ARGUMENTO:
- Bakit “IGLESIA NI CRISTO” at hindi "IGLESIA NG DIYOS"?
- Bakit naman IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng Iglesia ninyo samantalang mas marami namang nakasulat sa Biblia na "IGLESIA NG DIYOS"?
Narito
ang kanilang pinagbabatayan:
1 Corinto 1:2
“Sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, sa
makatuwid bagay sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na
mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan
ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:”
1 Corinto 10:32 Magandang Balita Biblia
“Huwag
kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman-ng mga Judio, ng mga Griego, o ng
mga kaanib sa IGLESYA NG DIYOS.”
1 Corinto 11:22
“Ano, wala
baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga
ninyo ang IGLESIA NG DIOS, at
hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman?
Ano ang aking sasabihin sa inyo?
Kayo baga'y aking pupurihin? Sa
bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.”
2 Corinto 1:1
“Si Pablo,
na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo,
na ating kapatid sa IGLESIA NG DIOS
na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.”
Galacia 1:13
“Sapagka't
inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga
Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang IGLESIA NG DIOS:”
1 Tesalonica
2:14
“Sapagka't
kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga IGLESIA
NG DIOS na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo
sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;”
2 Tesalonica 1:4
“Ano pa't
kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga IGLESIA NG DIOS dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa
lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;”
1 Timoteo 3:5
“(Nguni't
kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling
sangbahayan paanong makapamamahala sa IGLESIA
NG DIOS?”
1 Timoteo 3:15
“Nguni't
kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang
dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang IGLESIA NG DIOS na buhay, at haligi at
suhay ng katotohanan.”
MAAARING
ITANONG NG ILAN:
Marami
palang VERSES na nakasulat ang
katagang "IGLESIA NG DIYOS"
ibig sabihin iyon ang tunay na PANGALAN
NG IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO (Mateo 16:18)?
TANONG: Alamin natin, ano ang tunay
na dahilan, bakit tinawag ni Apostol Pablo na "IGLESIA NG DIYOS" ang IGLESIA NI CRISTO?
Efeso 2:12 Magandang Balita Biblia
“Alalahanin
ninyo NA NOONG PANAHONG IYON, HIWALAY
KAYO KAY CRISTO, HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL, AT DI-SAKLAW NG MGA TIPANG
NASASALIG SA MGA PANGAKO NG DIYOS.
Noo'y nabubuhay KAYONG WALANG
PAG-ASA AT WALANG DIYOS.”
Si Apostol Pablo ang madalas gumamit ng katagang IGLESIA
NG DIYOS sa mga GENTIL na naging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO dahil ang mga GENTIL ay hindi kabilang sa BAYAN
NG DIYOS - ANG ISRAEL. Wala
silang TIPAN SA MGA PANGAKO, WALANG PAG-ASA
at WALANG DIYOS.
TANONG: Ano ang dakilang karapatang tinamo ng mga Gentil ng sila ay mapaanib sa
Iglesia Ni Cristo?
Roma 9:24-25
“Maging sa
atin na kaniya namang TINAWAG, hindi
lamang mula sa mga Judio, kundi naman MULA
SA MGA GENTIL? Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, TATAWAGIN KONG AKING BAYAN NA HINDI KO
DATING BAYAN; At iniibig, na hindi dating iniibig. WALA SILANG DIYOS DAHIL HINDI SILA BAYAN NG DIYOS.”
Wala
silang Diyos dahil hindi sila BAYAN NG
DIYOS. Nang sila ay matawag sa loob ng Iglesia KINIKILALA na sila ng DIYOS
na KANIYANG BAYAN.
TANONG: Bakit sinabing ang mga Gentil ay walang Diyos?
1 Tesalonica 4:5
“Hindi sa
pita ng kahalayan, na gaya ng MGA GENTIL
NA HINDI NANGAKAKAKILALA SA DIOS.”
Hindi
kilala ng mga Gentil ang TUNAY na DIYOS.
Ito ang dahilan kung bakit madalas gamitin ni
Apostol Pablo ang IGLESIA NG DIYOS upang
tumukoy sa IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS at ang mga natawag na mga GENTIL sila ngayon ay sa DIYOS na.
Dahil ang IGLESIA NI CRISTO ay KATAWAN
NI CRISTO ito ang PROPER NAME at
OPISYAL na PANGALAN ng IGLESIANG
itinatag ni Cristo sa:
Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo,
ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang AKING IGLESYA,
at hindi makapananaig sa kanya kaliit ang kapangyarihan ng kamatayan.”
Kung tinatawag man ito na IGLESIA NG DIYOS ng Biblia ay upang ipakilala na ang IGLESIA NI CRISTO ay PAG-AARI rin ng DIYOS. Ipinapakita ng KATAWAGAN
o DESIGNATION na ang IGLESIA NA KATAWAN NI CRISTO ay sa DIYOS din.
Dahil niliwanag ni CRISTO mismo na ang LAHAT ng
KANIYA ay sa DIYOS rin.
Juan 17:9-10
“Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi
YAONG MGA SA AKIN AY IBINIGAY MO; SAPAGKA'T SILA'Y IYO: AT ANG LAHAT NG MGA
BAGAY AY IYO, AT ANG MGA IYO AY AKIN: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.”
Ganito inilarawan ni Cristo ang PAGMAMAY-ARI ng Diyos sa IGLESIA sa Juan 15:5 at 1:
Juan 15:5 “AKO ANG
PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang
nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami:
sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”
Juan 15:1 “AKO ANG TUNAY
NA PUNO NG UBAS, at ANG AKING AMA ANG MAGSASAKA.”
Ipinaliwanag ni CRISTO na ang mga KAANIB
sa IGLESIA Niya ay Kaniyang MGA SANGA at Siya ang PUNO NG UBAS at ang DIYOS ang MAGSASAKA.
Ang PANGALANG
itatawag doon sa SANGA ay hindi PANGALAN nang MAGSASAKA kundi iyong PANGALAN
nang mismong PUNO kung saan ito NAKAKABIT o NAKAUGNAY.
Kaya ang “PROPER NAME” o MARAPAT
na PANGALAN ay SANGA NG UBAS
o SANGA NI CRISTO.
Wala ng DIRECT
LINE ngayon sa DIYOS.
Dahil hindi tayo makaka-direkta sa Diyos, maliban na DUMAAN MUNA TAYO KAY CRISTO.
Juan 14:6
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang
buhay: SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.”
Kaya nga ang sabi ni
Cristo mismo.
Juan 15:4-5
“Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. GAYA NG SANGA NA DI
MAKAPAGBUNGA SA KANIYANG SARILI MALIBAN NA NAKAKABIT SA PUNO; gayon din
naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin. AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO
ANG MGA SANGA: ANG NANANATILI SA AKIN, AT AKO'Y SA KANIYA, AY SIYANG NAGBUBUNGA
NG MARAMI: SAPAGKA'T KUNG
KAYO'Y HIWALAY SA AKIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA.”
Kaya nga para tayo ay
matawag na IGLESIA NG DIYOS ay hindi maiiwasan na tayo ay KUMABIT
o UMUGNAY muna sa PUNONG si CRISTO bilang SANGA
Niya.
Sa
madaling salita, kailangan munang maging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO
bago ka maging IGLESIA NG DIYOS.
At sinasangayunan iyan maging ng isang kilalang BIBLE SCHOLAR na si MATTHEW HENRY.
Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, page 1030
“THERE IS NO
ENTERING INTO GOD’S CHURCH BUT BY COMING INTO CHRIST’S CHURCH; nor are any looked upon as members of the kingdom of God among men but
those that are willing to submit to the grace and government of the Redeemer.”
Sa Filipino:
“WALANG
MAKAKAPASOK SA IGLESIA NG DIYOS MALIBANG PUMASOK SA IGLESIA NI CRISTO; maging ang sinomang mga itinuturing na mga kaanib ng kaharian ng Diyos sa
gitna ng mga tao, malibang silay pumayag na magpasakop sa biyaya at pamamahala
ng Manunubos.”
Kaya nga ang OPISYAL
NA PANGALAN ng Iglesia ay “IGLESIA NI CRISTO” at hindi “IGLESIA NG DIYOS KAY CRISTO JESUS”
dahil hindi kailanman mangyayari na makadirekta tayo sa Diyos maliban muna
tayong DUMAAN, UMUGNAY, SUMANGKAP o UMANIB sa KATAWAN ni CRISTO na
siya niyang IGLESIA.
Mateo 16:18
|
“AKING IGLESIA”
|
Colosas 1:18
|
“KATAWAN NI CRISTO”
|
Roma 16:16
|
“IGLESIA NI CRISTO”
|
Ang ibang mga relihiyon makabasa lang ng IGLESIA na may kasunod iyon agad ang ikakapit
sa kanilang Iglesia. Tulad ng IGLESIA NG
DIYOS NA BUHAY, HALIGI AT SUHAY NG KATOTOHANAN o kaya naman IGLESIA NG DIYOS NA BUHAY at marami
pang iba masabi lang na nakasulat sa Biblia ang pangalan ng relihiyon nila.
No comments:
Post a Comment