ANG MGA KAANIB BA NG IGLESIA NI CRISTO AY
PINAGBABAWALAN NGA BANG MAGBASA NG BIBLIA?
ARGUMENTO:
- Madalas na sinasabi ng mga pumupuna sa IGLESIA NI CRISTO sa ibang tao na ang mga KAANIB daw sa IGLESIA NI CRISTO ay PINAGBABAWALANG MAGBASA NG BIBLIA.
- Sapagkat madalas nilang nakikita na ang mga KAANIB na pumupunta sa mga PAGSAMBA ay WALANG MGA DALANG BIBLIA.
- IKINUKUMPARA nila ito sa IBANG MGA RELIHIYON na lahat ng mga MIYEMBRO nito ay LAGING MAY DALA-DALANG BIBLIA sa tuwing sila ay pupunta sa kanilang mga GUSALING SAMBAHAN.
TANONG: Totoo nga bang pinagbabawalan ng Iglesia ni Cristo ang mga kaanib nito
na magdala at magbasa ng Biblia? May katotohanan nga ba ang paratang na ito?
SAGOT: Hindi kailanman
pinagbawalan ng IGLESIA NI CRISTO ang
mga kaanib nito na magdala at magbasa ng BIBLIA.
Sa halip ay HINIHIKAYAT pa ang mga
kaanib na patuloy na magbasa ng BIBLIA.
Mayroon kaming tinatawag na "FAMILY
HOUR" na dito din namin ginagawa ang pagbabasa ng BIBLIA na isa sa mga pangunahing naming gawain. Bawat SAMBAHAYAN ay hinihikayat na magkaroon
ng kahit isang BIBLIA sa
kani-kaniyang mga TAHANAN. Ang
pagbabasa ng BIBLIA ay ipinababasa
na sa mga kaanib na MAY KAKAYAHAN NG
SUMULAT AT MAGBASA.
Ngayon, ang mga sinasabi DIUMANO na ang mga KAANIB
daw ng IGLESIA NI CRISTO ay
pinagbabawalang magbasa ng BIBLIA
dahil sa hindi nagdadala ang mga kaanib ng BIBLIA
sa tuwing sila ay dadalo ng mga PAGSAMBA
ay WALANG KATOTOHANAN.
Karamihan sa
mga KATOLIKO na dumadalo sa kanilang
mga SIMBAHAN ay walang dalang mga "CATHECHISM." Maaari na ba
nating sabihin na ang mga KATOLIKO ay
pinagbabawalang magbasa ng "CATHECHISM"?
Ang mga PROTESTANTE na dumadalo sa kanilang mga
PAGSAMBA ay walang dalang mga HEBREW at GREEK BIBLE. Kaya maaari na ba nating sabihin na sila ay
pinagbabawalang magbasa ng HEBREW at
GREEK BIBLE?
KAHIT SINO ay maaaring magdala ng BIBLIA sa tuwing siya ay dadalo sa mga PAGSAMBA ng IGLESIA NI CRISTO. Walang sinuman ang magbabawal sa kaniya.
Mayroong mga kaanib at hindi pa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ay gumagawa nito sa iba't-ibang pagtitipon ng IGLESIA.
TANONG: Subalit, bakit karamihan ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ay hindi nagdadala ng BIBLIA sa mga pagsamba?
SAGOT: Hindi dahil ipinagbabawal
itong gawin, sapagkat ANG KARANIWAN NG
GINAGAWA SA IGLESIA NI CRISTO NA ANG MGA KAANIB AY KANIYANG ISINUSULAT O
TINATANDAAN ANG MGA TALATA HABANG SILA AY NAKIKINIG SA ARAL NA IPINAPAHAYAG NG
MINISTRO AT SINUSURI AT PINAG-AARALANG MULI ANG MGA TALATA SA KANILANG MGA
TAHANAN GAMIT ANG SARILI NILANG MGA BIBLIA. Ang pagbabasa ng Biblia ay isa
sa mahahalagang bahagi ng aming pagsamba. Sa paghahatid ng aral na sinasalita
ng MINISTRO ay nasasagot ang mga
katanungan na pinag-aaralan sa pamamagitan ng direktang pagbabasa ng mga talata
sa BIBLIA (mayroon maraming KOPYA at VERSION ng BIBLIA ang
bawat pagsamba sa IGLESIA NI CRISTO).
Hindi niya binibigyan ng SARILING
PAGPAPAKAHULUGAN ang mga talata ni MAGKUWENTO
sa loob nito. Upang patuloy na masundan ang aral, ANG KAPULUNGAN AY MASIGASIG SA PAKIKINIG AT SAKA SINUSULAT ANG MGA
TALATA UPANG PERSONAL NA MABASA AT MAPAG-ARALAN ANG MGA TALATA SA KANILANG MGA
TAHANAN GAMIT ANG SARILI NILANG MGA BIBLIA.
ANG MGA
KAANIB (at maging mga hindi kaanib) ng IGLESIA NI CRISTO ay HINDI PINAGBABAWALANG MAGDALA at MAGBASA ng BIBLIA sa mga pagsamba kung
ninanais nila. WALANG GANOONG URI NG
PAGBABAWAL.
No comments:
Post a Comment