA, IKAW NA KAISA-ISANG TUNAY NA DIYOS,
at si Jesu-Cristong sinugo mo”
No comments:
Post a Comment