Tuesday, June 28

BAWAL BA ANG PAGKAIN NG BABOY?

Isa sa mga DOKTRINA at PANINIWALA ng relihiyong  SDA o SEVENTH DAY ADVENTIST CHURCH ang mahigpit na IPINAGBABAWAL ang PAGKAIN ng BABOY ito raw ay isa sa ARAL na ipinatupad ng DIOS. Suriin natin ngayon kung talagang ito ba ay utos pa hanggang sa PANAHONG CRISTIANO.

TANONG: Ang PAGKAIN ba ng BABOY ay ipinagbawal ng DIYOS?

Levitico 11:3-7 Magandang Balita Biblia
“Ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Kaya ang kamelyo bagamat ngumunguya nito ngunit hindi biyak ang kuko ay di dapat kainin. Ang kuneho ay ngumunguya rin ng pagkaing mula sa sikmura ngunit hindi rin biyak ang kuko; hindi ito malinis, kaya di dapat kainin. Ang liebre ay ngumunguya rin ng pagkaing galing sa sikmura ngunit hindi biyak ang kuko; hindi ito malinis. ANG BABOY, BIYAK NGA ANG KUKO, NGUNIT HINDI NAMAN NGUMUNGUYA NG PAGKAING MULA SA SIKMURA, KAYA HINDI ITO DAPAT KANIN.”

Malinaw daw sa talata na may utos na bawal kainin ang BABOY. Pero may dapat tayong malaman kung KAILAN ang PANAHONG ito at KANINO lamang IPINAG-UTOS ng PANGINOON DIYOS ang batas na ito? Ibaba natin ang pagbasa sa VERSES 1-2.

Levitico 11:1-2
“At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi, Inyong salitain sa mga anak ni ISRAEL, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa.”

Ito ay isang utos ng DIYOS na ipinatupad ni MOISES sa PANAHON ng mga ISRAELITA.

TANONG: Hanggang kailan lamang ba ang bisa ng ganitong kautusan?

Lucas 16:16 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
"ANG KAUTUSAN NI MOISES at ang sinulat ng mga propeta AY MAY BISA HANGGANG SA PAGDATING NI JUAN NA TAGAPAGBAUTISMO. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at ang lahat ay nagpipilit na makapasok dito.”

May BISA lamang ang mga KAUTUSAN NI MOISES hanggang sa pagsilang ni JUAN BAUTISTA. Pagkatapos noon ay ang KAUTUSAN na ni CRISTO ang itinuro ng mga APOSTOL na siyang SINUSUNOD at TINUTUPAD ng mga CRISTIANO.

TANONG: Paano natin matitiyak na maaari ng kainin ang baboy? Kumuha tayo ng isang pangyayari sa PANAHON ng mga APOSTOL.

Gawa 10:9-15 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat sa bubungan upang manalangin. Bandang tanghali na noon. Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain. Ngunit habang naghihintay siyang maihanda ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok. NAROON SA KUMOT ANG LAHAT NG URI NG HAYOP, MGA LUMALAKAD, GUMAGAPANG, AT LUMILIPAD. Narinig niya ang isang tinig, “PEDRO! TUMINDIG KA MAGKATAY KA AT KUMAIN." NGUNIT SUMAGOT SI PEDRO, "HINDI KO PO MAGAGAWA IYAN PANGINOON! KAILANMA'Y HINDI AKO KUMAIN NG ANUMANG MARUMI.” Muli niyang narinig ang tinig, “HUWAG MONG ITURING NA MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS.”

Ang LAHAT na itinuturing noon na MARUMI sa PANAHON NI MOISES na mga hayop na hindi maaaring kainin ng tao kasama ang BABOY ay makakain na ngayon dahil NILINIS NA NG DIYOS. Napansin ba ninyo ang sabi sa talata, LAHAT NG URI NG HAYOP, kasama dito ang BABOY na NILINIS na ng DIYOS. Kaya maaari na itong kainin.

TANONG: Ganito rin ba ang pagtuturo ni Apostol Pablo?

Colosas 2:16 New Pilipino Version
“Kaya nga, HUWAG NA KAYONG PASASAKOP SA ANUMANG UTOS TUNGKOL SA INYONG PAGKAIN o inumin, ni sa pagdiriwang ng kapistahang relihiyoso, pagdiriwang sa Bagong Buwan o TUNGKOL SA ARAW NG SABBAT.”

TANONG: Bakit sinabi ni Apostol Pablo na HUWAG NA KAYONG PASASAKOP SA ANUMANG UTOS TUNGKOL SA INYONG PAGKAIN at TUNGKOL SA ARAW NG SABBAT, dahil ba sa isa ito ay pinawalang bisa na?

Galacia 4:9 at 11
“Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, BAKIT MULING NANGAGBABALIK KAYO DOON SA mahihina at WALANG BISANG MGA PASIMULANG ARAL, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?...Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng WALANG KABULUHAN.”

Maliwanag ang pagtuturo ni APOSTOL PABLO, WALA NG KABULUHAN ang pagsunod sa utos ng Diyos na PINAWALAN na ng BISA. Ang isa sa mga utos na ipinagbabawal ang pagkain ng BABOY na maliwanag na nilinis na ng DIYOS kaya maaari na itong kainin sa PANAHONG CRISTIANO.

TANONG: Lahat ba ng pagkain na ipinagkaloob ng Dios na maaaring kainin ay nilinis na?

Roma 14:20 New Pilipino Version
HUWAG MONG SIRAIN ANG GAWA NG DIOS DAHIL LANG SA PAGKAIN.  LAHAT NG PAGKAIN AY MALINIS ngunit pagkakamali ang kumain ng isang bagay na makapagpapatisod sa iba.”

Kaya ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay pinahintulutan kumain ng BABOY, lamang may payo ang mga APOSTOL ukol dito bilang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano ang payo ng mga APOSTOL sa mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“TAKE HEED THEREFORE TO YOURSELVES and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Sa Filipino:

Gawa 20:28
“INGATAN NINYO KUNG GAYON ANG INYONG MGA SARILI at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Marapat pa rin ang pag-iingat sa ating sarili lalo na sa ating kinakaing pagkain. Paano tayo makapag ingat? ANG SOBRANG PAGKAIN NG KARNE LALO NA NG TABA NG BABOY AY NAKAKAKASAMA SA KALUSUGAN. Sapagkat ang sobrang pagkain ng TABA ng BABOY ay makakapagdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao o baka ma-HIGH BLOOD. Kaya ingat tayo lalo na sa pagkain.

TANONG: Ayon sa ating PANGINOONG JESUCRISTO, anong pagkain ang dapat pahalagahan ng tao?

Juan 6:27
“MAGSIGAWA KAYO HINDI DAHIL SA PAGKAIN NAPAPANIS, KUNDI DAHIL SA PAGKAING TUMATAGAL SA BUHAY NA WALANG HANGGAN, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.”

Ito ang pagkaing nararapat na bigyang halaga ng lahat ng tao, ANG PAKAING MAGBIBIGAY NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.


Kaya ang mga SEVENTH DAY ADVENTIST ang hindi nababanal sa ginagawa nilang hindi pagkain ng BABOY bagkus sila ay NAGKAKASALA PA, dahil ANG BABOY AY NILINIS NA NG DIYOS AT IPINAHIHINTULOT NA ITONG KAININ SA PANAHONG CRISTIANO. Sa mga SDA kumain na kayo ng BABOY sapagkat ipinahihintulot na ito ng Diyos na kainin.

No comments:

Post a Comment