Marami ang nagkaroon ng MALING ISIPAN at MALING
AKALA lalo na ang mga PUSAKAL na
mga mang-uusig sa IGLESIA NI CRISTO.
Bunga ng kanilang MALING ISIPAN ay NAGKAROON NG POOT ang marami sa kanila
dahil dito.
Sinasabi
nila:
“Bakit
kayong mga IGLESIA NI CRISTO ay
laging nagsasabi na kayo lang ang maliligtas? Ang KALIGTASAN ay PARA SA LAHAT
at hindi ninyo dapat angkinin o sarilinin, SAKIM
KAYO SA KALIGTASAN.”
TANONG: Totoo bang sakim ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan?
Totoo na kami ay nagsasabi na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang MALILIGTAS subalit hindi namin ito SINASARILI o IPINAGDADAMOT sa iba, katunayan ito ay aming IPINAG-AANYAYA sa mga hindi pa Iglesia Ni Cristo. At narito ang aming
batayan.
Mateo 7:21
“HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON,
PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG
AKING AMA NA NASA LANGIT.”
Maliwanag ang pahayag ni CRISTO na hindi LAHAT NG
RELIHIYON o KUMIKILALA SA DIOS ay
may karapatan sa KALIGTASAN, ayon
mismo sa kay Cristo, “HINDI ANG BAWA'T
NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT.” Sino
lamang makapapasok sa kaharian ng
langit? Ang sabi ni Cristo, “ANG
GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”
Samakatuwid ang mga tao na GUMANAP sa KALOOBAN ng DIYOS ang MAKAPAPASOK lamang sa KAHARIAN
NG LANGIT o MALILIGTAS.
Ang TANONG
sa kanila ay ganito:
Kung ang KALIGTASAN ay PARA SA LAHAT kahit wala ng EFFORT
o GAWA na ipupuhunan ng tao. Bakit
NAGTUTURO pa ang maraming relihiyon
at NANGANGARAL ng mga pamamaraan
kung paano maliligtas ang tao?
Hindi maipagkaila na ang isa sa mga pangkaraniwang
paksa na itinuturo ng iba't-ibang tagapangaral ng relihiyon ay kung paano
makapagtatamo ang tao ng kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Upang maipalaganap
ang kanilang aral ukol diumano sa kaligtasan, sila ay gumagamit ng MEDIA tulad ng TELEBISYON, RADYO, INTERNET at mga BABASAHIN.
Hindi masama na akitin ang mga tao at papaniwalain
ukol sa ikapagtatamo nila ng kaligtasan. Subalit ang dapat munang malaman ng
tao ay kung sino ba ang may AWTORIDAD sa
PAGTUTURO ukol sa pagtatamo ng KALIGTASAN na siyang dapat SAMPALATAYANAN at SUNDIN ng lahat ng nagsisipaghangad na makapagtatamo nito.
TANONG: Ayon sa mga Apostol, sino ang itinalaga ng Diyos na maging
Tagapagligtas ng tao?
Gawa 5:31
“SIYA'Y pinadakila ng Dios ng kaniyang
kanang kamay upang maging Principe at TAGAPAGLIGTAS,
upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.”
Ang tinutukoy ng talata ay ang ating PANGINOONG JESUSCRISTO. Kaya, si CRISTO ang dapat nating PAKINGGAN, PANIWALAAN at SUNDIN ng
sinomang tao na ibig maligtas sa Araw ng Paghuhukom.
TANONG: Ano ang itinuro ni Cristo na pangunahing hakbang na dapat isagawa ng
tao para maligtas?
John 10:14 & 7& 9 Revised English Bible
John 10:14 “I
AM THE GOOD SHEPHERD; I KNOW MY OWN AND MY OWN
KNOW ME,”
John 10:7 “So Jesus spoke again: In very truth
I tell you, I AM THE DOOR OF THE SHEEPFOLD.”
John 10:9 “I AM THE DOOR, ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE
SAFE...”
Salin sa Filipino:
Juan 10:14 “Ako ang mabuting pastor; NAKIKILALA KO ANG SA GANANG AKIN AT ANG MGA
SA GANANG AKIN AY NAKIKILALA AKO.”
Juan 10:7 “Kaya muling nagsalita si Jesus: Katotohanan-katotohanang
sinasabi ko sa inyo, AKO ANG PINTUAN NG KAWAN NG MGA TUPA.”
Juan 10:9 “Ako ang pintuan, SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING
LIGTAS.”
Ang PAGSUNOD
SA UTOS NI CRISTO na PUMASOK sa
loob ng KAWAN sa pamamagitan Niya
bilang PINTUAN ang siyang
nakatitiyak ng KALIGTASAN.
TANONG: Alin ang tinutukoy ni Cristo na KAWAN
na dapat pasukan ng mga tao para maligtas?
Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed
therefore to yourselves and to all the FLOCK
over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased
with his blood.”
Salin sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan
ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga
katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI
CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”
Ang KAWAN
na binabanggit ni Cristo ay ang IGLESIA
NI CRISTO na binili Niya ng Kaniyang dugo.
Samakatuwid, ang tinitiyak ni Cristo na maliligtas
ay ang mga taong PUMASOK o UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO. Ito ang dapat munang matiyak ng tao at
pangunahing gawin niya para makatiyak ng kaligtasan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM.
Ito ang dahilan bakit sinabi ng mga kaanib na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang maliligtas
at laging nanghihikayat ng mga tao na umanib dito, dapat rin tandaan na HINDI KAMI SAKIM sapagkat ang Iglesia
Ni Cristo ay walang sawa na IPINAAABOT
at IPINAKILALA sa lahat ng tao na
malaman din nila ang KATOTOHANANG
ito.
Ang sakim ay ang ITAGO ang KATOTOHANAN at
HINDI IBAHAGI sa iba ang TUNAY na PARAAN NG IKAPAGTATAMO NG KALIGTASAN.
TANONG: Ipinakilala rin ba at pinatunayan ng mga Apostol kung sino ang mga
taong TIYAK NA MALILIGTAS sa galit
at poot ng Diyos sa araw ng Paghuhukom.
Roma 5:8-9 Magandang Balita Biblia
“Ngunit
ipinadama ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa
atin noong tayo'y makasalanan pa. At NGAYONG
NAPAWALANG- SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, LALO NANG TIYAK NA
MALILIGTAS TAYO SA POOT NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NIYA.”
Ang TIYAK
NA MALILIGTAS sa ARAW NG PAGHUHUKOM
ay ang mga PINAWALANG SALA SA
PAMAMAGITAN NG DUGO NI CRISTO.
Kung gayon, hindi maaaring basta angkinin na
lamang ng sinuman na kabilang siya sa mga maliligtas, kung hindi naman siya
kabilang sa napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ang NAPAWALANG SALA ay ang IGLESIA NI CRISTO, sapagkat ito ang ang
TINUBOS o BINILI NI CRISTO NG KANIYANG DUGO (Gawa 20:28 Lamsa Translation).
TANONG: Ayon din sa mga APOSTOL, sino
ang taong MAY BAHAGI SA MGA PANGAKO NG
DIYOS at kabilang sa mga MALILIGTAS?
Acts 2:47 King
James Version
“Praising
God, and having favour with all the people. And THE LORD ADDED TO THE CHURCH DAILY SUCH AS SHOULD BE SAVED.”
Salin sa Filipino:
Gawa 2:47
“Na
nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng buong bayan. At IDINAGDAG NG PANGINOON SA IGLESIA ARAW-ARAW
YAONG MGA DAPAT NA MALIGTAS.”
Kaya, sa pamamagitan ng pagtuturo ng ating PANGINOONG JESUCRISTO at maging ng mga APOSTOL, nabatid natin na ang TIYAK NA MALILIGTAS sa ARAW NG PAGHUHUKOM ay ang mga nasa loob
ng IGLESIA NI CRISTO. Ang aral na
ito ay hindi gawa-gawa lamang ng mga Ministro at Pamamahala.
Bukambibig
ng maraming tao sa kasalukuyan na sila diumano ay CRISTIANO.
TANONG: Ano ang tawag ng mga Apostol sa mga NASA LABAS NG IGLESIA NI CRISTO kahit magpakilala pa silang CRISTIANO?
1 John 2:4 The
Living Bible
“SOMEONE MAY SAY, "I AM A CHRISTIAN; I AM
ON MY WAY TO HEAVEN; I BELONG TO CHRIST." BUT IF HE DOESN'T DO WHAT CHRIST TELLS HIM
TO, HE IS A LIAR.”
Salin sa Filipino:
1 Juan 2:4
“MAAARING SABIHIN NG ISANG TAO,'AKO AY ISANG
CRISTIANO, AKO AY NASA DAAN PATUNGO SA LANGIT, AKO AY NA KAY CRISTO. 'NGUNIT
KUNG HINDI NAMAN NIYA GINAGAWA ANG INIUUTOS SA KANIYA NI CRISTO NA GAWIN NIYA,
SIYA'Y ISANG SINUNGALING.”
Kung sabihin ba ng isang tao na siya ay isang CRISTIANO, tunay na ba siyang Kay
Cristo? Hind. Ayon sa ating nabasa na pahayag ni Apostol Juan…”MAAARING SABIHIN NG ISANG TAO,'AKO AY ISANG
CRISTIANO, AKO AY NASA DAAN PATUNGO SA LANGIT, AKO AY NA KAY CRISTO. 'NGUNIT
KUNG HINDI NAMAN NIYA GINAGAWA ANG INIUUTOS SA KANIYA NI CRISTO NA GAWIN NIYA,
SIYA'Y ISANG SINUNGALING.”
Tandaan natin na ANG ISA SA MGA PANGUNAHING IPINAG-UUTOS NI CRISTO NA GAWIN ng tao
para siya ay KILALANIN Niya at MALIGTAS ay ang PAGPASOK o PAG-ANIB sa IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano ang sama kung ang tao ay aayaw umanib o pumasok sa Iglesia Ni
Cristo o kaya naman ay natiwalag o
kusang tumiwalag sa Iglesia Ni Cristo?
1 Corinto 5:12-13 New Pilipino Version
“Ano ang
karapatan kong humatol SA MGA TAGA-LABAS
NG IGLESYA? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? ANG DIOS ANG HAHATOL SA MGA NASA LABAS.
Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan'.”
Masama na ang tao ay nasa labas ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang gayon ay
may HATOL NG DIYOS.
TANONG: Kailan at ano ang hatol ng Diyos sa mga nasa labas ng Iglesia?
2 Pedro 3:7 Magandang Balita Biblia
“Sa bisa rin
ng salitang ito, nananatili ang langit at lupa upang tupukin sa apoy pagdating
ng ARAW NG PAGHUHUKOM at PAGPAPARUSA SA MASASAMA.”
Sa ARAW NG
PAGHUHUKOM ay parurusahan ang lahat ng mga taong masasama.
TANONG: Saan ang dako ng pagpaparusa sa mga taong masama?
Apocalipsis 20:14-15
“At ang
kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa DAGATDAGATANG
APOY. Ito ang IKALAWANG KAMATAYAN,
sa makatuwid ay ang DAGATDAGATANG APOY.
At kung ang sinuman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay
ibinulid sa DAGATDAGATANG APOY.”
Kaya napakahalagang ang tao ay mapaloob sa IGLESIA NI CRISTO. Napakadakilang
kapalaran ang matatamo ng mga taong susunod sa ating Panginoong Jesucristo
dahil TIYAK SILANG MALILIGTAS SA HATOL
NG DIYOS.
No comments:
Post a Comment