Wednesday, May 4

TANONG & SAGOT


TANONG: Bakit kayong mga IGLESIA NI CRISTO ay NAMIMILI kung alin ang SIMBOLIKAL at LITERAL kapag HULA sa BIBLIA ang pinag-uusapan?

SAGOT: Hindi kailanman ginawa ng IGLESIA NI CRISTO ang “MAMILI” kung alin ang “SIMBOLIKAL” at “LITERAL”, magkaiba ang kahulugan ang dalawang salitang ito. Hindi kailanman nagbibigay ng PANSARILING PALIWANAG, OPINYON o HAKA-HAKA ang IGLESIA NI CRISTO ukol sa sinasabi ng BIBLIA, lalo na ang mga HULA ng BIBLIA. Sapagkat mahigpit itong ipinagbabawal ng Diyos.

II Pedro 1:20
“Na maalaman muna ito, na ALIN MANG HULA NG KASULATAN AY HINDI NAGBUHAT SA SARILING PAGPAPALIWANAG.”

Samakatuwid, kung mayroon mang binabanggit sa HULA ng BIBLIA na “SIMBOLIKAL” at “LITERAL” hindi namin ito PALIWANG o PAKAHULUGAN kundi ito ang ITINAKDA NG DIYOS. Talagang sa HULA ng BIBLIA ay may banggit na “SIMBOLIKAL” at “LITERAL” gaya ng binabanggit sa:

Isaias 40:3
“ANG TINIG NG ISANG SUMISIGAW, IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.”

Ang katuparan ng hinuhulaan ng Biblia na “TINIG” na sumisigaw sa “ILANG” ay si JUAN BAUTISTA.

Juan 1:19-22
“At ito ang patotoo ni JUAN, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, SINO KA BAGA? AT KANIYANG IPINAHAYAG, AT HINDI IKINAILA; AT KANIYANG IPINAHAYAG, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, AKO ANG TINIG NG ISANG HUMIHIYAW SA ILANG, TUWIRIN NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, GAYA NG SINABI NG PROPETA ISAIAS.”

Si JUAN BAUTISTA ay nangaral sa “ILANG NG JUDEA” (Mateo 3:1). Nang siya’y tanungin kung “SINO SIYA” ang patotoong ibinigay niya ay siya ang katuparan ng hinuhulaan ni PROPETA ISAIAS na “TINIG NA SUMUSIGAW SA ILANG”.

Pansinin ang binanggit sa HULA ni PROPETA ISAIAS na “TINIG” ay si JUAN BAUTISTA ang katuparan (“SIMBOLIKAL”) at ang katuparan ng “ILANG” ay ang “ILANG NG JUDEA” (“LITERAL”). Si JUAN BAUTISTA mismo ang nagsabing siya ang katuparan nito. Ibig bang sabihin ay siya ang namili kung alin ang SIMBOLIKAL at alin ang LITERAL? Alam nating hindi.

Samakatuwid talagang sa mga HULA ng BIBLIA ay mayroong binabanggit na “SIMBOLIKAL” at mayroong binabanggit na “LITERAL”.




TANONG: Hindi ba mas MARAPAT ILIGTAS NG DIYOS ANG TUNAY NA KUMIKILALA SA PANGALAN NG DIYOS gaya naming mga SAKSI NI JEHOVAH kaysa sa inyo na mga IGLESIA NI CRISTO at hindi ba ang IGLESIA ay tumutukoy sa KONGREGASYON na mga taong alagad ng Panginoong Jesucristo?

SAGOT:
1. ANG MGA TUNAY NA KUMIKILALA SA DIYOS - Ukol sa kung PAANO DAPAT KILALANIN ANG DIYOS ay ganito ang pagtuturo ng PANGINOONG JESUCRISTO.

Juan 17:1 at 3
“ANG MGA BAGAY NA ITO AY SINALITA NI JESUS; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:…At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

Ito ang katotohanang itinuro ni CRISTO na ang AMA lamang ang makilala na IISANG DIYOS na TUNAY. Kaya ang mga TUNAY na CRISTIANO ay naninindigan na ang AMA ang IISANG DIYOS na TUNAY na siya ring itinuro ng mga APOSTOL.

1 Corinto 8:6
Nguni't SA GANANG ATIN ay MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

2. ANG HIGIT NA MARAPAT O MABUTI AYON SA BIBLIA. - Tunay na mahalaga na kumilala sa Diyos subalit hindi ito sapat sapagkat may ipinakikilala ang mga APOSTOl na higit na MARAPAT o MABUTI.

Galacia 4:9
“Datapuwa't ngayon YAMANG NAKIKILALA NA NINYO ANG DIOS, o ANG LALONG MABUTING SABIHIN, KAYO'Y NANGAKIKILALA NG DIOS”.

Mahalaga ang kumilala sa Diyos subalit hindi ito sapat. KUNG SINASABI NG ISANG TAO O ISANG RELIHIYON NA KINIKILALA NILA DIYOS DAPAT MUNA NILANG  PATUNAYAN NA SILA’Y KINIKILALA NG DIYOS NA KANIYA.

3. SAKSI NI JEHOVAH O IGLESIA NI CRISTO. - Sino ang kumikilala sa Diyos na kinikilala ng Diyos na Kaniya at siyang tinitiyak ng Biblia na may kaligtasan? Sa Juan 17:9-11 ay ganito ang itinuturo sa atin:

Juan 17:9-11 Magandang Balita Biblia
“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ANG LAHAT NG IBINIGAY MO SA AKIN, SAPAGKAT SILA'Y IYO. ANG LAHAT NG AKIN AY IYO, AT ANG LAHAT NG IYO AY AKIN; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. AMANG BANAL, INGATAN MO SILA SA PAMAMAGITAN NG KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.”

Ang sabi ng Panginoong JesusCristo, “SILA’Y IYO”. Kaya natitiyak natin na hindi lamang sila kumikilala kundi sila’y kinikilala rin ng Diyos na Kaniya. Sino sila? Ang sabi ni Cristo; “INGATAN MO SILA SA PAMAMAGITAN NG KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN”.

Alin itong pangalang ibinigay ng Diyos kay Jesus na itinatawag sa mga kinikilala ng Diyos? Sa Gawa 4:12 ay ganito ang nakasulat.

Gawa 4:12 Magandang Balita Biblia
“KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO.”

Kahit pa mapatunayan na ang pangalang “JEHOVAH” ay TUNAY at TAMANG ANYO ng PANGALAN NG DIYOS ay hindi ito ang higit na mahalaga (iyon ay kung kaya nga nilang patunayan na Jehovah ang tunay na pangalan ng Diyos) sapagkat:

UNA: Sapat ang itinuro ng PANGINOONG JESUSCRISTO na ang AMA ang kilalaning IISANG DIYOS na TUNAY;

IKALAWA: ANG TIYAK NA MALILIGTAS ay ang tinatawag sa pangalang ibinigay ng Diyos (hindi sa pangalang “JEHOVAH”), kundi ang pangalang CRISTO.

Kung paano tinatawag sa pangalan ni Cristo ang mga tunay na kinikilala ng Diyos na Kaniya at tinitiyak na may kaligtasan ay ganito ang sagot ni APOSTOL PABLO.

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

IKATLO: ANG TUNAY NA IGLESIA AYON SA BIBLIA. - Ang TUNAY na IGLESIA ay tumutukoy sa “KONGREGASYON” (ang katumbas ng salitang ito ay “KATIPUNAN”) ng mga alagad ng PANGINOONG JESUSCRISTO. Subalit, gaya ng ating nakita sa unahan, ang Iglesiang ito ay tinatawag sa PANGALANG IBINIGAY NG DIYOS, ang pangalang CRISTO – kaya tinatawag sila sa pangalang “IGLESIA NI CRISTO”. Napakahalaga nito sapagkat ang sinumang hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo o “IGLESIA NI CRISTO” ay tiyak na walang kaligtasan:

Gawa 4:12
“At SA KANINO MANG IBA AY WALANG KALIGTASAN: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN SA SILONG NG LANGIT, NA IBINIGAY SA MGA TAO, NA SUKAT NATING IKALIGTAS.”




TANONG: Anu-ano ang maling mga turo ng mga JEHOVAH'S WITNESSES? Bakit ninyo natitiyak na hindi sila tunay?

SAGOT:  Alam ba ninyo na INAAMIN NILA MISMO na MARAMING MALING ARAL sa loob ng kanilang organisasyon. Ganito ang kanilang pag-amin sa kanilang aklat na pinamagatang;

JEHOVAH’S WITNESSES IN THE DIVINE PURPOSE: page 91
“…THERE WERE MANY FALSE DOCTRINE AND PRACTICES THAT HAD NOT YET BEEN CLEANED OUT OF THE ORGANIZATION.”

Narito pa ilang mga halimbawa ng kanilang mga pagkakamali:

1. INAMING NAGKAMALI NA UMASANG DADALHIN SILA SA LANGIT NOONG 1914.

1975 YEARBOOK OF JEHOVAH’S WITNESSES: page 74
“So there were GREAT EXPECTATION concerning 1914 on the part of many Bible Students (referring to Jehovah’s Witnesses). Yet they also had received sound admonition in pages of the Watch Tower. Indeed, SOME CHRISTIANS THOUGHT THEY WERE ‘GOING HOME’ TO HEAVEN IN THE AUTUMN OF THAT YEAR. ‘BUT’ , SAYS C. J. WOODWORTH, ‘OCTOBER 1ST, 1914, CAME AND WENT-AND YEARS ACCUMULATED AFTER THAT DATE-AND THE ANNOINTED WERE STILL HERE ON EARTH. SOME GREW SOUR AND FELL AWAY FROM THE TRUTH. THOSE WHO PUT THEIR TRUST IN JEHOVAH SAW 1914 A MARKED TIME-THE ‘BEGINNING OF THE END’ – BUT THEY ALSO REALIZED THEIR PREVIOUS CONCEPT WAS WRONG CONCERNING THE ‘GLORIFICATION OF THE SAINTS’, AS IT WAS STATED.”

2. NAGKAMALI DIN SA PAG-ASAM NA ANG MGA TULAD NI ABRAHAM, DAVID AT IBA PA AY MABUBUHAY NA MAG-ULI NOONG 1925.

1975 YEARBOOK OF THE JEHOVAH’S WITNESSES: page 146
THE YEAR 1925 CAME AND WENT. Jesus annointed follower were still on earth as a class. THE FAITHFULL MEN OF OLD TIMES – ABRAHAM, DAVID AND OTHERS – HAD NOT BEEN RESURRECTED to become princes in the earth. (Ps. 45:16). So, as Anna MacDonald recalls: “1925 WAS A SAD YEAR FOR MANY BROTHERS. SOME OF THEM WERE STUMBLED: THEIR HOPES WERE DASHED. They had hoped to see some of the ancient worthies’ (men of old like Abraham) resurrected. Instead of its being considered a ‘probability,’ they read into it that it was a ‘certainty,’ and some prepared for their own loved ones with expentancy of their resurrection.”

3. INAAMING NAGKAMALI NA ANG MUNDO’Y WAWAKASAN NOONG 1975.

GUMISING, JUNE 22, 1995: pahina 9
“Kamakailan lamang, MARAMING SAKSI ANG NAG-AKALA NA ANG MGA PANGYAYARING NAUUGNAY SA PASIMULA NG MILENYONG PAGHAHARI NI KRISTO AY MAAARING MAGSIMULANG MAGANAP NOONG 1975. ANG KANILANG PAG-ASAM AY BATAY SA PAGKAUNAWA NA ANG IKAPITONG MILENYO NG KASAYSAYAN NG TAO AY MAGSISIMULA NOON…ANG MALING MGA KONKLUSYON AY HINDI DAHILAN SA MASAMANG HANGARIN O SA KAWALANG-KATAPATAN KAY KRISTO, KUNDI DAHIL SA TAIMTIM NA PAGNANAIS NA MAKITA ANG KATUPARAN NG MGA PANGAKO NG DIYOS SA KANILANG SARILING PANAHON.”




TANONG: Sabi ninyo ang IGLESIA NI CRISTO ay lumitaw sa mga HULING ARAW ayon sa Mateo 24:3-8.  Hindi ba lilitaw ang BULAANG MGA TAGAPANGARAL kapag malapit na ang ikalawang pagparito ng Panginoong JesuCristo, kayo ay lumitaw sa mga huling araw kaya maaari rin kayo ang mga bulaang mga tagapangaral?

SAGOT: Totoong ang isa sa mga tanda ng nalalapit na pagparito ng PANGINOONG JESUCRISTO ay ang PAGBANGON ng MGA BULAANG TAGAPANGARAL. Basahin muna natin ang sinasabi ng Biblia:

Mateo 24:3-8
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, SABIHIN MO SA AMIN, KAILAN MANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA ITO? AT ANO ANG MAGIGING TANDA NG IYONG PAGPARITO, AT NG KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN? AT SUMAGOT SI JESUS AT SINABI SA KANILA, MANGAGINGAT KAYO NA HUWAG KAYONG MAILIGAW NINOMAN. SAPAGKA'T MARAMI ANG MAGSISIPARITO SA AKING PANGALAN, NA MANGAGSASABI, AKO ANG CRISTO; AT ILILIGAW ANG MARAMI. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Pansinin na ibinigay din ng talata ng Biblia ang ikakikilala sa mga bulaang tagapangaral: “MAGSISIPARITO SA PANGALAN NI CRISTO” at mangagsasabing “AKO ANG CRISTO”. Kung sino ang binabanggit na “MAGSISIPARITO SA PANGALAN NI CRISTO” ay ipinaliwanag din ng Panginoong Jesucristo:

Mateo 7:21-23 Magandang Balita Biblia
“HINDI LAHAT NG TUMATAWAG SA AKIN, 'PANGINOON, PANGINOON,' AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT, KUNDI YAON LAMANG SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG AKING AMANG NASA LANGIT. PAGDATING NG HULING ARAW, MARAMI ANG MAGSASABI SA AKIN, 'PANGINOON, NANGARAL PO KAMI AT NAGPALAYAS NG MGA DEMONYO, AT GUMAWA NG MGA KABABALAGHAN SA INYONG PANGALAN!' At sasabihin ko sa kanila, 'Kailanma'y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!”

Hindi kasi lahat ay may karapatang gumamit at tumawag sa pangalan ni Cristo. Ang tinutukoy Niya na “MANGAGSISIPARITO SA KANIYANG PANGALAN” ay MGA BULAAANG TAGAPANGARAL na TUMAWAG, NANGARAL, NAGPALAYAS NG MGA DEMONIO, at GUMAWA NG KABABALAGHAN sa Kaniyang pangalan ngunit HINDI SINUNOD ANG KALOOBAN NG AMA kaya sila’y ipagtatabuyan din ni Cristo sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

Kaya ang may karapatang gumamit sa pangalan ni Cristo ay ang NAKASUNOD SA KALOOBAN NG AMA na ito ang MATIPON ANG LAHAT KAY CRISTO.

Efeso 1:9-10
“Na IPINAKIKILALA NIYA SA ATIN ANG HIWAGA NG KANIYANG KALOOBAN, AYON SA KANIYANG MINAGALING NA IPINASIYA NIYA sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO”.

Matutupad ang KALOOBAN NG AMA na MATIPON ANG LAHAT KAY CRISTO sa pamamagitan na MAGSAMASAMANG SANGKAP ng IISANG KATAWAN NI CRISTO.

Roma 12:4-5
Sapagka't KUNG PAANONG SA ISANG KATAWAN AY MAYROONG TAYONG MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.

Ang KATAWAN NI CRISTO na doon dapat MATIPON o MAGSAMA-SAMA ay ang IGLESIA.

Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;

Ang IGLESIA na PINANGUNGULUHAN ni CRISTO ay ang IGLESIA NI CRISTO.

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin Sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Samakatuwid, ang KALOOBAN NG DIYOS na dapat na matupad ng tao ay ang MATIPON KAY CRISTO o MAGSAMASAMANG SANGKAP ng TUNAY na IGLESIA NI CRISTO.

Samakatuwid, kabilang sa mga BULAANG TAGAPAGTURO na ibinabalang babangon ay ang mga MAGTUTURONG SAPAT NA ANG SUMPALATAYA LAMANG at HINDI NA KAILANGAN ANG PAGPASOK SA IGLESIA. Hindi ba’t maraming ganyang mga tagapangaral ngayon?

Ang isa pa sa ikakikilala sa mga bulaang tagapangaral ay ang MAGPAPAKILALANG SILA ANG CRISTO o mangagsasabing “AKO ANG CRISTO” (isang bagay na kailanman ay hindi ginawa ni kapatid na Felix Y. Manalo).

Sino ang isa sa mga katuparan nito? Ganito ang sinasabi sa isang AKLAT KATOLIKO na pinamagatang “THE FAITH OF MILLIONS” na sinulat ng isang PARING KATOLIKO na si JOHN A. O’BRIEN ay ganito ang sinasabi:”

THE FAITH OF MILLIONS: Rev. John A. O’brien, Credentgials of the Catholic Religions. Nihil Obstat: Rev. Edward A. Miller, Censor Librorum. Imprimatur: Rev. John Francis Noll, D.D., Archbishop. Bishop of Fort Wayne. USA: Our Sunday Visitor Huntington Ltd., 1938, pages. 266-267.

“WHEN THE PRIEST PRONOUNCES THE TREMENDOUS WORDS OF CONSECRATION, he reaches up into the heavens, brings Christ down from His throne, and place Him upon our altar to be offered up again as the victim for the sins of man. It is a power greater than that of monarchs and emperors: It is greater than that of saints and angels, greater than that of Seraphim and Cherubim. Indeed it is greater even than the power of the Virgin Mary. For, while the Blessed Virgin was the human agency by which Christ became incarnate a single time, the priest brings Christ down from Heaven, and renders Him present on our altar as the eternal Victim for the sins of man – not once but a thousand times! The priest speaks and loud! Christ, the eternal and omnipotent God, bows his head in humble obedience to the priest’s command…No wonder that the name which spiritual writers are especially fond of applying to the priest is that of ‘ALTER CHRISTUS.’ For THE PRIEST IS AND SHOULD BE ANOTHER CHRIST.”




TANONG: Iyong PITONG ESPIRITU, iyon din ba ang ESPIRITU SANTO?

SAGOT: Ang “PITONG ESPIRITU” ay ang binabanggit ng BIBLIA na “PITONG ESPIRITU NA ISINUSUGO NG DIYOS SA BUONG LUPA”, ito ang nakasulat sa:

Apocalipsis 5:6
“At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA BUONG LUPA.”

Isa lang sa pitong ito ang tinatawag ng Biblia na ESPIRITU SANTO na PUMAPATNUBAY SA IGLESIA. Ito ang pinatutunayan sa:

Efeso 4:4-6
“May isang katawan, at ISANG ESPIRITU, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.”

Ang ESPIRITU SANTO ang ISINUSUGO NG AMA SA PANGALAN NI CRISTO:

Juan 14:26
“Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ANG ESPIRITU SANTO, na SUSUGUIN NG AMA SA AKING PANGALAN, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.”

Kung itatanong naman ng iba kung ano at kung saan isinusugo ng Diyos ang anim pa – KAPAG TAHIMIK ANG BIBLIA AY TAHIMIK DIN  IGLESIA NI CRISTO.



TANONG: Bakit sa inyong mga IGLESIA NI CRISTO hindi bawal ang PAGSASALIN NG DUGO hindi ba PARANG PAGKAIN NA RIN IYON NG DUGO? Hindi ba parang pagkain din ang ginawa ng nagsalin ng dugo dahil ini-inject mo ito sa katawan mo?

SAGOT: Sila na rin ang may sabi na “PAGSASALIN”.  Ang PAGSASALIN ay HINDI PAGKAIN.

  • Kung tayo ba ay nagsalin ng tubig sa baso, ang ibig bang sabihin ay pinakain natin ang baso?
  • Kung isinalin ba natin ang ulam sa plato mula sa kaldero ay pinakin natin ang plato?

Ang pagsasalin ng DUGO ay “BLOOD TRANSFUSSIONS” at hindi “DIGESTION”. Magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito.

Ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang PAGKAIN NG DUGO at HINDI ANG PAGSASALIN NG DUGO O BLOOD TRANSFUSSIONS.

Deut. 12:22-23
“KUNG PAANO ANG PAGKAIN SA MALIIT AT MALAKING USA, AY GAYON KAKANIN; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. Lamang ay PAGTIBAYIN MONG HINDI MO KAKANIN ANG DUGO: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; AT HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY NA KASAMA NG LAMAN.”

Kung anong bagay lamang ang iniutos ng Diyos ay siyang dapat isagawa WALANG DAGDAG at WALANG BAWAS.

Deut. 12:32
“KUNG ANONG BAGAY ANG INIUUTOS KO SA IYO, AY SIYA MONG ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.”

Ang PAGSASALIN NG DUGO o BLOOD TRANSFUSSIONS ay PAGLILIGTAS NG BUHAY. Ukol dito ay ganito ang sinasabi ng Panginoong JesusCristo.

Juan 15:13
“Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”




TANONG: Can you explain why thus in Genesis 6:3 states that God said "GAYON MA'Y MAGIGING ISANG DAAN AT DALAWANG PUNG TAON ANG KANIYANG MGA ARAW" na tumutukoy sa tao na nilalang ng Diyos but why is ARPHAXAD do lived up to 403 YEARS as stated naman sa Genesis 11:13. Are these TWO VERSES CONTRADICTS EACH OTHER?

SAGOT: Are there CONTRADICTIONS between Genesis 6:3 and Genesis 11:13? Let us first ask the BIBLE, when did God decided to SHORTENED THE LIFE OF MEN to 120 YEARS. This is what we could read in

Genesis 6:1-3 and 5-8  New International Version
“When men began to increase in number on the earth and daughters were born to them, THE SONS OF GOD SAW THAT THE DAUGHTERS OF MEN WERE BEAUTIFUL, AND THEY MARRIED ANY OF THEM THEY CHOSE. Then the LORD said, "My Spirit will not contend with man forever, for he is mortal; HIS DAYS WILL BE A HUNDRED AND TWENTY YEARS….THE LORD SAW HOW GREAT MAN'S WICKEDNESS ON THE EARTH HAD BECOME, AND THAT EVERY INCLINATION OF THE THOUGHTS OF HIS HEART WAS ONLY EVIL ALL THE TIME. The LORD was grieved that he had made man on the earth, and his heart was filled with pain. So the LORD said, "I will wipe mankind, whom I have created, from the face of the earth--men and animals, and creatures that move along the ground, and birds of the air--for I am grieved that I have made them." But NOAH FOUND FAVOR IN THE EYES OF THE LORD.”

Before the GREAT FLOOD, the BIBLE recorded people lived up to more than 900 YEARS (Genesis Chapter 5). WHEN THE SONS OF GOD MARRIED THE DAUGHTERS OF MEN, AND GOD SAW HOW GREAT MAN’S WICKEDNESS. He decided to wipe out mankind through the Great Flood. ONLY NOAH AND HIS FAMILY SURVIVED FROM THE GREAT FLOOD.

ARPHAXAD WAS THE GRANDSON OF NOAH. Thus, he live after the great flood. As we can see, God said in Genesis 6:3; "MY SPIRIT WILL NOT CONTEND WITH MAN FOREVER, FOR HE IS MORTAL; HIS DAYS WILL BE A HUNDRED AND TWENTY YEARS." The Lord did not said, “HIS DAYS WILL IMMEDIATELY BE 120 YEARS”. Remember what God said, “HIS DAYS WILL BE 120 YEARS".

As what the BIBLE recorded, THE SPAN OF THE LIVES OF PEOPLE AFTER NOAH, AFTER THE GREAT FLOOD, DESCENDED:

Gen. 11:10-11
SHEM
Lived 500 years
Son of Noah
Gen. 11:12-13
ARPHAXAD
Lived 403 years
Son of Shem
Gen. 11:14-17
EBER
Lived 430 years
Son of Arphaxad
Gen. 11:18-19
PELEG
Lived 209 years
Son of Eber
Gen. 11:20:21
REU
Lived 207 years
Son of Peleg

Thus, if from SHEM to SERUG, these people lived to MORE THAN 120 YEARS, it did not contradict what God said in Genesis 6:3. Because God did not said “HIS DAYS WILL IMMEDIATELY BE 120 YEARS”, but “HIS DAYS WILL BE 120 YEARS".

It is like what God said to ADAM,

Genesis 2:17 New International Version
“BUT YOU MUST NOT EAT FROM THE TREE OF THE KNOWLEDGE OF GOOD AND EVIL, FOR WHEN YOU EAT OF IT YOU WILL SURELY DIE”.

After ADAM and EVE disobeyed God’s commandment, THEY DID NOT IMMEDIATELY DIED. Adam lived for 900 YEARS. However, ADAM AND EVE DID DIED.

As we can see in what the Bible recorded, God did not immediately imposed what He said about man that “HIS DAYS WILL BE 120 YEARS". But, as what the Bible also recorded and as what we know, He did imposed it.

However, how about those who live long after the Great Flood and lived for more than 120 years? FOR EVERY RULE THERE IS AN EXCEPTION. God Himself made a promised to those that will obey His commandments that.

Proverbs 3:1-2 New International Version
“MY SON, DO NOT FORGET MY TEACHING, BUT KEEP MY COMMANDS IN YOUR HEART, FOR THEY WILL PROLONG YOUR LIFE MANY YEARS AND BRING YOU PROSPERITY.”

Thus, there are no contradictions betweem Genesis 6:3 and Genesis 11:10-25, because God did not said “HIS DAYS WILL IMMEDIATELY BE 120 YEARS”. However, what God said about man that “HIS DAYS WILL BE 120 YEARS" indeed came to be.

THERE ARE NO CONTRADICTIONS IN THE BIBLE, only MISUNDERSTANDING, MISQUOTING, MISINTERPRETATION and MISUSING the VERSES. Others did not considered the historical context and the writer's perspectives.




TANONG: Hindi ba naunang lalangin ng Diyos ang mga KERUBIN kasama iyong nagmataas sa Ezekiel 28:14 hindi ba noong nagmataas ang KERUBIN na iyon ay inihagis sa lupa. Paano mangyayari na naihagis siya sa lupa gayong wala pa namang lupa noon na nililikha ang Diyos? At kung meron naman ng lupa ibig sabihin mali na sabihing nauna ang KERUBIN kaysa sa MUNDO. Hindi ba sa panahon pa lamang nila EBA at ADAN ay mayroon ng tumukso sa kanila at iyon ang DIABLO o SATANAS. Ano ba talaga ang nauna - Ang KERUBIN o ang LUPA na pinagtapunan sa kanya?

SAGOT: Ito ay maliwanag na sinasagot ng Genesis 1:1-2.

Genesis 1:1-2
“NANG PASIMULA AY NILIKHA NG DIOS ANG LANGIT AT ANG LUPA. AT ANG LUPA AY WALANG ANYO AT WALANG LAMAN; AT ANG KADILIMAN AY SUMASA IBABAW NG KALALIMAN; AT ANG ESPIRITU NG DIOS AY SUMASA IBABAW NG TUBIG.”

Sa saling NEW PILIPINO VERSION ay ganito naman ang sinasabi;

Genesis 1:1-2 New Pilipino Version
“SA PASIMULA, NILIKHA NG DIOS ANG KALANGITAN AT ANG LUPA. WALANG ANYO AT WALANG LAMAN NOON ANG LUPA. NABABALOT NG DILIM ANG IBABAW NG KALALIMAN, AT ANG ESPIRITU NG DIOS AY SUMASAIBABAW NG MGA TUBIG.”

Samakatuwid, SA PASIMULA NILIKHA NG DIYOS KAPUWA ANG LANGIT ANG LUPA. Ang mga KERUBIN ay kabilang sa mga ANGHEL na naglilingkod sa palibot ng luklukan ng Diyos at tinatawag ng Biblia na mga “NILALANG NA NASA LANGIT”.

Apocalipsis 5:11-13
“At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng MARAMING MGA ANGHEL SA PALIBOT NG LUKLUKAN at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo; Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. At ang bawa't bagay na NILALANG NA NASA LANGIT.”

Kaya SA PASIMULA, nang lalangin ng Diyos ang LANGIT at LUPA, kasama ang mga ANGHEL at mga KERUBIN na nilalang na nasa langit.

Sa EZEKIEL kung saan binabanggit ang ukol sa “PINAHIRANG KERUBIN” na nagmataas ay “WALANG SINASABI NA NAUNANG NILIKHA NG DIYOS ANG MGA KERUBIN KAYSA SA MUNDO O SA LUPA”.

Ezekiel 28:13-15 New Pilipino Version
“IKAW AY NASA LOOB NG EDEN, ANG HARDIN NG DIOS; ANG LAHAT NG MAHALAGANG BATO ANG NAKAPALAMUTI SA IYO, RUBI, TOPASYO AT ESMERALDA,. CRISELITA, ONISE, AT JASPE, SAFIRO, KARBUNGKO AT BERILO. ANG IYONG KAAYUSAN AT MGA ENGGASTE AY YARI SA GINTO; NANG ARAW NA IKAW AY LALANGIN, ANG MGA ITO AY INIHANDA. IKAW AY PINAHIRAN NG LANGIS BILANG BANTAY NA KERUBIN, PAGKAT DOON KITA ITINALAGA. IKAW AY NASA BANAL NA BUNDOK NG DIOS; LUMAKAD KA SA GITNA NG NAGNININGAS NA MGA BATO. WALA KANG KAPINTASAN SA IYONG MGA DAAN SIMULA NG ARAW NA IKAW AY LALANGIN HANGGANG SA MASUMPUNGAN SA IYO ANG KASAMAAN.”

Walang sinasabi sa EZEKIEL na ang “PINAHIRANG KERUBIN” ay “NILALANG BAGO NILALANG ANG LUPA”. Bakit naman sinabi sa talata na ang “PINAHIRANG KERUBIN” ay “NASA LOOB NG EDEN, ANG HARDIN NG DIYOS?” Ang tinutukoy dito ay ang binabanggit din na “BANAL NA BUNDOK NG DIYOS”. Ganito naman ang paliwang sa atin sa kaugnay na talata ng Biblia:

Isaias 14:12-14 New Pilipino Version
“Ikaw ay bumagsak mula sa LANGIT o tala sa umaga, anak ng bukangliwayway! Ikaw ay inihulog sa lupa, ikaw na dating nagpababa sa mga bansa! Sinabi mo sa iyong puso, "Aakyat ako sa LANGIT; itataas ko ang aking trono sa ibabaw ng mga bituin ng Dios; uupo ako sa trono sa unahan ng kapulungan, sa pinakamataas na dako ng BANAL NA BUNDOK. Tataas ako sa ibabaw ng mga ulap; gagawin ko ang aking sarili na tulad ng KATAASTAASAN."

Ang tinutukoy na “BANAL NA BUNDOK” ay ang “KAITAASAN” o ang LANGIT. Noong siya ay PINAHIRANG KERUBIN na SAKDAL GANDA HANGGANG SA MASUMUPUNGAN SA KANIYA ANG KASAMAAN – NAGMATAAS SIYA KAYA SIYA AY INIHAGIS NG DIYOS SA LUPA. Aling lupa ang pinaghagisan sa PINAHIRANG KERUBIN?

Genesis 1:1
“Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang LUPA.”




TANONG: Sa Genesis.1:1-2 ibig bang sabihin bago pa man likhain ang langit at ang lupa ay may tubig na? Dahil sinabi sa talata na "AT ANG ESPIRITU NG DIOS AY SUMASA IBABAW NG MGA TUBIG". Bago pa ba ang paglikha ay may tubig na, pati doon sa mga kasunod na talata na inihiwalay ang tubig?

SAGOT: Ayon sa;

Genesis 1:1
"Nang PASIMULA ay nilalang ng Diyos ang langit at ang LUPA."

Ang Genesis 1:2 ay ang DESKRIPSIYON ng "LUPA" na nilalang ng Diyos ng pasimula, na noon ang lupa ay;

Genesis 1:2
“At ANG LUPA AY WALANG ANYO AT WALANG LAMAN; AT ANG KADILIMAN AY SUMASA IBABAW NG KALALIMAN; at ANG ESPIRITU NG DIOS AY SUMASA IBABAW NG TUBIG.”

ITO ANG LUPA NANG LALANGIN NG DIYOS SA PASIMULA – WALANG ANYO, WALANG LAMAN, NABABALOT NG TUBIG AT KADILIMAN. Kailan nagkalaman? Kailan nagkaanyo? Noong isagawa ng Panginoong Diyos ang ANIM NA ARAW NG PAGLALANG.

Ang sinasabi na ginawa ng Diyos noong IKALAWANG ARAW ng paglalang ay ang KALAWAKAN at ang PAGHIWALAY NG TUBIG SA IBABA at ang TUBIG SA ILALIM.

Genesis 1:6-8
“AT SINABI NG DIOS, MAGKAROON NG ISANG KALAWAKAN SA GITNA NG TUBIG, AT MAHIWALAY ANG TUBIG SA KAPUWA TUBIG. AT GINAWA NG DIOS ANG KALAWAKAN, AT INIHIWALAY ANG TUBIG NA NASA ILALIM NG KALAWAKAN, SA TUBIG NA NASA ITAAS NG KALAWAKAN: AT NAGKAGAYON. AT TINAWAG NG DIOS ANG KALAWAKAN NA LANGIT. AT NAGKAHAPON AT NAGKAUMAGA ANG IKALAWANG ARAW.”

Nang LALANGIN ng Diyos ang LUPA sa pasimula ay WALANG ANYO at WALANG LAMAN at NABABALUTAN NG TUBIG. Sa IKALAWANG ARAW ay pinapaghiwalay ng Diyos ang TUBIG SA IBABA at TUBIG SA ITAAS. Talaga namang may TUBIG SA ITAAS – ang mga ULAP ay mga tubig sa itaas na kapag bumagsak sa lupa ay ang tinatawag nating “ULAN”. Pagkatapos ay umaakyat muli, ang tinatawag ng SCIENCE na “WATER CYCLE”.

Ang KALAWAKAN naman na binabanggit na nilikha ng Diyos sa IKALAWANG ARAW na tinawag na “LANGIT” ay iba sa “LANGIT” na nilikha ng Diyos sa pasimula sa Genesis 1:1. Ang nilikha ng Diyos na “LANGIT” sa pasimula ay ang “SANSINUKOB” o “UNIVERSE”.

Genesis 1:1 Today’s English Version
“In the beginning, when God created the UNIVERSE.”

Ang nilikha naman ng Diyos na “LANGIT” sa IKALAWANG ARAW ay ang “FIRMAMENT” o “ATMOSPHERE” na bumabalot sa daigdig.

Genesis 1:8 New King James Version
“And God called the FIRMAMENT HEAVEN. So the evening and the morning were the second day.”

Ang binabanggit naman na ginawa ng Panginoong Diyos sa IKATLONG ARAW ay ang PAGTITIPON NG TUBIG upang lumabas ang katuyuan ay ang “BODIES OF WATER, DRY LAND at VEGETATION.

Genesis 1:9-13
“At SINABI NG DIOS, MAPISAN ANG TUBIG NA NASA SILONG NG LANGIT SA ISANG DAKO, AT LUMITAW ANG KATUYUAN, at nagkagayon. AT TINAWAG NG DIOS ANG KATUYUAN NA LUPA, AT ANG KAPISANAN NG TUBIG AY TINAWAG NIYANG MGA DAGAT: AT NAKITA NG DIOS NA MABUTI. AT SINABI NG DIOS, SIBULAN ANG LUPA NG DAMO, PANANIM NA NAGKAKABINHI AT PUNONG KAHOY NA NAMUMUNGA AYON SA KANIYANG PAGKAKAHOY, NA TAGLAY ANG KANIYANG BINHI SA IBABAW NG LUPA, AT NAGKAGAYON. AT ANG LUPA AY SINIBULAN NG DAMO, PANANIM NA NAGKAKABINHI, AYON SA KANIYANG PAGKAPANANIM, AT NG PUNONG KAHOY NA NAMUMUNGA, NA TAGLAY ANG KANIYANG BINHI, AYON SA KANIYANG PAGKAKAHOY, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.”

Hindi nilikha ng Diyos ang tubig nang ikatlong araw ng paglalang, kundi tinipon Niya, kaya ang nilalang ng Diyos ng IKATLONG ARAW ay ang “BODIES OF WATER” (eg. “oceans, seas, lakes). Tama lang sapagkat noong pasimula nang lalangin ng Diyos ang lupa ay walang anyo at walang lamang at NABABALOT NG TUBIG. Nang italong araw ay tinipon ang tubig upang lumabas ang KATUYUAN.




TANONG: Kung tunay na Sugo sa Felix Y. Manalo na sinasampalatayanan ninyong SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW, bakit hindi mababasa sa Biblia ang kanyang pangalan?

SAGOT: Wala talagang mababasa at walang nakalagay na pangalang FELIX Y. MANALO sa BIBLIA ang mababasa na nakasulat ay ang kaniyang KAHALALAN at TUNGKULIN ayon sa HULA.

Isang halimbawa sa OLD TESTAMENT na hinulaan subalit hindi binanggit ang pangalan ay ang BUGTONG na ANAK o si CRISTO. Kailan natupad ang HULA at kailan NAG-KAROON NG PANGALAN? Noong NEW TESTAMENT na kung kaya’t walang mababasang CRISTO sa OLD TESTAMENT dahil ito ay HULA.

Ang "FELIX Y. MANALO" ay pangalan na incidental lamang sa KATUPARAN ng HULA. Hindi ipinangangaral ng IGLESIA NI CRISTO na si Kapatid na FELIX Y. MANALO ang sugo ng Diyos sa mga huling araw dahil ang kanyang pangalan ay mababasa sa BIBLIA.

Ang mababasa natin sa Biblia ay;

  • Ang kaniyang KAHALALAN
  • Ang KATANGIAN ng kanyang MISYON
  • Ang PANAHON ng kanyang PAGLITAW
  • Ang DAKO na PAGMUMULAN
  • Ang MARARATING ng kanyang PANGANGARAL


MATALINO  ang DIYOS, sadyang HINDI NIYA INILALAGAY ang PANGALAN ng taong HINUHULAAN sa MGA AKLAT NG PROPESIYA dahil kung inilagay ang pangalang FELIX Y. MANALO sa BIBLIA, marahil noon pa libong taon pa lang bago sumapit ang itinakdang paglitaw ng SUGONG HINUHULAAN ay maraming magulang ang magbibigay ng pangalang ito sa kanilang mga anak.

Ang dapat HANAPIN, SURIIN at SIYASATIN ay KUNG NATUPAD ba kay Kapatid na  FELIX Y. MANALO ang itinakda ng HULA;

Una: Sa PANAHON
Ikalawa: Sa DAKO o LUGAR na PAGMUMULAN na itinakda ng HULA
Ikatlo: sa URI ng GAWAIN

Ganyan ang MATALINONG PAGSUSURI sa KATUPARAN ng HULA.




TANONG:  Totoo ba ang aral tungkol sa PREDESTINATION ng tao? Ang tao daw bago pa lalangin ay mayroon na siyang KAPALARAN at alam ng Diyos iyon? Ibig bang sabihin, kahit ano ang gawin ng tao ay tiyak na kung saan ang kanyang patutunguhan?

SAGOT: Hindi maaaring sa simula pa lamang bago pa nilalang ang tao o bago pa nilalang ang sanlibutan ay nakatalaga na KUNG SINO ANG MALILIGTAS o KUNG SINO ANG MAPAPAHAMAK tulad ng itinuturo ng mga CALVINISTA. Ito ay sumasalungat sa itinuturo ng Biblia:

II Pedro 3:9 Magandang Balita Biblia
“ANG PANGINOON AY HINDI NAGPAPABAYA SA KANYANG PANGAKO TULAD NG INAAKALA NG ILAN. HINDI PA NIYA TINUTUPAD ANG PANGAKONG IYON ALANG-ALANG SA INYO. BINIBIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON ANG LAHAT NA MAKAPAGSISI AT MAGBALIK-LOOB SA DIYOS, SAPAGKAT HINDI NIYA NAIS NA KAYO'Y MAPAHAMAK.”

Sa BIBLIANG INGLES ay may binabanggit na “PREDISTINATION” subalit ano ang “PREDISTINATION” na binabanggit ng BANAL NA KASULATAN?

Ephesians 1:11-12 King James Version
“In whom also we have obtained an inheritance, BEING PREDESTINATED ACCORDING TO THE PURPOSE OF HIM who worketh all things after the counsel of his own will: That we should be to the praise of his glory, who first trusted in Christ.”

Sa talatang ito ay maliwang na binabanggit na “BEING PREDISTINED ACCORDING TO THE PURPOSE OF HIM”.

Sa saling BIBLIANG TAGALOG ay ganito ang katumbas.

Efeso 1:11-12
“Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, NA ITINALAGA NA NIYA TAYO NANG UNA PA ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban.”

ANG TAO AY ITINALAGA NA NG DIYOS NANG UNA PA (“PREDESTINED”) ayon na rin sa Diyos.

Saan itinalaga na ng Diyos ang tao nang una pa? Saan “PREDISTINED” ang tao? Ganito ang paliwang ng Biblia.

Ephesians 1:4-5 King James Version
“According as HE HATH CHOSEN US IN HIM BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, that we should be holy and without blame before him in love: HAVING PREDESTINATED US UNTO THE ADOPTION OF CHILDREN BY JESUS CHRIST TO HIMSELF, ACCORDING TO THE GOOD PLEASURE OF HIS WILL.”

Ang sabi ng talata “HE HATH CHOSEN US IN HIM BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD…HAVING PREDISTINED US INTO THE ADOPTION OF CHILDREN BY JESUS CHRIST TO HIMSELF.”

Ganito ang katumbas nito sa saling BIBLIANG TAGALOG.

Efeso 1:4-5
“AYON SA PAGKAPILI NIYA SA ATIN SA KANIYA BAGO ITINATAG ANG SANGLIBUTAN, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig: NA TAYO Y ITINALAGA NIYA NANG UNA PA SA PAGKUKUPKOP NA TULAD SA MGA ANAK SA PAMAMAGITAN NI JESUCRISTO sa ganang kaniya, AYON SA MINAGALING NG KANIYANG KALOOBAN.”

ANG TAO AY ITINALAGA NA NG DIYOS NANG UNA PA SA PAGKUKUPKOP NA TULAD SA MGA ANAK SA PAMAMAGITAN NI JESUSCRISTO, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban. Ito ang “PREDISTINASYON” o PAGKAKATALAGA na ginawa o ipinasiya ng Diyos noon pang una.

Paano matutupad ang PASIYA o KALOOBAN ng Diyos na ang tao ay ITINALAGA na nang una pa sa pagkukupkop sa pamamagitan ni JESUCRISTO? Ganito ang sagot ni Apostol Pablo.

Efeso 1:9-10
“Na IPINAKIKILALA NIYA SA ATIN ANG HIWAGA NG KANIYANG KALOOBAN, AYON SA KANIYANG MINAGALING NA IPINASIYA NIYA sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko.”

Ang KALOOBAN ng Diyos ay “MATIPON ANG LAHAT KAY CRISTO.”

Matutupad ito sa pamamagitan na maging “MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA’T ISA.”

Roma 12:4-5
“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Matutupad ang KALOOBAN ng Diyos na MATIPON ANG LAHAT KAY CRISTO sa pamamagitan na maging “SAMA-SAMANG SANGKAP” ng IISANG KATAWAN NI CRISTO.

Ang KATAWAN NI CRISTO ay ang IGLESIA.

Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”

Na ito ay ang IGLESIA NI CRISTO.

Roma 16:16
“Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Samakatuwid, ang “PREDISTINASYON” na itinuturo ng BIBLIA ay ANG TAO’Y ITINALAGA NA NG DIYOS NANG UNA PA SA PAGKUKUPKOP NA TULAD SA MGA ANAK SA PAMAMAGITAN NI JESUSCRISTO sa pamamagitan nang MATIPON ANG LAHAT SA KATAWAN NI CRISTO o sa IGLESIA NI CRISTO na  KATAWAN ni CRISTO. Ito ang KALOOBAN NG DIYOS na itikda na Niya noon pang una dapat na matupad ng tao upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Mateo 7:21
“HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”




TANONG: Bakit walang babaeng ministro ang Iglesia Ni Cristo?

SAGOT: WALANG BABAENG MINISTRO sa loob ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat maliwanag ang ipinag-uutos ng Biblia na;

I Corinto 14:34
"ANG MGA BABAE AY MAGSITAHIMIK SA MGA IGLESIA: SAPAGKA'T SILA'Y WALANG KAPAHINTULUTANG MANGAGSALITA; KUNDI SILA'Y PASAKOP, GAYA NAMAN NG SINASABI NG KAUTUSAN."

Sa saling MAGANDANG BALITA BIBLIA ay ganito naman ang sinasabi.

I Corinto 14:34 Magandang Balita Biblia
"ANG MGA BABAE'Y KAILANGANG TUMAHIMIK SA MGA PAGTITIPON SA IGLESYA. SAPAGKAT HINDI IPINAHIHINTULOT SA KANILA ANG MAGSALITA SA GAYONG PAGKAKATIPON; KAILANGANG SILA'Y PASAKOP, GAYA NG SINASABI NG KAUTUSAN."




TANONG: Bawal bang pumasok sa ibang simbahan ang Iglesia Ni Cristo? Kung bawal? Bakit at ano ang dahilan?

Totoo na ipinagbabawal sa MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ang pumasok sa "SIMBAHAN" ng iba at ang DUMALO sa "PAGKAKATIPON," "PAGSAMBA" ng iba at sa "PAGMIMISA" nila sapagkat IPINAG-UUTOS NG BIBLIA sa mga SUMASAMPALATAYA o sa mga TUNAY NA CRISTIANO ang mga sumusunod;

II Corinto 6:14-18 Magandang Balita Biblia
“HUWAG KAYONG MAKISAMA SA MGA DI SUMASAMPALATAYA. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng mananampalataya sa di nananampalataya? O ng templo ng Diyos sa diyus-diyusan ng mga pagano? Tayo ang templo ng Diyos na buhay! Siya na rin ang may sabi: "Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila, Ako ang magiging Diyos nila, At sila'y magiging bayan ko. Kaya't LUMAYO KAYO SA KANILA, HUMIWALAY KAYO SA KANILA," SABI NG PANGINOON. "Huwag kayong humipo ng anumang marumi, At tatanggapin ko kayo. Ako ang magiging ama ninyo, At kayo'y magiging anak ko, Sabi ng Panginoong Makapangyarihan."




TANONG: Ang asawa ko ay converted Iglesia Ni Cristo. Ang problema namin ay gusto na niyang bumalik sa dati niyang religion. Puwede pa rin ba kaming magsama? Matitiwalag ba ako kung nagpatiwalag na siya at magsasama pa rin kami bilang mag asawa? Ano po ang stand ng Iglesia Ni Cristo about 1 Cor 7:12-13?

I Corinto 7:12-13
“Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: KUNG ANG SINOMANG KAPATID NA LALAKE AY MAY ASAWANG HINDI SUMASAMPALATAYA, AT KUNG KALOOBAN NIYANG MAKIPAMAHAY SA KANIYA, AY HUWAG NIYANG HIWALAYAN. AT ANG BABAING MAY ASAWANG HINDI SUMASAMPALATAYA, AT KALOOBAN NIYANG MAKIPAMAHAY SA KANIYA, AY HUWAG NIYANG HIWALAYAN ANG KANIYANG ASAWA.”

Ang STAND dito ng IGLESIA NI CRISTO ay kung ano po ang isinasaad din sa talata.

Para maging malinaw ay basahin natin ang I Corinto 7:12-17 sa New Pilipino Version.

I Corinto 7:12-17 New Pilipino Version
“Sa iba ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: KUNG ANG ISANG LALAKI AY MAY ASAWANG HINDI MANANAMPALATAYA AT GUSTONG MAKISAMA, HUWAG NIYA ITONG HIHIWALAYAN. KUNG BABAE NAMAN ANG MAY ASAWANG HINDI MANAMPALATAYA AT IBIG MAKISAMA, HUWAG NIYA ITONG HIHIWALAYAN. Pagkat ang lalaking hindi mananampalataya ay magiging banal sa pamamagitan ng asawa, gayon din naman ang babaing hindi sumasampalataya. Kung hindi gayon, sana'y hindi malinis sa Panginoon ang kanilang mga anak; ngunit ngayon, ang totoo'y banal sila. KUNG IBIG HUMIWALAY NG HINDI MANANAMPALATAYA, PABAYAAN SIYA. SA GAYON, ANG LALAKI O BABAING MANANAMPALATAYA AY KALAG NA SA BAGAY NA ITO; tayo ay tinawag ng Dios sa kapayapaan. Ano'ng malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At ano'ng malay ninyo, mga lalaki, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikalingtas ng inyong asawa? Gayunman, BAWAT ISA'Y DAPAT MANATILI SA KALAGAYAN NG BUHAY NA ITINALAGA SA KANYA NG PANGINOON, AT MANATILI SA PAGKATAWAG SA KANYA NG DIOS. ITO ANG INIUUTOS KO SA LAHAT NG IGLESYA.”

Kaya dapat nating MATANDAAN at MAUNAWAAN na:

UNA - Kung may asawang di sumasamplataya ay maaari pa rin kayong magsama sapagkat ang sabi ng Biblia ay “KUNG IBIG MAKISAMA NG INYONG ASAWANG DI SUMASAMPALATAYA AY HUWAG HUMIWALAY.”
IKALAWA - Hindi kayo matitiwalag, ang natitiwalag ay ang lumalabag sa kautusan ng Diyos.

I Corinto 5:13 Magandang Balita Biblia
“ANG MGA NASA LOOB NG IGLESYA ANG DAPAT NINYONG HATULAN, hindi ba?  Ganito ang sabi ng Kasulatan, "ITIWALAG NINYO ANG MASAMANG KASAMAHAN NINYO."

Kaya maliban lang kung kayo'y LUMABAG sa KAUTUSAN at AYAW MAGBAGO.

IKATLO - Kung ibig ng asawang di sumasampalataya na humiwalay ay hayaan siyang humiwalay, subalit HINDI PA RIN MAAARING MAG-ASAWA SA IBA ANG KAPATID.




TANONG: Nais ko lang humingi ng paliwanag tungkol sa Leviticus 11:7-8 New International Version?

Leviticus 11:7-8 New International Version
“And the pig, though it has a divided hoof, does not chew the cud; it is unclean for you. You must not eat their meat or touch their carcasses; they are unclean for you.”

SAGOT: Ang Levitico 11:7-8 ay bahagi ng “DIETARY LAWS”  o KAUTUSAN UKOL SA PAGKAIN.”

Levitico 11:1-8 New International Version
“THE LORD SAID TO MOSES AND AARON, SAY TO THE ISRAELITES: 'Of all the animals that live on land, these are the ones you may eat: You may eat any animal that has a split hoof completely divided and that chews the cud. 'There are some that only chew the cud or only have a split hoof, but you must not eat them. The camel, though it chews the cud, does not have a split hoof; it is ceremonially unclean for you. The coney, though it chews the cud, does not have a split hoof; it is unclean for you. The rabbit, though it chews the cud, does not have a split hoof; it is unclean for you. And the pig, though it has a split hoof completely divided, does not chew the cud; it is unclean for you. You must not eat their meat or touch their carcasses; they are unclean for you.”

Pansinin na ang kaustusang ito ay ipinagkaloob sa mga ISRAELITA. Ang sabi sa talata, “THE LORD SAID TO MOSES AND AARON. SAY TO THE ISRAELITES…” Lumalabas na noon ang KAMEL, RABIT AT BABOY ay kabilang sa IPINAGBABAWAL NOON SA MGA ISRAELITA NA KAININ.

Ngunit ngayon ay PANAHONG CRISTIANO na. Ano ang sinasabi ng BAGONG TIPAN para sa mga CRISTIANO.

Colosas 2:16-17
“SINOMAN NGA AY HUWAG HUMATOL SA INYO TUNGKOL SA PAGKAIN, O SA PAGINOM , O TUNGKOL SA KAPISTAHAN, O BAGONG BUWAN O ARAW NG SABBATH: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.”

Kung ano ang katumbas ng sinabing ang mga CRISTIANO ay “HUWAG HUMATOL SA INYO TUNGKOL SA PAGKAIN, O SA PAGINOM, O TUNGKOL SA KAPISTAHAN, O BAGONG BUWAN O ARAW NG SABBATH” ay ipinaliwang sa atin ng saling MAGANDANG BALITA BIBLIA.

Colosas 2:16-17 Magandang Balita Biblia
“KAYA'T HUWAG NA KAYONG PASASAKOP SA ANUMANG TUNTUNIN TUNGKOL SA PAGKAIN O INUMIN, TUNGKOL SA KAPISTAHAN, SA BAGONG BUWAN O SA ARAW NG PAMAMAHINGA. Ang mga ito'y anino lamang ng mga bagay na darating at si Cristo ang kaganapan nito.”


Ang binabanggit sa Levitico 11:7-8 ay kautusan para sa mga ISRAELITA at HINDI NA IPINATUTUPAD SA PANAHONG CRISTIANO.

No comments:

Post a Comment