Monday, July 11

BAKIT MAY “PAGTITIWALAG” SA IGLESIA NI CRISTO?

Ang PAGTITIWALAG na ipinatutupad sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay nakabatay sa pagtuturo ng BIBLIA at HINDI ito INIMBENTO o NILIKHA lang ng mga MINISTRO sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ito ay mababasa sa;

1 Corinto 5:12-13 New Pilipino Version
“Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya?  Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "ITIWALAG NINYO ANG MASAMA NINYONG KASAMAHAN."

Malinaw na pinatutunayan ng BIBLIA na ARAL o UTOS ng PANGINOONG DIYOS ang gawang PAGTITIWALAG. Sino ang dapat na itiwalag? Ayon na rin mismo sa pagtuturo ng Biblia, “ANG MGA MASASAMANG KASAMAHAN SA LOOB NG IGLESIA”.

TANONG: Bakit ipinatitiwalag ng Diyos ang mga gayong kasamahan o kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo?

2 Corinto 5:17
“Kaya't KUNG ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.”

Sapagkat mayroong hinahanap ang Panginoong Diyos na dapat ay maging URI ng mga lingkod Niya. Ano ang dapat na maging URI ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo? Ang mga kay CRISTO ay isa ng BAGONG NILALANG.

TANONG: Sino tinutukoy na mga KAY CRISTO?

Roma 12:5
“Ay gayon din tayo, na marami, ay IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ang mga KAY CRISTO na tinutukoy ni APOSTOL PABLO ay NAGING SANGKAP o KAANIB ng IISANG KATAWAN NI CRISTO.

TANONG: Alin ang KATAWAN na tinutukoy na doon dapat maging SANGKAP o KAANIB ang tao?

Colosas 1:18
"At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA."

Ang  KATAWAN ay walang iba kundi ang IGLESIA na si CRISTO ang ULO.

TANONG: Ano ang pangalan ng IGLESIA na KATAWAN ni CRISTO na dito naging kaanib o sangkap ang mga taong sumasampalataya sa Kaniya?

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

Samakatuwid, ang tinutukoy na mga KAY CRISTO ay ang mga naging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO. Ang sabi ni APOSTOL PABLO kanina sila ay mga BAGONG NILALANG sapagkat ang mga DATING BAGAY ay PINALIPAS NA nila sa kanilang buhay.

TANONG: Alin ang mga dating bagay na dapat ng iwan at palipasin upang ang isang kaanib ng Iglesia ni Cristo ay maging bagong nilalang?

Efeso 4:21-22 Magandang Balita Biblia
“KUNG TALAGANG PINAKINGGAN NINYO ANG ARAL NIYA AT NATURUAN KAYO NG KATOTOHANANG NA KAY JESUS. IWAN NA NINYO ANG DATING PAMUMUHAY.  HUBARIN NA NINYO ANG INYONG  DATING  PAGKATAO, na napapahamak dahil  sa masasamang pita.”

Marapat ng IWAN ng mga KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO ang kanilang MASAMANG PARAAN NG PAMUMUHAY. Ano ang dahilan? Sapagkat ayon na rin kay Apostol Pablo,  “KUNG TALAGANG PINAKINGGAN NINYO ANG ARAL AT NATURUAN KAYO NG KATOTOHANAN. IWAN NA NINYO ANG DATING PAMUMUHAY.  HUBARIN NA NINYO ANG INYONG  DATING  PAGKATAO.”

TANONG: Pagkatapos na hubarin o iwan ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang kanilang masamang paraan ng pamumuhay, ano ang dapat na ibihis ng isang kaanib ng Iglesia ni Cristo? Ituloy lang natin ang pagbasa;

Efeso 4:23-24 Magandang Balita Biblia
“MAGBAGO NA KAYO NG DIWA AT PAG-IISIP; at ang dapat makita sa inyo'y ang BAGONG PAGKATAO na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan  ng kanyang KATUWIRAN at KABANALAN.”

Ang dapat na IBIHIS ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay “MAGBAGO NA NG DIWA AT PAG-IISIP” at "BAGONG PAGKATAO".

Samakatuwid, hinahanap ng Panginoong Diyos sa mga na KAY CRISTO o sa mga KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO ang mabuhay na ayon sa KATUWIRAN at KABANALAN o ang pagganap ng PUSPUSANG PAGBABAGONG BUHAY.

TANONG: Paano naman kung ang isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ay nasumpungan sa paglabag sa mga aral ng Panginoong Diyos? Ano ang dapat niyang gawin para siya ay mabigyan ng pagkakataon na makapamalagi sa loob ng Iglesia ni Cristo?

Isaias 55:7
LISANIN NG MASAMA ANG KANIYANG LAKAD, AT NG LIKO ANG KANIYANG MGA PAGIISIP; AT MANUMBALIK SIYA SA PANGINOON, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana.”

Kailangan ng LISANIN NG MASAMA ANG KANIYANG LAKAD, AT NG LIKO ANG KANIYANG MGA PAGIISIP AT MANUMBALIK SIYA SA PANGINOON. Ito ang pagkakataon na ibinibigay ng Panginoon Diyos sa mga nagkasala ang MAGBAGONG-BUHAY KAAGAD.

Kaya ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ang kapatid na EDUARDO V. MANALO, katuwang ang lahat ng mga MINISTRO, MANGGAGAWA at mga MAYTUNGKULIN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay walang tigil sa kanilang mga PAGTUTURO at PAGPAPA-ALAALA at PAGSAWAY sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa buong mundo na SA LAHAT NG PANAHON at PAGKAKATAON ay kailangang mamuhay sila ayon sa mga ARAl o KALOOBAN ng Panginoong Diyos para sila ay makatiyak ng KALIGTASAN sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

TANONG: Paano kung sa kabila ng patuloy na pagtuturo, pagpapaalaala at pagsaway ng Pamamahala sa Iglesia katuwang ang mga Ministro at Mangggagawa at ng mga maytungkulin ay mayroon pa rin ang nagpatuloy sa paglabag sa mga aral ng Panginoong Diyos? Muli nating basahin ang unang talatang aking inilatag sa paksang ito;

1 Corinto 5:12-13 New Pilipino Version
“Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya?  Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "ITIWALAG NINYO ANG MASAMA NINYONG KASAMAHAN."

Kung sa kabila ng marami ng PAGTUTURO, PAGSAWAY at PAGPAPA-ALAALA sa mga kapatid na nahulog sa paglabag sa mga aral ng Panginoong Diyos ay AYAW PA RIN NILANG MAGBAGONG-BUHAY sa mga maraming pagkakataon na ibinibigay sa kanila upang sila ay manumbalik sa Diyos - ang HATOL na sa kanila ay igagawad ayon na rin sa pagtuturo ng banal na kasulatan ang sila ay ITIWALAG.

Ang PAGTITIWALAG sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na AYAW MAGBAGONG-BUHAY, AYAW SUMUNOD SA MGA KALOOBAN NG PANGINOONG DIYOS ay nakabatay sa mga aral ng PANGINOONG DIYOS na nakasulat sa BIBLIA.


No comments:

Post a Comment