Sinasabi ng mga BORN AGAIN:
Ayon sa inyong mga INC
ang tao ay hindi maliligtas kapag hindi kaanib ng IGLESIA NI CRISTO pero malinaw ang itinuturo ng PANGINOONG JESUCRISTO na,
“EXCEPT A MAN BE BORN AGAIN, HE CANNOT SEE THE KINGDOM OF GOD.”
hindi sinabi na,
“EXCEPT A MAN BE A MEMBER
OF THE CHURCH YOU CANNOT ENTER THE KINGDOM OF GOD.”
Dagdag pa sa kanilang
pangangatuwiran:
Para sa kaalaman ninyong mga INC, WALANG ITINUTURO ang
BIBLIA na kailangan ng tao na maging
KAANIB o MEMBER
ng IGLESIA para maging BORN AGAIN. Ang tao ay nagiging BORN AGAIN kapag SUMAMPALATAYA siya sa PANGINOONG
JESUCRISTO at TINANGGAP niya sa
kaniyang sarili ang PANGINOON bilang
kaniyang PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS at
PANGINOON at kung siya ay MAGBABAGONG BUHAY, hindi sa PAG-ANIB o maging KAANIB ng IGLESIA.
Bukang
bibig ng karamihan sa mga samahan na tinatawag na PROTESTANTE ang salitang BORN
AGAIN ito ang kadalasan nilang ipinangangaral sa tao kaya ang malimit na
tawag sa kanila ay BORN AGAIN CHRISTIANS.
Ayon sa kanila ang pagiging BORN AGAIN
ay ang PAGTANGGAP KAY CRISTO BILANG
PERSONAL NIYANG TAGAPAGLIGTAS AT ANG PAGBABAGONG BUHAY. Para sa kanila,
hindi daw dapat paniwalaan ang aral na kailangan daw maging kaanib ng IGLESIA para maging BORN AGAIN. Totoo na maliban na ang
tao'y MAIPANGANAK NA MULI (BORN AGAIN) hindi siya makakakita ng kaharian
ng Dios.
TANONG: Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na ang tao ay dapat na MAIPANGANAK NA MULI (BORN AGAIN)? Nangangahulugan ba ito na
ang kailangan mo lang gawin ay magbagong buhay? May kakayahan ba ang tao na
baguhin ang kaniyang sarili?
Jeremias 13:23 New Pilipino Version
“Ang
taga-Etiopia ba ay makapagpapalit ng kanyang balat o ang leopardo ay
makapag-aalis sa kanyang mga batik? Ni KAYONG NASANAY SA PAGGAWA NG MASAMA AY
HINDI MAKAGAGAWA NG MABUTI.”
Maliwanag ang pahayag ng Biblia, tulad ng Etiope
na hindi magagawang magpalit ng balat ng kaniyang sarili lamang, at ang
leopardo na mag-alis ng kaniyang batik ng sarili lamang ay GANON DIN ANG TAO NA NAKAGAWA NG MASAMA AY HINDI HINDI NIYA MABABAGO
ANG SARILI NA MAGING MABUTI O MAGING MALINIS SA HARAPAN NG DIYOS. ANG
TAONG MASAMA AY YAONG TAONG NAKAGAWA NG KASALANAN.
TANONG: Ano ang ibinunga ng kasalanang nagawa ng tao sa harap ng Diyos?
Isaias 59:2
“Kundi PINAPAGHIWALAY NG INYONG MGA KASAMAAN KAYO
AT ANG INYONG DIOS, AT ANG INYONG MGA KASALANAN AY SIYANG NAGPAKUBLI NG
KANIYANG MUKHA SA INYO, UPANG SIYA'Y HUWAG MAKINIG”
Ayon mismo sa Biblia, ang tao ay nahiwalay sa
Diyos dahil sa kasalanang nagawa ng tao. Ang KASALANAN ang nagsilbing PADER
o DIVIDING WALL sa ginagawang PAGLILINGKOD o PAGTAWAG ng tao upang ang Diyos ay huwag makinig.
TANONG: Alamin
natin, sino ang mga taong nagkasala
sa harapan ng Diyos.
Roma 5:12
“Kaya, KUNG PAANO NA SA PAMAMAGITAN NG ISANG TAO
AY PUMASOK ANG KASALANAN sa sanglibutan, at ANG KAMATAYA'Y SA PAMAMAGITAN NG KASALANAN; at sa ganito'y ANG KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA
TAO, sapagka't ANG LAHAT AY NANGAGKASALA.”
Ang LAHAT
NG TAO AY NAGKASALA. Dahil sa KASALANAN
ang tao ay tinakdaan ng KAMATAYAN. Sa
banggit na LAHAT NG TAO AY NAGKASALA
ay may EXEMPTION.
TANONG: Sino ang tanging TAO na HINDI NAGKASALA?
1 Pedro 2:21-22
“Sapagka't
sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't SI CRISTO man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng
halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN
NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”
Sa banggit ni Apostol Pablo na LAHAT NG TAO AY NAGKASALA ay hindi
kabilang ang PANGINOONG JESUCRISTO
na tanging TAO na HINDI NAGKASALA.
Kung gayon ANG
LAHAT NG TAO AY NAGKASALA kaya hindi magagawa ninuman sa kaniyang sarili na
maging malinis sa harapan ng Diyos. At dahil hindi magagawa ninuman na maging
mabuti sa harapan ng Diyos ay nananatili siyang MAKASALANAN.
TANONG: Ano ang itinakda ng Diyos na maging kabayaran ng kasalanang nagawa ng
tao?
Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN;
datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay
Cristo Jesus na Panginoon natin.”
Ang magiging KABAYARAN
ng KASALANAN ng tao ay ang KAMATAYAN. Ang kamatayan ba na pagkalagot
ng hininga ang ganap na kabayaran ng kasalanang nagawa ng tao? Hindi, dahil may
binabanggit pa ang Biblia na IKALAWANG
KAMATAYAN na SIYANG GANAP NA
KABAYARAN NG KASALANAN.
TANONG: Alin itong ikalawang kamatayan na siyang ganap na kabayaran ng
kasalanan?
Apocalipsis 20:14
“At ang
kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”
Ang ganap na kabayaran ng kasalanan na nagawa ng tao ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGATDAGATANG APOY o kilala sa tawag na
IMPIERNO.
Mabuti ay i-summary natin ang mga pangyayari mula pa noong
una:
- Dati ang mga unang tao ay kasama ng Diyos sa halamanan ng EDEN at ANG TAO ay WALANG KAMATAYAN. Genesis 2:7-23
- Ang mga unang tao ay nagkasala dahil lumabag sa utos ng Diyos kaya sila ay tinakdaan ng KAMATAYAN at PINALAYAS SA HALAMANAN NG EDEN. Genesis 3:1-24
- Ang KASALANAN ang nagsisilbing PADER o NAGHIWALAY sa Diyos at sa mga tao. Isaias 59:2
- Dahil sa KASALANAN tinakdaan ang tao ng KAMATAYAN. Roma 6:23
- Ang GANAP NA KABAYARAN NG KASALANAN ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGATDAGATANG APOY. Apocalipsis 20:14
Kita ninyo kung gaano kabigat ang kalagayan ng tao
dahil sa KASALANAN.
Kaya, kahit na ipahayag ng tao na siya ay BORN AGAIN at kahit na siya ay GUMAGAWA NG MABUTI ay nananatili pa rin
na siya ay MAKASALANAN SA HARAPAN NG
DIYOS at ang kahahantungan niya ay sa DAGATDAGATANG
APOY.
TANONG: Paano ba tayo MAIPAPANGANAK NA
MULI (BECOME BORN AGAIN) o MAGING BAGONG NILALANG?
2 Corinto 5:17
“Kaya't KUNG ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y
BAGONG NILALANG: ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA; NARITO, SILA'Y PAWANG
NAGING MGA BAGO.”
Ang mga taong itinuring ng Diyos na BAGONG NILALANG o NAIPANGANAK NA MULI o BORN
AGAIN ay yaong mga na KAY CRISTO.
TANONG: Sino ba yaong na KAY CRISTO?
Roma 12:5
“Ay gayon
din tayo, na marami, ay IISANG KATAWAN
KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP
NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”
Ayon kay Apostol Pablo ang mga KAY CRISTO ay yaong mga TAO na SANGKAP ng IISANG KATAWAN.
Sa Bibliang Ingles ay mas maliwanag ang
pagkakasalin ukol sa banggit na SANGKAP
NG KATAWAN NI CRISTO.
Romans 12:5 King
James Version
“So we,
being many, are ONE BODY IN CHRIST, AND
EVERY ONE MEMBERS
ONE OF ANOTHER”
Ephesians 5:30
New King James Version
“For WE ARE MEMBERS OF HIS BODY, of His flesh and of His
bones.”
1 Corinthians 12:27 New king James Version
“NOW YOU ARE THE BODY OF CHRIST, AND MEMBERS INDIVIDUALLY.”
Samakatuwid, ang mga NAIPANGANAK NA MULI o yaong naging mga BAGONG NILALANG o BORN AGAIN
ay naging SANGKAP o KAANIB o MEMBER ng ISANG KATAWAN o
naging MIYEMBRO ng KATAWAN NI CRISTO.
TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KATAWAN
ni Cristo na dito naging SANGKAP o KAANIB o MEMBER ang mga NAIPANGANAK
NA MULI o naging BAGONG NILALANG
o BORN AGAIN?
Colosas 1:18
“At siya ang
ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y
ng IGLESIA;”
Ang KATAWAN
na tinutukoy na kung saan naging KAANIB
ang mga NAIPANGANAK NA MULI ay ang IGLESIA. Naging KAANIB ng IGLESIA na KATAWAN NI CRISTO ang mga taong naging BAGONG NILALANG.
TANONG: Ano ang pangalan ng IGLESIA na KATAWAN NI CRISTO?
Roma 16:16 New
Pilipino Version
“Magbatian
kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA
NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”
Ang KATAWAN
na ang katumbas ay IGLESIA, kaya
ang KATAWAN NI CRISTO ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Para ang tao ay maging BORN AGAIN hindi niya maiiwasan na UMANIB o maging MEMBER sa
IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito ang
itinuturo ng Biblia. Hindi maging BORN
AGAIN ang tao sa PAGPAPAHAYAG LAMANG
at PAGBABAGONG BUHAY LAMANG kinakailangan
niyang maging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Subalit paano naman natitiyak ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na
sila ay naging malinis o napatawad na sa kanilang kasalanan?
Hebreo 9:14
“Gaano pa
kaya ANG DUGO NI CRISTO, na sa
pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na
walang dungis sa Dios, AY MAGLILINIS NG
INYONG BUDHI sa mga gawang patay UPANG
MAGSIPAGLINGKOD SA DIOS na buhay?”
Ang mga taong naging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO
ay NALINIS SA KASALANAN sa
pamamagitan ng DUGO ni CRISTO. Ano ang halaga na ang tao ay MALINIS SA KANIYANG KASALANAN sa
pamamagitan ng DUGO ni CRISTO. Upang maging KATANGGAP-TANGAP SA DIYOS ang GINAGAWANG PAGLILINGKOD NG TAO.
TANONG: Gaano ba kahalaga na ang tao ay MALINIS
o MATUBOS ng DUGO ni CRISTO?
Efeso 1:7
“Na SA KANIYA'Y MAYROON TAYO NG ATING KATUBUSAN
SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, NA KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN,
ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”
Sa pamamagitan ng PAGTUBOS NG DUGO NI CRISTO ay NAPATAWAD
NA ANG KANILANG MGA KASALANAN.
Maaaring sabihin ng iba:
Lahat ng tao sa mundo ay natubos ng dugo ni Cristo.
Tama kaya ang kanilang sinasabi?
TANONG: Ayon sa pagtuturo ng Biblia sino lamang ba ang BINILI o TINUBOS ng DUGO NI CRISTO?
Acts 20:28 George
M. Lamsa Translation
“Take heed
therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has
appointed you overseers, to feed the CHURCH
OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD."
Salin sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan
ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan, na rito'y hinirang
kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO”
Ayon sa pagtuturo ng BIBLIA ang BINILI o TINUBOS ng DUGO NI CRISTO ay ang IGLESIA
NI CRISTO. Kaya, isang maling paniniwala na ang lahat ng tao ay tinubos ng
dugo ni Cristo.
Ang mga taong NAIPANGANAK
NA MULI, naging isang BAGONG
NILALANG, NILINIS at NAPATAWAD NA SA KASALANAN sa
pamamagitan ng DUGO ni CRISTO ay ang mga taong naging KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO.
Maaari na namang mangatuwiran ang iba at sabihin na,
Hindi ba sapat na ang tao ay sumasampalataya na lamang sa
ating Panginoong JesuCristo upang ang tao ay maligtas?
Walang itinuturo ang BANAL NA KASULATAN na sapat na ang SUMAMPALATAYA LAMANG AY LIGTAS NA. Sapagkat may ganitong itinuturo
ang Panginoong JesuCristo sa mga taong sumasampalataya.
Marcos 16:16
“ANG SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN AY
MALILIGTAS; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”
Ang mga SUMASAMPALATAYA
ay kailangang MABAUTISMUHAN.
TANONG: Bakit kailangan nilang MABAUTISMUHAN?
Roma 6:3-4
“O hindi
baga ninyo nalalaman na TAYONG LAHAT NA
MGA NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
TAYO NGA'Y NANGALIBING NA KALAKIP NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO SA KAMATAYAN:
NA KUNG PAANONG SI CRISTO AY NABUHAY NA MAGULI SA MGA PATAY SA PAMAMAGITAN NG
KALUWALHATIAN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN TAYO'Y MAKALALAKAD SA PANIBAGONG
BUHAY.”
Ang PAGBABAUTISMO
ay PAKIKIPAGISA NG TAO SA KAMATAYAN NI
CRISTO. Ang taong NABAUTISMUHAN ay
NANGALIBING NA KALAKIP NI CRISTO sa
pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN.
Ang mga tunay na NAIPANGANAK NA MULI
o BORN AGAIN ay ang mga taong NABAUTISMUHAN at NAKIPAGISA KAY CRISTO at sa gayon ay makalalakad sila sa PANIBAGONG BUHAY.
TANONG: Saan ba naroon ang mga taong nabautismuhan?
1 Corinto 12:13 New Pilipino Version
“TAYONG LAHAT--maging Judio o Griego,
alipin o malaya--AY BINAUTISMUHAN sa
iisang Espiritu UPANG MAGING SANGKAP NG
ISANG KATAWAN. At tayo'y umiinom sa iisang Espiritu.”
Ang mga NABAUTISMUHAN
KAY CRISTO ay NAGING SANGKAP o NAGING KAANIB NG ISANG KATAWAN. Ang KATAWAN ay ang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO.
Ang tao ay MAIPAPANGANAK
NA MULI kung siya ay kabilang sa mga TINUBOS
NG DUGO NG PANGINOONG JESUCRISTO, NALINIS AT NAPATAWAD SA KANIYANG MGA
KASALANAN. Kailangan niyang SUMAMPALATAYA,
MABAUTISMUHAN at maging KAANIB
ng IGLESIA na tinubos ng dugo ni
Cristo, ang IGLESIA NI CRISTO.
Hindi magagawa ninuman sa kaniyang sarili na
maging MALINIS at WALANG SALA SA HARAPAN NG DIYOS. Hindi
magagawa ninuman sa kaniyang sarili na MAIPANGANAK
MULI o maging BORN AGAIN sa
pagpapahayag lamang. Ang tao ay maipapanganak muli sa pamamagitan ng PAGSAMPALATAYA, PAGTANGGAP NG TUNAY NA BAUTISMO
AT PAGIGING KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.
Ito ang kaparaanang itinuturo ng BANAL NA KASULATAN upang ang tao ay MAIPANGANAK NA MULI o maging BORN AGAIN. Kinakailangan niyang maging
KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.
No comments:
Post a Comment