Friday, September 25

ANG KASAL SA IGLESIA NI CRISTO - PART 1


DAPAT PAHALAGAHAN AT IGALANG ANG INSTITUSYON NG KASAL O PAG-AASAWA


Marami tayong nakikita ngayon sa sanlibutan na NAG-AASAWA:

  • Sa isang mamamayan ng bansang nais niyang puntahan at kung naroon na ay nakikipaghiwalay na (kung tawagin ay MARRIAGE OF CONVENIENCE).
  • Ang iba ay NAGSASAMA NG HINDI KASAL kahit walang hadlang sa batas na makasal (kung tawagin ay PAKIKIPAG-LIVE-IN).
  • Ang iba ay MAY ASAWA o KASAL NGA SUBALIT HINDI NAGSASAMA (SEPARATED O DIVORCED).
  • Ang iba naman ay KASAL SA IBA ngunit MAY KINAKASAMANG IBA.
  • Ang iba ay HIWALAY SA TUNAY NA ASAWA subalit IBA ANG KINAKASAMA.

Ang mga ito ay hindi dapat masumupungan sa kaninumang lingkod ng Diyos. Bakit? Sapagkat ang mga gawang ito at anumang kauri nito ay KALAPASTANGANAN, HINDI PAGGALANG, HINAHAMAK, HINDI NAGPAPAHALAGA SA KABANALAN NG KASAL O PAG-AASAWA.

TANONG: Bakit dapat na IGALANG at PAHALAGAHAN ang PAG-AASAWA o KASAL?

Genesis 1:27-28
At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At SILA'Y BINASBASAN NG DIOS, AT SA KANILA'Y SINABI NG DIOS, KAYO'Y MAGPALAANAKIN, AT MAGPAKARAMI, AT KALATAN NINYO ANG LUPA, AT INYONG SUPILIN; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

Ang PANGINOONG DIYOS MISMO ANG NAGTATAG NG PAG-AASAWA o ANG INSITUSYON NG KASAL. Papaano itinatag ng Diyos ang pag-aasawa? BINASBASAN muna ng DIYOS ang mga unang taong nilalang Niya sina ADAN at EBA bago sila pinapagsama bilang MAG-ASAWA.

Kaya BANAL at SAGRADO ang kasal sapagkat ang DIYOS MISMO ANG NAGTATAG NITO. Dahil dito hindi dapat magsama na tulad ng mag-asawa ang HINDI PA KASAL (ang pakikipag-LIVE-IN) sapagkat nalalapastangan ang pag-aasawa na itinatag ng Diyos.

TANONG: Ano ang UTOS NG DIYOS na dapat na maging PAGTRATO sa kasal?

Hebreo 13:4(a) Magandang Balita Biblia
DAPAT IGALANG NG LAHAT ANG PAG-AASAWA, at MAGING TAPAT SA ISA'T ISA ANG MAG-ASAWA…”

Napakalinaw ang pahayag ng Biblia: “DAPAT IGALANG NG LAHAT ANG PAG-AASAWA.” Kailan nagsisimula ang PAGGALANG sa PAG-AASAWA o KASAL? Sa pagtataglay ng “MALINIS NA LAYUNIN” sa pagpapakasal.

HINDI MABUTING LAYUNIN KAYA MAGPAPAKASAL AY:
  • Makatakas lamang sa pamilya
  • Huwag mapag-iwanan
  • MAKAPAG-ABROAD o magkaroon ng CITIZENSHIP sa ibang bansa at iba pang tulad nito.

Ang ganitong uri ng layunin sa pag-aasawa ay NAGKAKASALA sa PANGINOONG DIYOS.

Ang PAG-IBIG sa isa’t isa ang dapat na maging dahilan ng PAGPAPAKASAL o PAGPASOK SA BUHAY MAY-ASAWA ng isang lalake at isang babae. Kaya ang PAGLILIGAWAN at ang PAKIKIPAGTIPAN at lalo na ang PAG-AASAWA ay HINDI DAPAT BIRUIN o maging “LARO” lamang sa mga KABINATAAN at KADALAGAHAN. Ano pa ang katangian ng gumagalang sa pag-aasawa? Ang sabi sa talata, “TAPAT SA ISA’T ISA ANG MAG-ASAWA.”

Kaya HINDI DAPAT MAKIPAG-RELASYON SA IBA ANG MAY ASAWA NA. Ang gayun ay hindi lamang SUMISIRA SA MAGANDANG UGNAYAN NG MAG-ASAWA kundi KAWALANG PAGGALANG SA KABANALAN NG PAG-AASAWA.

TANONG: Paano higit sa lahat maipapakilala ang paggalang at pagpapahalaga sa pag-aasawa?

Mateo 19:4-6
“At siya'y sumagot at sinabi, HINDI BAGA NINYO NABASA, na ang lumalang sa kanila BUHAT SA PASIMULA, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman.  ANG PINAPAGSAMA NGA NG DIOS, AY HUWAG PAPAGHIWALAYIN NG TAO.”

Maliwang ang BATAS NG DIYOS na umiiral BUHAT PA NOONG UNA ng itatag Niya ang Institusyon ng kasal “ANG PINAPAGSAMA NG DIYOS AY HUWAG PAPAGHIWALAYIN NG TAO.” Kaya sa pamamagitan ng BUONG KATAPATAN ay SUSUNDIN ang BATAS na ito ng DIYOS ng MAG-ASAWANG BABAE AT LALAKE NA IKINASAL.

TANONG: Kung may batas man sa isang bansa na pinapahintulutan ang paghihiwalay ng mag-asawa o ang diborsiyo. Pumapayag na kaya ang Diyos?

Malakias 2:16 New Pilipino Version
“NAMUMUHI AKO SA DIBORSYO NG MAG-ASAWA," SABI NG PANGINOONG DIOS ng Israel, "at namumuhi ako sa taong binabalot ng karahasan ang sarili na parang nagbabalot ng kasuotan," sabi ng PANGINOON na Makapangyarinan sa lahat. Kaya nga, ingatan mo ang iyong sarili sa iyong espiritu at HUWAG KANG SISIRA SA PANGAKO.”

Nananatiling LABAG SA BATAS NG DIYOS ang PAGHIHIWALAY ng mag-asawa.

TANONG: Ano pa ang utos ng Diyos sa mga may asawang babae at lalake?

1 Corinto 7:10-11
Datapuwa't SA MGA MAY ASAWA AY AKING IPINAGUUTOS, NGUNI'T HINDI AKO, KUNDI ANG PANGINOON, na ANG BABAE AY HUWAG HUMIWALAY SA KANIYANG ASAWA. (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at HUWAG HIWALAYAN NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA.

Ayon kay Apostol Pablo, “SA MGA MAY ASAWA… ANG BABAE AY HUWAG HUMIWALAY SA KANIYANG ASAWA… HUWAG HIWALAYAN NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA. Mahigpit ang utos ng Diyos sa mga babae at lalake na may asawa, huwag hiwalayan ang asawa. Kung humiwalay ang lalake o babae na may asawa sa kaniyang asawa, ano ang utos sa kanila? Ang sabi sa talata, “KUNG SIYA'Y HUMIWALAY, AY MANATILING WALANG ASAWA, O KAYA'Y MAKIPAGKASUNDO SA KANIYANG ASAWA.”

TANONG: Papaano ang mga KASAL SA IBA ngunit MAY KINAKASAMANG IBA o HIWALAY SA TUNAY NA ASAWA subalit IBA ANG KINAKASAMA?

Roma 7:2-3
Sapagka't ANG BABAE NA MAY ASAWA AY ITINALI NG KAUTUSAN SA ASAWA SAMANTALANG ITO AY NABUBUHAY; datapuwa't KUNG ANG ASAWA'Y MAMATAY, AY KALAG NA SA KAUTUSAN NG ASAWA. Kaya nga KUNG, SAMANTALANG NABUBUHAY ANG ASAWA, SIYA'Y MAKIKISAMA SA IBANG LALAKE, SIYA'Y TATAWAGING MANGANGALUNYA: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.

Sa mga KASAL SA IBA ngunit MAY KINAKASAMANG IBA o HIWALAY SA TUNAY NA ASAWA subalit IBA ANG KINAKASAMA ay nagkakasala ng PANGANGALUNYA.

TANONG: Ano ang parusang nakalaan sa nagkakasala ng PANGANGALUNYA?

Galacia 5:19-21 New Pilipino Version
Hayag ang mga gawa ng pita ng laman: PANGANGALUNYA, karumihan, kahalayan, pagsamba sa dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway, paninibugho, nagpupuyos na galit, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampikampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na kasayahan, at mga katulad nito. Binabalaan ko kayo, katulad noong una, na ang mga nabubuhay nang ganito ay HINDI MAKAPAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIOS.

Kapag HINDI MAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIYOS saan patungo? SA DAGAT-DAGATANG APOY.

No comments:

Post a Comment