Friday, May 20

HINDI DAPAT MABALISA AT MAWALAN NG PAG-ASA ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO


  • Ikaw ba’y nangangamba dahil sa lumulubhang suliraning PANGKABUHAYAN at KAHIRAPAN
  • Ikaw ba’y nababalisa dahil sa sunod-sunod na mga KARAHASAN, SAKUNA at KALAMIDAD na naganap at patuloy na dumarating? 
  • Ikaw ba’y nalulungkot dahil sa mga PROBLEMANG PAMPAMILYA?

Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa ganitong mga alalahanin.  Sa halip, sundin natin ang ipinapayo ng PANGINOONG JESUS na hindi tayo dapat na mabalisa.

Mateo 6:31-33
“Kaya HUWAG KAYONG MANGABALISA, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang TALASTAS NG INYONG AMA SA KALANGITAN NA KINAKAILANGAN NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO. DATAPUWA'T HANAPIN MUNA NINYO ANG KANIYANG KAHARIAN, AT ANG KANIYANG KATUWIRAN; AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO AY PAWANG IDARAGDAG SA INYO.”

Bukod dito, sinabi rin ng Panginoong Jesucristo na;

Juan 14:1-3 Magandang Balita Biblia
HUWAG KAYONG MABALISA; MANALIG KAYO SA DIYOS AT MANALIG DIN KAYO SA AKIN. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirahan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, BABALIK AKO AT ISASAMA KAYO SA KINAROROONAN KO.”

Hindi man agad malunasan ang mga kasalukuyang suliranin ay hindi tayo dapat panghinaan ng loob dahil may PANGAKO ang PANGINOONG JESUSCRISTO.  Ito ang dapat UMALIW sa atin at dapat na lagi nating MAGUNITA habang lumulubha ang KAHIRAPAN at KALIGALIGAN sa mundo.  Tandaan natin na MULI SIYANG MAGBABALIK upang tayo ay ipagsama sa Kaniyang kaharian.

Upang isama tayo ni CRISTO sa KANIYANG KAHARIAN at pagkalooban ng BUHAY NA WALANG HANGGAN, dapat tayong manindigan sa paggawa ng MABUTI.

Juan 5:28-29 New Pilipino Version
“Huwag ninyong ipanggilalas ito, dumarating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig. “At sila'y babangon at lalabas sa libingan.  ANG LAHAT NG GUMAWA NG MABUTI AY PAGKAKALOOBAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN, at lahat ng gumawa ng masama ay sumpa.”

Ang MABUTING GAWA na tinutukoy ay ang PAGTUPAD SA MGA KAUTUSAN ng DIYOS.

Roma 7:12
“Kaya nga ANG KAUTUSAN ay BANAL, at ANG UTOS ay BANAL, at matuwid, at MABUTI.

Ang mga KAUTUSANG tinutukoy ay ang KATOTOHANAN o SALITA NG DIOS.

Juan 17:17
PAKABANALIN mo sila sa KATOTOHANAN: ANG SALITA MO'Y KATOTOHANAN.”

Ang KATOTOHANAN o MGA SALITA NG DIYOS ang dapat na MALAMAN o MAUNAWAAN ng TAO upang upang MALIGTAS.

1 Timoteo 2:3-4
“ITO'Y MABUTI AT NAKALULUGOD SA PANINGIN NG DIOS na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.
Kaugnay ng KALIGTASAN, isang dakilang KATOTOHANAN ang itinuturo ng Biblia—ANG KAUGNAYAN KAY CRISTO NG IGLESIA.  Ang katawan Niya o ANG KANIYANG IGLESIA ANG KANIYANG ILILIGTAS ayon sa Efeso 5:32 at 25 ng saling Magandang Balita Biblia na ganito ang ating mababasa.

Efeso 5:32 Magandang Balita Biblia “ISANG DAKILANG KATOTOHANAN ANG INIHAHAYAG NITO - ANG KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA ANG TINUTUKOY KO.

Efeso 5:25 Magandang Balita Biblia “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESYA.  INIHANDOG  NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.

Kaya, marapat sa tao na pumasok sa KAWAN na siyang IGLESIA NI CRISTO.

John. 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR; ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.” 

Salin sa Filipino:

Juan 10:9
“AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang KAWAN na dapat PASUKAN ng tao upang MALIGTAS ay ang IGLESIA NI CRISTO (Acts 20:28, Lamsa Translation)

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang PAG-ANIB sa IGLESIA NI CRISTO ay ISA SA MGA GAWANG MABUTI.  Kung ito’y hindi gawin ng tao, siya ay NAGKAKASALA

Santiago 4:17
“SA NAKAKAALAM NGA NG PAGGAWA NG MABUTI, AT HINDI GINAGAWA, ITO'Y KASALANAN SA KANIYA.”

Ang ganap na kabayaran ng KASALANAN ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY.

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apocalipsis 20:14
“AT ANG KAMATAYAN AT ANG HADES AY IBINULID SA DAGATDAGATANG APOY.  ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Sa kabilang dako, ANG MGA SUMUSUNOD SA UTOS NG DIYOS ay nakatitiyak ng KALIGTASAN—sila ang may MATIBAY NA PAG-ASA SA GANTIMPALANG IPINANGAKO NG PANGINOONG JESUCRISTO SA KANIYANG PAGBABALIK.

HINDI NA MAGTATAGAL ANG PAGBABALIK NG PANGINOONG JESUSCRISTO kaya HINDI NA DAPAT IPAGPALIBAN ANG PAG-ANIB SA TUNAY NA IGLESIA.  Itinuturo na ng BIBLIA ang mga palatandaan na malapit na ang muling pagparito ni Cristo:

Mateo 24:3 at 6-8 New Pilipino Version
“Nang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng mga alagad, ‘Kailan po mangyayari ang sinasabi ninyo? ANO PO ANG MGA PALATANDAAN NG INYONG PAGPARITO, AT NG KATAPUSAN NG PANAHON?....MAKARIRINIG KAYO NG ALINGAWNGAW AT MGA BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN NGUNIT HUWAG KAYONG MABABALISA. KAILANGANG MANGAYARI ITO NGUNIT HINDI PA ITO ANG WAKAS.  MAGKAKAROON NG DIGMAAN ANG MGA BANSA LABAN SA KAPWA BANSA AT KAHARIAN LABAN SA KAPWA KAHARIAN.  MAGKAKAROON NG KAGUTOM AT LINDOL SA IBA’T IBANG DAKO.  ANG LAHAT NG ITO’Y SIMULA PA LAMANG NG KAHIRAPAN.”

Ang mga KAGUTOM, KAHIRAPAN at maging ang mga naganap na DIGMAAN ay nagpapagunita sa atin na MALAPIT NA ANG WAKAS NG DAIGDIG o ang IKALAWANG PAGPARITO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.  Kasama rin sa mga TANDA na malapit na ang pagbabalik ni Cristo ay ang KASALATAN SA MGA BANSA:

Lucas 21:25-27 
“AT MAGKAKAROON NG MGA TANDA SA ARAW AT BUWAN AT MGA BITUIN; AT SA LUPA'Y MAGKAKAROON NG KASALATAN SA MGA BANSA, NA MATITILIHAN DAHIL SA UGONG NG DAGAT AT MGA DALUYONG; MAGSISIPANGLUPAYPAY ANG MGA TAO DAHIL SA TAKOT, AT DAHIL SA PAGHIHINTAY NG MGA BAGAY NA DARATING SA IBABAW NG SANGLIBUTAN: SAPAGKA'T MANGANGATAL ANG MGA KAPANGYARIHAN SA MGA LANGIT.  AT KUNG MAGKAGAYO'Y MAKIKITA NILA ANG ANAK NG TAO NA PARIRITONG NASA ISANG ALAPAAP NA MAY KAPANGYARIHAN AT DAKILANG KALUWALHATIAN.” 

Sa ARAW NG PAGHUHUKOM, lalo pang IBAYONG KASAWIAN ANG SASAPITIN ng mga HINDI SUMUNOD SA MGA UTOS NG DIYOS.

Dahil dito, ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay dapat MANINDIGAN sa PAGLILINGKOD at sa PAGSAMBA sa DIYOS.  Habang PAHIRAP NANG PAHIRAP ANG MUNDO AY LALO NATING DAPAT GUNITAIN ANG IPINANGAKONG PAGBABALIK NG PANGINOON.  Ang kasalukuyang  mga kaganapan ay nagbabadyang malapit na ang araw ng kanilang kaligtasan.  Ito ang pag-asang ating tinatanaw.


No comments:

Post a Comment