ANG
PAYO NG BIBLIA UPANG MAGING MATATAG ANG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA
Hindi ang dapat na maging SULUSYON sa PROBLEMA ng MAG-ASAWA ay ang MAGHIWALAY. Kundi ang MAGKASUNDO.
Ang pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa ay hindi nangangahulugan na may
diperensiya ang itinatag ng Diyos na institusyon ng PAG-AASAWA o KASAL.
Hindi ang batas ng Diyos na ipinagbabawal ang paghihiwalay o diborsiyo ng
mag-asawa ang may diperensiya. Ang PAGKASIRA
ng pagsasama ng mag-asawa ay BUNGA NG
KATIGASAN NG ULO ng ISANG LALAKE
o ISANG BABAE na MAY-ASAWA na HINDI SINUNOD ang IPINAPAYO ng DIYOS na
NAKASULAT SA BIBLIA na dapat na maging
KAAYUSAN NG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA. Ito ang mga sumusunod:
1.
ANG LALAKE ANG DAPAT NA MAGING PANGULO AT ANG BABAE AY DAPAT NA PASKOP:
Efeso 5:21-24 Magandang Balita
Biblia
“Pasakop kayo sa
isa't isa tanda ng inyong paggalang kay Cristo. MGA BABAE, PASAKOP KAYO SA INYU-INYONG ASAWA tulad ng pagpapasakop
ninyo sa Panginoon. Sapagkat ANG LALAKI
ANG ULO NG KANYANG ASAWA, tulad ni
Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas
nito. Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayon din naman, ANG MGA BABAE'Y DAPAT PASAKOP NANG LUBUSAN
SA KANI-KANILANG ASAWA.”
2.
IBIGIN NAMAN NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA, NA MAHALIN, ALAGAAN AT HUWAG KAMUHIAN:
Efeso 5:25-29
“MGA
LALAKE, IBIGIN NINYO ANG INYO-INYONG ASAWA, gaya naman ni
Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng
tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na
maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y
nararapat maging banal at walang kapintasan.] Gayon din naman NARARAPAT IBIGIN NG MGA LALAKE ANG
KANI-KANIYANG SARILING ASAWA, na gaya ng kanilang sariling mga
katawan. ANG UMIIBIG SA KANIYANG SARILING ASAWA AY UMIIBIG SA KANIYANG SARILI:
Sapagka't WALANG SINOMAN NA NAPOOT
KAILAN MAN SA KANIYANG SARILING KATAWAN; KUNDI KINAKANDILI AT MINAMAHAL,
gaya naman ni Cristo sa iglesia;”
3.
IGALANG NAMAN NG BABAE ANG KANIYANG ASAWA:
Efeso 5:33 Magandang Balita
Biblia
“Subalit ito'y
tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo:
mga lalaki, mahalin ninyo ang
inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili; MGA
BABAE, IGALANG NINYO ANG INYU-INYONG ASAWA.”
4.
ANG LALAKE AY NAMAMAHALANG MABUTI SA KANIYANG SARILING SAMBAHAYAN:
1 Timoteo 3:4
“NAMAMAHALANG MABUTI NG KANIYANG SARILING
SANGBAHAYAN, NA SINUSUPIL ANG KANIYANG MGA ANAK NA MAY BUONG KAHUSAYAN;”
5.
KINAKANDILII NG LALAKE (IBINIBIGAY ANG MGA PANGANGAILANGAN) ANG KANIYANG
SARILING SAMABAHAYAN:
1 Timoteo 5:8
“Datapuwa't KUNG ANG SINOMAN AY HINDI NAGKAKANDILI SA
MGA SARILING KANIYA, LALONG LALO NA SA KANIYANG SARILING SANGBAHAYAN, ay
tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi
sumasampalataya.”
6.
ANG BABAE AY MAGING MASIPAG SA BAHAY, MAASIKASO SA PAMILYA, MAPAGTITIWALAAN,
NAKAPAG-IIMPOK, AT SUMUSUBAYBAY NA MABUTI SA SAMBAHAYAN:
Kawikaan 31:10-29 Magandang Balita
Biblia
“MAHIRAP MAKAKITA NG MABUTING ASAWA,
higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. LUBOS ANG TIWALA NG KANYANG ASAWA, at saganang pakinabang ang
makakamit niya. PINAGLILINGKURAN NIYA
ANG ASAWA HABANG SILA'Y NABUBUHAY, pawang kabutihan ang ginagawa at di
kasamaan. WALA SIYANG TIGIL SA PAGGAWA,
HINDI NA HALOS NAGPAPAHINGA, humahabi ng kanyang lino at saka ng lana.
Tulad ng isang barkong tigib ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa
malayong lugar. BAGO PA SUMIKAT ANG ARAW
AY INIHAHANDA NA ANG PAGKAIN NG BUO NIYANG SAMBAHAYAN, pati na ng gawain ng
mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad,
ANG KANYANG NAIIMPOK AY IPINAGPAPATANIM
NG UBAS. Gayunma'y NAIINGATAN ANG
KAMAY AT KATAWAN UPANG MATUPAD ANG LAHAT NG TUNGKULIN NIYA ARAW-ARAW. SA KANYA'Y MAHALAGA ANG BAWAT GINAGAWA,
HANGGANG HATINGGABI'Y MAKIKITANG NAGTITIYAGA. Siya'y gumagawa ng mga
sinulid, at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya sa mahirap at sa
nangangailangan ay bukas ang palad. Hindi siya nag-aalala dumating man ang
tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuutan. Gumagawa siya
ng makakapal na kubrekama at damit na pinong lino ang dinaramit niya. ANG KANYANG ASAWA'Y KILALA SA LIPUNAN AT
NAHAHANAY SA MGA PANGUNAHING MAMAMAYAN. Gumagawa pa rin siya ng iba pang
kasuutan at ipinagbibili sa mga mangangalakal. MARANGAL AT KAPITA-PITAGAN ANG KANYANG KAANYUAN at wala siyang
pangamba sa bukas na daratal. ANG MGA
SALITA NIYA AY PUSPOS NG KAALAMAN AT ANG TURO NIYA AY PAWANG KATAPATAN.
SINUSUBAYBAYAN NIYANG MABUTI ANG KANYANG SAMBAHAYAN AT HINDI TUMITIGIL SA
PAGGAWA ARAW-ARAW. IGINAGALANG SIYA NG KANYANG MGA ANAK AT PINUPURI NG KANYANG
KABIYAK: MARAMING BABAE NA MABUTING
ASAWA, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.”
7.
PINAKIKITUNGUHANG MABUTI NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA:
1 Pedro 3:7 Magandang Balita Biblia
“KAYO NAMANG MGA LALAKI, PAKITUNGUHAN
NINYONG MABUTI ANG INYU-INYONG ASAWA, sapagkat sila'y mahina, at tulad
ninyo'y may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob sa inyo ng
Diyos. Sa gayon, walang magiging sagabal
sa inyong panalangin.”
8.
MAGING TAPAT SA ISA’T ISA:
Hebreo 13:4(a) Magandang Balita
Biblia
“Dapat igalang ng
lahat ang pag-aasawa, at MAGING TAPAT SA
ISA'T ISA ANG MAG-ASAWA…”
9. MAGING MABAIT AT MAAWAIN SA ISA’T ISA, NA MANGAGPATAWARAN AT MAG-UNAWAAN (ALISIN ANG SAMAAN NG LOOB, HUWAG MAMBUBULYAW, MANLALAIT O MANANAKIT NG DAMDAMIN NG ISA’T ISA):
Efeso 4:31-32 Magandang Balita
Biblia
“ALISIN NA NINYO ANG LAHAT NG SAMA NG LOOB,
GALIT AT POOT; HUWAG NA KAYONG MAMBUBULYAW, MANLALAIT, AT MANANAKIT NG DAMDAMIN
ng kapwa. Sa halip, MAGING MABAIT KAYO
AT MAAWAIN SA ISA'T ISA, AT MAGPATAWARAN, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng
Diyos sa pamamagitan ni Cristo.”
ANG NAKASUSUNOD AT NAGTATAPAT SA MGA UTOS NG PAYO NG DIYOS ANG PINAGPAPALA AT MAGKAKAMIT NG PAGLINGAP MULA SA PANGINOON:
Awit 5:12
“Sapagka't IYONG PAGPAPALAIN ANG MATUWID; Oh
Panginoon, LILIBIRIN MO SIYA NG
PAGLINGAP na gaya ng isang kalasag.”
Samakatuwid, upang maging MATATAG at MAPAYAPA ang pagsasama ng mag-asawa ay nakasalalay sa PAGPAPALA NG DIYOS. Dapat na IGALANG at PAHALAGAHAN ang PAG-AASAWA o KASAL na ITINATAG NG DIYOS at BUONG KATAPATANG SUNDIN ang UTOS NG DIYOS sa mga MAG-ASAWA upang matamo ang PAGPAPALA at BASBAS ng DIYOS.
No comments:
Post a Comment