- Walang malay ang maraming tao tungkol sa layunin ni CRISTO sa pagtatayo ng Kaniyang IGLESIA, kaya hindi nila pinahahalagahan ang IGLESIA NI CRISTO.
- Hindi nila alam ang KAHALAGAHAN nito.
- Ang akala nila, ito ay katulad din ng ibang mga Iglesiang itinatag ng kung sinu-sinong tao dito sa mundo.
- Wala ring malay ang maraming tao tungkol sa kung PAANO ITINAYO NI CRISTO ANG KANIYANG IGLESIA.
Kaya't
ito ang ating liliwanagin sa pamamagitan ng mga ARAL na itinuturo ng BIBLIA.
TANONG: Paano itinayo ni Cristo ang Kaniyang Iglesia ayon sa itinuturo ng Banal
na Kasulatan?
Efeso 2:15
“Na inalis ang pagkakaalit sa
pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang
palatuntunan; UPANG SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG
TAONG BAGO, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;”
Paano itinayo ni Cristo
ang Kaniyang Iglesia? Ayon sa pahayag ni Apostol Pablo, NILALANG ni CRISTO ang ISANG TAONG BAGO.
TANONG: Paano nilalang ni Cristo itong ISANG TAONG BAGO?
Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw
ay Pedro, at SA IBABAW NG BATONG ITO
ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay
hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”
Ganito NILALANG
ni CRISTO ang ISANG TAONG BAGO:
“ITINAYO NIYA ANG
KANIYANG IGLESIA SA IBABAW NG BATO.”
TANONG: Sino itong BATO na
pinagtayuan ng Iglesia?
Gawa 4:10-11
“Talastasin ninyong lahat, at ng
buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni JESUCRISTONG TAGA NAZARET,
na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa
kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. SIYA ANG
BATO na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa
panulok.”
Sino ang BATO
na pinagtayuan ng Iglesia? Si CRISTO.
Kung gayon, itinayo ni Cristo ang Kaniyang Iglesia sa Kaniya ring
sarili.
TANONG: Itinayo Niya sa Kaniyang sarili ang Kaniyang Iglesia na ano Niya at ano
naman Siya ng Iglesia?
Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA”
Itinayo ni Cristo ang Kaniyang IGLESIA na KATAWAN Niya
at Siya ang ULO nito. Kaya ang
naging kayarian ay ISANG TAONG BAGO.
TANONG: Bakit ganito ang ginawa ni Cristo? Ano ang layon ni Cristo at
itinayo Niya ang Kanyang Iglesia na katawan Niya at Siya ang lumagay na ulo
nito?
SAGOT: Dahil sa batas ng Diyos sa taong
nagkakasala.
TANONG: Ano ba ang batas ng Diyos sa mga taong nagkakasala?
Ezekiel 18:4 at
20 Magandang Balita Biblia
“Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama
o sa anak, at ANG KALULUWANG MAGKASALA
AY MAMAMATAY… ANG NAGKASALA ANG DAPAT MAMATAY. Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa
kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng
anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa
kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan.”
Ano ang batas ng Diyos sa mga taong nagkakasala?
Kung sino ang nagkasala ang siyang dapat mamatay.
TANONG: Aling kamatayan ang tinutukoy?
Apocalipsis 20:14
“At ANG KAMATAYAN at ang Hades ay ibinulid SA DAGATDAGATANG APOY. ITO ANG
IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid ay
ANG DAGATDAGATANG APOY.”
Aling kamatayan ang tinutukoy? Ang IKALAWANG
KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY
o IMPIYERNO. Kung gayon walang taong
makaliligtas sa parusang ito na itinakda ng Diyos sa mga taong nagkasala.
TANONG: Ilang tao ba ang nagkasala ayon
sa Biblia?
Roma 5:12
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan
ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa
pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ANG
KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA TAO, SAPAGKA'T ANG LAHAT AY NANGAGKASALA:”
Malinaw ang pagtuturo ni Apostol Pablo, ang LAHAT NG TAO AY NAGKASALA.
TANONG: Ano ang napakabigat na kalagayan
ng taong nagkasala?
Roma 3:19
“Ngayon ay nalalaman natin na ang
anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan;
upang matikom ang bawa't bibig, at ANG
BUONG SANGLIBUTAN AY MAPASA ILALIM NG HATOL NG DIOS:”
Kung gayon ang lahat ng tao na nagkasala ay nasa ilalim
ng HATOL NG DIYOS.
TANONG: Ano ang hatol ng Diyos sa taong
nagkasala?
Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na
walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon
natin.”
Ang HATOL NG
DIYOS sa taong nagkasala ay KAMATAYAN.
Subalit kamatayan ba na pagkalagot ng hininga ang ganap na kabayaran ng
kasalanan? HINDI.
TANONG: Alin ang ganap na kabayaran ng
kasalanan?
Apocalipsis 20:14
“At ANG KAMATAYAN at ang Hades ay ibinulid SA DAGATDAGATANG APOY. Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid
ay ang DAGATDAGATANG APOY.”
Ang ganap na kabayaran ng kasalanan ng tao ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY.
TANONG: Sa banggit kanina na ang LAHAT NG TAO AY NAGKASALA, kasama ba si
Cristo sa taong nagkasala?
1 Pedro 2:21-22
“Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y
tinawag: sapagka't SI CRISTO man ay
nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y
mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na SIYA'Y
HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”
Hebreo 4:15
“Sapagka't tayo'y walang ISANG DAKILANG SASERDOTE na hindi
maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa NA TINUKSO SA LAHAT NG MGA PARAAN gaya rin naman natin GAYON MA'Y WALANG KASALANAN.”
Samakatuwid sa pagsasabing LAHAT ng tao ay nagkasala may EXEMPTION.
Sino ang hindi kasama sa taong hindi nagkasala? Si CRISTO lamang ang TANGING
TAONG HINDI NAGKASALA.
TANONG: Kung ang tao ang magbabayad ng kaniyang mga
kasalanan, makababayad ba siya?
SAGOT: Makababayad
siya ngunit hindi siya maliligtas.
TANONG: Kung si Cristo naman ang magbabayad ng
kasalanang ginawa ng tao, may malalabag ba Siyang batas ng Diyos?
SAGOT: Meron, dahil may batas ang Diyos
na kung sino ang nagkasala ay siyang dapat mamatay.
TANONG: Kaya, upang mailigtas ni Cristo ang mga tao
ng ayon sa batas ng Diyos, ano ang ginawa ni Cristo?
SAGOT: Nilalang
ni Cristo ang Kanyang sarili at mga ililigtas Niya na ISANG TAONG BAGO. Si Cristo ang lumagay na ULO upang managot at ginawa Niyang KATAWAN Niya ang mga ililigtas upang
Kaniyang mapanagutan. SA HARAPAN
NG DIYOS, IISA NANG TAO SI CRISTO AT ANG MGA TAONG ILILIGTAS NIYA.
TANONG: Napanagutan ba ni Cristo ang Kaniyang KATAWAN o IGLESIA?
2 Corinto 5:21
“YAONG HINDI
NAKAKILALA NG KASALANAN AY KANIYANG INARING
MAY SALA DAHIL SA ATIN: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.”
Ang sabi ni Apostol Pablo, “YAONG HINDI NAKAKILALA NG KASALANAN AY KANIYANG INARING MAY SALA DAHIL
SA ATIN.” Sino ang tinutukoy sa talata na TAONG HINDI NAKAKILALA NG KASALANAN? Ang ating PANGINOONG JESUCRISTO. Sino naman ang tinutukoy na “DAHIL SA ATIN”? Lahat ba ng
taong MAKABABASA nito at MAKARIRINIG? Hindi.
Bakit? Sapagkat ang salitang “DAHIL
SA ATIN” ay nauukol lamang sa NAGSASALITA
at KINAKAUSAP. Si Apostol
Pablo ang nagsasalita, siya ay MINISTRO
ng IGLESIA at ang kausap niya ay ang
mga KAANIB sa IGLESIA. Kaya ang “DAHIL
SA ATIN” ay tumutukoy sa IGLESIA NA
KATAWAN NI CRISTO. Kung gayon, napanagutan ni CRISTO ang kasalanan ng Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.
TANONG: Ayon sa Biblia, alin ang tiyak na ililigtas ni Cristo?
Efeso 5:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng
kanyang asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG
KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”
Alin ang tiyak na ililigtas ni Cristo? Ang Kaniyang
KATAWAN. Alin itong KATAWAN? Ang IGLESIA. Kung gayon ang IGLESIA na KATAWAN ni
Cristo ang ililigtas Niya.
TANONG: Marami ba ang KATAWAN o IGLESIA na ililigtas ni Cristo?
Roma 12:4-5
“Sapagka't KUNG PAANONG SA ISANG KATAWAN AY MAYROONG TAYONG MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat
ng mga SANGKAP ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO,
at MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”
Ilan ang KATAWAN
o IGLESIA na ililigtas ni
Cristo? IISA LAMANG.
Alin ang marami? Ang MGA SANGKAP.
Sa kabuuan ay SAMA-SAMA sa IISANG KATAWAN o IGLESIA ngunit ang bumubuo ay maraming mga SANGKAP. Kaya hindi sa kung saan-saang
Iglesia o relihiyon dapat sumangkap ang tao para magtamo ng kaligtasan.
Sa Bibliang Ingles sa gayon ding mga talata ay
maliwanag na mababasa kung alin ang SANGKAP ng KATAWAN o IGLESIA na tinutukoy ni Apostol Pablo.
Roma 12:4-5 New King James Version
“For as we have many MEMBERS in one body, but all the MEMBERS do not have the same function, so
we, being many, are ONE BODY IN CHRIST,
and individually MEMBERS of one
another.”
Kung gayon sa ISANG
KATAWAN o ISANG IGLESIA dapat maging MEMBER o KAANIB ang tao para maligtas.
TANONG: Alin itong ISANG KATAWAN NI
CRISTO o ISANG IGLESIA na tanging ililigtas ni
Cristo? Ano puhunan ni Cristo sa Kaniyang
Iglesia?
Acts 20:28 George
M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves
and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to
feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS
BLOOD.”
Salin sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong
mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang
maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”
Alin ang ISANG
KATAWAN NI CRISTO? Ang IGLESIA NI CRISTO. Ano ang puhunan
ni Cristo sa Kaniyang Iglesia? DUGO
NIYA.
TANONG: Ano ang halaga ng dugo ni Cristo sa mga tinubos Niya?
Hebreo 9:14-15
“Gaano pa kaya ANG DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan
ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, AY
MAGLILINIS NG INYONG BUDHI SA MGA GAWANG PATAY UPANG MAGSIPAGLINGKOD SA DIOS NA
BUHAY? At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan,
upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol SA IKATUTUBOS NG MGA
PAGSALANGSANG NA NASA ILALIM NG UNANG TIPAN, ang mga tinawag AY MAGSITANGGAP NG PANGAKO NA MANANG WALANG
HANGGAN.”
Ano ang halaga o nagawa ng dugo ni Cristo sa
kapakanan ng mga tinubos Niya sa makatuwid baga’y ng Iglesia?
- NALINIS ANG KANILANG BUDHI.
- NAGKAROON SILA NG KARAPATANG MAGLINGKOD SA DIYOS NA BUHAY.
- TATANGGAP SILA NG PANGAKONG MANANG WALANG HANGGAN.
TANONG: Hahatulan pa ba ang mga Iglesia Ni Cristo?
Roma 8:1
“Ngayon nga'y WALA NANG ANOMANG HATOL SA MGA NA KAY CRISTO JESUS.”
Hahatulan pa ba ang mga Iglesia Ni Cristo? Wala
nang anumang hatol.
TANONG: Sino itong mga taong na kay Cristo Jesus?
Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw
ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig
laban sa kaniya.”
Sino itong mga taong na kay Cristo Jesus? Ang Kaniyang IGLESIA.
TANONG: Bakit ang IGLESIA ang na kay Cristo Jesus?
Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”
Bakit ang IGLESIA
ang na kay Cristo Jesus? Sapagkat
ang IGLESIA ay KATAWAN Niya at si Cristo ang ULO
nito.
TANONG: Ano ang pangalang itinawag sa IGLESIANG KATAWAN NI CRISTO?
Roma 16:16
“Mangagbatian kayo ng banal na
halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”
Ano ang pangalang itinawag sa Iglesiang katawan ni
Cristo? IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano ang katunayan na ang mga Iglesia ni Cristo ay wala na ngang anomang
hatol?
1 Tesalonica 4:16
“Sapagka't ang Panginoon din ang
bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may
pakakak ng Dios: at ANG NANGAMATAY KAY
CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI;”
Ano ang katunayan na ang mga Iglesia ni Cristo ay
wala na ngang anomang hatol? Ang sabi ni Apostol Pablo, ANG NANGAMATAY KAY CRISTO o IGLESIA NI CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA
MAGULI.
TANONG: Ano naman ang kapalaran ng mga unang mabubuhay na mag-uli?
Apocalipsis 20:6
“MAPALAD AT BANAL ANG MAKALAKIP SA
UNANG PAGKABUHAY NA MAGULI: SA MGA ITO'Y WALANG KAPANGYARIHAN ANG IKALAWANG
KAMATAYAN; KUNDI SILA'Y MAGIGING MGA SASERDOTE NG DIOS AT NI CRISTO, AT
MANGAGHAHARING KASAMA NIYA SA LOOB NG ISANG LIBONG TAON.”
Ano ang kapalaran ng mga unang mabubuhay na mag-uli? Walang
kapangyarihan ang IKALAWANG KAMATAYAN.
Kanino? Sa mga UNANG
MABUBUHAY NA MAG-ULI. Sinu-sino sila? ANG MGA KAY CRISTO. Sinu-sino
itong mga kay Cristo? ANG MGA
SANGKAP NG KANIYANG KATAWAN o IGLESIA.
Alin naman itong ikalawang kamatayan? Ito ang DAGAT-DAGATANG APOY. Samakatuwid, wala na ngang hatol ang mga
IGLESIA NI CRISTO. Napakapalad
ng maging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano pa ang lalong dakilang kapalaran ng mga Iglesia ni
Cristo?
Efeso 3:6
“NA ANG MGA GENTIL
AY MGA TAGAPAGMANA,
AT MGA KASANGKAP NG
KATAWAN, AT MGA MAY BAHAGI SA PANGAKO NA KAY CRISTO JESUS SA PAMAMAGITAN
NG EVANGELIO,”
Sinabi ni Apostol Pablo na ang mga Gentil ay naging
TAGAPAGMANA. Bakit?
Sapagkat sila’y naging KASANGKAP NG
KATAWAN o KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO.
Samakatuwid, mapalad ang IGLESIA NI
CRISTO sapagkat;
UNA: Sila ay wala nang anumang hatol.
IKALAWA: Sila ay magiging tagapagmana.
TANONG: Ano naman ang mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo?
2 Pedro 3:13
“Nguni't, ayon sa kaniyang PANGAKO, ay naghihintay tayo ng BAGONG LANGIT AT NG BAGONG LUPA, NA TINATAHANAN NG KATUWIRAN.”
Ano ang mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo? ANG
BAGONG LANGIT AT NG BAGONG LUPA, NA TINATAHANAN NG KATUWIRAN.
TANONG: Alin itong bagong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran na
mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo?
Apocalipsis 21:1-4
“At nakita ko ang ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG
LUPA: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat
ay wala na. At nakita ko ANG BAYANG
BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na
nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang
asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na
nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao at siya'y mananahan
sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at
magiging Dios nila: At PAPAHIRIN NIYA
ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN;
HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN:
ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”
Alin itong bagong langit at bagong lupa na
tinatahanan ng katuwiran na mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo? ANG BAYANG BANAL. Ano ang
magiging uri ng buhay doon? WALA
NG PAGLUHA, WALA NANG KAMATAYAN,
WALA NG DALAMHATI O PANAMBITAN MAN, O HIRAP PA MAN. Lahat ng
nararanasan ng tao dito sa mundo ay papalitan ng Diyos ng PERPEKTONG PAMUMUHAY. Kaya napakahalaga na maging SANGKAP NG KATAWAN o IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano ang itinuro ni Cristo na ikaliligtas sa parusa ng mga tao na hindi
pa sangkap ng KATAWAN o IGLESIA Niya?
John 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR,
ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE...”
Salin sa Filipino:
Juan 10:9
“AKO ANG PINTUAN,
SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”
Ano ang utos ni Cristo upang ang tao ay maligtas?
Pumasok sa Kaniya bilang PINTUAN.
Paano ang pagpasok kay Cristo? Sa pamamagitan ng pagpasok sa loob ng KAWAN.
TANONG: Alin ang kawan na doon dapat
pumasok ang tao upang maligtas?
Acts 20:28 George
M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves
and to all the FLOCK over which the
Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”
Salin sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong
mga sarili at ang buong KAWAN na
rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya
ng kaniyang dugo.”
Ang KAWAN
ay walang iba kundi ang IGLESIA NI
CRISTO na dito dapat maging SANGKAP o PUMASOK o UMANIB o
maging MIYEMBRO ang tao para MALIGTAS.
TANONG: Ano ang gagawin sa mga hindi pumasok kay Cristo o hindi sumangkap
sa katawan ni Cristo o sa madaling salita ay ayaw umanib sa Iglesia ni
Cristo?
Lucas 13:24-28
“MAGPILIT KAYONG MAGSIPASOK
SA PINTUANG MAKIPOT: sapagka't sinasabi ko sa inyo na MARAMI ANG MANGAGSISIKAP NA PUMASOK, AT HINDI MANGYAYARI. KUNG MAKATINDIG NA ANG PUNO NG SANGBAHAYAN,
AT MAILAPAT NA ANG PINTO, AT MAGPASIMULA KAYONG MANGAGSITAYO SA LABAS, AT
MANGAGSITUKTOK SA PINTUAN, NA MANGAGSASABI, PANGINOON, BUKSAN MO KAMI; AT
SIYA'Y SASAGOT AT SASABIHIN SA INYO, HINDI KO KAYO NANGAKIKILALA KUNG KAYO'Y
TAGA SAAN; KUNG MAGKAGAYO'Y PASISIMULAN NINYONG SABIHIN, NAGSIKAIN KAMI AT
NAGSIINOM SA HARAP MO, AT NAGTURO KA SA AMING MGA LANSANGAN; AT SASABIHIN NIYA,
SINASABI KO SA INYO NA HINDI KO KAYO NANGAKIKILALA KUNG KAYO'Y TAGA SAAN;
MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA MANGGAGAWA NG KALIKUAN. DIYAN NA NGA
ANG PAGTANGIS, AT ANG PAGNGANGALIT NG MGA NGIPIN, kung mangakita ninyo si
Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng
Dios, at kayo'y palabasin.
Sino ang pintuang makipot na dapat pasukan sa ikaliligtas?
Si Cristo. Ano ang sabi ni Cristo sa mga taong nagnanais na maligtas? MAGPILIT KAYONG MAGSIPASOK SA PINTUANG
MAKIPOT. Ano dapat nating mapansin sa sinabing ito ng Panginoong
JesuCristo? Ang tao ang dapat MAGPUMILIT
na PUMASOK o UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO para
maligtas. Mali na ang tao ay PILITIN
na umanib sa Iglesia. Ayon kay Cristo, paaano Niya inilarawan ang mangyayari
pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM?
Ang mga HINDI NAGSIPASOK ay NASA LABAS at MAGSISITUKTOK. Ano ang kanilang sasabihin? “PANGINOON, BUKSAN MO KAMI.” Ano
ang isasagot ng Panginoon sa kanila? “HINDI
KO KAYO NAKIKILALA.” Ano ang kanilang imamatuwid? NAGSIKAIN KAMI AT NAGSIINOM SA HARAP MO, AT
NAGTURO KA SA AMING MGA LANSANGAN. Ano ang sasabihin ng
Panginoon? HINDI KO KAYO
NAKIKILALA, MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA MANGGAGAWA NG KALIKUAN.
At saka sila TATANGIS at MAGNGANGALIT ANG MGA NGIPIN.
TANONG: Ano ang kasalanan ng mga ayaw sundin ang utos ng Panginoong JesuCristo
na pumasok sa Iglesia ni Cristo upang maligtas?
Mateo 7:21-23
“HINDI ANG BAWA'T
NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT;
KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT. MARAMI ANG
MANGAGSASABI SA AKIN SA ARAW NA YAON, PANGINOON, PANGINOON, HINDI BAGA
NAGSIPANGHULA KAMI SA IYONG PANGALAN, AT SA PANGALAN MO'Y NANGAGPALAYAS KAMI NG
MGA DEMONIO, AT SA PANGALAN MO'Y NAGSIGAWA KAMI NG MARAMING GAWANG
MAKAPANGYARIHAN? AT KUNG MAGKAGAYO'Y IPAHAHAYAG KO SA KANILA, KAILAN MA'Y HINDI
KO KAYO NANGAKILALA: MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MANGGAGAWA NG
KATAMPALASANAN.”
Ano ang kasalanan ng mga ayaw sundin ang utos ng Panginoong JesuCristo
na pumasok sa Iglesia ni Cristo upang maligtas? HINDI NILA GINANAP ANG KALOOBAN NG DIYOS. May relihiyon din ba ang
mga taong ayaw KILALANIN ni Cristo?
Mayroon. Ano katunayan? Ang sabi ni Cristo, MARAMI ANG MANGAGSASABI SA AKIN SA ARAW NA YAON, PANGINOON, PANGINOON,
HINDI BAGA NAGSIPANGHULA KAMI SA IYONG PANGALAN, AT SA PANGALAN MO'Y
NANGAGPALAYAS KAMI NG MGA DEMONIO, AT SA PANGALAN MO'Y NAGSIGAWA KAMI NG
MARAMING GAWANG MAKAPANGYARIHAN? Ngunit ano ang malinaw na sabi ni
Cristo sa kanila? KAILAN MA’Y
HINDI KO KAYO NAKIKILALA. Ano ang ibig sabihin ni Cristo na “HINDI KO KAYO NAKIKILALA”? Hindi
ba sila kilala kung taga-saan sila at kung anu-ano ang mga pangalan nila?
Nakikilala sila ni Jesus pati ang mga katampalasanang ginawa nila’y
nalalaman nito. Bakit Niya sinabing “HINDI
KO KAYO NAKIKILALA”? Ibig sabihin: HINDI KO KAYO NAKIKILALANG AKING KATAWAN o AKING IGLESIA o HINDI KAYO IGLESIA NI CRISTO.
Ano pa ang dapat nating maunawaan sa pahayag na ito
ng Panginoong JesuCristo. Hindi batayan sa pagrerelihiyon ang mga HIMALA o MILAGRO, ang batayan ay kung KALOOBAN
ba ng DIYOS ang TURO o ARAL sa kanilang
relihiyon na kanilang sinusunod.
TANONG: Sino ang tunay na kay Cristo at
nakikilala Niya?
Juan 10:14
“Ako ang
mabuting pastor; at NAKIKILALA KO ANG SARILING AKIN, at ang sariling
akin ay nakikilala ako,”
Ano ang malinaw ang sagot ni Cristo? NAKIKILALA KO ANG SARILING AKIN.
Sino ang mga hindi Niya nakikilala? Ang mga itinakwil. Samakatuwid,
hindi sa Kaniya ang mga iyon. Hindi sila bahagi ng Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.
TANONG: Kung ang isang tao naman ay Iglesia ni Cristo na at nahiwalay o natiwalag,
ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa taong iyon?
Juan 15:6
“KUNG SINOMAN AY
HINDI MANATILI SA AKIN, AY SIYA'Y
MATATAPONG KATULAD NG SANGA, AT MATUTUYO; AT MGA TITIPUNIN AT MGA
IHAHAGIS SA APOY, AT MANGASUSUNOG.”
Ano ang sasapitin ng taong natiwalag sa Iglesia Ni
Cristo? Ang sabi ni Jesus, ANG HINDI
MANATILI SA KANYA AY MATATAPONG KATULAD NG SANGA AT MATUTUYO, AT TITIPUNIN AT
IHAHAGIS SA APOY. Samakatuwid, masama ang MAHIWALAY SA KATAWAN o MATIWALAG
sa Iglesia ni Cristo o KUSANG TUMIWALAG
sa Iglesia. Ang mahiwalay ay MASUSUNOG
SA APOY!
TANONG: Aling apoy ang tinutukoy ng Panginoong JesuCristo?
Apocalipsis 20:14
“At ang kamatayan at ang Hades ay
ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY
ANG DAGATDAGATANG APOY.”
Aling apoy ang tinutukoy ng Panginoong
JesuCristo? Ito ang DAGAT-DAGATANG APOY AT ASUPRE na siyang IKALAWANG KAMATAYAN. Dito patungo ang mga taong HIWALAY, NATIWALAG o AYAW UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Paano ang pagpasok kay Cristo upang maligtas?
Juan 1:12-13
“Datapuwa't ANG LAHAT NG SA KANIYA'Y NAGSITANGGAP, AY PINAGKALOOBAN NIYA SILA NG
KARAPATANG MAGING MGA ANAK NG DIOS, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG MGA
NAGSISISAMPALATAYA SA KANIYANG PANGALAN: NA MGA IPINANGANAK NA HINDI SA DUGO,
NI SA KALOOBAN NG LAMAN, NI SA KALOOBAN NG TAO, KUNDI NG DIOS.”
Papaano ang pagpasok kay Cristo? Dapat TANGGAPIN SI CRISTO sa
pamamagitan ng PAGSAMPALATAYA SA
KANYANG PANGALAN. Ano ang dakilang kapalaran ng mga tumanggap at
sumampalataya sa pangalan ng Cristo? Ang sabi sa talata, PINAGKALOOBAN NIYA SILA NG KARAPATANG MAGING MGA ANAK NG DIOS.
Paano sila naging mga anak ng Diyos? HINDI
SA DUGO, NI SA KALOOBAN NG LAMAN, NI SA KALOOBAN NG TAO, KUNDI
IPINANGANAK SILA NG KALOOBAN
NG DIYOS.
TANONG: Alin ang kalooban ng Diyos na sa kanila ay nanganak?
Santiago 1:18
“SA KANIYANG
SARILING KALOOBAN AY KANIYA TAYONG IPINANGANAK SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG KATOTOHANAN, upang tayo'y
maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.”
Alin ang kalooban
ng Diyos na sa kanila ay nanganak? Ang SALITA NG KATOTOHANAN.
TANONG: Alin ang salita ng katotohanan?
I Pedro 1:23
“Yamang IPINANGANAK KAYONG MULI, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang
kasiraan, SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIOS na
nabubuhay at namamalagi.”
Kung gayon, ang SALITA NG KATOTOHANAN ay walang iba kundi ang mga SALITA NG DIYOS. Ito ang nanganak sa mga nagsitanggap kay Cristo na nagsisampalataya sa Kaniyang pangalan.
TANONG: Ano ang ikakikilala sa nga sumampatalaya o tumanggap kay Cristo na
ipinanganak ng mga salita ng Diyos?
Roma 6:6
“Na nalalaman natin, na ANG ATING DATIHANG PAGKATAO AY KALAKIP
NIYANG NAPAKO SA KRUS, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa
gayo'y HUWAG NA TAYONG MAALIPIN PA NG
KASALANAN;”
Ano ang ikakikilala sa nga sumampatalaya o
tumanggap kay Cristo na ipinanganak ng mga salita ng Diyos? Ang sabi sa talata, ANG KANILANG DATIHANG PAGKATAO’Y KALAKIP NI CRISTONG NAPAKO
SA KRUS KAYA’T SILA’Y HINDI NA ALIPIN NG KASALANAN.
TANONG: Alin ba itong datihang pagkatao na napako sa krus kalakip ni
Cristo?
Efeso 4:22
“At inyong iwan, TUNGKOL SA paraan ng inyong PAMUMUHAY
NA NAKARAAN, ANG DATING PAGKATAO, NA
SUMAMA NG SUMAMA AYON SA MGA KAHALAYAN NG PAGDARAYA;”
Alin ang dating pagkatao na napako sa krus kalakip ni
Cristo? ANG NAKARAANG PAMUMUHAY NA
SUMAMA NANG SUMAMA AYON SA KAHALAYAN NG PAGDARAYA.
TANONG: Alin-alin ang ilan sa mga nakaraang pamumuhay na sumama nang sumama ayon
sa kahalayan ng pagdaraya?
Colosas 3:7-9
“Na INYO RING NILAKARAN NANG UNA, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay
na ito; Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: GALIT, KAPOOTAN, PAGHIHINALA, PANUNUNGAYAW,
MGA SALITANG KAHALAY-HALAY NA MULA SA INYONG BIBIG: HUWAG KAYONG MANGAGBUBULAAN
SA ISA'T ISA; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng
kaniyang mga gawa.”
Ano ang DATIHANG
PAGKATAO ng mga PUMASOK KAY CRISTO
o UMANIB SA IGLESIA NI CRISTO?
Ang NAKARAANG PAMUMUHAY noong una o
noong sila ay hindi pa SANGKAP NG
KATAWAN o KAANIB SA IGLESIA NI
CRISTO ay ang IBA’T IBANG GAWANG
MASAMA NA LABAG SA KALOOBAN NG DIYOS. Ang mga ito ay NAPAKO NA SA KRUS NA KALAKIP NI CRISTO.
TANONG: Ano ang dapat na maging uri ng pamumuhay ng mga tumanggap kay Cristo o
kaanib sa Iglesia Ni Cristo?
Roma 6:3-4 Magandang Balita Biblia
“Hindi ba ninyo nalalaman na TAYONG LAHAT NA NABAUTISMUHAN KAY CRISTO
JESUS AY NABAUTISMUHAN SA KANYANG KAMATAYAN? Samakatwid, TAYO'Y NAMATAY AT NALIBING NA KASAMA NIYA
SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa
pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, TAYO NAMA'Y MABUHAY SA ISANG BAGONG PAMUMUHAY.”
Samakatuwid, namatay na ang datihang pagkatao dahil
sa pagkapako sa krus. Kaya sila ay inilibing ng sila ay bautismuhan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN. Kaya
nagtagubilin si APOSTOL PABLO sa mga
tumanggap ng TUNAY na BAUTISMO ang sabi niya, TAYO NAMA'Y MABUHAY SA ISANG BAGONG
PAMUMUHAY.
TANONG: Alin itong bagong pamumuhay na dapat masumpungan sa mga tumaggap ng bautismuhan
kay Cristo?
Galacia 3:27
“Sapagka't ANG LAHAT NA sa inyo ay BINAUTISMUHAN
KAY CRISTO AY IBINIHIS SI CRISTO.”
Alin itong bagong pamumuhay na dapat masumpungan sa
mga tumaggap ng bautismuhan kay Cristo? Dapat IBIHIS
SI CRISTO.
TANONG: Paano maibibihis si Cristo?
Galacia 2:20
“Ako'y napako sa krus na kasama ni
Cristo; at HINDI NA AKO ANG NABUBUHAY,
kundi SI CRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN:
at ANG BUHAY NA IKINABUBUHAY KO NGAYON
SA LAMAN AY IKINABUBUHAY KO SA
PANANAMPALATAYA, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin
ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.”
Paano maibibihis si Cristo? Siya ay NABUBUHAY NA SA PANANAMPALATAYA.
TANONG: Ano na ang dapat na maging kalagayan ng mga tunay na kay Cristo o tunay
na Iglesia Ni Cristo?
2 Corinto 5:17
“Kaya't kung ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ANG MGA DATING
BAGAY AY NAGSILIPAS NA; NARITO, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”
Ano na ang dapat na maging kalagayan ng mga tunay
na kay Cristo o tunay na Iglesia Ni Cristo?
- Sila ay mga BAGONG NILALANG.
- ANG MGA DATING BAGAY AY LUMIPAS NA.
- Sila ay pawang naging mga BAGO.
Ito ang dapat na maging kalagayan ng lahat ng mga
nagsipasok kay Cristo o umanib sa Iglesia Ni Cristo. Ito ang katunayang
sila ay IPINANGANAK NG SALITA NG
DIYOS. Ito ang tamang pagpasok kay Cristo para magkamit ng pangakong kaligtasan.
No comments:
Post a Comment