Friday, August 26

BAKIT DINADALAW ANG ISANG KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO KAPAG HINDI NAKADALO NG PAGSAMBA?

Itinatanong ng mga hindi kaanib sa INC:
"Bakit sa Iglesia ni Cristo, kapag hindi nakasamba ay DINADALAW ninyo?"

Ang dahilan kung bakit DINADALAW ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na hindi nakadalo sa mga araw ng pagsamba ay upang IPAGMALASAKIT sila at IPAALAALA ANG TAGUBILIN NG PANGINOONG DIYOS UKOL SA KAHALAGAHAN NG PAGSAMBA. Na ito ay mababasa natin sa:

Hebreo 10:25 Magandang Balita Biblia
“At HUWAG KALIGTAAN ANG PAGDALO SA ATING MGA PAGTITIPON gaya ng ginawa ng ilan, KUNDI PALAKASIN ANG LOOB NG ISA’T ISA, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon”

Mahigpit ang UTOS ng PANGINOONG DIYOS sa mga LINGKOD NIYA na HUWAG KALIGTAAN ang PAGDALO sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya kapag may MGA KAPATID na LUMIBAN sa PAGSAMBA ay agad na DINADALAW ng MINISTRO, MANGGAGAWA at ng MGA MAY TUNGKULIN sa IGLESIA para ALAMIN ANG DAHILAN ng kanilang PAGLIBAN sa PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kung ang dahilan ng pagliban ay KARAMDAMAN, ang kapatid na may sakit ay PINAPAHIRAN ng LANGIS at IPINAPANALANGIN upang sila ay GUMALING sa kanilang KARAMDAMAN.

Santiago 5:14-15 Magandang Balita Biblia
“MAYROON BANG MAY SAKIT SA INYO? IPATAWAG NIYA ANG MATATANDA NG IGLESYA UPANG IPANALANGIN SIYA AT PAHIRAN NG LANGIS, SA NGALAN NG PANGINOON. AT PAGAGALINGIN ANG MAYSAKIT DAHIL SA PANALANGING MAY PANANAMPALATAYA. IBABANGON SIYA NG PANGINOON, AT PATATAWARIN KUNG SIYA’Y NAGKASALA.”

At kung ang dahilan naman ay sa NADAIG NG MGA SULIRANIN SA BUHAY ay PINAPAYUHAN sila, PINATATATAG, PINALALAKAS ANG KANILANG LOOB at IPINAPANALANGIN. Kung NAGPAPABAYA naman, sila ay PINAPAYUHAN, PINAPAALALAHANAN at PINANGANGARALAN at pagkatapos ay IPINAPANALANGIN DIN SA PANGINOONG DIYOS.

TANONG: Totoo nga bang aral ng BIBLIA ang IPAGMALASAKIT ang mga NAGPAPABAYA sa mga PAGKAKATIPON o sa mga PAGSAMBA? Ito ay mababasa natin sa:

Hebreo 10:25-27
“Na HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING PAGKAKATIPON, na gaya ng ugali ng iba, KUNDI MANGAGARALAN SA ISA'T ISA; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. Sapagka't KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

Utos ng Panginoong Diyos na PANGARALAN ang mga lingkod niya na LUMIBAN o NAGPABAYA sa PAGDALO sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA. Sapagkat isang malaking kasalanan sa Diyos ang pagpapabaya sa pagsamba. Ang tawag ng Biblia sa pagpapabaya sa pagsamba ay SINASADYANG KASALANAN at nanganganib na hindi maligtas sa ARAW NG PAGHUHUKOM ang kapatid na sinasadyang hindi dumalo sa mga nakatakdang araw ng pagsamba.

Bukod sa PANGARALAN at PAALALAHANAN ang MGA KAPATID na NAGPABAYA at LUMIBAN sa PAGSAMBA, mayroon pang itinatagubilin ang mga Apostol na dapat na gawin sa kanila.

Gawa 15:36 Magandang Balita Biblia
“Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “BALIKAN NATIN AT DALAWIN ANG MGA KAPATID sa mga bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at TINGNAN KUNG ANO ANG LAGAY NILA.”

Maliwanag ang nakasulat sa Biblia, BALIKAN at DALAWIN ang MGA KAPATID UPANG TIGNAN ang kanilang KALAGAYAN. Ang pagdalaw sa mga kapatid sa IGLESIA NI CRISTO maging sa mga HINDI NAKADALO NG PAGSAMBA ay nakabatay sa mga aral ng Panginoong Diyos na nakasulat sa Biblia.

Gaano ba kahalaga na matiyak na ang lahat ng kapatid ay masiglang dumadalo sa mga PAGTITIPON o PAGSAMBA? Batay sa mga talatang ating nabasa, ANG KAPATID NA MASIGLA SA PAGDALO SA PAGSAMBA ANG NAKATITIYAK NG KALIGTASAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM sapagkat ayon nga pagtuturo ng Biblia SA MGA NAGPAPABAYA o NAKAPAGPAPABAYA SA PAGSAMBA KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN AY WALA NG HAING NATITIRA PA PATUNGKOL SA MGA KASALANAN, KUNDI ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM AT ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.

Kaya, ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, ano man ang maging SITWASYON ng KANILANG BUHAY ay HINDI NILA PINABABAYAAN ang PAGSAMBA SA PANGINOONG DIYOS.


No comments:

Post a Comment