Monday, October 5

DIYOS BA SI CRISTO NG SABIHIN NIYANG “AKO AT ANG AMA AY IISA” SA JUAN 10:30



Ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos daw diumano ang Panginong JesusCristo ay gumagamit din ng mga talata ng Biblia. Ang isa sa paborito nilang talata ay ang nakasulat sa Juan 10:30 na ganito ang mababasa:

Juan 10:30
“AKO AT ANG AMA AY IISA.”

Matapos nilang basahin ang nasabing verse ay sinasabi nila ang ganito: Diba malinaw sa verse na yan na Diyos si Cristo dahil sabi niya, iisa sila ng Ama?“

Kahit paulit-ulit nating basahin ang nasabing verse ay hindi natin mababasa na sinabi ni Cristo na Siya ay Diyos. Kung tatanggapin natin na tama ang kanilang sinasabi lilitaw na si Cristo ang Ama at ang Ama ay si Cristo. Ibig sabihin para sa kanila ang salitang “IISA“  sa John 10:30 ay pagiging SINGLE PERSON or ENTITY.

Kaya tatalakayin natin sa pagkakataong ito kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Cristo sa kanyang sinabi sa John 10:30.

TANONG: Bakit tayo nakakasigurado na mali ang kanilang pagka-unawa sa talata?

Kumuha tayo ng kamukhang talata sa Biblia ganito ang mababasa sa:

1 Corinto 3:8  
“Ngayon ANG NAGTATANIM AT ANG NAGDIDILIG AY IISA: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.”

Kung susundan natin ang kanilang argumento na dahil binanggit ang salitang “IISA” ay nangangahulugang SINGLE BODY or ENTITY na sila. Lilitaw sa talata na iyong nagtatanim pala ay siya din ang nagdidilig.

TANONG: Kaya alamin natin sino ba ang binabanggit  sa talata na nagtatanim at nagdidilig? Itataas lang natin ang basa sa VERSE 6.

1 Corinto 3:6 
AKO ANG NAGTANIM, SI APOLOS ANG NAGDILIG; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.”

Sa talatang ito ay nilinaw ni APOSTOL PABLO na siya ang NAGTANIM at si APOLOS ang NAGDILIG. Kung ipipilit nila na dahil binanggit ang salitang “IISA” ay SINGLE BODY or ENTITY na sila ang tanong natin sa kanila ay ganito:

Si APOSTOL PABLO ba ay si APOLOS? 
Si APOLOS ba ay si APOSTOL PABLO?

Malaking problema nila iyan dahil kapag sinabi nilang “OO”. Mahahayag na wala talaga silang alam sa Biblia. Kapag sinabi naman nilang “HINDI”. Lilitaw hindi din pala SINGLE ENTITY si CRISTO at ang AMA.

TANONG: Paano ba natin dapat unawain ang sinabi ni Cristo na siya at ang Ama ay iisa?

Juan 17:11
“At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang SILA’Y MAGING ISA, KUNG PAANONG TAYO’Y IISA.

Ang pagiging IISA ni CRISTO at ng AMA  ang gusto ni Cristo na MANGYARI o MATULARAN ng mga ALAGAD Niya. Samakatuwid kung tatanggapin natin ang kanilang sinasabi? Lilitaw na gusto pala ni Cristo na maging single entity ang lahat ng mga alagad Niya kagaya ng pagiging single entity nila ng Ama. Lalong lalaki ang problema nila. Dahil lilitaw na AKO SIYA, SIYA AKO, AKO SILA, SILA AKO. Napakagulo diba?

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ni Cristo na iisa sila ng Ama na gusto Niyang matularan o maging kagaya ng mga alagad Niya?

Juan 17:22-23 
“At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila;UPANG SILA'Y MAGING ISANA GAYA NAMAN NATIN NA IISA; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, UPANG SILA'Y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.”

Napakaliwanag ayon sa talata, gusto ni Cristo na maging isa ang mga alagad niya gaya ng pagiging iisa nila ng Ama na ang tinutukoy ay ang LUBOS NA PAGKAKAISA. Kaya ang ibig sabihin ni Cristo na sila ng Ama ay iisa ito ay nangangahulugang SILA AY NAGKAKAISA.

TANONG: Ano ang katunayan? Kapag binasa natin sa Lamsa Translation of the Bible ang John 10:30 ay ganito ang ating mababasa:

John 10:30 George M. Lamsa Version
“I and my Father are OF ONE ACCORD.”

Sa Pilipino:

Juan 10:30 George M. Lamsa Version
“Ako at ang Ama ay NAGKAKAISA.”

Lalong lumitaw na mali ang kanilang paniniwala dahil sa ibang salin na iyan ng Biblia ay “OF ONE ACCORD” ang ginamit ng nagsalin.

Ang kahulugan nito sa dictionary ay "AGREEING WITH EACH OTHER" or "AGREEMENT".

Kaya napakalinaw na maling-mali ang kanilang paliwanag sa Juan 10:30 kaya paano nila ngayon masasabi na sila ay may wisdom ni Lord kung simpleng talata lang ay nagkakamali pa sila ng unawa?

Bakit natin nasabi na tamang salin ng Biblia ang ginamit na “NAGKAKAISA” kaysa sa salitang “IISA” sa John 10:30Malamang ay tututol pa sila sa atin. Kaya patunayan natin.

TANONG: Bago ang pangungusap ni Cristo sa John 10:30. Ano ba ang binabanggit niya?

Hayaan nating si Cristo ang magpaliwanag sa atin. Basahin muna natin ang VERSE 27 at ituloy natin hanggang VERSE 30:

Juan 10:27 
“Dinirinig ng aking mga TUPA ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:”
   
Juan 10:28 
“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at HINDI SILA AAGAWIN NG SINOMAN SA AKING KAMAY.

Juan 10:29 
“Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at HINDI SILA MAAAGAW NINOMAN SA KAMAY NG AMA.

Juan 10:30 
“AKO AT ANG AMA AY IISA.”
  
Malinaw na HINDI ANG PAGKA-DIYOS ANG PAKSA NA PINAG-UUSAPAN sa mga talata kundi ang tungkol sa mga TUPA ni CRISTO. Kung paanong inaalagan ni Cristo ang mga tupa, gayon din ang pangagalaga na ginagawa ng Ama.

Pinakamabuti ay pagtabihin natin para mas lalong luminaw:

SA AMA
KAY CRISTO
HINDI SILA MAAAGAW NINOMAN SA KAMAY NG AMA”
HINDI SILA AAGAWIN NG SINOMAN SA AKING KAMAY

Kaya pagdating ng:

 John 10:30 Lamsa Translation of the Bible

Salin sa Pilipino:

“ AKO AT ANG AMA AY NAGKAKAISA.”
  
Kaya napatunayan natin na MALI ang KANILANG PAKAHULUGAN. Hindi nila magagamit na batayan ang Juan 10:30 para patunayan ang pagka-Dios di-umano ni Cristo.



Sana ay magsilbi itong liwanag tungo sa tunay na pagkaunawa.

No comments:

Post a Comment