Hanggang ngayon ay MARAMING
NANINIWALA na ang LAHAT NG RELIHIYON
ay pawang sa DIYOS. Dahil
dito, naging karaniwang ugali na ng mga tao ang HINDI PAGSUSURI o PAGSISIYASAT
sa relihiyong kanilang kinaaaniban. Naniniwala sila na TAMA at TOTOO ang alinmang relihiyong kanilang kinabibilangan. Mayroon
namang mga tumututol kapag itinuturo ng IGLESIA NI CRISTO na dapat siyasatin ng tao ang
relihiyong kaniyang kinaaaniban.
Ayon sa iba:
“PARE-PAREHO LAMANG
DAW ANG MGA RELIHIYON—SAPAT NA DIUMANO ANG SILA’Y KUMILALA SA DIYOS. “
TANONG: Tama ba ang
isipang ito? Ganito ang nilalaman ng isang bahagi ng sulat ni Apostol
Pablo:
Galacia 1:13-14 Salita ng Buhay
“ALAM NINYO ANG
BUHAY KO NOONG NASA RELIHIYON PA AKO NG MGA JUDIO—kung paanong labis kong pinag-usig
ang mga cristiano. sinikap kong lipulin silang lahat. SA MGA KASINGGULANG KO AY WALA NANG MAS
DEBOTO PA SA AKIN SA AMING RELIHIYON. SINIKAP KONG SUNDIN NANG GANAP
ANG LAHAT NG MATATANDANG KAUGALIAN AT ALITUNTUNIN NG AKING RELIHIYON.”
Si APOSTOL PABLO ay dating masugid na
mang-uusig sa mga Cristiano. SIYA AY
TINATAWAG NOON SA PANGALANG SAULO AT KAANIB SA RELIHIYONG JUDAISMO. HINDI
KARANIWANG KAANIB SA JUDAISMO SI PABLO ayon sa talatang ating nabasa SIYA AY ISANG DEBOTO AT NAGSIKAP NA SUNDING
GANAP ANG LAHAT NG MATATANDANG KAUGALIAN AT ALITUNTUNIN NG KANIYANG RELIHIYON.
Ngunit iniwan niya
ang JUDAISMO nang siya ay TAWAGIN ng PANGINOONG JESUCRISTO sa TUNAY
NA PAGLILINGKOD.
I Timoteo 1:12
“NAGPAPASALAMAT AKO
sa kaniya na nagpapalakas sa akin, KAY CRISTO JESUS NA PANGINOON NATIN, sapagka't
ako'y inari niyang tapat, na AKO'Y
INILAGAY SA PAGLILINGKOD SA KANIYA”
Ayon mismo kay
Apostol Pablo, INILAGAY SIYA SA
PAGLILINGKOD.
TANONG: Bakit
kailangan pa siyang ilagay sa paglilingkod kung ginagawa naman niya ito sa
relihiyong Judaismo na kaniyang kinaaaniban? Saan siya inilagay ng Diyos
kasama ng iba pa upang maisagawa ang tunay na paglilingkod? Ganito ang
itinuro niya sa;
I Corinto 12:28
“At ANG DIOS AY
NAGLAGAY ng ilan SA IGLESIA, una-una'y
mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka
mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga
wika.”
Bagaman nagsikap
siyang maglingkod, hindi tinanggap ng Diyos ang paglilingkod ni Apostol Pablo
nang siya ay kaanib pa sa relihiyong Judaismo. Kinailangang siya’y ILAGAY o DALHIN ng DIYOS sa
paglilingkod sa LOOB ng IGLESIANG ITINATAG NG PANGINOONG JESUCRISTO.
Kaya siya inilagay sa
IGLESIA ay dahil dito lamang niya
maaaring isagawa ang paglilingkod na tatanggapin ng Diyos.
ANG PINAGTUUNAN NG PANSIN:
Kaya NALILIHIS at NAGKAKAMALI ang marami sa pagpili ng relihiyon ay sapagkat sa iba
nakatuon ang kanilang pansin.
TANONG: Ano lamang
ang pinagtuunan nila ng pansin? Ito ang sagot ni Apostol Pablo.
Roma 10:2-3 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat saksi akong
SILA'Y NAGSISIKAP NA MAGING KALUGUD-LUGOD SA DIYOS. MALI NGA LAMANG ANG
KANILANG NAGING BATAYAN. Dahil hindi nila kinilala ang
katuwirang mula sa Diyos, at NAGSISIKAP
SILANG GUMAMIT NG SARILI NILANG PAMAMARAAN; HINDI SILA SUMUNOD SA PAMAMARAANG
ITINAKDA NG DIYOS.”
Maraming tao ang
nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos, ngunit ang ginagawa nila’y AYON LAMANG SA KANILANG SARILING AKALA.
Hindi nila pinag-uukulan ng pansin kung TAMA
o MALI ang kanilang batayan sa
paglilingkod sa Diyos. Hindi na ang nais ng Diyos ang kanilang ginagawa
kundi ang SARILI NILANG GUSTO at PAMAMARAAN, sa halip na ang pamamaraan
ng Diyos.
TANONG: Kaya, paano magiging tunay ang kanilang relihiyon samantalang mali at
hindi tunay na aral ng Diyos ang kanilang sinusunod? Ganito ang sinasabi ng Diyos sa mga ganitong uri ng tao.
Isaias 29:13 Magandang Balita Biblia
“Sasabihin naman ni Yahweh: "Yamang SA SALITA LAMANG MALAPIT SA AKIN ANG MGA
TAONG ITO, AT SA BIBIG LAMANG NILA AKO PINARARANGALAN, KAYA MALAYO SA AKIN ANG
KANILANG PUSO, AT AYON LAMANG SA UTOS NG TAO ANG KANILANG PAGLILINGKOD;”
Gaano man KASIGASIG at KATIYAGA ang mga tao sa PAGSAMBA
at PAGLILINGKOD sa Diyos, MAWAWALAN NG KABULUHAN ANG LAHAT NG
MGA ITO KUNG ANG PAGSAMBA NILA AY BATAY LAMANG SA TUNTUNING GAWA NG TAO.
Dahil dito, MARAPAT MAGSIYASAT ANG MGA TAO.
Baka naging palagay na ang kanilang kalooban na wasto at tinatanggap ng Diyos
ang ginagawa nilang paglilingkod dahil buong tiyaga nila itong ginagawa.
Ngunit ang HINDI NILA NAMAMALAYAN AY
HINDI NAMAN WASTONG ARAL ANG KANILANG SINUSUNOD.
Samantala, ang iba
naman ay nahuhulog sa layuning magtamo ng MATERIAL
NA PAKINABANG kapag naglilingkod sa Diyos:
Ezekiel 33:31
“At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at
sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at KANILANG DINIDINIG ANG IYONG MGA SALITA, NGUNI'T HINDI NILA GINAGAWA;
SAPAGKA'T sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig,
nguni't ANG KANILANG PUSO AY NASA
KANILANG PAKINABANG.”
MAY MGA TAGAPANGARAL NGAYON NA ANG BINIBIGYANG-DIIN AY ANG UKOL SA
MATERIAL na biyayang diumano’y ibibigay ng Diyos kung
susundin nila ang mga utos ng Diyos na itinuturo nila. Iniaalok nila sa
mga tao na sila ay ilalapit sa Diyos para magkaroon ng TRABAHO, makapag-ABROAD, YUMAMAN, SUMAGANA at iba
pang materyal na pangarap ng mga tao. Ito ang nakapang-aakit sa mga
taong nasa KAGIPITAN at MATINDING PANGANGAILANGAN kaya
agad-agad silang sumusunod sa mga TUSONG
TAGAPANGARAL. Mangyari pa, ang hinahangad ng mga tao ay ang
pakinabang na katumbas ng kanilang gagawing paglilingkod. Ang ganitong
relihiyon ay WALANG BISA at DAPAT LAYUAN.
II Timoteo 3:5 Salita Ng Buhay
“NATURINGANG MAY
RELIHIYON SUBALIT WALA NAMANG BISA IYON SA KANILANG BUHAY. LAYUAN MO ANG
GANYANG MGA TAO.”
ANG DAANG PATUNGO SA
KALIGTASAN:
Napakahalaga at
kailangang matiyak natin na ang relihiyong ating kinaaaniban ay tunay na sa
Diyos. Dapat din nating matiyak na ito ang tamang daang patungo sa Diyos
at sa kaligtasan.
Ang DAANG PATUNGO SA KALIGTASAN ay itinuro
ng Panginoong Jesucristo.
Matthew 7:13-14 The Living Bible
“HEAVEN CAN BE
ENTERED ONLY THROUGH THE NARROW GATE! The
highway to hell is broad, and its gate is wide enough for all the
multitudes who choose its easy way. But THE GATEWAY, TO LIFE IS SMALL, AND THE ROAD IS NARROW, AND ONLY A FEW
EVER FIND IT.”
Salin sa Filipino:
"ANG LANGIT AY
MAPAPASOK LAMANG SA PAMAMAGITAN NG MAKIPOT NA PINTUAN! Ang daan patungo sa impiyerno ay malapad, at ang kaniyang
pintuan ay sadyang maluwang para sa karamihan na ang pinili ay ang magaang na
pagdaan dito. Subalit ANG PINTUANG
DAAN PATUNGO SA BUHAY AY MALIIT, AT ANG DARAANAN AY MAKIPOT, AT ILAN LAMANG ANG
NAKASUSUMPONG NITO."
Hindi kataka-taka na MARAMING TAO ANG MAPAPAHAMAK at IILAN LAMANG ANG MALILIGTAS. Ito
ay sapagkat ang pipiliin ng marami ay ang pintuang maluwang, yaong magaang na
pasukan. Madaling pumasok sa maluwang na pintuan, ngunit ito ay patungo
sa kapahamakan o impiyerno. Samantala, ang pintuang-daan patungo sa buhay
ay maliit at makipot, kaya ilan lamang ang nakasusumpong nito.
ANG MAKIPOT NA PINTUAN:
TANONG: Sino ang
pintuang makipot na kailangang pasukan ng tao? Ganito ang itinuturo ng
Panginoong Jesucristo:
Juan. 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR;
ANYONE COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.”
Salin sa Filipino:
“AKO ANG PINTUAN;
SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”
Ayon mismo sa PANGINOONG JESUCRISTO, Siya ang PINTUANG DARAANAN upang MAKAPASOK SA LOOB ng KAWAN. Ang SINUMANG PAPASOK DITO sa pamamagitan Niya ay MALILIGTAS.
TANONG: Alin ang
kawan na kinaroroonan ng mga pumasok sa Panginoong Jesucristo at siyang
kinapapalooban ng mga maliligtas?
Acts 20:28 George M. Lamsa
Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all
the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to
feed the CHURCH OF CHRIST which HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”
Salin sa
Filipino:
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na
rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”
Ayon sa
Bibliya, ang KAWAN na ILILIGTAS ng Panginoong Jesucristo ay
ang IGLESIA NI CRISTO.
Ito ang BINILI o TINUBOS Niya ng Kaniyang DUGO.
Kaya, NAPAKALAKING PAGKAKAMALI NG MGA TAO NA
AKALAIN AT PANIWALAAN NA MAAARING MALIGTAS ANG SINUMAN KAILANMA’T SIYA’Y
NAGSISIKAP NA MAGLINGKOD SA DIYOS, SAANMANG RELIHIYON SIYA UMANIB O KAHIT PA
WALA SIYANG KINAAANIBANG RELIHIYON. Hindi mapanghahawakan na
naglilingkod ang mga tao sa Diyos kung ang kanilang batayan ay ang mga aral at
utos ng tao. Kailangang mapabilang ang tao sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO na itinatag at ililigtas ng Panginoong
Jesucristo.
IBIG BA NINYONG
MALIGTAS?
Ang isa sa mga PANGUNAHIN at MAHAHALAGANG hakbang ay ang PAGSUSURI
SA INYONG KINAAANIBANG RELIHIYON at ang PAG-ANIB hindi sa alinmang relihiyon, kundi sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO.
No comments:
Post a Comment