ARGUMENTO:
Sinasabi
ng iba, bakit may MINISTRO o PASTOR sa IGLESIA NI CRISTO ang NATITIWALAG?
SAGOT:
- NATITIWALAG ang MINISTRO kapag may nagawang PAGLABAG sa ARAL na SINASAMAPATAYAN ng IGLESIA.
- INAALISAN ng KARAPATAN at ITINITIWALAG dahil NALALAPASTANGAN ang BANAL na MINISTERIO o TUNGKULING PAGKA-MINISTRO.
- BAWAL sa MINISTRO ang MAGMOLESTYA o MANGHINGI ng kung anu-ano sa mga KAPATID sa IGLESIA.
Ito ang katunayan na HINDI KINUKUNSINTI ng PAMAMAHALA
sa IGLESIA na magkaroon ng MINISTRO na MASAMA ANG GAWAIN kaya sila ay INAALISAN
NG KARAPATAN at NATITIWALAG.
TANONG: Paano makikilala ang hindi tunay na Ministro sa Iglesia ayon sa Biblia?
Ganito nakasulat sa;
Judas 1:10-12
“Datapuwa't
ANG MGA ITO'Y NANGALIPUSTA SA ANOMANG
BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN: at sa mga bagay na talagang kanilang
nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng MGA
KINAPAL NA WALANG BAIT. Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni
Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa,
at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. ANG
MGA ITO'Y PAWANG MGA BATONG NATATAGO SA INYONG PIGING NG PAGIIBIGAN, kung
sila'y nakikipagpiging sa inyo, MGA
PASTOR NA WALANG TAKOT NA NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI; mga alapaap
na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na
walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;”
Ito ang uri ng hindi tunay na Ministro, INAALIPUSTA ANG MGA BAGAY NA HINDI
NALALAMAN, MGA KINAPAL NA WALANG BAIT. Ano pa? NAGTATAGO SA PIGING NG PAG-IIBIGANG MAGKAKAPATID. Isipin ninyo IGLESIA NI CRISTO ang mga taong ito at
hindi lang sa ministro ito ay tumutukoy maging sa mga HINDI TUNAY NA KAPATID na napaanib din sa IGLESIA NI CRISTO. Ano dahilan ng kanilang pagkakaanib sa Iglesia? MGA PASTOR NA WALANG TAKOT NA
NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI. Ano kasingkahulugan nito?
- Naglilingkod lang sila para sa sarili nilang kapakinabangan.
- Makasarili ang mga taong ito.
- Sarili lang nila ang kanilang iniisip at hindi ang kapakanan ng Iglesia.
TANONG: Paano pa makikilala ang hindi tunay na ministro at hindi tunay na
kapatid sa Iglesia? Basahin natin ang pagtuturo ni APOSTOL PEDRO.
2 Pedro 2:10 at 12
“Datapuwa't
lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng
karumihan, at NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP.
MGA PANGAHAS, MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA
SA MGA PANGULO: Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, na IPINANGANAK
NA TALAGANG MGA HAYOP upang hulihin at lipulin, na NAGSISIALIPUSTA SA MGA BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN ay walang
pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”
Maliwanag ang sagot ng Biblia, sila ay…NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP. MGA PANGAHAS,
MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA SA MGA PANGULO.
Ang mga taong ito ay ayaw pasakop sa Pamamahala
ng Iglesia.
Inaalipusta nila ang mga bagay na hindi nila
nalalaman.
Ang tawag sa kanila ng mga Apostol ay…MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, IPINANGANAK NA
TALAGANG HAYOP.
TANONG: Dapat ba tayong magtaka kung may ganitong uri na mga kaanib sa Iglesia Ni
Cristo ngayon? Basahin natin ang tagpo ng PULUNGIN ni APOSTOL PABLO
ang mga OBISPO o mga MAYTUNGKULIN sa unang Iglesia sa
Mileto.
Gawa 20:29-30 Magandang
Balita Biblia
“ALAM KONG PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA
ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN. MULA NA RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG
MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y
MAILIGAW SILA.”
Napansin ba ninyo ang pananalita ni APOSTOL PABLO na sinabi niya na, “ALAM KO”. Ano iyon? Ang sabi sa
talata… “PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG
MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” May
binanggit si Apostol Pablo na KAWAN,
kung napansin ninyo ang talatang binasa natin ay Gawa 20:29-30 bago ang talatang iyan may Gawa 20:28 pa, na
doon binanggit din ang KAWAN at ang
tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA
NI CRISTO sa LAMSA TRANSLATION OF
THE BIBLE.
Ano gagawin sa unang Iglesia? Ang sabi sa
talata… “MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA
ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” Samakatuwid MALUPIT ANG MGA TAONG ITO, sapagkat
itinulad sila sa ASONG GUBAT.
Napansin din ba ninyo iyong salita ni APOSTOL PABLO na MAGSISIPASOK, kung gayon MAPAPAANIB
SA LOOB NG IGLESIA ANG MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA. Ano gagawin ng mga
taong ito? Ang sabi sa talata…MULA NA
RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG
MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.
Direktang tinukoy ni APOSTOL PABLO kung sino ang magtatalikod sa unang Iglesia. Sino
sila? Iyong banggit niya na MULA NA RIN
SA INYO. Samakatuwid mula rin sa mga OBISPO
o MGA MAY TUNGKULIN SA UNANG IGLESIA
ang tinutukoy niya na, LILITAW ANG MGA
TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA
GAYO'Y MAILIGAW SILA.
Isipin ninyo BUHAY PA ang mga APOSTOL nararamdaman
na nila na GUMAGALAW NA ANG MGA TAONG
MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA.
- Kaya SA PANAHON NATIN NGAYON ay hindi kataka-taka na MAY MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN para MAGSISINOD sa kanila.
- MAILIGAW sa TUNAY NA PANANAMPALATAYA ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.
- Ito rin ang nakikita ng PAMAMAHALA ngayon na nagaganap sa Iglesia na MAY MGA TAONG GUSTONG SIRAIN ANG IGLESIA.
Kaya maagap ang PAMAMAHALA sa Iglesia upang hindi na matulad sa unang
Iglesia na natalikod sa pananampalataya.
ITINITIWALAG
ANG MGA TAONG NAGNANAIS NA SIRAIN ANG PANANAMPALATAYA NG IGLESIA SA PAGSASALITA
NG MGA KASINUNGALINGAN NA LABAG SA ARAL AT DOKTRINA NG IGLESIA.
No comments:
Post a Comment