"Sa harap ng napakaraming Iglesia sa kasalukuyan, dapat MAGPAKATALINO at MAGPAKA-INGAT ang tao sa pagpili ng kaniyang aaniban."
Sa
kasalukuyan, napakaraming SAMAHANG
PANRELIHIYON ang naglipana na nagpapakilalang sila'y tunay na sa DIYOS at kay CRISTO. Ang marami sa kanila ay may iba't ibang ipinang-aakit sa
mga tao;
- May nangangako ng PAGPAPAGALING
- May nag-aalok ng PAGYAMAN
- May mga gumagawa ng HIMALA at iba pa
Sa kabila nito, hindi matututulan na ang TUNAY na IGLESIA ay ang IGLESIA NA
ITINATAG NG PANGINOONG JESUCRISTO na ipinakikilala sa BAGONG TIPAN ─ kung saan ay itinuturo kung ano ang tinatawag na "IGLESIA" at kung ano ang KAHALAGAHAN nito.
Kaya, sa harap ng napakaraming Iglesia sa
kasalukuyan, dapat MAGPAKATALINO at MAGPAKA-INGAT ang tao sa PAGPILI ng kaniyang AANIBAN upang hindi masayang ang
kaniyang pinuhunan at sa halip ay pakinabangan ang kahalagahan ng TUNAY NA IGLESIA.
ANG MGA KAANIB SA IGLESIA AY “TINAWAG”
TANONG: Papaano napapabilang o nagiging kaanib sa tunay na Iglesia ang tao?
Colosas 3:15 Magandang Balita Biblia
"At
paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito
ang dahilan KAYA KAYO TINAWAG UPANG MAGING
BAHAGI NG ISANG KATAWAN. Magpasalamat kayong lagi."
Upang ang tao ay maging BAHAGI ng KATAWAN ay
kinakailangang TAWAGIN siya ng DIYOS.
TANONG: Alin ang KATAWAN na
tinutukoy?
Colosas 1:18
“At siya
ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid
baga'y ng IGLESIA;”
Ang IGLESIA
ay KATAWAN ni CRISTO sapagkat Siya ang ulo nito.
Ang tao ay nagiging bahagi ng KATAWAN ni CRISTO o KAANIB sa IGLESIA kung siya ay TINAWAG ng DIYOS.
TANONG: Ano ang kahulugan ng "TINAWAG"
kapag ipinatutungkol sa mga kaanib ng Iglesia? Papaano sila tinawag at ano
ang dahilan ng pagtawag sa kanila?
I Corinto 1:26-27
"Sapagka't
masdan ninyo ang sa inyo'y PAGKATAWAG,
mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, at hindi ang
maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
Kundi PINILI ng Dios ang mga bagay
na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at PINILI ng Dios ang mga bagay na
mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas."
Ang PAGTAWAG
sa tao upang umanib sa Iglesia ay kasingkahulugan ng PAGPILI o PAGHIRANG ng DIYOS sa kaniya. Ang mga tinawag sa
Iglesia ay "PINILI o HINIRANG ng DIYOS."
Kung gayon, dapat tiyakin ng sinumang tao na
siya PINILI, HINIRANG o TINAWAG ng
Diyos at ng Panginoong Jesucristo upang masiguro niya na siya ay BAHAGI ng KATAWAN ni Cristo o KAANIB
ng IGLESIA na itinuturo ng BAGONG TIPAN.
ANG PAGTAWAG NG DIYOS
TANONG: Paano malalaman ng tao kung siya ay HINIRANG o TINAWAG ng
Diyos?
Mahalagang suriin natin ang PROSESO o PARAAN ng
Diyos sa PAGTAWAG o PAGHIRANG sa tao upang maging BAHAGI o KAANIB ng TUNAY NA IGLESIA.
Ganito ang matutunghayan natin sa sulat ni APOSTOL
PABLO.
2 Tesalonica 2:14
"Sa
kalagayang ito'y TINAWAG NIYA KAYO SA
PAMAMAGITAN NG AMING EVANGELIO, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating
Panginoong Jesucristo."
Ayon sa pagtuturo ni APOSTOL PABLO ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay TINAWAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG
PANGANGARAL NG EBANGHELYO.
TANONG: Sino naman ang nangaral sa kanila ng dalisay na ebanghelyo na kanilang
sinampalatayanan at ginanap kaya sila ibinilang na kaanib sa tunay na Iglesia?
2 Corinto 5:20
"Kami
nga'y mga SUGO sa pangalan ni
Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y
pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo na kayo'y makipagkasundo sa
Dios."
Ang KINASANGKAPAN
ng DIYOS para MANGARAL ng EBANGHELYO
sa mga naging kaanib sa TUNAY na IGLESIA ay ang mga SUGO, tulad ng mga APOSTOl.
Kaya, sa pasimula ng MINISTERYO ni JESUS ay NAGHALAL Siya ng mga APOSTOL. Sila ay Kaniyang ISINUGO upang IPANGARAL ANG EBANGHELYO.
Mateo 10:2-5
“Ang mga
pangalan nga ng LABINGDALAWANG APOSTOL
ay ito: Ang una'y si SIMON na
tinatawag na PEDRO, at si ANDRES na kaniyang kapatid; si SANTIAGO na anak ni Zebedeo, at ang
kaniyang kapatid na si JUAN; Si FELIPE, at si BARTOLOME; si TOMAS, at
si MATEO na maniningil ng buwis; si SANTIAGO na anak ni Alfeo at si TADEO; Si SIMON NA CANANEO, at si JUDAS
ISCARIOTE, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo. ANG LABINGDALAWANG ITO'Y SINUGO NI JESUS, at sila'y pinagbilinan,
na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag
kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:”
Inutusan Niya sila na ang SUMAMPALATAYA sa kanilang PANGANGARAL
ay kanilang BAUTISMUHAN.
Marcos 16:15-16
“At sinabi
niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at INYONG IPANGARAL ANG EVANGELIO sa lahat ng kinapal. ANG SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN AY
MALILIGTAS; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”
Ang pinangaralan ng mga SUGO na SUMAMPALATAYA at
NABAUTISMUHAN ang ibinibilang na BAHAGI NG KATAWAN NI CRISTO o KAANIB
SA TUNAY NA IGLESIA.
I Corinto 12:13 Magandang Balita Biblia
"TAYONG LAHAT, maging
Judio o Griego, alipin man o malaya, AY
BINAUTISMUHAN SA iisang Espiritu upang maging ISANG KATAWAN. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu."
Sinumang tao na BAGAMA'T KAANIB NG ISANG IGLESIA ngunit ang NANGARAL sa kaniya ay HINDI
SINUGO NG DIYOS ay NASA LABAS NG
TUNAY NA IGLESIA na ipinakikilala ng BAGONG
TIPAN na dapat aniban ng bawat tao. Hindi siya kasama sa mga TINAWAG, PINILI o HINIRANG ng DIYOS.
ANG LAYUNIN KAYA TINAWAG SA KATAWAN
O IGLESIA
TANONG: Bakit ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay kailangang tawagin ng
Diyos? Ganito ang isinasaad sa sulat ni APOSTOL PABLO.
I Corinto 1:9 Magandang Balita Biblia
"Tapat
ANG DIYOS NA TUMAWAG SA INYO upang KAYO'Y MAKIPAG-ISA SA KANYANG ANAK NA SI JESU-CRISTONG
ATING PANGINOON."
Magkakaroon ng katuparan ang PAKIKIPAG-ISA kay CRISTO kapag ang tao ay TINAWAG
ng DIYOS na maging bahagi ng KATAWAN NI CRISTO o KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.
Ang pakikipag-isang ito kay Cristo ang kalooban
at layunin ng Diyos upang makamtan ng tao ang mga pagpapalang espirituwal at
mapabilang sa itinalaga na maging mga anak ng Diyos.
Efeso 1:3-5 Magandang
Balita Biblia
"Magpagsalamat
tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! PINAGKALOOBAN NIYA TAYO NG LAHAT NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL DAHIL SA ATING PAKIKIPAG-ISA KAY CRISTO.
At SA ATIN NGANG PAKIKIPAG-ISANG ITO,
HINIRANG NA NIYA TAYO bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at
walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang
itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. IYAN ANG KANYANG LAYUNIN AT KALOOBAN."
Ang tumangging maging bahagi ng KATAWAN NI CRISTO o maging KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA ay
sumasalungat sa LAYUNIN at KALOOBAN ng DIYOS.
TANONG: Anu-ano ang mga pagpapalang espirituwal na matatamo ng tao na
nakipag-isa kay Cristo sa paraang sila ay naging bahagi ng katawan ni Cristo o
naging kaanib sa Iglesia? Ganito ang pahayag ni APOSTOL PABLO.
Efeso 2:1-6 Magandang
Balita Biblia
"NOONG UNA'Y MGA PATAY KAYO DAHIL SA
INYONG PAGSUWAY AT MGA KASALANAN. Sinunod ninyo noon ang masamang
takbo ng sanlibutang ito at NAPAILALIM
KAYO SA PRINSIPE NG KASAMAAN, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail.
Dati, tayo'y kabilang sa mga ito, namuhay ayon sa pita ng laman at sinunod ang
masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, KABILANG TAYO SA MGA TAONG KINAPOPOOTAN NG
DIYOS. Subalit NAPAKASAGANA ANG
HABAG NG DIYOS AT NAPAKADAKILA ANG PAG-IBIG NA INIUKOL NIYA SA ATIN. Tayo'y
binuhay niya kay Cristo kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating
pagsuway. (NALIGTAS NGA KAYO DAHIL SA
KANYANG KAGANDAHANG LOOB.) DAHIL SA ATING PAKIKIPAG-ISA KAY CRISTO JESUS,
TAYO'Y MULING BINUHAY NA KASAMA NIYA AT PINAUPONG KASAMA NIYA SA
KALANGITAN."
Malinaw ang pahayag ni APOSTOL PABLO kung bakit nais ng Diyos na ang tao ay MAKIPAG-ISA MUNA KAY CRISTO sa paraang
maging BAHAGI NG KANIYANG KATAWAN o KAANIB SA IGLESIA.
Dati, ang kalagayan ng hindi tinawag ay mga PATAY na dahil sa kanilang PAGSUWAY o mga KASALANAN; dati, sila ay kabilang sa mga taong KINAPOPOOTAN NG DIYOS; at dati, sila'y NASA ILALIM NG PRISIPE NG KASAMAAN. Ngunit dahil sa NAPAKASAGANANG HABAG at NAPAKADAKILANG PAG-IBIG ng DIYOS, TINAWAG Niya sila upang maging SANGKAP
NG KATAWAN NI CRISTO o maging KAANIB
SA TUNAY NA IGLESIA upang sila ay MAKIPAG-ISA
KAY CRISTO. Dahil sa pakikipag-isang ito kay Cristo, sila ay binuhay ng
Diyos at sila'y NALIGTAS SA KAPARUSAHAN.
Kaya, kapag TINANGGIHAN
NG TAO na maging bahagi ng KATAWAN
NI CRISTO o maging KAANIB SA TUNAY
NA IGLESIA, ang katumbas nito ay TINATANGGIHAN
NIYA ANG MASAGANANG HABAG NG DIYOS AT ANG KANIYANG NAPAKADAKILANG PAG-IBIG.
Sa pagpapakilala ng BAGONG TIPAN, napakahalaga ng IGLESIA
na itinatag ni Cristo, sapagkat ito ang kahayagan ng MASAGANANG HABAG NG DIYOS at ng Kaniyang NAPAKADAKILANG PAG-IBIG. Mahalaga ang IGLESIA sapagkat ito ay ITINATAG
NI CRISTO upang ang mga tao ay magtamo ng mga PAGPAPALANG ESPIRITUWAL at higit sa lahat, ng KALIGTASAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM.
No comments:
Post a Comment