Marami ang nagtatanong kung bakit sinasabi ng mga
kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na ito
ay itinatag ng ating PANGINOONG DIOS
at PANGINOONG JESUCRISTO sa bansang PILIPINAS sa pamamagitan ng HULA o PROPHECY at ang PANGINOONG
JESUCRISTO nga ba nagtatag nito?
Sa pagkakataong ito ay patutunayan natin sa
pamamagitan ng mga HULA na nakasulat
sa BIBLIA kung, papaano nagkaroon ng
IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS?
Iisa-isahin natin ang mga HULA na nagpapatotoo sa KAHALALAN
ng IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas?
Juan 10:16
“At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: SILA'Y KAILANGAN DIN
NAMANG DALHIN KO, AT KANILANG DIRINGGIN ANG AKING TINIG; AT SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN,
AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”
Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas?
Ang sabi ng Panginoong JesuCristo, MAYROON
PA SIYANG IBANG MGA TUPA
NA WALA PA SA KULUNGAN
NOONG SIYA’Y NARITO PA SA LUPA. ANG MGA ITO AY DADALHIN NIYA AT KANILANG
DIRINGGIN ANG KANIYANG TINIG, AT SILA’Y GAGAWIN NIYANG ISANG KAWAN AT MAGKAKARON NG
ISANG PASTOR.
TANONG: Literal bang tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?
Ezekiel 34:31
“At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING
PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”
Literal bang mga tupa na hayop ang tinutukoy ni
Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?
Hindi, kundi sila ay mga TAO na
gagawin ng ating Panginoong JesuCristo na ISANG
KAWAN.
TANONG: Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo?
Gawa 20:28
“Ingatan
ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN,
na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo
ang IGLESIA NG PANGINOON na binili
niya ng kaniyang sariling dugo.”
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong
JesuCristo? Tiniyak ni Apostol Pablo na ang KAWAN ay ang IGLESIA NG
PANGINOON.
Marahil ay
maitatanong ng ilan:
“Bakit ninyo
sinasabi na IGLESIA NI CRISTO ang
nakasulat sa Gawa
20:28 hindi ba maliwanag na mababasa
ang nakalagay diyan ay IGLESIA NG
PANGINOON. At ang tinutukoy na PANGINOON
diyan ay ang DIYOS.”
Heto ang tanong ko sa mga may ganyang kaisipan,
lalo na sa mga PUSAKAL na MANG-UUSIG sa IGLESIA NI CRISTO, kapag sila naman ang tinanong mo ay hindi alam
ang isasagot. Aamagin ang tanong mo pero hindi nila sasagutin dahil wala silang
maisasagot sa tanong. Ang kanilang palusot ay mag-iiba ng topic.
Kahit hindi na natin gamitin ang GEORGE M. LAMSA TRANSLATION of the
Bible.
1. Sino ba
ang TUMUBOS o BUMILI ng DUGO sa IGLESIA?
a.
Ang DIYOS
b.
Si CRISTO
2. Sino ba
ang may DUGO?
a.
Ang DIYOS
b.
Si CRISTO
Balikan natin ang ISSUE:
TANONG: Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28?
Gawa 2:36
“Pakatalastasin
nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo
sa Gawa 20:28?
ANG PANGINOON AY SI CRISTO.
Samakatuwid, ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Kung gayon, gagawin ni Cristong IGLESIA NI CRISTO ang Kaniyang IBANG MGA TUPA noong narito pa Siya sa
lupa na wala pa sa kulungan o wala pa sa IGLESIA
NI CRISTO noong UNANG SIGLO
TANONG: Sinu-sino itong mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon at
sinu-sino naman itong wala pa sa kulungan?
Gawa 2:39
“Sapagka't SA INYO ang pangako, at SA INYONG MGA ANAK, at SA LAHAT NG NANGASA MALAYO, MAGING ILAN MAN
ANG TAWAGIN NG PANGINOON NATING DIOS sa kaniya.”
Ang tanong natin ay kung sinu-sino
ang mga tupa ni Jesus na nasa kulungan na at ang mga wala pa sa kulungan
noon. Ang isinagot sa atin ng talata ay ang TATLONG PULUTONG NG MGA TAONG TATANGGAP NG ESPIRITU SANTO.
UNA: “SA INYO”
IKALAWA: “SA INYONG
MGA ANAK”
IKATLO: “SA LAHAT NG
NANGASA MALAYO
MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG DIYOS”.
Ang dalawang naunang pulutong ay
natawag na, kaya ang mga ito’y nasa kulungan na noon o natawag na sa unang
Iglesia Ni Cristo. Ngunit itong huli o ikatlong pulutong ay hindi pa natatawag
noon o wala pa sa unang Iglesia Ni Cristo kundi tatawagin pa lamang sila kaya
ang sabi, “MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN
NG PANINOON NATING DIOS.” Kaya wala pa sila sa kulungan noong si Cristo ay
narito pa sa lupa.
TANONG: Sinu-sino ba itong natawag na o nasa kulungan na noong si Cristo ay
narito pa sa lupa at sa panahon ng mga Apostol?
Roma 9:24
“Maging sa
atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga JUDIO, kundi naman mula sa mga GENTIL?”
Ang mga natawag na ay ang mga JUDIO at ang mga GENTIL.
Ito ang mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon. Sino naman
itong mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan noon? Ito ang mga NASA MALAYO na noon ay hindi pa
tinatawag kundi tatawagin pa lamang, kaya wala pa sila sa kulungan.
TANONG: Alin itong malayo na kinaroroonan ng mga tupa ni Cristo na wala pa sa
kulungan o hindi pa natatawag noong si Cristo ay narito pa sa lupa?
Isaias 43:6 King
James Version
“I will say
to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring MY SONS FROM FAR, AND MY DAUGHTERS FROM THE
ENDS OF THE EARTH;
Salin sa Filipino:
Isaias 43:6
“Aking
sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo
rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA
MULA SA MALAYO, AT ANG AKING MGA
ANAK NA BABAE NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA;”
Ang mga anak ng Diyos na lalake at babae na siya
ring ibang mga tupa ni Cristo ay magmumula sa MALAYO at MGA WAKAS NG LUPA. Kaya nga ang banggit ni
Cristo kanina ay WALA PA SA KULUNGAN
noong narito pa Siya sa lupa dahil;
UNA: MALAYO ANG DAKO o MALAYO SA BANSANG ISRAEL ang pagmumulan ng ibang mga tupa ni
Cristo.
IKALAWA: MALAYO ANG PANAHON ng PAGLITAW.
Malayo sa panahon ni Cristo at ng mga Apostol ang pagtawag sa mga IBANG MGA TUPA ni Cristo.
Talakayin
muna natin ang DAKO o BANSANG pagmumulan ng IBANG MGA TUPA NI CRISTO.
TANONG: Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo na
sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos?
Isaias 43:5-6
“Huwag kang
matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi MULA SA SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking
sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; DALHIN MO RITO ANG AKING MGA ANAK NA LALAKE
NA MULA SA MALAYO,
AT ANG AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA;
Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang
mga tupa ni Cristo na sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos? Ang sabi ng Diyos mismo, MULA SA SILANGANAN at MULA SA MALAYO. Kung gayon sa MALAYONG SILANGAN magmumula ang IBANG MGA TUPA ni Cristo.
ANG SABI NG
IBA:
Bakit daw
natin PINAGDUDUGTONG ang MALAYO at SILANGAN sa Isaias 43:5-6 wala raw mababasang MALAYONG SILANGAN sa Biblia. May mababasa raw na
salitang MALAYO na ito ay nasa talatang 6
at may mababasa raw na salitang SILANGAN
na ito naman ay nasa talatang 5 ngunit iyong salitang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT ay wala raw mababasa.
Hindi totoo ang sinasabi nila, sapagkat sa BIBLIANG INGLES ay mas maliwanag na
mababasa ang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT.
Isaiah 43:5 James
Moffatt Translation
“From the FAR EAST will I bring your offspring …”
Salin sa Pilipino:
Isaias 43:5
“Mula sa MALAYONG SILANGAN ay aking dadalhin ang
iyong lahi…”
Hindi ba maliwanag na FAR EAST o MALAYONG SILANGAN
ang nabasa natin? Maliwanag. Bakit sa BIBLIANG TAGALOG ay wala iyong MALAYONG
SILANGAN? Kung wala man, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga
nagsalin ng BIBLIANG TAGALOG.
TANONG: Alin itong bansa sa malayong Silangan na kinatuparan ng hula
na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo?
WORLD HISTORY. Madison
United States Armed Forces Institute, 1942,; by: Boak, Arthur E. R., Slosson,
Preston, and Anderson, Howard R. p. 445
“The PHILIPPINES were Spain’s share of the
first colonizing movement in the FAR
EAST.”
Salin sa Filipino:
“Ang PILIPINAS ay naging bahagi ng Espanya
sa unang kilusan sa pananakop sa MALAYONG
SILANGAN.”
Maliwanag na pinatutunayan ng kasaysayan na ang MALAYONG SILANGAN na binabanggit sa
Biblia ang katuparan ay ang PILIPINAS.
Ang kinikilala ng Dios na Kaniyang mga anak na lalake at babae,
sabi ni Jesus, Sila ay Kaniyang dadalhin at diringgin ang Kanyang tinig
at sila ay gagawin Niyang isang KAWAN
o IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang
lilitaw sa Pilipinas?
Isaias 43:5-7 King
James Version
“Fear not:
for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from
the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back:
bring MY SONS FROM FAR, and MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH;
Even EVERY ONE THAT IS CALLED BY MY NAME:
for I HAVE CREATED him FOR MY GLORY, I have formed him; yea, I HAVE MADE HIM.”
Salin sa Filipino:
Isaias 43:5-7
“Huwag kang
matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa
silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan,
Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO,
at ang aking MGA ANAK NA BABAE NA MULA
SA WAKAS NG LUPA; Bawa't TINATAWAG
SA AKING PANGALAN, at YAONG AKING
NILIKHA ay SA AKING KALUWALHATIAN,
yaong aking inanyuan oo, YAONG AKING
GINAWA.”
Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni
Cristo ang lilitaw sa Pilipinas? Ang sabi sa talata ang mga anak na lalake at
babae na mula sa MALAYONG SILANGAN
o PILIPINAS ayon sa hula, SILA
AY TATAWAGIN SA KANYANG PANGALAN. Aling pangalan? YAONG PANGALAN NA KANIYANG NILIKHA o GINAWA para sa Kaniyang KALUWALHATIAN.
TANONG: Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kaniyang
kaluwalhatian?
Gawa 2:36
“Pakatalastasin
nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA
NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa
Kaniyang kaluwalhatian? Ang pangalang CRISTO.
TANONG: Ang pangalang Cristo ba ay sa
ikaluluwalhati ng Diyos?
Efeso 2:9-10
“Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,
upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING
GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG SIYA NATING LAKARAN.”
Ang pangalang
Cristo ba ay sa ikaluluwalhati ng Diyos? Ang sabi ni Apostol Pablo, TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY
CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG
SIYA NATING LAKARAN..
TANONG: Papaano ba kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang
mga tupa Niya?
Roma 16:16 New
Pilipino Version
“Magbatian
kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”
Papaano kung itawag ang pangalang Cristo sa mga
kinikilala Niyang mga tupa Niya? IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano ang kahalagahan ng pangalang Cristo? Ito ba ay
walang kabuluhan? Dapat ba itong baguhin o palitan?
Gawa 4:10-12 Magandang
Balita Biblia
“Talastasin
ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong
harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng PANGALAN NI JESUCRISTONG TAGA-NAZARET. Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling
binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito 'Ang batong itinakwil ninyong mga
tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.' KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG
NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG
TAO."
Ito ang katuparan ng hula ng Dios na ang IGLESIA NI CRISTO ay lilitaw sa PILIPINAS. Ang pangalang ibinigay ng
Dios. Ang pangalang sunod sa may-ari ng Iglesia sa ikaluluwalhati ng Dios. Sa
kanino mang iba o sa ibang relihiyon ay walang kaligtasan.
Talakayin naman natin ang PANAHON ng PAGLITAW o PAGTAWAG ng Diyos sa IBANG MGA TUPA NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO sa MALAYONG SILANGAN o PILIPINAS.
TANONG: Kailan itinakda ng hula ang paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia Ni Cristo?
Isaias 43:5-6 King
James Version
“Fear not:
for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from
the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back:
bring my sons from far, and my daughters from the ENDS OF THE EARTH.”
Salin sa Filipino:
Isaias 43:5-6
“Huwag kang
matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa
silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan,
Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak
na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa MGA WAKAS NG LUPA;”
Ang panahong itinakda ng Diyos sa paglitaw ng IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS ayon sa HULA ng Biblia ay sa MGA
WAKAS NG LUPA. Kailan itong MGA WAKAS NG LUPA?
Upang matiyak natin ito, kailangan nating pag-aralan ang pagkakahati ng
panahon ni Cristo.
TANONG: Sa ilang hati nababahagi ang panahon ni Cristo o panahong
Cristiano?
Apocalipsis 5:1
“At nakita
ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang ISANG AKLAT na may sulat sa loob at sa labas, NA TINATAKANG MAHIGPIT NG PITONG TATAK.”
Mapapansin natin sa talatang ating nabasa na tila
malayo ang sagot sa ating tanong. Ang itinatanong natin ay kung sa ilang
bahagi nahahati ang panahon ni Cristo o panahong Cristiano? Ang isinagot sa
atin ng Biblia ay ISANG AKLAT NA MAY
PITONG TATAK.
TANONG: Tunay na aklat kaya itong natatakan ng pitong tatak?
Isaias 29:11
“At ANG LAHAT NG PANGITAIN AY NAGING SA INYO'Y GAYA NG MGA SALITA
NG AKLAT na natatatakpan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong
bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang
sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatakan;”
Samakatuwid, hindi tunay o literal na aklat sa
kalagayan itong AKLAT na NATATATAKAN ng PITONG TATAK kundi ito ay PANGITAIN.
TANONG: Alamin natin kung ang panahon ba ni Cristo o panahong
Cristiano ay ipinakita sa mga pangitain?
Apocalipsis 1:10 at 17-19
Apocalipsis 1:10 “AKO'Y NASA ESPIRITU NANG ARAW
NG PANGINOON, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad
sa isang pakakak.”
Apocalipsis 1:17 “AT NANG SIYA'Y AKING MAKITA, AY NASUBASOB AKONG WARING PATAY sa
kaniyang paanan. At IPINATONG NIYA SA
AKIN ANG KANIYANG KANANG KAMAY, NA SINASABI, Huwag kang matakot; ako'y ang
una at ang huli,”
Apocalipsis 1:18 “At ang Nabubuhay; at ako'y
namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi
ng kamatayan at ng Hades.”
Apocalipsis 1:19 “ISULAT MO NGA ANG MGA BAGAY NA NAKITA MO, AT ANG MGA BAGAY NGAYON, AT
ANG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA DARATING;”
Ipinakita ba sa pangitain ang panahon ni Cristo o
panahong Cristiano? Ipinakita kay APOSTOL
JUAN upang maisulat niya ang mga pangyayaring magaganap sa buong panahon ni
Cristo.
TANONG: Sa ilang bahagi ba nahahati ang buong panahon ni Cristo?
SAGOT: Nahahati ito sa PITONG TATAK o PITONG BUKO NG PANAHON.
TANONG: Saan sa pitong bukong ito ng panahon o pitong tatak ang
tinatawag na MGA WAKAS NG LUPA?
SAGOT: Sa DULO NG IKA-ANIM NG TATAK at sa SIMULA NG IKA-PITONG TATAK. Ito ang tinatawag na MGA WAKAS NG LUPA.
TANONG: Bakit ang sabi ay MGA WAKAS NG LUPA?
SAGOT: Sapagkat ANG DULO NG IKA-ANIM NA TATAK AY ISANG WAKAS at ANG SIMULA NG IKA-PITO AY WAKAS DIN,
sapagkat ITO ANG WAKAS NG HATI NG
PANAHON NI CRISTO, at SA DULO NG IKA-PITONG
TATAK AY WAKAS NAMAN NG SANLIBUTAN.
Kaya kung tawagin ANG DULO NG IKAANIM, at SIMULA
NG IKAPITONG TATAK ay MGA WAKAS NG LUPA.
TANONG: Anong petsa
itong MGA WAKAS NG LUPA sa
ating kalendaryo?
Upang ito ay matiyak natin, alamin muna natin ang
pangyayaring naganap sa DULO NG IKAANIM
NA TATAK?
Apocalipsis 6:12
“AT NAKITA KO NANG BUKSAN NIYA ANG IKAANIM NA TATAK,…”
Ano ang pangyayaring naganap sa dulo ng ikaanim na
tatak? Ang sabi sa talata, BINUKSAN ANG
IKAANIM NA TATAK.
TANONG: Ano ang pangyayaring naganap sa DULO nito?
Apocalipsis 6:15
“AT ANG MGA HARI SA LUPA, AT ANG MGA PRINSIPE, AT ANG MGA PANGULONG
KAPITAN, AT ANG MAYAYAMAN, AT ANG MGA MAKAPANGYARIHAN, AT ANG BAWA'T ALIPIN AT
ANG BAWA'T LAYA, AY NAGSIPAGTAGO SA MGA YUNGIB AT SA MGA BATO SA MGA BUNDOK;”
Ano ang pangyayaring naganap sa dulo ng ika-anim
na tatak? NAGSIPAGTAGO SA MGA
YUNGIB AT MGA BATO SA MGA BUNDOK ANG LAHAT NG URI NG MGA TAO.
TANONG: Ano ang dahilan ng kanilang pagtatago?
Jeremias 4:13 at 23 at 19
Jeremias 4:13 “Narito, siya'y sasagupang
parang mga ulap, at ANG KANIYANG MGA
KARO AY MAGIGING PARANG IPOIPO ANG KANIYANG MGA KABAYO AY LALONG MATULIN KAY SA
MGA AGUILA. Sa aba natin! sapagka't
tayo'y nangapanamak.”
Jeremias 4:23 “Aking minasdan ang lupa, at,
narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag.”
Jeremias 4:19 “Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ANG DIBDIB KO AY KAKABAKABA, hindi ako
matahimik; sapagka't IYONG NARINIG,
Oh kaluluwa ko, ANG TUNOG NG PAKAKAK,
ANG HUDYAT NG PAKIKIPAGDIGMA.”
Ano ang dahilan ng kanilang pagtatago? Sapagkat may naganap na DIGMAAN nang panahong yaon.
Sinasabi sa aklat ni PROPETA JEREMIAS na ito ay isang HULA na may darating at ito ay
sasagupang parang mga ulap. Na ito ay gagamitan ng mga;
KARO NA PARANG IPO-IPO at
MGA KABAYONG MAS MATULIN PA KAY SA MGA AGILA.
Na ang mga tao sa panahong ito ay
KAKABAHAN at MATATAKOT kapag narinig ang TUNOG
NG PAKAKAK o TRUMPETA na ito ay
hudyat ng PAKIKIPAGDIGMA.
Samakatwid ito ay isang uri ng digmaan na makabago at ito ay
HINDI SA PANAHON NI PROPETA JEREMIAS MAGAGANAP KUNDI SA HINAHARAP sapagkat
GAGAMITAN NG MGA MAKABAGONG KASANGKAPANG PANGDIGMA.
Ating tatalakayin, itong “KARO
NA PARANG IPO-IPO” at ang mga “KABAYO
NA MABILIS PA KAY SA MGA AGILA”.
TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng KARO?
Basahin natin sa BIBLIANG INGLES iyong talatang Jeremias 4:13 na
binasa natin kanina.
Jeremiah 4:13 King James Version
“Behold, he
shall come up as clouds, and his CHARIOTS shall be as a
whirlwind: his horses are swifter than eagles. Woe unto us! for we are
spoiled.”
Ang KARO ay
tinatawag sa INGLES na CHARIOT o KARWAHE sa
ibang salita sa tagalog.
Wala tayong mahahagilap sa mga aklat ng kasaysayan
na nagkaroon ng kasangkapang pangdigma na KARO
o KARWAHE na parang ipo-ipo noong
unang panahon. Kaya ating natitiyak na ang binabanggit ng talata ay sa FUTURE pa
mangyayari at hindi sa panahon ni PROPETA
JEREMIAS.
TANONG: Ano bang makabagong kasangkapang pangdigma ang hinango ang konsepto sa
isang KARWAHE o KARO at maihahambing
sa isang IPO-IPO?
ENCARTA ENCYCLOPEDIA, © 1993-2003 Microsoft Corporation. All rights
reserved.
“TANK,
heavily armored track-laying, or treaded, military vehicle, with cross-country
mobility and road speeds up to 97 km/h (60 mph). Tanks are classified as light,
medium, and heavy. They range in weight from approximately 14 to 69 metric
tons, have at least 15 cm (6 in) of armor plate, and mount cannons ranging from
75 mm to 122 mm in the tank's turret. The turret is a structure on top of THE
TANK that CAN ROTATE 360 DEGREES, enabling the tank to fire in any
direction.”
“The
concept of armor protection dates from antiquity. By the 5th century BC Greek
warriors, and sometimes their horses, wore armor. Florentine artist and
scientist Leonardo da Vinci designed a crank-operated covered CHARIOT in 1482.”
Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na KARO NA PARANG IPO-IPO ng Biblia ay
ang isang TANGKENG PANGDIGMA na ayon
sa ENCYCLOPEDIA ang pinaghanguan ng
konsepto ng disenyo nito ay ang isang
CHARIOT o KARWAHE. At
maihahalintulad sa isang IPO-IPO ang
isang tangke sapagkat ito ay may kakayahang umikot ng 360 DEGREES na siya ring katangian ng isang ipo-ipo. Mapapansin
din na ang tangke ay kayang dumaan sa kahit na anong uri ng TERRAIN o ANYO NG LUPA, at NAGIGIBA
ang dinadaanan nito na para bang dinaanan ng isang ipo-ipo.
Sa ano naman tumutukoy ang sinabi ng Biblia na, “MGA KABAYO AY LALONG MATULIN KAY SA MGA
AGUILA”.
Mayroon bang kabayo na lalong MATULIN o mas MABILIS pa sa AGILA?
Kaya dito pa lang atin nang natitiyak na HINDI
LITERAL o TUNAY NA KABAYO ang
tinutukoy ng HULA. Sapagkat
ang bilis ng pinakamatuling kabayo ay 40
MILES PER HOUR lamang
samantalang ang lipad ng isang AGUILA
ay may bilis na mahigit 200
MILES PER HOUR ayon
sa ENCARTA ENCYCLOPEDIA.
Kaya napaka-imposible na mayroong kabayo na mabilis pa sa agila maski na sa
panahon natin ngayon. Maliwanag kung gayon na HINDI LITERAL NA KABAYO ang tinutukoy. Sa ano kaya ito
tumutukoy?
TANONG: Ano bang makabagong
kasangkapang pandigma na mabilis pa agila na itinuturing na kabayo?
WORLD HISTORY. Madison
United States Armed Forces Institute, 1942,; by: Boak, Arthur E. R., Slosson,
Preston, and Anderson, Howard R.; pages
478-479
“THE FIRST WORLD WAR was unlike any war in the past.
…This was the first war in three dimensions; THE FIRST WAR IN WHICH CITIES WERE BOMBED FROM THE AIR AND WINGED WARRIORS
FOUGHT AMONG THE CLOUDS. OF COURSE THE AIRPLANES OF 1914 WERE NOT SO FAST, SO FORMIDABLE, NOR SO
NUMEROUS AS THOSE OF TODAY. THEY WERE REALLY MORE IMPORTANT AS SCOUTS (A KIND
OF AERIAL ‘CAVALRY’),
PHOTOGRAPHING ENEMY MOVEMENTS FROM ABOVE.”
Salin sa Filipino:
“ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay hindi katulad ng anomang
digmaan sa nakaraan. …ITO ANG UNANG
DIGMAAN SA TATLONG LARANGAN; ANG UNANG DIGMAAN NA ANG MGA LUNGSOD AY BINOMBA
MULA SA ITAAS AT ANG MGA MANDIRIGMANG MAY PAKPAK AY NAKIPAGLABAN SA MGA
ALAPAAP. MANGYARI PA NA ANG MGA EROPLANO NOONG 1914 AY HINDI GAANONG
MABIBILIS, HINDI GAANONG MATITIBAY, AT DI GAANONG MARAMI KUMPARA SA
NGAYON. SILA AY TUNAY NA NAGING
MAHAHALAGANG TAGAPAGMANMAN (ISANG URI NG ‘KABAYUHANG’ PANGHIHIMPAPAWID), NA KUMUKUHA NG
LARAWAN NG MGA KILOS NG KALABAN MULA SA ITAAS.”
Ang mga “EROPLANONG PANGDIGMA” noong 1914
ay tinawag na AERIAL CAVALRY na sa tagalog ay KABAYUHANG
PANGHIHIMPAPAWID. Samakatuwid ang mga eroplanong ito ay itinuring na
mga kabayo at ang mga piloto ay tinawag na mga CABALLERO o MANGANGABAYO, na noong panahon na iyon
ang lakas ng kaniyang makina ay tinatawag na HORSE POWER o LAKAS NG
KABAYO. At totoo namang ang eroplanong pangdigma ay higit na mabilis
sa lipad ng isang aguila. Dahil ang mga eroplanong ito ay may kakayahang
lumipad ng higit sa 300 MILES PER HOUR. Ito ang
kinatuparan ng HULA.
TANONG: Kailan ba unang ginamit ang dalawang kasangkapang pangdigmang ito?
Ating tunghayan ang patotoo ng kasaysayan:
ENCARTA ENCYCLOPEDIA;
First World War
“During WORLD WAR I (1914-1918) the British developed and
used the first armored tracklaying vehicles. To maintain secrecy, the vehicles
were shipped to the battle zone in crates marked “TANKS,” hence
the origin of the name.”…“AIRPLANES were first used in large
numbers for military purposes during WORLD WAR I.”
Ginamit sa kauna-unahang pagkakataon ang EROPLANO at TANGKE noong FIRST WORLD WAR
o UNANG DIGMAANG PANGDAIGDIG na
naganap noong 1914 hanggang 1918.
Kailan naganap ang digmaan na binabanggit ng
Biblia na naging dahilan kaya nagsipagtago ang mga tao? Ito ay ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG o FIRST
WORLD WAR.
Sa panahong ito lilitaw ang IBANG MGA TUPA NI CRISTO na sila rin ang MGA ANAK NA LALAKE AT BABAE NG DIYOS, sa panahon ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.
Ang digmaang ito ay ginamitan ng mga makabagong
kagamitang pandigma, gaya ng mga KARO NA
PARANG IPUIPO (MGA TANGKE) at
mga KABAYONG MATULIN PA SA MGA AGILA
(MGA EROPLANO)—tinatawag itong “AERIAL CAVALRY” o KABAYUHANG PANGHIMPAPAWID. Kapag sumasasakay ang mga eroplano
ay may hudyat na tumutunog. Ito ang tunog ng mga sirena na nagbababala sa
mga tao na may pagsalakay sa himpapawid. Kapag narinig ito ng mga tao ay
kumakaba ang kanilang mga dibdib at sila’y nagsisipagtago sa mga yungib na sa
makabagong tawag ay “AIR RAID SHELTER”.
TANONG: Anong uring digmaan itong magaganap sa DULO NG IKAANIM NA TATAK ayon sa hula?
Isaias 34:1-2
“Kayo'y
magsilapit, KAYONG MGA BANSA, upang
mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan; dinggin ng lupa at ng BUONG narito; ng SANGLIBUTAN, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito. Sapagka't
ang Panginoon ay may galit laban sa LAHAT
NA BANSA, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na
nilipol sila, kaniyang IBINIGAY SILA SA
PATAYAN.”
Anong uring digmaan itong magaganap sa dulo ng
ikaanim na tatak ayon sa hula? Ito ay DIGMAAN NG LAHAT NG MGA BANSA SA BUONG
SANLIBUTAN, samakatuwid ay DIGMAANG
PANDAIGDIG.
TANONG:
Kailan naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng Digmaang ito?
HISTORY OF
THE WORLD, VOL VIII, by Ridpath,
page 3409
“Servia’s
answer was handed to the Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the
afternoon of the 25th as it was the reply was term unsatisifactory
and evasive and diplomatic relations were broken off the same evening.
Preparations for war already well forward were vigorously pressed ON
THE 27TH AND
INVATION OF SERVIA WAS BEGUN AND SOON AFTER BELGRADE WAS BOMBARDED.”
Salin Sa Filipino:
“Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade
sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at
umiiwas at ang relasyong diplomatiko at nasira nung gabi ring iyon. Ang
paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang ITINULAK
NOONG IKA 27 ANG
PAGLUSOB SA SERBIA AY NAGSIMULA PAGKATAPOS NA BOMBAHIN ANG BELGRADE.”
Kalian naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng Digmaang ito? Ika 27.
TANONG: Ika 27 ng anong buwan ito?
Lilinawin sa atin ng isa pang aklat pangkasaysayan.
NOW
GOD BE THANKED, by John Masters,
page 112
“ON JULY 27TH,
1914, after four weeks of threats,
counter-threats, entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and
ultimatums, AUSTRIA DECLARED WAR ON SERVIA.”
Sali Sa Filipino:
“NOONG HULYO 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta,
kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga
pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatum, NAGDEKLARA NG
DIGMAAN ANG AUSTRIA SA SERBIA.”
Kailan naganap ang UNANG DIGMAANG PANG BUONG SANLIBUTAN ayon sa ating kalendaryo?
Noong HULYO 27, 1914.
Ang panahong ito ang tinatawag ng Biblia na MGA WAKAS
NG LUPA.
Sa panahong ito itinakda ng HULA ang PAGLITAW sa PILIPINAS ng IGLESIA NI CRISTO na mga TUPA
ni CRISTO na wala pa sa kulungan
noong narito pa Siya sa lupa. Natupad ba ang HULA? Natupad.
Ang IGLESIA
NI CRISTO ay napatala sa pamahalaan ng PILIPINAS
noong HULYO 27, 1914 kasabay ng
pagsiklab ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.
Sino ang nagtayo ng TUNAY na IGLESIA NI CRISTO
na lumitaw sa PILIPINAS noong 1914? Ang DIYOS at si CRISTO sa
bisa ng HULA.
Natupad ito sa pamamagitan ng PAGSUSUGO kay kapatid na FELIX
Y. MANALO sa mga huling araw na ito.
No comments:
Post a Comment