TANONG: Bakit ang BANAL NA HAPUNAN ng
IGLESIA NI CRISTO ay ginagawa sa UMAGA? HAPUNAN iyon hindi ba?”
SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng
BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN.
- Kaya tayo kumakain ng "HAPUNAN" ay upang tayo ay “MABUSOG” upang maibsan ang ating gutom.
- Iba ang BANAL NA HAPUNAN hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog.
Niliwanag iyan ni Apostol Pablo:
1 Corinto 11:20-22 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Kaya’t SA INYONG PAGTITIPON, HINDI BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ANG KINAKAIN NINYO. Sapagka't sa inyong pagkain, ang BAWA'T ISA'Y KUMUKUHA NG KANIKANIYANG SARILING HAPUNAN NA NAGPAPAUNA SA
IBA; AT ANG ISA AY GUTOM, AT ANG IBA'Y LASING. ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY
NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng
Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa
inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? SA
BAGAY NA ITO AY HINDI KO KAYO PINUPURI.”
Inakala ng mga UNANG CRISTIANO na ang BANAL
NA HAPUNAN ay katulad ng ORDINARYONG
HAPUNAN na KAINAN at INUMAN kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN at ANG IBA NAMAN AY NALASING sa kaiinom ng KATAS NG UBAS. Kaya SINAWAY
sila ni APOSTOL PABLO: ”ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG
MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Dahil hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon. Maling ISIPIN at LAYUNIN na
kaya ka dadalo ng BANAL NA HAPUNAN
ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para
ikaw ay MABUSOG.
Kaya NAGTAGUBILIN si APOSTOL PABLO bago tumanggap ng BANAL NA HAPUNAN:
1 Corinto 11:34 Ang Bagong
Magandang Balita Biblia
“KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA
BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon.
Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.”
Maliwanag na hindi ORDINARYONG HAPUNAN ang BANAL
NA HAPUNAN. Kung nagugutom ka KUMAIN
KA MUNA SA BAHAY, dahil hindi ka pupunta sa BANAL NA HAPUNAN para MABUSOG.
Kaya MALI na IHAMBING ito sa “HAPUNAN”
na ginagawa natin na PANGKARANIWAN.
TANONG: Ano ba ang BANAL NA HAPUNAN?
Bakit ba natin ito isinasagawa?
1 Corinto 11:24-25
“At nang
siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking
katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN
NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN. At gayon din naman hinawakan ang saro
pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa
aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING
KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”
Ang PAGKAIN
NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO
o ng KATAS NG UBAS na bahagi ng BANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO.
Hindi para MAGHAPUNAN ng LITERAL na kaya ka KAKAIN at IINOM ay PARA
MABUSOG.
- Ang BANAL NA HAPUNAN ay PAG-AALAALA kay CRISTO.
- Maari nating ISAGAWA kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI.
- Ang “BANAL NA HAPUNAN” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALAALA KAY CRISTO.
HINDI
APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME”
sa PANGALAN o KATAWAGAN dito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba na mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang
tinatawag na “ELEMENT OF TIME”:
SIMBANG
GABI
|
isinasagawa sa MADALING ARAW.
|
MERIENDA
|
sa ENGLISH
ay AFTERNOON TEA na puwede ring GAWIN SA UMAGA.
|
NIGHT GOWN |
hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT at kapag isinuot mo sa UMAGA, TANGHALI o HAPON ay hindi na siya NIGHT
GOWN.
|
MUTA SA MATA |
tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY
hindi nangangahulugan na sa UMAGA
ka lang puwedeng magkaroon.
|
No comments:
Post a Comment