Wednesday, July 20

BAKIT ANG MGA KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO AY PINAGBABAWALANG MAG-ASAWA SA HINDI KAANIB NG IGLESIA?

Ang lahat ng DOKTRINA at mga ARAL na sinusunod ng mga kaanib sa  IGLESIA NI CRISTO ay nakabatay sa BIBLIA. Ang pagbabawal sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na MAG-ASAWA sa mga HINDI KAANIB o MIYEMBRO ay maliwanag na mababasa at itinuturo ng BIBLIA.

TANONG: Ano ang utos ng Diyos ukol sa pag-aasawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

2 Corinto 6:14-15 New Pilipino Version
“HUWAG KAYONG MAKIPAMATOK SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA. Hindi maaaring paghuluin ang kalikuan at ang katuwiran, kung paanong hindi mapagsasama ang liwanag at ang kadihman. Hindi maaaring magkaisa si Cristo at si Behal. At paano magkakasundo ang mananampalataya at ang di mananamplataya?”

Ang PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL ay maliwanag na PINAGBAWALAN ang mga UNANG KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO na mag-asawa sa hindi kapanampalataya. Ayon sa talatang ating nabasa, HUWAG KAYONG MAKIPAMATOK SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA.

TANONG: Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Apostol Pablo na MAKIPAMATOK?

Ipinaliwanag ng isang PARING KATOLIKO na isang dalubwika na si JUAN TRINIDAD sa FOOTNOTE ng gayon ding talata sa Bibliang kaniyang sinalin “ANG BAGONG TIPAN” ay kaniyang ipinaliwanag ang kahulugan ng “MAKIPAMATOK”.

FOOTNOTE: ANG BAGONG TIPAN NG ATING MANANAKOP AT PANGINOONG JESUCRISTO. Isinalin sa wikang pambansa mula sa Vulgata Latina ni Juan Trinidad S.J

6,14: MAKIPAMATOK: ang tinutukoy ay ang PAG-AASAWA..."

Maliwanag ayon sa isang PARING KATOLIKO na ang salitang MAKIPAMATOK ay nangangahulugan ng PAG-AASAWA. Samakatuwid IPINAGBAWAL ng DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL - ANG PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA SA MGA HINDI KAPANANAMPALATAYA o HINDI KAANIB SA IGLESIA o HINDI SUMASAMPALATAYA sa mga aral ng IGLESIA.

Maging sa Bibliang Ingles na NEW KING JAMES VERSION ay ganito ang ating mababasa.

2 Corinthians 6:14-15 New King James Version
“DO NOT BE UNEQUALLY YOKED TOGETHER WITH UNBELIEVERS. For what fellowship has righteousness with lawlessness? And what communion has light with darkness? And what accord has Christ with Belial? Or what part has a believer with an unbeliever?”

TANONG: Ano ba ang kahulugan ng salitang YOKE?

Source: Click  the description below.

Merriam-Webster Dictionary

YOKE -  a (1) :  an oppressive agency (2) :  servitude, bondage
    b :  tie, link; especially :  MARRIAGE

Ayon sa MERRIAM WEBSTER DICTIONARY ang salitang YOKE ay tumutukoy din sa PAG-AASAWA o MARRIAGE.

Kaya sa isang salin ng Bibliang Ingles  ng isang BIBLE SCHOLAR na si GEORGE M. LAMSA sa kanyang LAMSA TRANSLATION ay ganito ang kaniyang pagkakasalin sa gayon ding talata.

2 Corinthians 6:14-15 George M. Lamsa Translation
“DO NOT UNITE IN MARRIAGE WITH UNBELIEVERS, for what fellowship has righteousness with iniquity? Or what mingling has light with darkness? Or what accord has Christ with Satan? Or what portion has a believer with an unbeliever?”

Maliwanag na UTOS NG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL ang pagbabawal ng PAG-AASAWA sa mga TAONG HINDI SUMASAMPALATAYA SA ARAL SA LOOB NG IGLESIA.

Sa pakikipag-usap ni Apostol Pablo sa mga kaanib ng Iglesia pinayuhan niya ang mga Cristiano na “DO NOT UNITE IN MARRIAGE WITH UNBELIEVERS” o “HUWAG MAKIPAG-ISA SA PAG-AASAWA SA MGA HINDI NAGSISISAMPALATAYA”.

TANONG: Ano ang dahilan, bakit ipinagbawal ang pag-aasawa sa hindi sumasampalataya o hindi kaanib sa Iglesia?

2 Corinto 6:14-16 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. MAAARI BANG MAGSAMA ANG KATUWIRAN AT ANG KALIKUAN? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? ANO ANG KAUGNAYAN NG SUMASAMPALATAYA SA DI SUMASAMPALATAYA? O DI KAYA'Y NG TEMPLO NG DIYOS SA DIYUS-DIYOSAN? HINDI BA'T TAYO ANG TEMPLO TAYO ANG MGA TEMPLO, KAYO ANG TEMPLO. NG DIYOS NA BUHAY? Siya na rin ang maysabi, "Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.”

Niliwanag ni Apostol Pablo ang dahilan, ayon sa kanya, “MAAARI BANG MAGSAMA ANG KATUWIRAN AT ANG KALIKUAN? O KAYA'Y ANG LIWANAG AT ANG KADILIMAN? Sinabi rin niya na, “ANO ANG KAUGNAYAN NG SUMASAMPALATAYA SA DI SUMASAMPALATAYA? O DI KAYA'Y NG TEMPLO NG DIYOS SA DIYUS-DIYOSAN? HINDI BA'T TAYO ANG TEMPLO TAYO ANG MGA TEMPLO, KAYO ANG TEMPLO. NG DIYOS NA BUHAY?”

Kaya ang pagbabawal sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO sa PAG-AASAWA SA MGA HINDI KAPANANAMPALATAYA ay hindi utos na gawa lang ng mga MINISTRO. Ito ay UTOS NA BINIGAY NG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL na itinuro sa mga kaanib ng Iglesia.

TANONG: Kailan pa ipinag-utos ng Diyos ang pagbabawal ng pag-aasawa sa hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod?

Genesis 6:1-3
“At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga ANAK NG DIOS, na magaganda ang mga ANAK NA BABAE NG MGA TAO; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.”

Ang pagbabawal ng pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa ANAK NG DIYOS ay hindi isang bagong utos. Ito ay matagal ng utos ng Diyos sa panahon pa ng mga PATRIARKA o ng mga MAGULANG hanggang sa panahon ng BAYANG ISRAEL ay hindi nababago ang pagbabawal ng Diyos ukol sa pag-aasawa ng hindi kabilang sa Kaniyang bayan o lingkod.

Deuteronomio 7:2-3
“At pagka sila'y, ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawan sila: NI MAGAASAWA SA KANILA; ANG IYONG ANAK NA BABAE AY HUWAG MONG PAPAG-ASAWAHIN SA KANIYANG ANAK NA LALAKE, NI ANG KANIYANG ANAK NA BABAE, AY HUWAG MONG PAPAG-ASAWAHIN SA IYONG ANAK NA LALAKE.”

Mahigpit na pinagbawalan ng Diyos ang BAYANG ISRAEL na “HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, NI MAGAASAWA SA KANILA". Kung napansin ninyo ang sinabi ng Diyos na sa PAKIKIPAGTIPAN pa lamang o kung tawagin sa panahon natin ngayon ay PAKIKIPAG-BOYFRIEND/GIRLFRIEND ay BAWAL na. Lalo na ang mag-asawa pa sa hindi kabilang sa bayan ng Diyos ay isang MALAKING KASALANAN.

TANONG: Bakit mahigpit na pinagbawalan ng Diyos ang Kaniyang bayan sa pag-aasawa ng mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan? Gaano ba kasama na ang Kaniyang lingkod ay MAKIPAG-TIPAN at MAG-ASAWA sa taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod o Kaniyang bayan?

Deuteronomio 7:2-4
“At pagka sila'y, ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawan sila: NI MAGAASAWA SA KANILA; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-asawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-asawahin sa iyong anak na lalake. Sapagka't KANIYANG IHIHIWALAY ANG IYONG ANAK na lalake SA PAGSUNOD SA AKIN, UPANG SILA'Y MAGLINGKOD SA IBANG MGA DIOS: sa gayo'y MAGAALAB ANG GALIT ANG PANGINOON laban sa iyo, AT KANIYANG LILIPULIN KANG MADALI.”

Sinabi ng Diyos na ang pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan, ay MAGHIHIWALAY SA KANILA SA PAGSUNOD SA KANIYA AT SILA AY MAGLINGKOD SA IBANG MGA DIOS. Alin ang ibang mga diyos na tinutukoy sa talata? Ito ang mga LARAWANG INANYUAN, mga REBULTO na itinuring na diyos na iba. Gaano kasama na ang Kaniyang lingkod ay MAKIPAG-TIPAN at MAG-ASAWA sa taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod o sa Kaniyang bayan? Ang mga ito ay KARUMAL-DUMAL at KARIMARIMARIM sa paningin ng Diyos. Ano ang babala ng Diyos mga taong kabilang sa Kaniyang bayan at nag-asawa ng mga taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod? Ang sabi sa talata, MAG-AALAB ANG GALIT ANG PANGINOON AT KANIYANG LILIPULIN.

TANONG: Ano ang pagtuturing ng Diyos sa mga lalabag sa Kaniyang mga utos na ang isa sa mga ito ay ang pagbabawal ng pag-aasawa sa hindi kabilang sa bayan ng Diyos o hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

Hebreo 10:27 Magandang Balita Biblia
“Wala nang natitira kundi ang nakapangingilabot na paghihintay sa darating: ang Paghuhukom at ang nagngangalit na apoy na tutupok sa mga KALABAN NG DIYOS!”

Sila ay ituturing ng Diyos na Kaniyang mga KALABAN dahil sa pag-aasawa nila sa mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan o hindi kaanib sa Iglesia. Kaya, ang isang kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na LUMABAG SA KAUTUSANG ITO ay ITINITIWALAG sa Iglesia dahil sa kaniyang ginawang MALAKING KASAMAAN LABAN SA DIYOS.

TANONG: Sino ang isa sa halimbawa na lingkod ng Diyos na nakagawa ng MALAKING KASAMAAN LABAN SA DIYOS dahil sa PAG-AASAWA?

Nehemias 13:27 at 26
“Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na MALAKING KASAMAANG ITO, na sumalangsang laban sa ating Dios SA PAGAASAWA SA MGA BABAING TAGA IBANG LUPA? Hindi ba NAGKASALA SI SALOMON NA HARI SA ISRAEL sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.”

Si HARING SOLOMON ay nakagawa ng MALAKING KASAMAAN laban sa Diyos dahil sa PAG-AASAWA niya ng mga BABAING TAGA IBANG LUPA o HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL o HINDI KABILANG SA MGA LINGKOD NG DIYOS.

Kaya, ang pagbabawal ng Iglesia ni Cristo sa mga kaanib na mag-asawa sa mga hindi kaanib ng Iglesia ni Cristo ay kautusan na ibinigay ng Diyos mula pa noong una. ANG PAG-AASAWA SA HINDI KAPANANAMPALATAYA ay isang MALAKING KASAMAAN. Hindi ipinagbabawal ng Iglesia ni Cristo ang mag-asawa. Ang bawal ay ang pag-aasawa sa mga hindi kabilang sa Kaniyang bayan.

TANONG: Sa panahong Cristiano, sino ba ang itinuturing ng Diyos na Kaniyang bayan o Kaniyang lingkod?

1 Pedro 2:9-10 Magandang Balita Biblia
“Datapwat kayo ay isang lahing HINIRANG, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos.  PINILI kayo ng Diyos upang maging kanya at maghayag ng mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang TUMAWAG SA INYO MULA SA KADILIMAN TUNGO SA kanyang kagila-gilalas na KALIWANAGAN. Dati-rati, kayo'y hindi bayan ng Diyos, ngunit ngayon, KAYO'Y BAYANG HINIRANG NIYA.  Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y sumasainyo ang kanyang awa.”

Malinaw na ipinahayag ni APOSTOL PEDRO na ang mga tunay na Cristiano ay may KAHALALAN mula sa Diyos. Ang sabi sa talata, sila ay HINIRANG, PINILI at TINAWAG. Itinuturing ng Diyos na Kaniyang BANSANG BANAL at BAYANG KANIYANG PAG-AARI. Ayon pa kay APOSTOL PEDRO ang mga taong kabilang sa BAYAN NG DIYOS ay TINAWAG mula sa KADILIMAN at NAILIPAT sa kagilagilalas na KALIWANAGAN.

TANONG: Aling KALIWANAGAN ang tinutukoy na kung saan nalipat ang mga taong napabilang sa bayan ng Diyos?

Colosas 1:12-14
“Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal  sa  KALIWANAGAN; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa KAHARIAN NG ANAK ng kaniyang pagibig; Na SIYANG KINAROROONAN NG ATING KATUBUSAN, NA SIYANG KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN.”

Ang mga taong nailigtas sa KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN o nasa MALING PANANAMPALATAYA o MALING RELIHIYON ay inilipat sa BANAL NA KALIWANAGAN na ito ay ang KAHARIAN NG ANAK na KINAROROONAN NG KATUBUSAN NA SIYANG KAPATAWARAN NG KASALANAN.

TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KAHARIAN NG ANAK NA KINAROROONAN NG KATUBUSAN na dito napapabilang ang mga tunay na Cristiano  na itinuturing ng Diyos na KANIYANG BAYAN?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang IGLESIA NI CRISTO ang KAHARIAN NG ANAK na TINUBOS o BINILI niya ng kaniyang dugo. Ito ang BAYAN NG DIYOS sa PANAHONG CRISTIANO.

HINDI KAILANMAN IPINAGBABAWAL SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO ANG PAG-AASAWA SA MGA KAANIB.


Ang UTOS NG DIYOS ay HUWAG “MAKIPAMATOK” o “MAG-AASAWA” sa mga HINDI KAPANANAMPALATAYA o HINDI KABILANG SA BAYAN NG DIYOS o HINDI KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.

No comments:

Post a Comment