Friday, May 20

PAGSUSURI SA ARAL NG SAKSI NI JEHOVAH - PART 4

Mga larawang madalas nating nakikita sa kanilang publikasyon
tungkol sa isang LUPANG PARAISO na mangyayari daw sa ating daigdig
sa KAARAWAN NI JEHOVAH.



Ang mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay HINDI MASISIRA kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iyan ay makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISING at iba pang mga aklat). Sa kanilang paglalarawan ay isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.

At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat WALANG MABABASANG TUWIRAN o DIRETSAHAN sa BIBLIA tungkol sa isang BAGONG PARAISONG DAIGDIG ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa.

Ecclesiastes 1:4  
“Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”

Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.

Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito at may ginagamit din nila siyempre ang talatang ito.

Mateo 5:5  
“Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”

Na iniuugnay din nila sa talatang ito.

Awit 37:29  
“MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”

Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.

Bakit natin nasabi iyon? Dahil may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito.

Mateo 24:35  
“ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 ang LUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?

Subalit gaya nga ng ating nasabi na,  sa BIBLIA kailanman ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.

Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO na LUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes 1:4 na LUPANG MANANATILI.

Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.

TANONG: Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas at papaano ba ito lilipas? Basahin natin ang nakasulat sa 2 Pedro 3:10 at 7.

2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”

2 Pedro 3:7 “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ANG LUPANG TINUTUKOY NI CRISTO NA LILIPAS ay ang DAIGDIG na ito ang mundong ating tinitirhan ngayon. Ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.

At ang sinabing ito ni APOSTOL PEDRO ay suportado mismo ng PANGINOONG DIYOS, ganito ang sabi sa aklat ng PROPETANG SI ZEFANIAS.

Zefanias 1:2  “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”

Zefanias 1:3  “Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”

Zefanias 1:14  “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”

Zefanias 1:15  “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”

Zefanias 1:18  “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito. Maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.

TANONG: Kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ng Ecclesiastes 1:4 na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?

Hebreo 11:16 
“NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailanman na MAMANAHIN ng mga MALILIGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.

Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL ang BAGONG JERUSALEM.

Apocalypsis 21:1-4 
“AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA.  AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga TUNAY NA MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM. Ang BAYANG BANAL na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILANMAN.

No comments:

Post a Comment