Tuesday, August 30

SAKIM BA SA KALIGTASAN ANG IGLESIA NI CRISTO?

Marami ang nagkaroon ng MALING ISIPAN at MALING AKALA lalo na ang mga PUSAKAL na mga mang-uusig sa IGLESIA NI CRISTO. Bunga ng kanilang MALING ISIPAN ay NAGKAROON NG POOT ang marami sa kanila dahil dito.

Sinasabi nila:
“Bakit kayong mga IGLESIA NI CRISTO ay laging nagsasabi na kayo lang ang maliligtas? Ang KALIGTASAN ay PARA SA LAHAT at hindi ninyo dapat angkinin o sarilinin, SAKIM KAYO SA KALIGTASAN.”

TANONG: Totoo bang sakim ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan?

Totoo na kami ay nagsasabi na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang MALILIGTAS subalit hindi namin ito SINASARILI o IPINAGDADAMOT sa iba, katunayan ito ay aming IPINAG-AANYAYA sa mga hindi pa Iglesia Ni Cristo. At narito ang aming batayan.

Mateo 7:21
“HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”

Maliwanag ang pahayag ni CRISTO na hindi LAHAT NG RELIHIYON o KUMIKILALA SA DIOS ay may karapatan sa KALIGTASAN, ayon mismo sa kay Cristo, “HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT.” Sino lamang makapapasok sa kaharian ng langit? Ang sabi ni Cristo, “ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”

Samakatuwid ang mga tao na GUMANAP sa KALOOBAN ng DIYOS ang MAKAPAPASOK lamang sa KAHARIAN NG LANGIT o MALILIGTAS.

Ang TANONG sa kanila ay ganito:
Kung ang KALIGTASAN ay PARA SA LAHAT kahit wala ng EFFORT o GAWA na ipupuhunan ng tao. Bakit NAGTUTURO pa ang maraming relihiyon at NANGANGARAL ng mga pamamaraan kung paano maliligtas ang tao?

Hindi maipagkaila na ang isa sa mga pangkaraniwang paksa na itinuturo ng iba't-ibang tagapangaral ng relihiyon ay kung paano makapagtatamo ang tao ng kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Upang maipalaganap ang kanilang aral ukol diumano sa kaligtasan, sila ay gumagamit ng MEDIA tulad ng TELEBISYON, RADYO, INTERNET at mga BABASAHIN.

Hindi masama na akitin ang mga tao at papaniwalain ukol sa ikapagtatamo nila ng kaligtasan. Subalit ang dapat munang malaman ng tao ay kung sino ba ang may AWTORIDAD sa PAGTUTURO ukol sa pagtatamo ng KALIGTASAN na siyang dapat SAMPALATAYANAN at SUNDIN ng lahat ng nagsisipaghangad na makapagtatamo nito.

TANONG: Ayon sa mga Apostol, sino ang itinalaga ng Diyos na maging Tagapagligtas ng tao?

Gawa 5:31
SIYA'Y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at TAGAPAGLIGTAS, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.”

Ang tinutukoy ng talata ay ang ating PANGINOONG JESUSCRISTO. Kaya, si CRISTO ang dapat nating PAKINGGAN, PANIWALAAN at SUNDIN ng sinomang tao na ibig maligtas sa Araw ng Paghuhukom.

TANONG: Ano ang itinuro ni Cristo na pangunahing hakbang na dapat isagawa ng tao para maligtas?

John 10:14 & 7& 9 Revised English Bible
John 10:14 “I AM THE GOOD SHEPHERD; I KNOW MY OWN AND MY OWN KNOW ME,”

John 10:7 “So Jesus spoke again: In very truth I tell you, I AM THE DOOR OF THE SHEEPFOLD.”

John 10:9  “I AM THE DOOR, ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE...”

Salin sa Filipino:

Juan 10:14 “Ako ang mabuting pastor; NAKIKILALA KO ANG SA GANANG AKIN AT ANG MGA SA GANANG AKIN AY NAKIKILALA AKO.”

Juan 10:7 “Kaya muling nagsalita si Jesus: Katotohanan-katotohanang sinasabi ko sa inyo, AKO ANG PINTUAN NG KAWAN NG MGA TUPA.”

Juan 10:9 “Ako ang pintuan, SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang PAGSUNOD SA UTOS NI CRISTO na PUMASOK sa loob ng KAWAN sa pamamagitan Niya bilang PINTUAN ang siyang nakatitiyak ng KALIGTASAN.

TANONG: Alin ang tinutukoy ni Cristo na KAWAN na dapat pasukan ng mga tao para maligtas?

Acts 20:28  George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang KAWAN na binabanggit ni Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO na binili Niya ng Kaniyang dugo.

Samakatuwid, ang tinitiyak ni Cristo na maliligtas ay ang mga taong PUMASOK o UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO. Ito ang dapat munang matiyak ng tao at pangunahing gawin niya para makatiyak ng kaligtasan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM.

Ito ang dahilan bakit sinabi ng mga kaanib na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang maliligtas at laging nanghihikayat ng mga tao na umanib dito, dapat rin tandaan na HINDI KAMI SAKIM sapagkat ang Iglesia Ni Cristo ay walang sawa na IPINAAABOT at IPINAKILALA sa lahat ng tao na malaman din nila ang KATOTOHANANG ito.

Ang sakim ay ang ITAGO ang KATOTOHANAN at HINDI IBAHAGI sa iba ang TUNAY na PARAAN NG IKAPAGTATAMO NG KALIGTASAN.


TANONG: Ipinakilala rin ba at pinatunayan ng mga Apostol kung sino ang mga taong TIYAK NA MALILIGTAS sa galit at poot ng Diyos sa araw ng Paghuhukom.

Roma 5:8-9 Magandang Balita Biblia
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At NGAYONG NAPAWALANG- SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, LALO NANG TIYAK NA MALILIGTAS TAYO SA POOT NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NIYA.”

Ang TIYAK NA MALILIGTAS sa ARAW NG PAGHUHUKOM ay ang mga PINAWALANG SALA SA PAMAMAGITAN NG DUGO NI CRISTO.

Kung gayon, hindi maaaring basta angkinin na lamang ng sinuman na kabilang siya sa mga maliligtas, kung hindi naman siya kabilang sa napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ang NAPAWALANG SALA ay ang IGLESIA NI CRISTO, sapagkat ito ang ang TINUBOS o BINILI NI CRISTO NG KANIYANG DUGO (Gawa 20:28 Lamsa Translation).

TANONG: Ayon din sa mga APOSTOL, sino ang taong MAY BAHAGI SA MGA PANGAKO NG DIYOS at kabilang sa mga MALILIGTAS?

Acts 2:47 King James Version
“Praising God, and having favour with all the people. And THE LORD ADDED TO THE CHURCH DAILY SUCH AS SHOULD BE SAVED.”

Salin sa Filipino:

Gawa 2:47
“Na nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng buong bayan. At IDINAGDAG NG PANGINOON SA IGLESIA ARAW-ARAW YAONG MGA DAPAT NA MALIGTAS.”

Kaya, sa pamamagitan ng pagtuturo ng ating PANGINOONG JESUCRISTO at maging ng mga APOSTOL, nabatid natin na ang TIYAK NA MALILIGTAS sa ARAW NG PAGHUHUKOM ay ang mga nasa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Ang aral na ito ay hindi gawa-gawa lamang ng mga Ministro at Pamamahala.

Bukambibig ng maraming tao sa kasalukuyan na sila diumano ay CRISTIANO.

TANONG: Ano ang tawag ng mga Apostol sa mga NASA LABAS NG IGLESIA NI CRISTO kahit magpakilala pa silang CRISTIANO?

1 John 2:4 The Living Bible
“SOMEONE MAY SAY, "I AM A CHRISTIAN; I AM ON MY WAY TO HEAVEN; I BELONG TO CHRIST." BUT IF HE DOESN'T DO WHAT CHRIST TELLS HIM TO, HE IS A LIAR.”

Salin sa Filipino:

1 Juan 2:4
“MAAARING SABIHIN NG ISANG TAO,'AKO AY ISANG CRISTIANO, AKO AY NASA DAAN PATUNGO SA LANGIT, AKO AY NA KAY CRISTO. 'NGUNIT KUNG HINDI NAMAN NIYA GINAGAWA ANG INIUUTOS SA KANIYA NI CRISTO NA GAWIN NIYA, SIYA'Y ISANG SINUNGALING.”

Kung sabihin ba ng isang tao na siya ay isang CRISTIANO, tunay na ba siyang Kay Cristo? Hind. Ayon sa ating nabasa na pahayag ni Apostol Juan…”MAAARING SABIHIN NG ISANG TAO,'AKO AY ISANG CRISTIANO, AKO AY NASA DAAN PATUNGO SA LANGIT, AKO AY NA KAY CRISTO. 'NGUNIT KUNG HINDI NAMAN NIYA GINAGAWA ANG INIUUTOS SA KANIYA NI CRISTO NA GAWIN NIYA, SIYA'Y ISANG SINUNGALING.”

Tandaan natin na ANG ISA SA MGA PANGUNAHING IPINAG-UUTOS NI CRISTO NA GAWIN ng tao para siya ay KILALANIN Niya at MALIGTAS ay ang PAGPASOK o PAG-ANIB sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano ang sama kung ang tao ay aayaw umanib o pumasok sa Iglesia Ni Cristo o kaya naman ay natiwalag  o kusang tumiwalag sa Iglesia Ni Cristo?

1 Corinto 5:12-13 New Pilipino Version
“Ano ang karapatan kong humatol SA MGA TAGA-LABAS NG IGLESYA? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? ANG DIOS ANG HAHATOL SA MGA NASA LABAS. Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan'.”

Masama na ang tao ay nasa labas ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang gayon ay may HATOL NG DIYOS.

TANONG: Kailan at ano ang hatol ng Diyos sa mga nasa labas ng Iglesia?

2 Pedro 3:7 Magandang Balita Biblia
“Sa bisa rin ng salitang ito, nananatili ang langit at lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM at PAGPAPARUSA SA MASASAMA.”

Sa ARAW NG PAGHUHUKOM ay parurusahan ang lahat ng mga taong masasama.

TANONG: Saan ang dako ng pagpaparusa sa mga taong masama?

Apocalipsis 20:14-15
“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa DAGATDAGATANG APOY. Ito ang IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid ay ang DAGATDAGATANG APOY. At kung ang sinuman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa DAGATDAGATANG APOY.”


Kaya napakahalagang ang tao ay mapaloob sa IGLESIA NI CRISTO. Napakadakilang kapalaran ang matatamo ng mga taong susunod sa ating Panginoong Jesucristo dahil TIYAK SILANG MALILIGTAS SA HATOL NG DIYOS.

Saturday, August 27

IS THE BIBLE AN “OPEN BOOK”?

ARGUMENT:
“I believe that the BIBLE can be understood by anyone who can read it. Through PERSONAL READING and SELF-STUDYING, a person can understand what the Bible says. There is no mystery in the Bible. You can find yourself the Bible truth.”

The teachings of the BIBLE doesn’t agree with the belief that the Bible is an “OPEN BOOK” that anyone can UNDERSTAND it only through PERSONAL READING and SELF-STUDY. The Bible says:

2 Timothy 3:7 New King James Version
“ALWAYS LEARNING AND NEVER ABLE TO COME TO THE KNOWLEDGE OF THE TRUTH.”

QUESTION: Why although man “ALWAYS LEARNING” (STUDYING AND READING) the HOLY SCRIPTURES but “NEVER ABLE TO COME TO THE KNOWLEDGE OF THE TRUTH”? Apostle Peter answered this question.

2 Peter 3:16 New King James Version
“As also in all his epistles, SPEAKING IN THEM OF THESE THINGS, IN WHICH ARE SOME THINGS HARD TO UNDERSTAND, WHICH UNTAUGHT AND UNSTABLE PEOPLE TWIST TO THEIR OWN DESTRUCTION, as they do also the rest of the Scriptures.”

APOSTLE PETER explicitly answered the belief that the BIBLE is an “OPEN BOOK.” He said, “SPEAKING IN THEM OF THESE THINGS, IN WHICH ARE SOME THINGS HARD TO UNDERSTAND.” Because of this, Apostle Peter also said, “UNTAUGHT AND UNSTABLE PEOPLE TWIST TO THEIR OWN DESTRUCTION.”  The Holy Scriptures are “HARD TO UNDERSTAND” which the “UNTAUGHT PEOPLE” twist to their own destruction.

APOSTLE PAUL gave explanation why the Bible is “HARD TO UNDERSTAND.” This is what he said in.

Romans 16:25 Today’s English Version
“Let us give glory to God! He is able to make you stand firm in your faith, according to the Good News I preach about Jesus Christ and according to the revelation of the SECRET TRUTH WHICH WAS HIDDEN FOR LONG AGES IN THE PAST.”

APOSTLE PAUL described it as “SECRET TRUTH WHICH HIDDEN FOR LONG AGES IN THE PAST.” Thus, man in his own never able to come to the knowledge of the truth of the Bible, the secret truth which was hidden for long ages in the past. The Bible is indeed not an “OPEN BOOK” that can be understood by simply reading it.

To further illustrate this point, let us see the case of the ETHIOPIAN EUNUCH.

Acts 8:27-31 New Living Translation
“The EUNUCH had gone to Jerusalem to worship, and he was now returning. Seated in his carriage, HE WAS READING ALOUD FROM THE BOOK OF THE PROPHET ISAIAH. The Holy Spirit said to Philip, ‘Go ever and walk along beside the carriage’. PHILIP ran over and heard the man reading from the prophet Isaiah; so he asked, ‘DO YOU UNDERSTAND WHAT YOU ARE READING?’ The man replied, ‘HOW CAN I, WHEN THERE IS NO ONE TO INSTRUCT ME?’ And he begged Philip to come up into the carriage and sit with him”

In the preceding biblical passages we see that the EUNUCH was already READING the BOOK OF ISAIAH. But, when asked if he understood what he was reading, his reply was, “HOW CAN I, WHEN THERE IS NO ONE TO INSTRUCT ME?”

QUESTION: What does it take to understand the words of God written in the Bible? The Bible answered this question in.

Malachi 2:7 Today’s English Version
“IT IS THE DUTY of priests TO TEACH THE TRUE KNOWLEDGE OF GOD. PEOPLE SHOULD GO TO THEM TO LEARN MY WILL, because they are THE MESSENGERS OF THE LORD ALMIGHTY.”

It is the duty of the messengers of the Lord God to teach the true knowledge of God.

QUESTION: Are there also messengers of God in the Christian Era?

2 Corinthians 5:18-20 New King James Version
“Now all things are of God, who has reconciled us to Himself through Jesus Christ, and has GIVEN US THE MINISTRY of reconciliation, that is, that God was in Christ reconciling the world to Himself, not imputing their trespasses to them, and has committed to us the word of reconciliation. Now then, WE ARE AMBASSADORS FOR CHRIST, AS THOUGH GOD WERE PLEADING THROUGH US: WE IMPLORE YOU ON CHRIST'S BEHALF, BE RECONCILED TO GOD.”

No wonder the EUNUCH by himself could not understand the SCRIPTURES without the MESSENGER explaining it to him. So, PHILIP taught him the words of God. Remember what the APOSTLE PETER said, “WHICH ARE SOME THINGS HARD TO UNDERSTAND, WHICH UNTAUGHT AND UNSTABLE PEOPLE TWIST TO THEIR OWN DESTRUCTION.” Thus, those not sent by God and those not taught by true messengers of God not only never able to come to the knowledge of the truth, but also they “TWIST TO THEIR OWN DESTRUCTION.”


Therefore, it really doesn’t take a genius to read and understand the BIBLE. Rather, IT TAKES A MESSENGER OF GOD TO UNDERSTAND IT AND TO TEACH US. God’s messengers understand the words of God written in the Bible because they have been entrusted with God’s words. the Bible said, “…AND HAS COMMITTED TO US THE WORD OF RECONCILIATION. NOW THEN, WE ARE AMBASSADORS FOR CHRIST…”

Friday, August 26

BAKIT DINADALAW ANG ISANG KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO KAPAG HINDI NAKADALO NG PAGSAMBA?

Itinatanong ng mga hindi kaanib sa INC:
"Bakit sa Iglesia ni Cristo, kapag hindi nakasamba ay DINADALAW ninyo?"

Ang dahilan kung bakit DINADALAW ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na hindi nakadalo sa mga araw ng pagsamba ay upang IPAGMALASAKIT sila at IPAALAALA ANG TAGUBILIN NG PANGINOONG DIYOS UKOL SA KAHALAGAHAN NG PAGSAMBA. Na ito ay mababasa natin sa:

Hebreo 10:25 Magandang Balita Biblia
“At HUWAG KALIGTAAN ANG PAGDALO SA ATING MGA PAGTITIPON gaya ng ginawa ng ilan, KUNDI PALAKASIN ANG LOOB NG ISA’T ISA, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon”

Mahigpit ang UTOS ng PANGINOONG DIYOS sa mga LINGKOD NIYA na HUWAG KALIGTAAN ang PAGDALO sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya kapag may MGA KAPATID na LUMIBAN sa PAGSAMBA ay agad na DINADALAW ng MINISTRO, MANGGAGAWA at ng MGA MAY TUNGKULIN sa IGLESIA para ALAMIN ANG DAHILAN ng kanilang PAGLIBAN sa PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kung ang dahilan ng pagliban ay KARAMDAMAN, ang kapatid na may sakit ay PINAPAHIRAN ng LANGIS at IPINAPANALANGIN upang sila ay GUMALING sa kanilang KARAMDAMAN.

Santiago 5:14-15 Magandang Balita Biblia
“MAYROON BANG MAY SAKIT SA INYO? IPATAWAG NIYA ANG MATATANDA NG IGLESYA UPANG IPANALANGIN SIYA AT PAHIRAN NG LANGIS, SA NGALAN NG PANGINOON. AT PAGAGALINGIN ANG MAYSAKIT DAHIL SA PANALANGING MAY PANANAMPALATAYA. IBABANGON SIYA NG PANGINOON, AT PATATAWARIN KUNG SIYA’Y NAGKASALA.”

At kung ang dahilan naman ay sa NADAIG NG MGA SULIRANIN SA BUHAY ay PINAPAYUHAN sila, PINATATATAG, PINALALAKAS ANG KANILANG LOOB at IPINAPANALANGIN. Kung NAGPAPABAYA naman, sila ay PINAPAYUHAN, PINAPAALALAHANAN at PINANGANGARALAN at pagkatapos ay IPINAPANALANGIN DIN SA PANGINOONG DIYOS.

TANONG: Totoo nga bang aral ng BIBLIA ang IPAGMALASAKIT ang mga NAGPAPABAYA sa mga PAGKAKATIPON o sa mga PAGSAMBA? Ito ay mababasa natin sa:

Hebreo 10:25-27
“Na HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING PAGKAKATIPON, na gaya ng ugali ng iba, KUNDI MANGAGARALAN SA ISA'T ISA; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. Sapagka't KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

Utos ng Panginoong Diyos na PANGARALAN ang mga lingkod niya na LUMIBAN o NAGPABAYA sa PAGDALO sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA. Sapagkat isang malaking kasalanan sa Diyos ang pagpapabaya sa pagsamba. Ang tawag ng Biblia sa pagpapabaya sa pagsamba ay SINASADYANG KASALANAN at nanganganib na hindi maligtas sa ARAW NG PAGHUHUKOM ang kapatid na sinasadyang hindi dumalo sa mga nakatakdang araw ng pagsamba.

Bukod sa PANGARALAN at PAALALAHANAN ang MGA KAPATID na NAGPABAYA at LUMIBAN sa PAGSAMBA, mayroon pang itinatagubilin ang mga Apostol na dapat na gawin sa kanila.

Gawa 15:36 Magandang Balita Biblia
“Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “BALIKAN NATIN AT DALAWIN ANG MGA KAPATID sa mga bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at TINGNAN KUNG ANO ANG LAGAY NILA.”

Maliwanag ang nakasulat sa Biblia, BALIKAN at DALAWIN ang MGA KAPATID UPANG TIGNAN ang kanilang KALAGAYAN. Ang pagdalaw sa mga kapatid sa IGLESIA NI CRISTO maging sa mga HINDI NAKADALO NG PAGSAMBA ay nakabatay sa mga aral ng Panginoong Diyos na nakasulat sa Biblia.

Gaano ba kahalaga na matiyak na ang lahat ng kapatid ay masiglang dumadalo sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA? Batay sa mga talatang ating nabasa, ANG KAPATID NA MASIGLA SA PAGDALO SA PAGSAMBA ANG NAKATITIYAK NG KALIGTASAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM sapagkat ayon nga pagtuturo ng Biblia SA MGA NAGPAPABAYA o NAKAPAGPAPABAYA SA PAGSAMBA KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN AY WALA NG HAING NATITIRA PA PATUNGKOL SA MGA KASALANAN, KUNDI ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM AT ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.

Kaya, ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, ano man ang maging SITWASYON ng KANILANG BUHAY ay HINDI NILA PINABABAYAAN ang PAGSAMBA SA PANGINOONG DIYOS.


PAANO BA MAGING "BORN AGAIN”?

Sinasabi ng mga BORN AGAIN:

Ayon sa inyong mga INC ang tao ay hindi maliligtas kapag hindi kaanib ng IGLESIA NI CRISTO pero malinaw ang itinuturo ng PANGINOONG JESUCRISTO na,

 “EXCEPT A MAN BE BORN AGAIN, HE CANNOT SEE THE KINGDOM OF GOD.”

hindi sinabi na,

“EXCEPT A MAN BE A MEMBER OF THE CHURCH YOU CANNOT ENTER THE KINGDOM OF GOD.”

Dagdag pa sa kanilang pangangatuwiran:

Para sa kaalaman ninyong mga INC, WALANG ITINUTURO ang BIBLIA na kailangan ng tao na maging KAANIB  o MEMBER ng IGLESIA para maging BORN AGAIN. Ang tao ay nagiging BORN AGAIN kapag SUMAMPALATAYA siya sa PANGINOONG JESUCRISTO at TINANGGAP niya sa kaniyang sarili ang PANGINOON bilang kaniyang PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS at PANGINOON at kung siya ay MAGBABAGONG BUHAY, hindi sa PAG-ANIB o maging KAANIB ng IGLESIA.

Bukang bibig ng karamihan sa mga samahan na tinatawag na PROTESTANTE ang salitang BORN AGAIN ito ang kadalasan nilang ipinangangaral sa tao kaya ang malimit na tawag sa kanila ay BORN AGAIN CHRISTIANS. Ayon sa kanila ang pagiging BORN AGAIN ay ang PAGTANGGAP KAY CRISTO BILANG PERSONAL NIYANG TAGAPAGLIGTAS AT ANG PAGBABAGONG BUHAY. Para sa kanila, hindi daw dapat paniwalaan ang aral na kailangan daw maging kaanib ng IGLESIA para maging BORN AGAIN. Totoo na maliban na ang tao'y MAIPANGANAK NA MULI (BORN AGAIN) hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

TANONG: Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na ang tao ay dapat na MAIPANGANAK NA MULI (BORN AGAIN)? Nangangahulugan ba ito na ang kailangan mo lang gawin ay magbagong buhay? May kakayahan ba ang tao na baguhin ang kaniyang sarili?

Jeremias 13:23 New Pilipino Version
“Ang taga-Etiopia ba ay makapagpapalit ng kanyang balat o ang leopardo ay makapag-aalis sa kanyang mga batik?  Ni KAYONG NASANAY SA PAGGAWA NG MASAMA AY HINDI MAKAGAGAWA NG MABUTI.”

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, tulad ng Etiope na hindi magagawang magpalit ng balat ng kaniyang sarili lamang, at ang leopardo na mag-alis ng kaniyang batik ng sarili lamang ay GANON DIN ANG TAO NA NAKAGAWA NG MASAMA AY HINDI HINDI NIYA MABABAGO ANG SARILI NA MAGING MABUTI O MAGING MALINIS SA HARAPAN NG DIYOS.  ANG TAONG MASAMA AY YAONG TAONG NAKAGAWA NG KASALANAN.

TANONG: Ano ang ibinunga ng kasalanang nagawa ng tao sa harap ng Diyos?

Isaias 59:2
“Kundi PINAPAGHIWALAY NG INYONG MGA KASAMAAN KAYO AT ANG INYONG DIOS, AT ANG INYONG MGA KASALANAN AY SIYANG NAGPAKUBLI NG KANIYANG MUKHA SA INYO, UPANG SIYA'Y HUWAG MAKINIG”

Ayon mismo sa Biblia, ang tao ay nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanang nagawa ng tao. Ang KASALANAN ang nagsilbing PADER o DIVIDING WALL sa ginagawang PAGLILINGKOD o PAGTAWAG ng tao upang ang Diyos ay huwag makinig.

TANONG:  Alamin natin, sino ang mga taong nagkasala sa harapan ng Diyos.

Roma 5:12
“Kaya, KUNG PAANO NA SA PAMAMAGITAN NG ISANG TAO AY PUMASOK ANG KASALANAN sa sanglibutan, at ANG KAMATAYA'Y SA PAMAMAGITAN NG KASALANAN; at sa ganito'y ANG KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA TAO, sapagka't ANG LAHAT AY NANGAGKASALA.

Ang LAHAT NG TAO AY NAGKASALA. Dahil sa KASALANAN ang tao ay tinakdaan ng KAMATAYAN. Sa banggit na LAHAT NG TAO AY NAGKASALA ay may EXEMPTION.

TANONG: Sino ang tanging TAO na HINDI NAGKASALA?

1 Pedro 2:21-22
“Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't SI CRISTO man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”

Sa banggit ni Apostol Pablo na LAHAT NG TAO AY NAGKASALA ay hindi kabilang ang PANGINOONG JESUCRISTO na tanging TAO na HINDI NAGKASALA.

Kung gayon ANG LAHAT NG TAO AY NAGKASALA kaya hindi magagawa ninuman sa kaniyang sarili na maging malinis sa harapan ng Diyos. At dahil hindi magagawa ninuman na maging mabuti sa harapan ng Diyos ay nananatili siyang MAKASALANAN.

TANONG: Ano ang itinakda ng Diyos na maging kabayaran ng kasalanang nagawa ng tao?

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Ang magiging KABAYARAN ng  KASALANAN ng tao ay ang KAMATAYAN. Ang kamatayan ba na pagkalagot ng hininga ang ganap na kabayaran ng kasalanang nagawa ng tao? Hindi, dahil may binabanggit pa ang Biblia na IKALAWANG KAMATAYAN na SIYANG GANAP NA KABAYARAN NG KASALANAN.

TANONG: Alin itong ikalawang kamatayan na siyang ganap na kabayaran ng kasalanan?

Apocalipsis 20:14
“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid AY ANG DAGATDAGATANG APOY.

Ang ganap na kabayaran ng kasalanan na nagawa ng tao ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGATDAGATANG APOY o kilala sa tawag na IMPIERNO.

Mabuti ay i-summary natin ang mga pangyayari mula pa noong una:
  • Dati ang mga unang tao ay kasama ng Diyos sa halamanan ng EDEN at ANG TAO ay WALANG KAMATAYAN. Genesis 2:7-23
  • Ang mga unang tao ay nagkasala dahil lumabag sa utos ng Diyos kaya sila ay tinakdaan ng KAMATAYAN at PINALAYAS SA HALAMANAN NG EDEN. Genesis 3:1-24
  • Ang KASALANAN ang nagsisilbing PADER o NAGHIWALAY sa Diyos at sa mga tao. Isaias 59:2
  • Dahil sa KASALANAN tinakdaan ang tao ng KAMATAYAN. Roma 6:23
  • Ang GANAP NA KABAYARAN NG KASALANAN ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGATDAGATANG APOY. Apocalipsis 20:14


Kita ninyo kung gaano kabigat ang kalagayan ng tao dahil sa KASALANAN.

Kaya, kahit na ipahayag ng tao na siya ay BORN AGAIN at kahit na siya ay GUMAGAWA NG MABUTI ay nananatili pa rin na siya ay MAKASALANAN SA HARAPAN NG DIYOS at ang kahahantungan niya ay sa DAGATDAGATANG APOY.

TANONG: Paano ba tayo MAIPAPANGANAK NA MULI (BECOME BORN AGAIN) o MAGING BAGONG NILALANG?

2 Corinto 5:17
“Kaya't KUNG ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA; NARITO, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”

Ang mga taong itinuring ng Diyos na BAGONG NILALANG o NAIPANGANAK NA MULI o BORN AGAIN ay yaong mga na KAY CRISTO.

TANONG: Sino ba yaong na KAY CRISTO?

Roma 12:5 
“Ay gayon din tayo, na marami, ay IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”

Ayon kay Apostol Pablo ang mga KAY CRISTO ay yaong mga TAO na SANGKAP ng IISANG KATAWAN.

Sa Bibliang Ingles ay mas maliwanag ang pagkakasalin ukol sa banggit na SANGKAP NG KATAWAN NI CRISTO.

Romans 12:5 King James Version
“So we, being many, are ONE BODY IN CHRIST, AND EVERY ONE MEMBERS ONE OF ANOTHER”

Ephesians 5:30  New King James Version
“For WE ARE MEMBERS OF HIS BODY, of His flesh and of His bones.”

1 Corinthians 12:27 New king James Version
“NOW YOU ARE THE BODY OF CHRIST, AND MEMBERS INDIVIDUALLY.”

Samakatuwid, ang mga NAIPANGANAK NA MULI o yaong naging mga BAGONG NILALANG o BORN AGAIN ay naging SANGKAP o KAANIB o MEMBER ng ISANG KATAWAN o naging MIYEMBRO ng KATAWAN NI CRISTO.

TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KATAWAN ni Cristo na dito naging SANGKAP o KAANIB o MEMBER ang mga NAIPANGANAK NA MULI o naging BAGONG NILALANG o BORN AGAIN?

Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”
                        
Ang KATAWAN na tinutukoy na kung saan naging KAANIB ang mga NAIPANGANAK NA MULI ay ang IGLESIA. Naging KAANIB ng IGLESIA na KATAWAN NI CRISTO ang mga taong naging BAGONG NILALANG.

TANONG: Ano ang pangalan ng IGLESIA na KATAWAN NI CRISTO?

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

Ang KATAWAN na ang katumbas ay IGLESIA, kaya ang KATAWAN NI CRISTO ay ang IGLESIA NI CRISTO.

Para ang tao ay maging BORN AGAIN hindi niya maiiwasan na UMANIB o maging MEMBER sa IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito ang itinuturo ng Biblia. Hindi maging BORN AGAIN ang tao sa PAGPAPAHAYAG LAMANG at PAGBABAGONG BUHAY LAMANG kinakailangan niyang maging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Subalit paano naman natitiyak ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na sila ay naging malinis o napatawad na sa kanilang kasalanan?

Hebreo 9:14
“Gaano pa kaya ANG DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, AY MAGLILINIS NG INYONG BUDHI sa mga gawang patay UPANG MAGSIPAGLINGKOD SA DIOS na buhay?”

Ang mga taong naging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ay NALINIS SA KASALANAN sa pamamagitan ng DUGO ni CRISTO. Ano ang halaga na ang tao ay MALINIS SA KANIYANG KASALANAN sa pamamagitan ng DUGO ni CRISTO. Upang maging KATANGGAP-TANGAP SA DIYOS ang GINAGAWANG PAGLILINGKOD NG TAO.

TANONG: Gaano ba kahalaga na ang tao ay MALINIS o MATUBOS ng DUGO ni CRISTO?

Efeso 1:7
“Na SA KANIYA'Y MAYROON TAYO NG ATING KATUBUSAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, NA KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”

Sa pamamagitan ng PAGTUBOS NG DUGO NI CRISTO ay NAPATAWAD NA ANG KANILANG MGA KASALANAN.

Maaaring sabihin ng iba:
Lahat ng tao sa mundo ay natubos ng dugo ni Cristo.

Tama kaya ang kanilang sinasabi?

TANONG: Ayon sa pagtuturo ng Biblia sino lamang ba ang BINILI o TINUBOS ng DUGO NI CRISTO?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD."

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan, na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO”

Ayon sa pagtuturo ng BIBLIA ang BINILI o TINUBOS ng DUGO NI CRISTO ay ang IGLESIA NI CRISTO. Kaya, isang maling paniniwala na ang lahat ng tao ay tinubos ng dugo ni Cristo.

Ang mga taong NAIPANGANAK NA MULI, naging isang BAGONG NILALANG, NILINIS at NAPATAWAD NA SA KASALANAN sa pamamagitan ng DUGO ni CRISTO ay ang mga taong naging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO.

Maaari na namang mangatuwiran ang iba at sabihin na,
Hindi ba sapat na ang tao ay sumasampalataya na lamang sa ating Panginoong JesuCristo upang ang tao ay maligtas?

Walang itinuturo ang BANAL NA KASULATAN na sapat na ang SUMAMPALATAYA LAMANG AY LIGTAS NA. Sapagkat may ganitong itinuturo ang Panginoong JesuCristo sa mga taong sumasampalataya.

Marcos 16:16
“ANG SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN AY MALILIGTAS; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”

Ang mga SUMASAMPALATAYA ay kailangang MABAUTISMUHAN.

TANONG: Bakit kailangan nilang MABAUTISMUHAN?

Roma 6:3-4
“O hindi baga ninyo nalalaman na TAYONG LAHAT NA MGA NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN? TAYO NGA'Y NANGALIBING NA KALAKIP NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO SA KAMATAYAN: NA KUNG PAANONG SI CRISTO AY NABUHAY NA MAGULI SA MGA PATAY SA PAMAMAGITAN NG KALUWALHATIAN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN TAYO'Y MAKALALAKAD SA PANIBAGONG BUHAY.”

Ang PAGBABAUTISMO ay PAKIKIPAGISA NG TAO SA KAMATAYAN NI CRISTO. Ang taong NABAUTISMUHAN ay NANGALIBING NA KALAKIP NI CRISTO sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN. Ang mga tunay na NAIPANGANAK NA MULI o BORN AGAIN ay ang mga taong NABAUTISMUHAN at NAKIPAGISA KAY CRISTO at sa gayon ay makalalakad sila sa PANIBAGONG BUHAY.

TANONG: Saan ba naroon ang mga taong nabautismuhan?

1 Corinto 12:13 New Pilipino Version
TAYONG LAHAT--maging Judio o Griego, alipin o malaya--AY BINAUTISMUHAN sa iisang Espiritu UPANG MAGING SANGKAP NG ISANG KATAWAN. At tayo'y umiinom sa iisang Espiritu.”

Ang mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO ay NAGING SANGKAP o NAGING KAANIB NG ISANG KATAWAN. Ang KATAWAN ay ang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO.

Ang tao ay MAIPAPANGANAK NA MULI kung siya ay kabilang sa mga TINUBOS NG DUGO NG PANGINOONG JESUCRISTO, NALINIS AT NAPATAWAD SA KANIYANG MGA KASALANAN. Kailangan niyang SUMAMPALATAYA, MABAUTISMUHAN at maging KAANIB ng IGLESIA na tinubos ng dugo ni Cristo, ang IGLESIA NI CRISTO.

Hindi magagawa ninuman sa kaniyang sarili na maging MALINIS at WALANG SALA SA HARAPAN NG DIYOS. Hindi magagawa ninuman sa kaniyang sarili na MAIPANGANAK MULI o maging BORN AGAIN sa pagpapahayag lamang. Ang tao ay maipapanganak muli sa pamamagitan ng PAGSAMPALATAYA, PAGTANGGAP NG TUNAY NA BAUTISMO AT PAGIGING KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.


Ito ang kaparaanang itinuturo ng BANAL NA KASULATAN upang ang tao ay MAIPANGANAK NA MULI o maging BORN AGAIN. Kinakailangan niyang maging KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.