Monday, May 30

SA MGA LUMALABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA

ARGUMENTO:
Sinasabi ng iba, bakit may MINISTRO o PASTOR sa IGLESIA NI CRISTO ang NATITIWALAG?

SAGOT:

  • NATITIWALAG ang MINISTRO kapag may nagawang PAGLABAG sa ARAL na SINASAMAPATAYAN ng IGLESIA.
  • INAALISAN ng KARAPATAN at ITINITIWALAG dahil NALALAPASTANGAN ang BANAL na MINISTERIO o TUNGKULING PAGKA-MINISTRO.
  • BAWAL sa MINISTRO ang MAGMOLESTYA o MANGHINGI ng kung anu-ano sa mga KAPATID sa IGLESIA.
Ito ang katunayan na HINDI KINUKUNSINTI ng PAMAMAHALA sa IGLESIA na magkaroon ng MINISTRO na MASAMA ANG GAWAIN kaya sila ay INAALISAN NG KARAPATAN at NATITIWALAG.

TANONG: Paano makikilala ang hindi tunay na Ministro sa Iglesia ayon sa Biblia? Ganito nakasulat sa;

Judas 1:10-12
“Datapuwa't ANG MGA ITO'Y NANGALIPUSTA SA ANOMANG BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng MGA KINAPAL NA WALANG BAIT. Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. ANG MGA ITO'Y PAWANG MGA BATONG NATATAGO SA INYONG PIGING NG PAGIIBIGAN, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, MGA PASTOR NA WALANG TAKOT NA NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;”

Ito ang uri ng hindi tunay na Ministro, INAALIPUSTA ANG MGA BAGAY NA HINDI NALALAMAN, MGA KINAPAL NA WALANG BAIT. Ano pa? NAGTATAGO SA PIGING NG PAG-IIBIGANG MAGKAKAPATID. Isipin ninyo IGLESIA NI CRISTO ang mga taong ito at hindi lang sa ministro ito ay tumutukoy maging sa mga HINDI TUNAY NA KAPATID na napaanib din sa IGLESIA NI CRISTO. Ano dahilan ng kanilang pagkakaanib sa Iglesia? MGA PASTOR NA WALANG TAKOT NA NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI. Ano kasingkahulugan nito?

  • Naglilingkod lang sila para sa sarili nilang kapakinabangan.
  • Makasarili ang mga taong ito.
  • Sarili lang nila ang kanilang iniisip at hindi ang kapakanan ng Iglesia.
TANONG: Paano pa makikilala ang hindi tunay na ministro at hindi tunay na kapatid sa Iglesia? Basahin natin ang pagtuturo ni APOSTOL PEDRO.

2 Pedro 2:10 at 12
“Datapuwa't lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP. MGA PANGAHAS, MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA SA MGA PANGULO: Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, na IPINANGANAK NA TALAGANG MGA HAYOP upang hulihin at lipulin, na NAGSISIALIPUSTA SA MGA BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”

Maliwanag ang sagot ng Biblia, sila ay…NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP. MGA PANGAHAS, MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA SA MGA PANGULO.

Ang mga taong ito ay ayaw pasakop sa Pamamahala ng Iglesia.
Inaalipusta nila ang mga bagay na hindi nila nalalaman.

Ang tawag sa kanila ng mga Apostol ay…MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, IPINANGANAK NA TALAGANG HAYOP.

TANONG: Dapat ba tayong magtaka kung may ganitong uri na mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ngayon? Basahin natin ang tagpo ng PULUNGIN ni APOSTOL PABLO ang mga OBISPO o mga MAYTUNGKULIN sa unang Iglesia sa Mileto.

Gawa 20:29-30 Magandang Balita Biblia
ALAM KONG PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN. MULA NA RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.”

Napansin ba ninyo ang pananalita ni APOSTOL PABLO na sinabi niya na, “ALAM KO”. Ano iyon? Ang sabi sa talata… “PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” May binanggit si Apostol Pablo na KAWAN, kung napansin ninyo ang talatang binasa natin ay Gawa 20:29-30 bago ang talatang iyan may Gawa 20:28 pa, na doon binanggit din ang KAWAN at ang tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO sa LAMSA TRANSLATION OF THE BIBLE.

Ano gagawin sa unang Iglesia? Ang sabi sa talata… “MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” Samakatuwid MALUPIT ANG MGA TAONG ITO, sapagkat itinulad sila sa ASONG GUBAT.

Napansin din ba ninyo iyong salita ni APOSTOL PABLO na MAGSISIPASOK, kung gayon MAPAPAANIB SA LOOB NG IGLESIA ANG MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA. Ano gagawin ng mga taong ito? Ang sabi sa talata…MULA NA RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.

Direktang tinukoy ni APOSTOL PABLO kung sino ang magtatalikod sa unang Iglesia. Sino sila? Iyong banggit niya na MULA NA RIN SA INYO. Samakatuwid mula rin sa mga OBISPO o MGA MAY TUNGKULIN SA UNANG IGLESIA ang tinutukoy niya na, LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.

Isipin ninyo BUHAY PA ang mga APOSTOL nararamdaman na nila na GUMAGALAW NA ANG MGA TAONG MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA.

  • Kaya SA PANAHON NATIN NGAYON ay hindi kataka-taka na MAY MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN para MAGSISINOD sa kanila. 
  • MAILIGAW sa TUNAY NA PANANAMPALATAYA ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.
  • Ito rin ang nakikita ng PAMAMAHALA ngayon na nagaganap sa Iglesia na MAY MGA TAONG GUSTONG SIRAIN ANG IGLESIA.
Kaya maagap ang PAMAMAHALA sa Iglesia upang hindi na matulad sa unang Iglesia na natalikod sa pananampalataya.

ITINITIWALAG ANG MGA TAONG NAGNANAIS NA SIRAIN ANG PANANAMPALATAYA NG IGLESIA SA PAGSASALITA NG MGA KASINUNGALINGAN NA LABAG SA ARAL AT DOKTRINA NG IGLESIA.

“PASKO” SAAN ITO NAGMULA?

THE SUN GOD CULT OF (SOL INVICTUS: THE UNCONQUERED SUN)

Ang IGLESIA KATOLIKA at mga PROTESTANTE ay may ipinagdiriwang na PASKO tuwing DISYEMBRE 25 ng bawat taon, na ipinalalagay nila na ito ay ang KAPANGANAKAN ng PANGINOONG JESUCRISTO. Kaugnay nito, marami silang isinasagawang mga AKTIBIDAD at marami rin ang NAKIKIBAHAGI sa mga iyon.  Kaya may mga pumupuna sa hindi pakikipagkaisa ng IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang nila. 

Sinasabi ng iba na;
Mabuti pa raw ang kaarawan ng kapanganakan ng mga kaanib sa Iglesia ay aming ipinagdiriwang. 

Inaakala tuloy ng ilan na NAPAKALIIT NG PAGTINGIN ng IGLESIA NI CRISTO sa PANGINOONG JESUCRISTO.  Kung alam lamang nila na hindi tunay na kaarawan ni Cristo ang ipinagdiriwang nila tuwing DISYEMBRE 25, kundi iyon ay ISANG PISTANG PAGANO na “ISINA-CRISTIANO” marahil ay hindi sila papayag na magkaroon sila ng bahagi sa pagdiriwang na iyon.

Ganito ang mababasa sa isang AKLAT KATOLIKO tungkol sa PASKO na ipinagdiriwang ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE.


HANDBOOK OF CHRISTIAN FEASTS AND CUSTOMS, Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d. page 61
“It has sometimes been said that THE NATIVITY [CHRISTMAS] IS ONLY A CHRISTIANIZED PAGAN FESTIVAL.”

Salin Sa Filipino:

“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ANG NATIVIDAD [PASKO] AY ISA LAMANG ISINA-CRISTIANONG KAPISTAHANG PAGANO.”

Pinatutunayan ng aklat na ito na ang NATIVIDAD o PASKO na ipinagdiriwang ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE ay isa lamang “ISINA-CRISTIANONG” kapistahang PAGANO.

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng salitang PAGAN o PAGANO?

WEBSTER’S 1828 DICTIONARY
“PA'GAN, n. a Gentile; AN IDOLATER; ONE WHO WORSHIPS FALSE GODS. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion ADHERED TO THE WORSHIP OF FALSE GODS, or REFUSED TO RECEIVE CHRISTIANITY, after it had been received by the inhabitants of the cities.”

Salin Sa Filipino:

“PAGANO, n. isang Gentil; ISANG MAPAGSAMBA SA DIOSDIOSAN; SUMASAMBA SA MGA HINDI TUNAY NA DIYOS. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay MGA NAHIRATI SA PAGSAMBA SA MGA HINDI TUNAY NA DIYOS, o yaong TUMATANGGI NA TANGGAPIN ANG CRISTIANISMO, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”

Maliwanag na sinasabi ng DICTIONARY na ang isang PAGANO ay ISANG TAO NA HINDI SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS DAHIL SA ANG MGA ITO AY ANG MGA NAHIRATI SA PAGSAMBA SA MGA DIOSDIOSAN. Sa panahon natin sila iyong mga HINDU, BUDHIST, o alin mang relihiyon na LUMULUHOD at NAGLILINGKOD sa mga REBULTO o LARAWAN, na tumatanggi sa aral ng CRISTIANISMO

Sa pagsasabi na ang PASKO ay ISINA-CRISTIANO lamang na PISTANG PAGANO - ibig sabihin noon ay KINOPYA LAMANG ITO SA PAGDIRIWANG NG MGA TAONG HINDI CRISTIANO NA SUMASAMBA SA MGA DIOSDIOSAN.

ANG PAGKAPILI NG DISYEMBRE 25

 Ang pagkapili ng DISYEMBRE 25 na diumano’y PETSA ng KAPANGANAKAN NI CRISTO ay buhat lamang sa IMPLUWENSIYA ng mga ROMANONG PAGANO.

HANDBOOK OF CHRISTIAN FEASTS AND CUSTOMS, Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d. page 61
“…THE CHOICE OF DECEMBER 25 WAS INFLUENCED BY THE FACT THAT THE ROMANS, from the time of Emperor Aurelian (275), HAD CELEBRATED THE FEAT OF THE SUN GOD (SOL INVICTUS: THE UNCONQUERED SUN) on that day.  DECEMBER 25 WAS CALLED THE ‘BIRTHDAY OF THE SUN.’ AND GREAT PAGAN RELIGIOUS CELEBRATIONS OF THE MITHRAS CULT WERE HELD ALL THROUGH THE EMPIRE.”

Salin Sa Filipino:

“…ANG PAGKAKAPILI SA IKA-25 NG DISYEMBRE AY NAIMPLUWENSIYAHAN NG PANGYAYARING ANG MGA ROMANO, mula sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ay IPINAGDIWANG ANG KAPISTAHAN NG DIYOS NA ARAW (SOL INVICTUS: ANG HINDI MAPANANAIGANG ARAW) sa araw na iyon.  ANG IKA-25 NG DISYEMBRE AY TINATAWAG NA ‘ARAW NG KAPANGANAKAN NG ARAW’, AT IDINAOS SA BUONG IMPERYO ANG MGA DAKILANG PAGANONG PAGDIRIWANG NA PANRELIHIYON NG KULTONG METRAIKO.”

Maliwanag na ang DISYEMBRE 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo (Wala naman talaga tayong mababasa sa Biblia kung kailan siya ipinanganak).  Ito ay ang Petsa ng ISANG KAPISTAHAN NG MGA PAGANO na ang ipinagdiriwang ay ang kanilang DIYOS NA ARAW na si SOL INVICTUS o ang HINDI MAPANANAIGANG ARAW.”  Sa petsang ito ay idinaraos ang malaking panrelihiyong pagdiriwang na PAGANO. At maliwanag nilang inamin na ito ang kanilang pinagbatayan ng pagkapili nila ng DISYEMBRE 25 na siyang kapanganakan daw ni Jesucristo.

GALING DIN SA PAGANO

Hindi lamang ang PETSA ang KINUHA o KINOPYA sa mga PAGANO kundi pati ang mga GAWAIN kung araw ng PASKO gaya ng mga PAGSISINDI NG MGA KANDILA at paglalagay ng mga CHRISTMAS TREE.

THE TWO BABYLONS OR THE PAPAL WORSHIP. Rev. Alexander Hislop. Neptune, New Jersey: Loizcaux Brothers, Inc., 1943. page 97
“THE CANDLES, in some parts of England, LIGHTED ON CHRISTMAS EVE and used so long as the festive season lasts, were EQUALLY LIGHTED BY THE PAGANS ON THE EVE OF THE FESTIVAL OF THE BABYLONIAN GOD, TO DO HONOUR TO HIM; for it was one of the distinguishing peculiarities of his worship to have lighted wax candles on his altars.  THE CHRISTMAS TREE, NOW SO COMMON AMONG US, WAS EQUALLY COMMON IN PAGAN ROME AND PAGAN EGYPT.”

Salin Sa Filipino:

“ANG MGA KANDILA, sa ilang bahagi ng Inglatera, na SINISINDIHAN TUWING BISPERAS NG PASKO at ginagamit sa buong panahon ng pagdiriwang, ay KAPAREHONG SINISINDIHAN NG MGA PAGANO SA BISPERAS NG KAPISTAHAN NG DIYOS NG BABILONIA, UPANG PARANGALAN SIYA: sapagkat ang isa sa mga mapagkakakilanlang kaibahan ng pagsamba sa kaniya ay ang magkaroon ng mga sinindihang kandila sa kaniyang mga dambana.  ANG CHRISTMAS TREE, NA NGAYON AY LUBHANG PANGKARANIWAN NA SA ATIN, AY KAPAREHONG PANGKARANIWAN DIN SA PAGANONG ROMANO AT PAGANONG EHIPTO.”

Nagsisindi ng KANDILA ang mga PAGANO sa BISPERAS NG KAPISTAHAN NG DIYOS NG BABILONIA UPANG PARANGALAN SIYA.  Ang CRISTMAS TREE naman ay pangkaraniwan sa PAGANONG ROMA at PAGANONG EHIPTO.

Maging ang mga nagsipagsuri tungkol sa CHRISTMAS TREE ay nagsasabi na ito’y ISANG LABI NG PAGSAMBA NG MGA PAGANO SA PUNONG-KAHOY.

COLLIER’S ENCYCLOPEDIA New York: Macmillan Educational Company. 1964, page 404
“SOME AUTHORITIES CONSIDER THE CHRISTMAS TREE A SURVIVAL OF PAGAN TREE WORSHIP AND TRACE IT TO ANCIENT ROME AND EGYPT…”

Salin Sa Filipino:

“ANG ILAN SA MGA AWTORIDAD AY ITINUTURING ANG CHRISTMAS TREE NA ISANG NAMAMALAGING UMIIRAL NA LABI NG PAGSAMBA SA PUNO NG MGA PAGANO AT MATATALUNTON ITO SA MATANDANG ROMA AT EHIPTO.”

Kaya HINDI NAKIKIISA ANG MGA IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang ng PASKO dahil ito ay nagmula lamang sa mga PAGANO hindi lamang ang PETSA, kundi maging ang IBA’T-IBANG GAWAIN NA ISINASAGAWA ng mga KATOLIKO at PROTESTANTE sa nasabing okasyon.

MAGLILIGAW SA KATOTOHANAN:

Isang katotohanan na ang PASKONG IPINAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE ay INIMBENTO o KATHA lamang.  HINDI ITO UTOS NG DIYOS kundi utos lang ng tao. 

ANG KAUTUSAN NG TAO kapag pinagsaligan sa paglilingkod sa Diyos ay NAGLILIGAW SA KATOTOHANAN.

Tito 1:14  Salita Ng Buhay
“At upang maalis ang hilig nila sa mga alamat ng mga Judio at MGA KAUTUSAN NG MGA TAO, NA NAGLILIGAW LAMANG SA KANILA SA KATOTOHANAN.”

Hindi namamalayan ng mga nakikiisa sa pagdiriwang ng PASKO na sila ay NAILILIGAW NA SA KATOTOHANANG IKALILIGTAS. Sapagkat sa kanilang ginagawa ay SUMUSUNOD SILA SA MGA KAUTUSAN NG TAO at mga GAWAING PAGANO.  Ang dapat maging saligan sa paglilingkod ng tao sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo ay hindi ang mga utos ng tao kundi ang mga KALOOBAN NG DIYOS NA NAKASULAT SA MGA BANAL NA KASULATAN.

2 Timoteo 3:15-17  Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ANG BANAL NA KASULATAN AY NAGTUTURO NG DAAN NG KALIGTASAN sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.  ANG LAHAT NG KASULATAN AY KINASIHAN NG DIYOS, AT NAGAGAMIT SA PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, SA PAGTATAMA SA MALING KATURUAN, SA PAGTUTUWID SA LIKONG GAWAIN AT SA PAGSASANAY PARA SA MATUWID NA PAMUMUHAY,  UPANG ANG LINGKOD NG DIYOS AY MAGIGING KARAPAT-DAPAT AT HANDA SA LAHAT NG MABUBUTING GAWAIN.” 

Anumang aral na hindi ayon sa BIBLIA at labag pa sa itinuturo ng Biblia ay HINDI IKALILIGTAS  kundi tiyak na IKAPAPAHAMAK sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

2 Tesalonica 2:11-12 Magandang Balita Biblia
“SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA SILA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PUMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN”

Ito ang isa sa dahilan kaya HINDI IPINAGDIRIWANG ng IGLESIA NI CRISTO ang “PASKO” ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE


Ano ang mapapala sa ISANG ARAW NG MASAYANG PAGDIRIWANG kung ito naman ay PATUNGO SA PAGKAHAMAK NG ATING MGA KALULUWA MAGPAKAILAN MAN?

Wednesday, May 25

ANG “IGLESIA” NA IPINAKIKILALA NG BAGONG TIPAN


"Sa harap ng napakaraming Iglesia sa kasalukuyan, dapat MAGPAKATALINO at MAGPAKA-INGAT ang tao sa pagpili ng kaniyang aaniban."

Sa kasalukuyan, napakaraming SAMAHANG PANRELIHIYON ang naglipana na nagpapakilalang sila'y tunay na sa DIYOS at kay CRISTO. Ang marami sa kanila ay may iba't ibang ipinang-aakit sa mga tao;

  • May nangangako ng PAGPAPAGALING
  • May nag-aalok ng PAGYAMAN
  • May mga gumagawa ng HIMALA at iba pa


Sa kabila nito, hindi matututulan na ang TUNAY na IGLESIA ay ang IGLESIA NA ITINATAG NG PANGINOONG JESUCRISTO na ipinakikilala sa BAGONG TIPAN ─ kung saan ay itinuturo kung ano ang tinatawag na "IGLESIA" at kung ano ang KAHALAGAHAN nito.

Kaya, sa harap ng napakaraming Iglesia sa kasalukuyan, dapat MAGPAKATALINO at MAGPAKA-INGAT ang tao sa PAGPILI ng kaniyang AANIBAN upang hindi masayang ang kaniyang pinuhunan at sa halip ay pakinabangan ang kahalagahan ng TUNAY NA IGLESIA.

ANG MGA KAANIB SA IGLESIA AY “TINAWAG”

TANONG: Papaano napapabilang o nagiging kaanib sa tunay na Iglesia ang tao?

Colosas 3:15 Magandang Balita Biblia
"At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan KAYA KAYO TINAWAG UPANG MAGING BAHAGI NG ISANG KATAWAN. Magpasalamat kayong lagi."

Upang ang tao ay maging BAHAGI ng KATAWAN ay kinakailangang TAWAGIN siya ng DIYOS.

TANONG: Alin ang KATAWAN na tinutukoy?

Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;

Ang IGLESIA ay KATAWAN ni CRISTO sapagkat Siya ang ulo nito.

Ang tao ay nagiging bahagi ng KATAWAN ni CRISTO o KAANIB sa IGLESIA kung siya ay TINAWAG ng DIYOS.

TANONG: Ano ang kahulugan ng "TINAWAG" kapag ipinatutungkol sa mga kaanib ng Iglesia? Papaano sila tinawag at ano ang dahilan ng pagtawag sa kanila?

I Corinto 1:26-27
"Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y PAGKATAWAG, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, at hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag: Kundi PINILI ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at PINILI ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas."

Ang PAGTAWAG sa tao upang umanib sa Iglesia ay kasingkahulugan ng PAGPILI o PAGHIRANG ng DIYOS sa kaniya. Ang mga tinawag sa Iglesia ay "PINILI o HINIRANG ng DIYOS."

Kung gayon, dapat tiyakin ng sinumang tao na siya PINILI, HINIRANG o TINAWAG ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo upang masiguro niya na siya ay BAHAGI ng KATAWAN ni Cristo o KAANIB ng IGLESIA na itinuturo ng BAGONG TIPAN.

ANG PAGTAWAG NG DIYOS

TANONG: Paano malalaman ng tao kung siya ay HINIRANG o TINAWAG ng Diyos?

Mahalagang suriin natin ang PROSESO o PARAAN ng Diyos sa PAGTAWAG o PAGHIRANG sa tao upang maging BAHAGI o KAANIB ng TUNAY NA IGLESIA. Ganito ang matutunghayan natin sa sulat ni APOSTOL PABLO.

2 Tesalonica 2:14
"Sa kalagayang ito'y TINAWAG NIYA KAYO SA PAMAMAGITAN NG AMING EVANGELIO, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo."

Ayon sa pagtuturo ni APOSTOL PABLO ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay TINAWAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGANGARAL NG EBANGHELYO.

TANONG: Sino naman ang nangaral sa kanila ng dalisay na ebanghelyo na kanilang sinampalatayanan at ginanap kaya sila ibinilang na kaanib sa tunay na Iglesia?

2 Corinto 5:20
"Kami nga'y mga SUGO sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo na kayo'y makipagkasundo sa Dios."

Ang KINASANGKAPAN ng DIYOS para MANGARAL ng EBANGHELYO sa mga naging kaanib sa TUNAY na IGLESIA ay ang mga SUGO, tulad ng mga APOSTOl.

Kaya, sa pasimula ng MINISTERYO ni JESUS ay NAGHALAL Siya ng mga APOSTOL. Sila ay Kaniyang ISINUGO upang IPANGARAL ANG EBANGHELYO.

Mateo 10:2-5
“Ang mga pangalan nga ng LABINGDALAWANG APOSTOL ay ito: Ang una'y si SIMON na tinatawag na PEDRO, at si ANDRES na kaniyang kapatid; si SANTIAGO na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si JUAN; Si FELIPE, at si BARTOLOME; si TOMAS, at si MATEO na maniningil ng buwis; si SANTIAGO na anak ni Alfeo at si TADEO; Si SIMON NA CANANEO, at si JUDAS ISCARIOTE, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo. ANG LABINGDALAWANG ITO'Y SINUGO NI JESUS, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:”

Inutusan Niya sila na ang SUMAMPALATAYA sa kanilang PANGANGARAL ay kanilang BAUTISMUHAN.

Marcos 16:15-16
“At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at INYONG IPANGARAL ANG EVANGELIO sa lahat ng kinapal. ANG SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN AY MALILIGTAS; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”

Ang pinangaralan ng mga SUGO na SUMAMPALATAYA at NABAUTISMUHAN ang ibinibilang na BAHAGI NG KATAWAN NI CRISTO o KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.

I Corinto 12:13 Magandang Balita Biblia
"TAYONG LAHAT, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, AY BINAUTISMUHAN SA iisang Espiritu upang maging ISANG KATAWAN. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu."

Sinumang tao na BAGAMA'T KAANIB NG ISANG IGLESIA ngunit ang NANGARAL sa kaniya ay HINDI SINUGO NG DIYOS ay NASA LABAS NG TUNAY NA IGLESIA na ipinakikilala ng BAGONG TIPAN na dapat aniban ng bawat tao. Hindi siya kasama sa mga TINAWAG, PINILI o HINIRANG ng DIYOS.

ANG LAYUNIN KAYA TINAWAG SA KATAWAN O IGLESIA

TANONG: Bakit ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay kailangang tawagin ng Diyos? Ganito ang isinasaad sa sulat ni APOSTOL PABLO.

I Corinto 1:9 Magandang Balita Biblia
"Tapat ANG DIYOS NA TUMAWAG SA INYO upang KAYO'Y MAKIPAG-ISA SA KANYANG ANAK NA SI JESU-CRISTONG ATING PANGINOON."

Magkakaroon ng katuparan ang PAKIKIPAG-ISA kay CRISTO kapag ang tao ay TINAWAG ng DIYOS na maging bahagi ng KATAWAN NI CRISTO o KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.

Ang pakikipag-isang ito kay Cristo ang kalooban at layunin ng Diyos upang makamtan ng tao ang mga pagpapalang espirituwal at mapabilang sa itinalaga na maging mga anak ng Diyos.

Efeso 1:3-5 Magandang Balita Biblia
"Magpagsalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! PINAGKALOOBAN NIYA TAYO NG LAHAT NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL DAHIL SA ATING PAKIKIPAG-ISA KAY CRISTO. At SA ATIN NGANG PAKIKIPAG-ISANG ITO, HINIRANG NA NIYA TAYO bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. IYAN ANG KANYANG LAYUNIN AT KALOOBAN."

Ang tumangging maging bahagi ng KATAWAN NI CRISTO o maging KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA ay sumasalungat sa LAYUNIN at KALOOBAN ng DIYOS.

TANONG: Anu-ano ang mga pagpapalang espirituwal na matatamo ng tao na nakipag-isa kay Cristo sa paraang sila ay naging bahagi ng katawan ni Cristo o naging kaanib sa Iglesia? Ganito ang pahayag ni APOSTOL PABLO.

Efeso 2:1-6 Magandang Balita Biblia
"NOONG UNA'Y MGA PATAY KAYO DAHIL SA INYONG PAGSUWAY AT MGA KASALANAN. Sinunod ninyo noon ang masamang takbo ng sanlibutang ito at NAPAILALIM KAYO SA PRINSIPE NG KASAMAAN, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail. Dati, tayo'y kabilang sa mga ito, namuhay ayon sa pita ng laman at sinunod ang masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, KABILANG TAYO SA MGA TAONG KINAPOPOOTAN NG DIYOS. Subalit NAPAKASAGANA ANG HABAG NG DIYOS AT NAPAKADAKILA ANG PAG-IBIG NA INIUKOL NIYA SA ATIN. Tayo'y binuhay niya kay Cristo kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (NALIGTAS NGA KAYO DAHIL SA KANYANG KAGANDAHANG LOOB.) DAHIL SA ATING PAKIKIPAG-ISA KAY CRISTO JESUS, TAYO'Y MULING BINUHAY NA KASAMA NIYA AT PINAUPONG KASAMA NIYA SA KALANGITAN."

Malinaw ang pahayag ni APOSTOL PABLO kung bakit nais ng Diyos na ang tao ay MAKIPAG-ISA MUNA KAY CRISTO sa paraang maging BAHAGI NG KANIYANG KATAWAN o KAANIB SA IGLESIA.

Dati, ang kalagayan ng hindi tinawag ay mga PATAY na dahil sa kanilang PAGSUWAY o mga KASALANAN; dati, sila ay kabilang sa mga taong KINAPOPOOTAN NG DIYOS; at dati, sila'y NASA ILALIM NG PRISIPE NG KASAMAAN. Ngunit dahil sa NAPAKASAGANANG HABAG at NAPAKADAKILANG PAG-IBIG ng DIYOS, TINAWAG Niya sila upang maging SANGKAP NG KATAWAN NI CRISTO o maging KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA upang sila ay MAKIPAG-ISA KAY CRISTO. Dahil sa pakikipag-isang ito kay Cristo, sila ay binuhay ng Diyos at sila'y NALIGTAS SA KAPARUSAHAN.

Kaya, kapag TINANGGIHAN NG TAO na maging bahagi ng KATAWAN NI CRISTO o maging KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA, ang katumbas nito ay TINATANGGIHAN NIYA ANG MASAGANANG HABAG NG DIYOS AT ANG KANIYANG NAPAKADAKILANG PAG-IBIG.


Sa pagpapakilala ng BAGONG TIPAN, napakahalaga ng IGLESIA na itinatag ni Cristo, sapagkat ito ang kahayagan ng MASAGANANG HABAG NG DIYOS at ng Kaniyang NAPAKADAKILANG PAG-IBIG. Mahalaga ang IGLESIA sapagkat ito ay ITINATAG NI CRISTO upang ang mga tao ay magtamo ng mga PAGPAPALANG ESPIRITUWAL at higit sa lahat, ng KALIGTASAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM.

Tuesday, May 24

BAKIT HINDI NAGDIRIWANG NG "PASKO" ANG IGLESIA NI CRISTO?

Ang mga PAROL na nakasabit sa mga bintana ng mga BAHAY at GUSALI at maging ang IBA’T IBANG DEKORASYONG makikita sa ating paligid kapag dumarating ang buwan ng DISYEMBRE ay nagsasabing malapit na naman ang “PASKO” ang pinakamasayang kapistahang ipinagdiriwang ng mga naniniwala na ang ika-25 ng DISYEMBRE ang petsa ng kapanganakan ng Panginoong Jesucristo.

Sa panahong ito ay marami ang gawaing panlipunan ang ginagawa ng tao na naglalayong maipakita at maipadama sa kapuwa ang pag-ibig at diumano’y “DIWA NG KAPASKUHAN.”

Madalas makatawag ng pansin ang hindi pakiki-isa ng IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang na ito.  

Kaya, karaniwang itinatanong ng marami: 

“HINDI BA MAHALAGA SA INYO ANG  KAPANGANAKAN NI JESUS?”

KUNG BAKIT “HINDI” DISYEMBRE 25

Ang kapanganakan ni JESUS ay LUBHANG MAHALAGA at ito’y dapat ikagalak ng lahat ng tao,gaya ng mababasa sa Biblia.

Lucas 2:10-11 at 13-14 Magandang Balita Biblia
“Ngunit SINABI SA KANILA NG ANGHEL, ‘Huwag kayong matakot!  AKO’Y MAY DALANG MABUTING BALITA para sa inyo NA MAGDUDULOT NG MALAKING KAGALAKAN SA LAHAT NG TAO.  Sapagkat ISINILANG NGAYON sa bayan ni David ANG INYONG TAGAPAGLIGTAS, ANG CRISTONG PANGINOON….BIGLANG LUMITAW SA TABI NG ANGHEL ANG ISANG MALAKING HUKBO NG KALANGITAN, NA NAGPUPURI SA DIYOS:  ‘PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN, AT SA LUPA’Y KAPAYAPAAN SA MGA TAONG KINALULUGDAN NIYA!”

Ang kapanganakan ni JESUS ay isang MABUTING BALITA na ang hatid ay MALAKING KAGALAKAN SA LAHAT NG TAO, sapagkat noong ipanganak si Jesus ay isinilang ang TAGAPAGLIGTAS ng tao.  Kaya nga, nang ipanganak si Jesus ay MALAKING HUKBO NG KALANGITAN ANG NAGPURI SA DIYOS.  

TANONG: Bakit hindi nakikiisa ang IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang ng diumano’y kapanganakan ni Jesus tuwing Disyembre 25?   Alamin natin ang tala sa Biblia.

Lucas 2:1-7 Magandang Balita Biblia
“Nang panahong yaon, iniutos ng EMPERADOR AUGUSTO na MAGPATALA ang lahat ng nasasakupan ng IMPERYO NG ROMA.  Ang unang pagpapatalang ito’y ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria.  Kaya’t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, Galilea, SI JOSE’Y PUMUNTA SA BETLEHEM, JUDEA, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan at lahi ni David.  KASAMA NIYANG UMUWI UPANG MAGPATALA RIN SI MARIA NA KANYANG MAGIGING ASAWA NA NOO’Y KAGAMPAN.  Samantalang naroroon sila, DUMATING ANG ORAS NG PANGANGANAK NI MARIA AT ISINILANG NIYA ANG KANYANG PANGANAY AT ITO’Y LALAKI.  Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa bahay-panuluyan.” 

Ang kapanganakan ni JESUS ay talagang dapat IKAGALAK NG LAHAT, ngunit maling ipalagay na ito’y naganap sa petsang DISYEMBRE 25

Nang ipanganak ang PANGINOONG JESUSCRISTO ay PANAHON NG PATALAAN ng mga mamamayang sakop ng IMPERYO NG ROMA sa ilalim ng pamumuno ni EMPERADOR AUGUSTO.  Bilang pagsunod sa utos, ang mag-asawang JOSE at MARIA ay pumunta sa Betlehem, Judea upang doon magpatala (dahil sila’y mula sa angkan ni David).  

SI MARIA NOON AY NASA KANIYANG KABUWANAN, AT SAMANTALANG SILA’Y NASA BETLEHEM AY DUMATING ANG ORAS NG KANIYANG PANGANGANAK.  ISINILANG NIYA SI JESUS.

TANONG: Bakit ang pangyayaring ito ay hindi maaaring naganap sa buwan ng Disyembre?

Lucas 2:8-9 Magandang Balita Biblia
“Sa lupain ding yaon ay may mga PASTOL na nasa PARANG, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga TUPA.  Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon.  Natakot sila nang gayon na lamang.” 

Nang si Jesus ay ipanganak ay may mga PASTOL ng TUPA na nasa PARANG na nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa.  

Hindi ito gagawin ng mga PASTOL sa BETLEHEM sa buwan ng DISYEMBRE dahil ito ay panahon ng TAG-LAMIG at kadalasang UMUULAN NG YELO SA GABI.

AID TO BIBLE UNDERSTANDING: Watchtower Bible And Tract Society, 1971, page 223

Salin sa Filipino:

“Sa panahon ng KAPANGANAKAN (NI CRISTO), ang mga PASTOL ay DOON NAKATAHAN SA KABUKIRAN AT NAGBABANTAY SA KANILANG MGA KAWAN SA GABI (Lucas 2:8). Samantalang ang mga TUPA ay maaaring manginain sa parang kung araw sa anumang panahon sa buong taon, ang pangyayaring ANG MGA PASTOL AY NASA PARANG AT NAGPALIPAS NG GABI roon sa pagbabantay sa kanilang mga tupa ay nagbibigay ng katiyakan SA PANAHON NG KAPANGANAKAN NI JESUS.  Ang tag-ulan sa Palestina ay nagsisimula sa huling bahagi ng Oktubre at tumatagal nang ilang buwan. PAGSAPIT NG DISYEMBRE, ANG BETLEHEM, TULAD NG JERUSALEM, AY MADALAS NA NAKARARANAS NG PAMUMUO NG MANIPIS NA YELO SA GABI.  Kaya ang katotohanang ang mga pastol sa Betlehem ay nasa parang sa gabi ay nagpapahiwatig sa isang panahon bago magsimula ang tag-ulan.  Imposible ring pagalitin ni Augusto Cesar ang mga Judio nang walang mahalagang kadahilanan sa pamamagitan ng pag-uutos na sila’y magpatala sa buwan ng DISYEMBRE NA ISANG PANAHONG MALAMIG AT MAULAN, KUNG KAILAN ANG PAGLALAKBAY AY TOTOONG NAPAKAHIRAP.” 

Sa makatuwiran at makatotohanang dahilan na inilahad sa itaas ay NATITIYAK NATING HINDI NGA MAAARING DISYEMBRE 25 ANG PETSA NG KAPANGANAKAN NI JESUS. Kaya maling ipalagay, paniwalaan, at tanggapin na ito ang petsa ng kapanganakan ng Tagapagligtas.

IMPLUWENSIYANG PAGANO

Bagaman WALANG BINABANGGIT sa BIBLIA ukol sa TIYAK NA PETSA ng KAPANGANAKAN NI JESUS, ito ngayo’y ipinagdiriwang tuwing DISYEMBRE 25. 

TANONG: Ano ba ang nakaimpluwensiya sa pagkakatakda ng petsang ito bilang araw ng kapanganakan ni Jesus?

THE NEW INTERNATIONAL DICTIONARY OF THE CHRISTIAN CHURCH, page 223    

Salin sa Filipino:

“WALANG ANUMANG MAPAGTITIWALAANG PATOTOO NG KASAYSAYAN TUNGKOL SA ARAW O BUWAN NG KAPANGANAKAN NI CRISTO SA JERUSALEM.  ANG IKA-25 NG DISYEMBRE AY PETSA NG ISANG KAPISTAHANG PAGANO NG MGA ROMANO NA IPINAGDIRIWANG NOONG 274 BILANG KAPANGANAKAN NG HINDI MAPAPANAIGANG ARAW. … BAGO  ANG TAONG 336 ANG IGLESIA SA ROMA, DAHIL SA HINDI NIYA MASUGPO ANG PISTANG PAGANONG ITO, AY PINAPAGING ESPIRITUWAL ITO BILANG KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG ARAW NG KATUWIRAN.”  

Bago pa ang taong 336 ang mga PAGANONG ROMANO ay nagdiriwang na tuwing DISYEMBRE 25 ng KAPISTAHAN ng itinuturing nilang “HINDI MAPANANAIGANG ARAW.”

Kaya, KAPISTAHANG PAGANO ANG NAKAIMPLUWENSIYA SA PAGKAKATAKDA NG DISYEMBRE 25 BILANG ARAW DAW NG KAPANGANAKAN NG PANGINOONG JESUS.  

Ang ginawa ng IGLESIA KATOLIKA ay itinakda ang DISYEMBRE 25 bilang “KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG ARAW NG KATUWIRAN” na lalong kilala sa tawag na “PASKO.”

Kahit pa sabihing bagaman galing sa PAGANO ay “ISINAKRISTIYANO” na ang pagdiriwang na ito at ito ay para kay Cristo ay HINDI PA RIN MAKATUWIRAN

Ganito ang mariing sinasabi ng BIBLIA ukol sa mga PAGANO.

Efeso 4:17-20 Salita ng Buhay
“Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon: HUWAG NA KAYONG MAMUHAY NA GAYA NG MGA PAGANONG WALANG KABULUHAN ANG MGA INIISIP AT NADIRIMLAN ANG KAISIPAN.  Dahil WALA SILANG PAGKAUNAWA at matigas ang kanilang puso, HIWALAY SILA SA BUHAY NA MULA SA DIOS. Manhid na sila, at isinuko ang kanilang mga sarili sa malalaswang gawain.  Nasugapa na sila sa paggawa ng lahat ng karumihan. Subalit HINDI GANYAN ANG INYONG NATUTUHAN KAY CRISTO!”  

Ang mga TUNAY NA CRISTIANO ay hindi kailanman dapat makiayon ni kumuha ng paniniwala at gawain mula sa mga PAGANO dahil ANG MGA PAGANO’Y HIWALAY SA BUHAY NA MULA SA DIYOS; NADIRIMLAN ANG KANILANG MGA KAISIPAN.  

Ang totoo, PINUNA ni APOSTOL PABLO ang mga kaanib sa UNANG IGLESIA na MARAMING IPINAGPIPISTASARI-SARING ARAW, BUWAN, PANAHON, AT TAON—na kanilang talikdan ang mga gayong gawain dahil ang gayon ay pagbabalik sa pagiging alipin.

Galacia 4:7-11
“Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios. Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios: Datapuwa't ngayon YAMANG NAKIKILALA NA NINYO ANG DIOS, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, BAKIT MULING NANGAGBABALIK KAYO DOON SA MAHIHINA AT WALANG BISANG MGA PASIMULANG ARAL, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? IPINANGINGILIN NINYO ANG MGA ARAW, AT MGA BUWAN, AT MGA PANAHON, AT MGA TAON. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.”

KALAYAANG BIGAY NI CRISTO

Sa BANAL NA KASULATAN ay may binigyang-diin ang mga APOSTOL ukol sa KAPANGANAKAN NI CRISTO. Ganito ang sabi ni APOSTOL PABLO.

Gal. 4:4-5 Magandang Balita Biblia
“Ngunit nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak.  Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusanupang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan.  Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.”  

Ang KAPANGANAKAN ng TAGAPAGLIGTAS ay ISANG MABUTING BALITA sa lahat ng tao.  Ipinanganak Siya at namuhay sa ILALIM NG KAUTUSAN upang PALAYAIN ANG MGA NASA ILALIM NG KAUTUSAN.  Ang lahat ng MAPAPALAYA ay mabibilang na mga ANAK NG DIYOS
TANONG: Sino ba ang mga nasa ilalim ng kautusan at bakit mahalaga na ang tao’y palayain sa kautusan? Ipinaliwanag ni APOSTOL PABLO ang ganito.

Galacia 3:10 Magandang Balita Biblia
“ANG LAHAT NG NANANANGAN SA PAGSUNOD SA KAUTUSAN AY NASA ILALIM NG ISANG SUMPA. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, ‘SUMPAIN ANG HINDI TUMUTUPAD SA LAHAT NG NASUSULAT SA AKLAT NG KAUTUSAN’.” 

Ang lahat ng tao ay nananagot sa pagsunod sa kautusan; ANG HINDI TUMUTUPAD AY NASA ILALIM NG SUMPA.  Ang sumpang ito ay ang KAMATAYAN NA SIYANG KABAYARAN NG KASALANAN.

Roma 6:23
Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” 

Ang KASALANAN ay ang PAGLABAG at ang HINDI PAGTUPAD SA KAUTUSAN.  ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN.  Kaya, sa KABAYARAN NG KASALANAN—SA KAMATAYAN—AY INILIGTAS O PINALAYA NI CRISTO ANG TAO.  

TANONG: Paano pinalaya ni Cristo sa sumpa ng kautusan ng tao at sino ang mga pinalaya Niya sa parusang kamatayan.

Galacia 3:13 Magandang Balita Biblia
“TINUBOS TAYO NI CRISTO SA SUMPA NG KAUTUSAN nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa.  Sapagkat nasasaad sa kasulatan, ‘Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy’.”

Ang tinubos ni Cristo ang  NAPALAYA o NALIGTAS sa SUMPA NG KAUTUSAN.  

NAKALAYA na sila sa KABAYARAN NG KASALANAN dahil SI JESUS NA ANG NAGBAYAD nito.

Roma 5:8-9 Magandang Balita Biblia
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.  At NGAYONG NAPAWALANG-SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG DUGO, LALO NANG TIYAK NA MALILIGTAS TAYO SA POOT NG DIYOS sa pamamagitan niya.” 

ANG MGA TINUBOS NI CRISTO AY NAPAWALANG-SALA sa pamamagitan ng Kaniyang mahalagang DUGO. At dahil dito, 

Roma 8:33-34 Magandang Balita Biblia
“SINO ANG MAGHAHARAP NG SAKDAL LABAN SA MGA HINIRANG NG DIYOS, GAYONG ANG DIYOS ANG NAGPAPAWALANG-SALA SA KANILA?  Sino nga ang hahatol ng kaparusahan?” 

Ang mga tinubos ni Cristo ay napawalang sala na.  Kaya, WALA NANG MAGHAHARAP PA NG SAKDAL NI HAHATOL MAN NG KAPARUSAHAN SA KANILA.  

TANONG: Sino ang lalo nang TIYAK NA MALILIGTAS sa POOT ng DIYOS.  

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”

Salin Sa Filipino:

“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang pinatutunayan ng BIBLIA na TINUBOS NG DUGO NI CRISTO ay ang IGLESIA NI CRISTO.

Bagaman ISANG MALAKING KAGALAKAN ang PAGKAPANGANAK kay JESUS na ating TAGAPAGLIGTAS, ang Kaniyang KAMATAYAN ANG DAPAT GUNITAIN dahil iyon ang IPINAG-UTOS.

Bilang TINUBOS NI CRISTO, ginugunita ng IGLESIA NI CRISTO ang KAMATAYAN ng TAGAPAGLIGTAS tuwing BANAL NA HAPUNAN.  Ito’y pag-aalaala sa mga hirap na tiniis ni Cristo alang-alang sa kaligtasan ng mga taong nakinabang nito.

ANG IPINAMAMAHAGI NG IGLESIA NI CRISTO

TANONG: Ang PINAKAMABUTING MAIPAGKAKALOOB ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO sa kanilang kapuwa sa lahat ng panahon?

Awit 40:9-10
AKO'Y NAGPAHAYAG NG MABUTING BALITA NG KATUWIRAN sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman. Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; AKING IBINALITA ang iyong pagtatapat, at ANG IYONG PAGLILIGTAS: HINDI KO INILIHIM ang iyong kagandahang-loob at ANG IYONG KATOTOHANAN sa dakilang kapisanan.” 

Ang IBAHAGI sa tao ang KALIGTASANG BIYAYANG GALING SA DIYOS. Kaya, ito ang PINAKAMABUTING IBAHAGI ng mga KAANIB sa IGLESIA sa mga taong hindi pa kabilang dito.  Tinutupad ito ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO sa pamamagitan ng masiglang pagtulong sa GAWAING PAGPAPALAGANAP ng EBANGHELYO.  Sa ganito ay naihahayag sa lalo pang maraming tao ang KATOTOHANAN ukol sa KALIGTASAN.

TANONG: Bakit ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay walang sawa sa pakikiisa sa pagpapaalam ng katotohanang kailangan ng tao sa kaligtasan? 

Mateo 5:14-16
KAYO ANG ILAW NG SANGLIBUTAN. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. LUMIWANAG NA GAYON ANG INYONG ILAW SA HARAP NG MGA TAO; UPANG MANGAKITA NILA ANG INYONG MABUBUTING GAWA, AT KANILANG LUWALHATIIN ANG INYONG AMA NA NASA LANGIT. 

Ang mga KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO ay ginawang ILAW NG SANLIBUTAN at INUUTUSANG LUMIWANAG SA HARAP NG MGA TAO.

Sa ganito ay makikita ng mga tao ang MABUBUTING GAWA ng mga TUNAY NA HINIRANG ni JESUS upang kanilang LUWALHATIIN ANG DIYOS. Kaya, ang lahat ng KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ay magsisilbing ILAW SA MGA TAO sa pamamagitan ng PAGHAHATID NG BALITA NG KALIGTASAN:

Filipos 2:15-16 Magandang Balita Biblia
“Upang KAYO’Y MAGING ULIRANG MGA ANAK NG DIYOS, MALINIS AT WALANG KAPINTASAN SA GITNA NG MGA TAONG LIKO AT MASASAMA.  Sa gayon, MAGSISILBI KAYONG ILAW SA KANILA, TULAD NG TALANG NAGNININGNING SA KALANGITAN, SAMANTALANG INIHAHATID NINYO SA KANILA ANG BALITA NG KALIGTASAN.”