Tuesday, February 14

BAKIT HINDI NAKIKIISA ANG IGLESIA NI CRISTO SA VALENTINES DAY?


Ang pagsapit ng February 14 ay isang kilala na ARAW lalo na sa relihiyong kinagisnan ng marami. Sa araw daw na ito ay ipinapahayag ng marami ang kanilang PAG-IBIG. Kaya naman marami ding KABATAAN ANG NAHUHULOG SA GAWAING HINDI AYON SA KALOOBAN NG DIYOS, sapagkat BATAY SA OBSERBASYON ng marami, February 13 pa lang ay FULLY BOOK na ang mga HOTEL, LODGE at MOTEL sapagkat sa petsang 14 ay ARAW umano ng PUSO o PAG-IBIG o VALENTINES DAY. Sumasabay naman ang marami dito sa pagpapasya ng PAGPAPAKASAL at sa pagsasabi ng HAPPY VALENTINES DAY.

Ang iba naman na walang SYOTA o KATIPAN ay nababalisa kaya nagsusuot sila ng PULANG DAMIT para hindi raw MAIWAN at MAKANTIYAWAN ng mga TROPA o KAIBIGAN at makita ng marami na sila ay available pa. Nakakalungkot subalit hindi maipagkakaila na ganyan ang nasa isip ng marami sa sanlibutan ngayon na taglay ang ganitong paniniwala.

Sa araw ng VALENTINES DAY ay sinisikap ng marami na makapagbigay ng PAGMAMAHAL sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga BULAKLAK, VALENTINES CARDS at mga HUGIS PUSO NA DINIDISENYO SA IBA'T IBANG MGA PAMAMARAAN upang maipadama ang diwa ng pinaniwalang VALENTINES DAY. Ang paghahangad din ng marami na magkaroon ng ka-PARTNER kaya hindi maiiwasan na umeksena sa okasyong ito ang sikat na si KUPIDO na may dalang PALASO o PANA. Lahat ng mga iyon ay may kaugnayan sa pagsasagawa ng PAGDIRIWANG ng VALENTINES DAY.

Ipinagdiriwang ito ng iba't-ibang relihiyon na sa araw na yaon ay ARAW NG PAGIBIG o PUSO at hindi lang iyon kundi ang sabay na PAGTULIGSA sa mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na hindi raw ba kami umiibig sapagkat ayaw namin makiisa sa CELEBRATION na iyan.

Totoo ba talagang AYAW naming umibig? Sa totoo lang, WALANG BATAYAN sa BIBLIA na MAGTAKDA ng isang ARAW para sa ARAW NG PAG-IBIG.

TANONG: Paano ba ang tunay na pagsasagawa ng PAGIBIG SA MAHAL SA BUHAY?

Hebreo 13:1
MAMALAGI NAWA ANG PAGIBIG SA MGA KAPATID.”

Ayon sa ating nabasa. MAMALAGI o PANATILIHIN ang PAG-IBIG lalo na ng mga magkakapatid sa IGLESIA.

Walang araw na pinipili ang pagpapadama ng PAGMAMAHAL o PAG-IBIG na gaya ng paniniwala ng marami na VALENTINES DAY.

 TANONG: Suriin natin, saan ba nagmula ang paniniwala ukol sa Valentines Day?


Ang ARAW NG MGA PUSO (Ingles: Valentine’s Day) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni SAN BALENTÍNO na ginaganap tuwing Pebrero 14. Dito ipinapahiwatig ng mga MAGKAKASINTAHAN, mga MAG-ASAWA at mga PAMILYA ang kanilang PAG-IBIG sa isa't isa at nagpapadala ng mga BULAKLAK, KARD at DONASYON, kadalasan hindi sinasabi ang pangalan. SI SAN BALENTÍNO, AYON SA KATOLISISMO, ANG SIYANG PATRON NG MGA MAGKASINTAHAN.

PINAGMULAN:

GALING ANG ARAW NG MGA PUSO sa PAGANONG PAGDIRIWANG na LUPERCALIA, kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ng alak ang mga tao. Noong taong 496, iniutos ni SANTO PAPA GELASIUS I na gawing KRISTIYANONG RITWAL ang mga PAGANONG PAGDIRIWANG kaya't binigyan ito ng bagong pangalan, ang VALENTINE'S DAY, bilang pagpupugay sa patron nito, si SAN VALENTÍN.
Tatlong San Valentín ang nabuhay noong panahong iyon. Ang mga ito ay:
Isang PARI ng ROMA
Isang OBISPO ng INTERAMNA (ngayo'y TERNI)
Isang MARTIR sa isang LALAWIGAN ng Roma sa APRIKA
IPINAGBAWAL NOON NI EMPERADOR CLAUDIUS II na MAGPAKASAL ANG MGA SUNDALO NG ROMA DAHIL NAKAPAGHIHINA DAW ITO SA MGA SUNDALO NA LUMALABAN SA DIGMAAN. NGUNIT, LIHIM NA NAGKASAL PA RIN SI SAN VALENTÍN NG MGA MAGKAKASINTAHAN. DAHIL DITO, IPINAPATAY SIYA NOONG 270.

KARTANG PAMBATI:

Itinuturing na isa sa pinagsimulan ng mga KARTANG PAMBATI ang KAPISTAHAN ng ARAW NG MGA PUSO. Sa pagdiriwang ng LUPERCALIA sa ROMA tuwing Pebrero 15, nakaugalian ng mga sinaunang mga batang kalalakihan ang pagsulat ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng KRISTIYANONG kahulugan at mukha ang PAGANONG SELEBRASYON, nilipat ng SIMBAHANG KATOLIKA ang ARAW NG MGA PUSO mula Pebrero 15 patungong Pebrero 14, ang ARAW KUNG KAILAN NAGING MARTIR ANG SANTO AT PARING SI VALENTINO.

Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga IKA-16 DAANTAON, na naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni KUPIDO, ang DIYOS NG PAG-IBIG, kasama ng kaniyang PAMANA at PALASO. Naging tanyag ang pagdiriwang ng ARAW NG MGA PUSO noong mga KALAGITNAAN NG IKA-19 DAANTAON, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sangKUSING na postahe at mga SOBRE

Basahin natin ang isa pang aklat na pinamagatang.


SAINT VALENTINE: The Man Who Became the Patron Saint of Love; by: Jeannie Meekins, Pages 8-9

VALENTINE WA BURIED ON FLAMINIAN WAY. This is the road north to Rome (the road is also known as flaminia way and via Flaminia).”

“Some between 333 and 356 AD, Pope Julius 1 built a basilica at the site. This was to PRESERVE VALENTINES TOMB.”

“In Northern Hemisphere, FEBRUARY IS THE TIME OF YEAR ASSOCIATED WITH LOVE AND FERTILITY. With the cold and frost of winter gone. The land was ready to plant Crops. ANCIENT CULTURES WOULD WORSHIP GODS AND BOLD FESTIVALS IN THEIR HONOR IN THE HOPE OF A GOOD HARVEST.”

"THE FESTIVAL OF LUPERCUS WAS CELEBRATED IN MID FEBRUARY. LUPERCUS WAS THE ROMAN GOD OF FERTILITY. GOATS WOULD BE KILLED AND OFFERED TO THE GOD. YOUNG MEN AND WOMEN WOULD ACT OUT RITUALS THAT WAS BELIEVED TO HELP A WOMEN GET PREGNANT AND MAKE CHILDBIRTH EASY AND LESS PAINFUL.

“In 496 AD, POPE GELASIUS 1 DECIDED TO PUT AN END TO THE FESTIVAL. HE DECLARED THE February 14 would be SAINT VALENTINES DAY.”

“GELASIUS DID NOT KNOW ABOUT VALENTINES ACTUAL LIFE. He knew enough to feel that Valentine was worthy of respect and worship and that God knew the truth.”

Narito pa ang isang VIDEO ukol sa VALENTINES DAY.


Maliwanag na ang VALENTINES DAY ay ipinasya lamang ng noong taong 496 at INIUTOS NI SANTO PAPA GELASIUS I NA GAWING KRISTIYANONG RITWAL mula sa PAGDIRIWANG NG LUPERCALIA (GOD OF FERTILITY).

Kung gayon isang IMBENTONG ARAL lamang ang pagsasagawa ng VALENTINES DAY na isinama sa DOKTRINA o RITWAL NG IGLESIA KATOLIKA noon lamang taong 496 at mula sa paniniwala ng mga PAGANO. Kaya sa araw ng February 14 ay idiniklara ni GELASIUS na ito ang araw ng mga PUSO o VALENTINES DAY.

TANONG: Sa tunay mga TUNAY NA ALAGAD at HINIRANG, sino lamang ang dapat isabuhay ng tunay na SUMASAMPALATAYA?

1 Juan 4:7-8
“Mga minamahal, MANGAGIBIGAN TAYO SA ISA'T ISA: SAPAGKA'T ANG PAGIBIG AY SA DIOS; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ANG DIOS AY PAGIBIG.”

Ang DIOS NA BUHAY at hindi si KUPIDO na mula sa paniniwalang PAGANO. Ang TUNAY NA DIOS, ang nakakaunawa nito ay ang TUNAY NA UMIBIG at NAKAKILALA SA DIOS.

Hindi dapat makiisa sa ganitong gawain sapagkat ang PAGANONG PANINIWALA o VALENTINES DAY ay hindi nakalulugod sa Dios.

Oseas 2:13 New Pilipino Version
PARURUSAHAN KO SIYA DAHIL SA MGA ARAW NANG SIYA'Y MAGSUNOG NG KAMANYANG SA MGA BAAL; pinuno niya ang kanyang sarili ng mga singsing at alahas. Pagkatapos, sinundan ang kanyang mga mangingibig, NGUNIT AKO AY KANYANG KINALIMUTAN," PAHAYAG NG PANGINOON.”

Oseas 5:4 Magandang Balita Biblia
“DAHIL SA KANILANG MGA GINAWA, HINDI NA SILA MAKAPANUMBALIK SA DIYOS.  SAPAGKAT NASA KANILA ANG ESPIRITU NG KALIKUAN, AT HINDI NILA NAKIKILALA SI YAHWEH.”

Hindi nagagalak ang Diyos lalo na sa pakipagkaisa sa PAGANONG GAWAIN o PAGSAMBA SA DIYOS-DIYUSAN, sapagkat hindi nalulugod ang Dios bagkus sila ay PARURUSAHAN.

TANONG: Bakit hindi dapat nakikiisa ang mga TUNAY NA HINIRANG o IGLESIA NI CRISTO sa mga PAGANONG KAPISTAHAN gaya ng VALENTINES DAY?

Jeremias 10:2 Magandang Balita Biblia
“Aniya, "HUWAG NINYONG TULARAN ANG GINAGAWA NG IBANG MGA BANSA.  Huwag ding ikabahala ang nakikitang mga tanda sa langit na labis nilang ikinababalisa.”

Efeso 5:7
“HUWAG KAYONG MAKIBAHAGI SA KANILA;”

Roma 12:2 New Pilipino Version
“HUWAG NA KAYONG MAKIAYON SA TAKBO NG SANLIBUTANG ITO, BAGKUS AY MAGBAGO NG PAG-IISIP.  SA GAYON, MAPATUTUNAYAN NINYO KUNG ALIN ANG KALOOBAN NG DIOS - ANG MABUTI, KALUGUD-LUGOD AT LUBOS NIYANG KALOOBAN.”

Deuteronomio 7:4 New Pilipino Version
“SAPAGKAT ILALAYO NILA SA AKIN ANG MGA ANAK NINYO PARA MAGLINGKOD SA IBANG DIOS.  KUNG MAGKAGAYON, MAG-AAPOY ANG GALIT NG PANGINOON LABAN SA INYO AT LILIPULIN AGAD KAYO.”

Ang Dios ay nagturo na huwag makibahagi sa mga  PAGDIRIWANG NG MGA PAGANO gaya ng VALENTINES DAY, sapagkat ang mga ganitong pagdiriwang ay NAGHIHIWALAY sa mga lingkod ng Dios para maglingkod sa ibang dios. At ang paglilingkod sa IBANG MGA DIYOS o DIYUS-DIYOSAN ay IKAPAPAHAMAK o PARURUSAHAN ng Diyos

Ito ang banal na dahilan kaya ang IGLESIA NI CRISTO ay hindi nakikiisa sa ganitong gawain o VALENTINES DAY, sapagkat hindi kina

ARAL NI SORIANING DUMARAMI DAW ANG DIYOS


Ayon sa FUGITIVE PREACHER na BAKLA, “DUMADAMI RAW ANG DIOS” kasi nga ang mga CRISTIANO ay LAHI NG DIOS ibig daw sabihin kung LAHI NG DIOS ang mga tao dumarami na rin ang mga Dios lalo na raw kapag nakikinig sa programa niya.

Sangkalan ni BAKLA ang talatang AWIT 82:6 na sinabi raw ng DIOS sa mga TAO na “kayo'y mga dios.” Nauunawaan kaya ni BAKLA ang talatang binabanggit niya?

TANONG: Tama ba ang unawa ni Sorianing na LITERAL ang salitang “mga diyos”?

Awit 82:1 at 6
“Ang Dios ay tumatayo sa KAPISANAN NG DIOS; Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios. AKING SINABI, KAYO'Y mga dios, AT KAYONG LAHAT AY MGA ANAK NG KATAASTAASAN.”

Ang salitang “mga diyos” sa talatang ito ay tumutukoy sa mga taong inilagay ng Diyos bilang mga HUKOM at MGA PINUNO SA BAYANG ISRAEL.


  • Sa panahon ng BAYANG ISRAEL ang MGA HUKOM ay tinatawag na “mga diyos” bagaman sila ay MGA TAO.
  • Sila ay tinatawag na “mga diyos” hindi dahil sa sila ay MGA TUNAY NA DIYOS SA LIKAS NA KALAGAYAN, kundi SILA AY ITINALAGA NG DIYOS UPANG ISAGAWA ANG PAGHATOL NG DIYOS SA KANIYANG BAYAN.

Ang halimbawa nito ay ang nakasulat sa Exodo 21:6 ganito ang ating mababasa.

Exodus 21:6 American Standard Version
“then his master shall bring him unto GOD, and shall bring him to the door, or unto the door-post; and his master shall bore his ear through with an awl; and he shall serve him for ever.”

Salin sa Filipino:

Exodo 21:6 American Standard Version
“kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa DIOS, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man.”

Ganito naman ang pagkakasalin sa King James Version sa gayon ding talata.

Exodus 21:6 King James Version
“Then his master shall bring him unto the JUDGES; he shall also bring him to the door, or unto the door post; and his master shall bore his ear through with an aul; and he shall serve him for ever.”

Salin sa Filipino:

Exodo 21:6 King James Version
“Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa MGA HUKOM, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man.”

Pansinin ninyong mabuti na ang salitang “diyos” sa talata ay ginamit upang tumukoy sa “MGA HUKOM”. Sa parehong kaparaanan ang “KAPISANAN NG DIYOS” na binanggit sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa MGA HUKOM ng BAYANG ISRAEL at hindi sa maraming mga diyos na para bagang mayroong higit pa sa isang Diyos.

Isa pang katunayan na ang salitang “mga diyos” sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa MGA HUKOM ay ang katotohanan na sila ay hinatulan ng TUNAY NA DIYOS na sila ay mangamamatay tulad ng tao.

Awit 82:2 at 7 Magandang Balita Biblia
DAPAT NINYONG ITIGIL NA, PAGHATOL na hindi tama, Tumigil na ng paghatol na panig sa masasama…Ngunit TULAD NITONG TAO, LAHAT KAYO'Y MAMAMATAY; Katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”

Ang “mga diyos” sa Awit 82:1 at 6 ay hindi maaaring gamitin upang patunayan na marami ng DIYOS. Ang paniniwala na MARAMING DIYOS ay SUMASALUNGAT sa mga itinuturo ng BIBLIA na mayroon lamang IISANG DIYOS.

Bagama't maraming tinatawag na “mga diyos” ngunit sa mga TUNAY NA CRISTIANO ay IISA LAMANG ANG DIYOS.

1 Corinto 8:5-6 Magandang Balita Biblia
“BAGAMAT MAY SINASABING mga diyos SA LANGIT O SA LUPA, AT MARAMING TINATAWAG NA "mga diyos" at "mga panginoon," SA GANANG ATIN AY IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.”

Sapagkat ito ang ipinahayag mismo ng Diyos sa Kaniyang mga nilalang.

Isaias 46:9 Magandang Balita Biblia
“Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan.  INYONG KILALANING AKO LAMANG ANG DIYOS, AT LIBAN SA AKIN AY WALA NANG IBA.”

Ang Diyos na ang nagpakilala sa Kaniyang sarili na SIYA LAMANG ANG DAPAT NATING KIKILALANING DIYOS at LIBAN SA KANIYA AY WALA NG IBA.

TANONG: Paano kung kumilala tayo ng ibang Diyos maliban sa Ama?

Exodo 20:3 Magandang Balita Biblia
HUWAG KAYONG MAGKAKAROON NG ibang Diyos, MALIBAN SA AKIN.”

MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NG DIYOS sa Kaniyang mga lingkod na kumilala ang tao ng ibang diyos maliban sa Kaniya. Sapagkat malinaw Niyang ipinahayag na SIYA LAMANG ANG DIYOS AT WALA NG IBA.

Napakahalaga sa isang tao na magkaroon ng KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS. Ayon sa ating PANGINOONG JESUCRISTO na ang SUMAMPALATAYA at KILALANIN NA ANG AMA ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS ay may magtatamo BUHAY NA WALANG HANGGAN:

Juan 17:1 at 3 Bagong Magandang Balita Biblia
“PAGKASABI NI JESUS NG MGA PANANALITANG ITO, TUMINGALA SIYA SA LANGIT AT KANYANG SINABI, "Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya…ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN: ANG MAKILALA KA NILA, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

Sa kabilang dako, SA MGA TAONG HINDI WASTO ang pagkakilala tungkol sa TUNAY NA DIYOS ay PAPARUSAHAN NG DIYOS.

2 Tesalonica 1:8-9
“Na maghihiganti SA HINDI NAGSISIKILALA SA DIOS, at sa kanila ng hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang TATANGAP NG KAPARUSAHAN, NA WALANG HANGGANG KAPAHAMAKANG MULA SA HARAPAN NG PANGINOON at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.”

 Kahabag-habag ang kasasapitan ng mga taong nadenggoy sa samahang ADD o ANG DYOKLANG DAAN.

Job 22:15
“Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, NA NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO?”

Tuesday, February 7

IGLESIA NI CRISTO ANG DAPAT ANIBAN SA IKALILIGTAS


Sinasabi ng iba:
“Bakit sinasabi ninyong mga IGLESIA NI CRISTO ang itinatag ng Panginoong Jesucristo sa Mateo 16:18?  Nakasulat ba sa talatang ito na IGLESIA NI CRISTO ang itinatag ni Cristo?” 

Ito ang malimit itanong ng mga MINIMISYON o HINIHIKAYAT na umanib sa Iglesia Ni Cristo, lalo pa nga at sila ay nagbabasa rin ng Biblia. Mabuti ay basahin muna natin ang nakasulat sa;

Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at SA IBABAW NG BATONG ITO ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA…”

Basahin pa natin sa Bibliang Ingles para maliwanag.

Matthew 16:18 New King James Version
“And I also say to you that you are Peter, and ON THIS ROCK I WILL BUILD MY CHURCH…”

Ang sabi ni Cristo “ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA”. Kay CRISTO ang IGLESYA, kaya sinabi Niya na “AKING IGLESYA o MY CHURCH,” Siya ang may-ari nito. 

Kung gayon, hindi na dapat hanapin pa ng sinuman na sabihin pa ni Cristo na: “ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA NI CRISTO.”

TANONG: Ayon kay APOSTOL PEDRO na siyang kausap ng PANGINOONG JESUCRISTO sa nabanggit na talata, sino ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA?

Gawa 4:11 Magandang Balita Biblia
ANG JESUS NA ITO 'ANG BATOng itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang SIYANG NAGING BATONG PANULUKAN.”

Sino ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA? Ang PANGINOONG JESUCRISTO mismo. Maliwanag na katotohanan ito na itinuro ni APOSTOL PEDRO na puspos ng ESPIRITU SANTO.

Gawa 4:8 Magandang Balita Biblia
“Sumagot SI PEDRO, NA PUSPOS NG ESPIRITU SANTO: "Mga pinuno, at matatanda ng bayan,”

Kaya marapat lamang na IGLESIA NI CRISTO ang PROPER NAME ng TUNAY na IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO.

Si APOSTOL PABLO na isang marunong na tao at may PATNUBAY NG DIYOS ay walang atubiling nagtagubilin sa mga kaanib sa unang IGLESIA.

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

Narito pa isa sa itinatanong ng marami:
 “Hindi ba si CRISTO na lamang ang dapat pahalagahan at hindi na ang IGLESIA dahil sa Siya naman ang TAGAPAGLIGTAS at hindi ang Iglesia?” 

SAGOT: PAREHONG MAHALAGA ang PANGINOONG JESUCRISTO at ang TUNAY NA IGLESIA

TANONG:  Paano ipinakita ni CRISTO ang KAHALAGAHAN ng IGLESIANG ITINAYO NIYA?

Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN.”

Ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay HINDI PANANAIGAN KAHIT NG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN.  Kaya napakahalaga ng IGLESIA NI CRISTO?  Bakit sinabi ni Cristo na ang Kaniyang IGLESIA ay HINDI PANANAIGAN NG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN?

TANONG: Alamin muna natin, ano ba ang nangyari sa tao at bakit ba nakararanas ng kamatayan o pagkalagot ng hininga ang tao?

Roma 3:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ANG LAHAT AY NAGKASALA AT WALANG SINUMANG KARAPAT-DAPAT SA PANINGIN NG DIYOS.”

Mula nang ang tao ay MAGKASALA, ang tao ay HINDI NA NAGING KARAPAT-DAPAT SA PANINGIN NG DIYOS.

TANONG: Ano ang ibinunga ng kasalanang nagawa ng tao sa harap ng Diyos?

Colosas 1:21 Magandang Balita Biblia
“Dati, KAYO'Y MALAYO SA DIYOS AT NAGING KAAWAY NIYA DAHIL SA INYONG KASAMAAN.”

Ang sabi ni APOSTOL PABLO ang TAONG NAGKASALA ay NALAYO at naging KAAWAY ng DIYOS.

TANONG: Ano pa ang mabigat na naging kalagayan ng taong nagkasala?

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Ayon mismo kay APOSTOL PABLO - ANG TAONG NAGKASALA AY TINAKDAAN NG KAMATAYAN BILANG KABAYARAN SA KANIYANG NAGAWANG KASALANAN.  Kamatayan ba na pagkalagot ng hinga ang ganap na kabayaran ng kasalanan? Hindi. Bakit? Sapagkat sa Biblia may tinutukoy pang IKALAWANG KAMATAYAN.

TANONG: Aling kamatayan ang ganap na kabayaran ng kasalanan?

Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY AT ASUPRE; NA SIYANG IKALAWANG KAMATAYAN.”

Ito ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY ang pagpaparusa sa mga taong makasalanan. Kita ninyong bigat ang naging kalagayan ng taong nagkasala.

Paano ngayon makakaligtas ang tao sa nakalaang parusa sa DAGAT-DAGATANG APOY dahil LAHAT NG TAO ay NAGKASALA.

TANONG: Ano ang kailangang gawin upang huwag mapanaigan ng ikalawang kamatayan o huwag makasama sa mga ibubulid sa dagat-dagatang apoy?  

Efeso 2:15
“Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y GINAGAWA ANG KAPAYAPAAN;”

KAILANGAN MUNANG MAALIS ANG TAO sa pagiging KAAWAY NG DIYOS.  Paano ito maisasakatuparan? Kailangan munang MALALANG ang ISANG TAONG BAGO na kinaroroonan ng KAPAYAPAAN  sa DIYOS at sa TAO.

TANONG: Sino ang tinutukoy ni APOSTOL PABLO na mula sa DALAWA ay nalalang ang ISANG TAONG BAGO?

Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”

Ayon na rin kay Apostol Pablo ang DALAWA na naging ISANG TAONG BAGO ay si CRISTO at ang Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.

TANONG: Gaano ba kahalaga ang IGLESIA?

Efeso 5:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”

Mahalaga si CRISTO bilang TAGAPAGLIGTAS.  Mahalaga rin ang IGLESIA na KATAWAN Niya, sapagkat ito ang KANIYANG ILILIGTAS. Mali ang pagkaunawa ng iba na IGLESIA daw ang magliligtas, ang KATOTOHANANG nakasulat sa Biblia ay ang IGLESIA ang ILILIGTAS ni CRISTO.

Kung wala ang tao sa IGLESIA NI CRISTO kahit pa sinasabi niyang pinahahalagahan niya si CRISTO at ayaw pahalagahan ang IGLESIA ay WALA PA RING KABULUHAN ang kaniyang sinasabi sapagkat HINDI NAMAN SIYA MALILIGTAS.

Kaya mali ang PANINIWALA ng iba´t ibang sektang PROTESTANTE na sinasabing hindi mahalaga ang IGLESIA ang mahalaga daw ay tanggapin mo si CRISTO BILANG TAGAPAGLIGTAS hindi na raw kailangan pang umanib sa Iglesia. Ang sinasabi nilang ito ang walang halaga dahil SI CRISTO MISMO ANG UNANG NAGPAHALAGA SA IGLESIA.

TANONG: Gaano ba KATINDI ang PAGPAPAHALAGA at PAGMAMAHAL ang iniukol ni Cristo sa Iglesia?

Efeso 5:25 Magandang Balita Biblia
“Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESYA.  INIHANDOG  NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.”

Napakahalaga ng IGLESIA para kay CRISTO ito ay Kaniyang INIBIG. Upang ipakita Niya ang pag-ibig sa IGLESIA - INIHANDOG NIYA ANG KANIYANG BUHAY PARA SA IGLESIA.

Si Cristo namatay para sa IGLESIA, ang iba na AYAW o TUMATANGGI sa IGLESIA ay hindi sila maliligtas.

Sinasabi naman ng iba na:
Ang IGLESIA ay ang mga tao na nasa IBA’T IBANG PANGKATIN NG PANANAMPALATAYA o DENOMINASYON na sumasampalataya kay Cristo.  Hindi raw ito isang organisasyon lamang.

Ang ganitong pangangatuwiran ay SALUNGAT sa sinabi ni APOSTOL PABLO.

Roma 12:4-5
“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”

Sa saling Ingles mas maliwanag ang pagkakasabi.

Romans 12:4-5 New King James Version
“For as WE HAVE MANY MEMBERS IN ONE BODY, but all the MEMBERS do not have the same function, SO WE, BEING MANY, ARE ONE BODY IN CHRIST, and INDIVIDUALLY MEMBERS OF ONE ANOTHER.”

Hindi sinabi ni Apostol Pablo na MAGKANIYA-KANIYA na ang lahat o kaya ay HIWA-HIWALAY na GRUPO o ORGANISASYONAng itinuro ni Apostol Pablo na bagamat marami ang SANGKAP o MIYEMBRO ay SAMA-SAMA sa IISANG KATAWAN o ISANG IGLESIA lamang.  Kaya ISANG ORGANISASYON o ISANG IGLESIA NI CRISTO lamang.

Ganito naman ang sinasabi ng iba: 
Tagapagligtas si Cristo kaya dapat iligtas Niya ang lahat ng tao at hindi ang nasa IGLESIA NI CRISTO lamang.  May batas ang Diyos na ANG BAWAT TAO AY MANANAGOT O PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN. Iyan daw ay mababasa sa Deutronomio 24:16

Basahin natin ang kanilang ginagamit na talata.

Deuteronomio 24:16
“Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; BAWA'T TAO'Y PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN.”

Upang mapanagutan ni CRISTO ang kasalanan ng tao na hindi malalabag ang BATAS NG DIYOS ay ginawa Niyang KATAWAN Niya ang mga taong Kaniyang ililigtas.

Efeso 5:23 at 25 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESYA.  INIHANDOG  NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.”

ULO si CRISTO para MANAGOT sa KATAWAN o IGLESIA Niya. Ang IGLESIA ang Kaniyang PANANAGUTAN o ILILIGTAS.  Sa harap ng PANGINOONG DIYOS, si CRISTO at ang IGLESIANG KATAWAN NIYA ay ISANG TAO na lamang—ISANG TAONG BAGO.

 Efeso 2:15
“Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;”

Kaya HINDI LABAG SA BATAS NG DIYOS kung panagutan man ni CRISTO ang kasalanan ng mga taong nasa Kaniyang IGLESIA.  Samantala, kung ililigtas naman Niya ang WALA sa Kaniyang IGLESIA ay MALALABAG ang batas ng Diyos.

Upang ipakita ni Apostol Pablo ang halaga ng Iglesia Ni Cristo, itinuro niya ang ganito.

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.

Sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang IGLESIA NI CRISTO ang BINILI o TINUBOS NG DUGO ng ating PANGINOONG JESUCRISTOKaya TIYAK na ito ang ILILIGTAS ng ating PANGINOONG JESUCRISTO.

Hindi dapat MAGBAKASAKALI sa KALIGTASAN. Tunay na ito ay napakahalaga hindi ito  IPINAKIKI-PAGSAPALARAN lamang.  TIYAK ANG TAGAPAGLIGTASTIYAK DIN ANG ILILIGTAS ayon kay APOSTOL PABLO sila ang mga NAPAWALANG SALA pamamagitan ng DUGO ni CRISTO.

Roma 5:9 Magandang Balita Biblia
“At NGAYONG NAPAWALANG-SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG DUGO, LALO NANG TIYAK NA MALILIGTAS TAYO SA POOT NG DIYOS sa pamamagitan niya.”

Sino ang napawalang sala o napatawad na sa pamamagitan ng pagtubos ng dugo ni Cristo? Ang sabi ni Apostol Pablo kanina ang IGLESIA NI CRISTO ANG BINILI O TINUBOS NG DUGO NI CRISTO.

Kung gayon ang sinumang nagnanais na maligtas ay kailangang sundin ang itinuro ng ating PANGINOONG JESUCRISTO na TAGAPAGLIGTAS.

John 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR; ANYONE COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.”

Salin sa Filipino:

Juan 10:9
“AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang KAWAN na dapat KAPALOOBAN o PASUKAN  ng mga nais maligtas ay ang IGLESIA NI CRISTO. 

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”


ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG PAG-ANIB SA IGLESIA NI CRISTO UPANG MAGTAMO NG KALIGTASAN.