Sa
panahon ngayon, dumadami na ang mga GRUPO,
SAMAHAN at mga RELIHIYON na nagsasabing sila ang maliligtas. Merong nagsasabi na,
sumampalataya ka lang kay JesuCristo ikaw ay ligtas na at tanggapin mo si
Cristo “AS YOUR PERSONAL SAVIOUR”
ligtas ka na. Hindi mo na kailangan pang umanib sa isang relihiyon para ikaw ay
maligtas at masabing ikaw ay Cristiano. Meron din naman grupo na nagsasabing, “MUST BE BORN AGAIN” o sa tagalog ay IPANGANAK-MULI. Sila ay kilala sa tawag
na BORN-AGAIN CHRISTIANS. Pag-aralan
nating mabuti
TANONG: Ano ba talaga ang ibig-sabihin ng BORN
AGAIN at paano ito maliligtas?
Juan 3:1-3 New
Pilipino Version
“May isang
Pariseo na ang pangalan ay NICODEMO,
isang pinuno ng mga Judio. Siya'y nagpunta kay Jesus ng gabi at nagsabi,
"Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios, pagkat
walang makagagawa ng mga himalang ginawa mo malibang sumasa kanya ang
Dios." Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan,
malibang ang tao'y IPANGANAK NA MULI
ay hindi niya makikita ang kaharian ng Dios.”
Malinaw na mababasa na kailangan nga na maging BORN AGAIN ka o IPANGANAK NA MULI. Subalit naintindihan ba ito ni NICODEMO? Ituloy natin ang pagbasa sa verses 4-5.
Juan 3:4-5 New
Pilipino Version
“Sinabi sa
kanya ni Nicodemo, 'PAANONG
MAIPANGANGANAK ULI ANG ISANG TAO KUNG SIYA'Y MATANDA NA. MAKAPAPASOK BA SIYA SA TIYAN NG KANYANG INA
UPANG IPANGANAK ULI?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo ang
katotohanan, MALIBAN NA ANG TAO'Y
IPANGANAK NG TUBIG AT NG ESPIRITU, hindi siya makapapasok sa kaharian ng
Dios.”
Ano ang sabi ni Cristo ukol sa salitang BORN AGAIN? Ayon sa talatang ating
binasa…MALIBAN NA ANG TAO'Y IPANGANAK NG
TUBIG AT NG ESPIRITU.
TANONG: Ano kaya itong TUBIG na
tinutukoy ni Cristo?
Juan 4:13-14 New Pilipino Version
“SUMAGOT SI JESUS,
"Ang bawat uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. Ngunit ANG SINUMANG UMINOM NG TUBIG NA IBIBIGAY KO
AY HINDI MAUUHAW KAILANMAN. SAPAGKAT ANG
TUBIG NA IBIBIGAY KO AY MAGIGING ISANG BUKAL NA BABALONG SA KANYA SA BUHAY NA
WALANG HANGGAN.”
HINDI
LITERAL NA TUBIG
ang tinutukoy ng Panginoong JesuCristo. Ito ay TUBIG NA MAGBIBIGAY NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
TANONG: Ano itong tubig na magbibigay ng buhay na walang hanggan matapos
masabing siya ay isa ng gananap na BORN
AGAIN?
1 Pedro 1:23 New Pilipino Version
“Sapagkat MULI KAYONG ISINILANG, hindi sa binhing
may kamatayan, kundi ng walang kamatayan, SA
PAMAMAGITAN NG buhay at nananatiling SALITA
NG DIOS.”
Ito ang katumbas ng sinasabi ni Cristo na IPANGANAK ng TUBIG, sa pamamagitan ng mga SALITA
NG DIYOS. Sa TUBIG o SALITA NG DIYOS
lang ba? Hindi, kundi sa pamamagitan din ng ESPIRITU ayon sa pahayag ni Cristo sa Juan 3:4-5
TANONG: Sino ba itong Espiritu na Siya
ring kailangan upang maging GANAP na
BORN AGAIN?
Juan 4:24
“ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang
mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa
katotohanan.”
Kung gayon upang maging BORN AGAIN o MAIPANGANAK NA
MULI, kinakailangang IPANGANAK SIYA
NG DIYOS sa pamamagitan ng KANIYANG
SALITA.
TANONG: Paano maipanganganak na muli ang tao?
2 Corinto 5:17
“Kaya't KUNG ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ang
mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, SILA'Y
PAWANG NAGING MGA BAGO.”
Upang ang tao ay maging GANAP na BORN AGAIN
kailangang siya ay maging BAGONG
NILALANG. Sino itong bagong nilalang na tinutukoy ni Apostol Pablo? Ang
sabi sa talata… SINOMAN AY NA KAY CRISTO.
TANONG: Sino ba itong mga na kay Cristo?
Efeso 2:14-15
“Sapagka't
siya ang ating kapayapaan, na KANIYANG
PINAGISA ANG DALAWA, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na
inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may
mga batas at ang palatuntunan; UPANG SA
DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y ginagawa ang
kapayapaan;”
Ang mga TUNAY
na BORN AGAIN ay iyong mga tao na
bahagi ng DALAWANG SANGKAP na
nilalang bilang ISANG TAONG BAGO.
TANONG: Ano itong DALAWANG SANGKAP upang
maging TUNAY na BORN AGAIN o ISANG TAONG
BAGO?
Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”
Kung gayon ang DALAWANG SANGKAP na bumubuo sa ISANG
TAONG BAGO ay si CRISTO na Siyang ULO ng IGLESIA na Kaniyang KATAWAN.
TANONG: Ano ang pangalan ng Iglesia na si Cristo ang Ulo o pinangunguluhan Niya?
Acts 20:28 George
M. Lamsa Translation
“Take heed
therefore to yourselves and to all the
flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased
with his blood.”
Salin sa
Filipino:
“Ingatan
ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga
katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI
CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”
Samakatuwid, ang isang TUNAY na BORN AGAIN
Christian ay sumailalim na sa proseso ng pagiging KAANIB o MIYEMBRO ng IGLESIA.
Kung gayon, sila ay naidagdag bilang bahagi ng ISANG TAONG BAGO ay binubuo ng ISANG ULO at KATAWAN. Ito ay ang KATAWAN
NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Sapat na ba na maging kaanib lamang sa Iglesia Ni Cristo?
2 Corinto 5:17
“Kaya't
kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA; narito, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”
Ang sinabi ni Apostol Pablo, ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA... SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.
TANONG: Ano ang ibig sabihin ni Apostol Pablo na, ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA... SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO?
Efeso 4:22-23 Magandang Balita Biblia
“IWAN NA NINYO ANG DATING PAMUMUHAY. Hubarin na ninyo ang inyong dating
pagkatao, na napapahamak dahil sa
masasamang pita. MAGBAGO NA KAYO NG DIWA
AT PAG-IISIP;”
Kung gayon, dapat ang maging URI NG PAMUMUHAY ng isang kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na ISANG TAONG BAGO ay ganap na NAGBABAGONG
BUHAY.
No comments:
Post a Comment