Thursday, October 13

PAANO NAGKAROON NG IGLESIA NI CRISTO SA PILIPINAS?

Marami ang nagtatanong kung bakit sinasabi ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na ito ay itinatag ng ating PANGINOONG DIOS at PANGINOONG JESUCRISTO sa bansang PILIPINAS sa pamamagitan ng HULA o PROPHECY at ang PANGINOONG JESUCRISTO nga ba nagtatag nito?

Sa pagkakataong ito ay patutunayan natin sa pamamagitan ng mga HULA na nakasulat sa BIBLIA kung, papaano nagkaroon ng IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS?

Iisa-isahin natin ang mga HULA na nagpapatotoo sa KAHALALAN ng IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas?  

Juan 10:16
“At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: SILA'Y KAILANGAN DIN NAMANG DALHIN KO, AT KANILANG DIRINGGIN ANG AKING TINIG; AT SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN, AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”

Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas? Ang sabi ng Panginoong JesuCristo, MAYROON PA SIYANG IBANG MGA TUPA NA WALA PA SA KULUNGAN NOONG SIYA’Y NARITO PA SA LUPA.  ANG MGA ITO AY DADALHIN NIYA AT KANILANG DIRINGGIN ANG KANIYANG TINIG, AT SILA’Y GAGAWIN NIYANG ISANG KAWAN AT MAGKAKARON NG ISANG PASTOR.  

TANONG: Literal bang tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?

Ezekiel 34:31
“At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”

Literal bang mga tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”? Hindi, kundi sila ay mga TAO na gagawin ng ating Panginoong JesuCristo na ISANG KAWAN.

TANONG: Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo?

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”

Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo? Tiniyak ni Apostol Pablo na ang KAWAN ay ang IGLESIA NG PANGINOON.  

Marahil ay maitatanong ng ilan:
“Bakit ninyo sinasabi na IGLESIA NI CRISTO ang nakasulat sa Gawa 20:28 hindi ba maliwanag na mababasa ang nakalagay diyan ay IGLESIA NG PANGINOON. At ang tinutukoy na PANGINOON diyan ay ang DIYOS.”

Heto ang tanong ko sa mga may ganyang kaisipan, lalo na sa mga PUSAKAL na MANG-UUSIG sa IGLESIA NI CRISTO, kapag sila naman ang tinanong mo ay hindi alam ang isasagot. Aamagin ang tanong mo pero hindi nila sasagutin dahil wala silang maisasagot sa tanong. Ang kanilang palusot ay mag-iiba ng topic.

Kahit hindi na natin gamitin ang GEORGE M. LAMSA TRANSLATION of the Bible.

1. Sino ba ang TUMUBOS o BUMILI ng DUGO sa IGLESIA?
            a. Ang DIYOS
            b. Si CRISTO

2. Sino ba ang may DUGO?
            a. Ang DIYOS
            b. Si CRISTO

Balikan natin ang ISSUE:

TANONG: Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28?

Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28? ANG PANGINOON AY SI CRISTO.  Samakatuwid, ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO.  

Kung gayon, gagawin ni Cristong IGLESIA NI CRISTO ang Kaniyang IBANG MGA TUPA noong narito pa Siya sa lupa na wala pa sa kulungan o wala pa sa IGLESIA NI CRISTO noong UNANG SIGLO

TANONG: Sinu-sino itong mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon at sinu-sino naman itong wala pa sa kulungan? 

Gawa 2:39
“Sapagka't SA INYO ang pangako, at SA INYONG MGA ANAK, at SA LAHAT NG NANGASA MALAYO, MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG PANGINOON NATING DIOS sa kaniya.”

Ang tanong natin ay kung sinu-sino  ang mga tupa ni Jesus na nasa kulungan na at ang mga wala pa sa kulungan noon.  Ang isinagot sa atin ng talata ay ang TATLONG PULUTONG NG MGA TAONG TATANGGAP NG ESPIRITU SANTO.  

UNA: “SA INYO”
IKALAWA: “SA INYONG MGA ANAK”
IKATLO: “SA LAHAT NG NANGASA MALAYO MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG DIYOS”.  

Ang dalawang naunang pulutong ay natawag na, kaya ang mga ito’y nasa kulungan na noon o natawag na sa unang Iglesia Ni Cristo. Ngunit itong huli o ikatlong pulutong ay hindi pa natatawag noon o wala pa sa unang Iglesia Ni Cristo kundi tatawagin pa lamang sila kaya ang sabi, “MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG PANINOON NATING DIOS.” Kaya wala pa sila sa kulungan noong si Cristo ay narito pa sa lupa.  

TANONG: Sinu-sino ba itong natawag na o nasa kulungan na noong si Cristo ay narito pa sa lupa at sa panahon ng mga Apostol?  

Roma 9:24
“Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga JUDIO, kundi naman mula sa mga GENTIL?”

Ang mga natawag na ay ang mga JUDIO at ang mga GENTIL.  Ito ang mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon.  Sino naman itong mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan noon?  Ito ang mga NASA MALAYO na noon ay hindi pa tinatawag kundi tatawagin pa lamang, kaya wala pa sila sa kulungan.  

TANONG: Alin itong malayo na kinaroroonan ng mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan o hindi pa natatawag noong si Cristo ay narito pa sa lupa?  

Isaias 43:6 King James Version
“I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring MY SONS FROM FAR, AND MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH;

Salin sa Filipino:

Isaias 43:6
“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, AT ANG AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA;”

Ang mga anak ng Diyos na lalake at babae na siya ring ibang mga tupa ni Cristo ay magmumula sa MALAYO at  MGA WAKAS NG LUPA. Kaya nga ang banggit ni Cristo kanina ay WALA PA SA KULUNGAN noong narito pa Siya sa lupa dahil;

UNA: MALAYO ANG DAKO o MALAYO SA BANSANG ISRAEL ang pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo.
IKALAWA: MALAYO ANG PANAHON ng PAGLITAW. Malayo sa panahon ni Cristo at ng mga Apostol ang pagtawag sa mga IBANG MGA TUPA ni Cristo.

    Talakayin muna natin ang DAKO o BANSANG pagmumulan ng IBANG MGA TUPA NI CRISTO.

TANONG: Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo na sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos? 

Isaias 43:5-6
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi MULA SA SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; DALHIN MO RITO ANG AKING MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, AT ANG AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA;

Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo na sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos?  Ang sabi ng Diyos mismo, MULA SA SILANGANAN at MULA SA MALAYO.  Kung gayon sa MALAYONG SILANGAN magmumula ang IBANG MGA TUPA ni Cristo.

ANG SABI NG IBA:
Bakit daw natin PINAGDUDUGTONG ang MALAYO at SILANGAN sa Isaias 43:5-6 wala raw mababasang MALAYONG SILANGAN sa Biblia.  May mababasa raw na salitang MALAYO na ito ay nasa talatang 6 at may mababasa raw na salitang SILANGAN na ito naman ay nasa talatang 5 ngunit iyong salitang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT ay wala raw mababasa.  

Hindi totoo ang sinasabi nila, sapagkat sa BIBLIANG INGLES ay mas maliwanag na mababasa ang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT.

Isaiah 43:5 James Moffatt Translation
“From the FAR EAST will I bring your offspring …”

Salin sa Pilipino:

Isaias 43:5
“Mula sa MALAYONG SILANGAN ay aking dadalhin ang iyong lahi…”

Hindi ba maliwanag na FAR EAST o MALAYONG SILANGAN ang nabasa natin?  Maliwanag.  Bakit sa BIBLIANG TAGALOG ay wala iyong MALAYONG SILANGAN?  Kung wala man, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga nagsalin ng BIBLIANG TAGALOG.

TANONG: Alin itong bansa sa malayong Silangan na kinatuparan ng hula na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo?  

WORLD HISTORY. Madison United States Armed Forces Institute, 1942,; by: Boak, Arthur E. R., Slosson, Preston, and Anderson, Howard R. p. 445
“The PHILIPPINES were Spain’s share of the first colonizing movement in the FAR EAST.”

Salin sa Filipino:

“Ang PILIPINAS ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa MALAYONG SILANGAN.”

Maliwanag na pinatutunayan ng kasaysayan na ang MALAYONG SILANGAN na binabanggit sa Biblia ang katuparan ay ang PILIPINAS.  Ang kinikilala ng Dios na Kaniyang mga anak na lalake at babae,  sabi ni Jesus, Sila ay Kaniyang dadalhin at diringgin ang Kanyang tinig at sila ay gagawin Niyang isang KAWAN o IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang lilitaw sa Pilipinas?  

Isaias 43:5-7 King James Version
“Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring MY SONS FROM FAR, and MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH; Even EVERY ONE THAT IS CALLED BY MY NAME: for I HAVE CREATED him FOR MY GLORY, I have formed him; yea, I HAVE MADE HIM.”

Salin sa Filipino:

Isaias 43:5-7
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, at ang aking MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA; Bawa't TINATAWAG SA AKING PANGALAN, at YAONG AKING NILIKHA ay SA AKING KALUWALHATIAN, yaong aking inanyuan oo, YAONG AKING GINAWA.”

Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang lilitaw sa Pilipinas? Ang sabi sa talata ang mga anak na lalake at babae na mula sa MALAYONG SILANGAN o PILIPINAS ayon sa hula,  SILA AY TATAWAGIN SA KANYANG PANGALAN.  Aling pangalan?  YAONG PANGALAN NA KANIYANG NILIKHA o GINAWA para sa Kaniyang KALUWALHATIAN.  

TANONG: Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kaniyang kaluwalhatian?  

Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kaniyang kaluwalhatian?  Ang pangalang CRISTO.  

TANONG: Ang pangalang  Cristo ba ay sa ikaluluwalhati ng Diyos?

Efeso 2:9-10
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG SIYA NATING LAKARAN.”

Ang pangalang  Cristo ba ay sa ikaluluwalhati ng Diyos? Ang sabi ni Apostol Pablo, TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG SIYA NATING LAKARAN..

TANONG: Papaano ba kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang mga tupa Niya?  

Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”

Papaano kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang mga tupa Niya?  IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano ang kahalagahan ng pangalang Cristo?  Ito ba ay walang kabuluhan?  Dapat ba itong baguhin o palitan? 

Gawa 4:10-12 Magandang Balita Biblia
“Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng PANGALAN NI JESUCRISTONG TAGA-NAZARET.  Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito 'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.' KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO."

Ito ang katuparan ng hula ng Dios na ang IGLESIA NI CRISTO ay lilitaw sa PILIPINAS. Ang pangalang ibinigay ng Dios. Ang pangalang sunod sa may-ari ng Iglesia sa ikaluluwalhati ng Dios. Sa kanino mang iba o sa ibang relihiyon ay walang kaligtasan.

Talakayin naman natin ang PANAHON ng PAGLITAW o PAGTAWAG ng Diyos sa IBANG MGA TUPA NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO sa MALAYONG SILANGAN o PILIPINAS.

TANONG: Kailan itinakda ng hula ang paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia Ni Cristo?  

Isaias 43:5-6 King James Version
“Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring my sons from far, and my daughters from the ENDS OF THE EARTH.”

Salin sa Filipino:

Isaias 43:5-6
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa MGA WAKAS NG LUPA;”

Ang panahong itinakda ng Diyos sa paglitaw ng IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS ayon sa HULA ng Biblia ay sa MGA WAKAS NG LUPA.  Kailan itong MGA WAKAS NG LUPA?  Upang matiyak natin ito, kailangan nating pag-aralan ang pagkakahati ng panahon ni Cristo.  

TANONG: Sa ilang hati nababahagi ang panahon ni Cristo o panahong Cristiano?  

Apocalipsis 5:1
“At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang ISANG AKLAT na may sulat sa loob at sa labas, NA TINATAKANG MAHIGPIT NG PITONG TATAK.”

Mapapansin natin sa talatang ating nabasa na tila malayo ang sagot sa ating tanong.  Ang itinatanong natin ay kung sa ilang bahagi nahahati ang panahon ni Cristo o panahong Cristiano? Ang isinagot sa atin ng Biblia ay ISANG AKLAT NA MAY PITONG TATAK.  

TANONG: Tunay na aklat kaya itong natatakan ng pitong tatak?

Isaias 29:11
“At ANG LAHAT NG PANGITAIN AY NAGING SA INYO'Y GAYA NG MGA SALITA NG AKLAT na natatatakpan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatakan;”

Samakatuwid, hindi tunay o literal na aklat sa kalagayan itong AKLAT na NATATATAKAN ng PITONG TATAK kundi ito ay PANGITAIN.  

TANONG: Alamin natin kung ang panahon ba ni Cristo o panahong Cristiano ay ipinakita sa mga pangitain?  

Apocalipsis 1:10 at 17-19

Apocalipsis 1:10 AKO'Y NASA ESPIRITU NANG ARAW NG PANGINOON, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.”

Apocalipsis 1:17 AT NANG SIYA'Y AKING MAKITA, AY NASUBASOB AKONG WARING PATAY sa kaniyang paanan. At IPINATONG NIYA SA AKIN ANG KANIYANG KANANG KAMAY, NA SINASABI, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli,”

Apocalipsis 1:18 “At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.”

Apocalipsis 1:19 ISULAT MO NGA ANG MGA BAGAY NA NAKITA MO, AT ANG MGA BAGAY NGAYON, AT ANG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA DARATING;”

Ipinakita ba sa pangitain ang panahon ni Cristo o panahong Cristiano? Ipinakita kay APOSTOL JUAN upang maisulat niya ang mga pangyayaring magaganap sa buong panahon ni Cristo.  

TANONG: Sa ilang bahagi ba nahahati ang buong panahon ni Cristo?  

SAGOT: Nahahati ito sa PITONG TATAK o PITONG BUKO NG PANAHON.  

TANONG: Saan sa pitong bukong ito ng panahon o pitong tatak ang tinatawag na MGA WAKAS NG LUPA?  

SAGOT: Sa DULO NG IKA-ANIM NG TATAK at sa SIMULA NG IKA-PITONG TATAK.  Ito ang tinatawag na MGA WAKAS NG LUPA.  

TANONG: Bakit ang sabi ay MGA WAKAS NG LUPA?  

SAGOT: Sapagkat ANG DULO NG IKA-ANIM NA TATAK AY ISANG WAKAS at ANG SIMULA NG IKA-PITO AY WAKAS DIN, sapagkat ITO ANG WAKAS NG HATI NG PANAHON NI CRISTO, at SA DULO NG IKA-PITONG TATAK AY WAKAS NAMAN NG SANLIBUTAN.

Kaya kung tawagin ANG DULO NG IKAANIM, at SIMULA NG IKAPITONG TATAK ay MGA WAKAS NG LUPA.  

TANONG: Anong petsa itong MGA WAKAS NG LUPA  sa ating kalendaryo?  

Upang ito ay matiyak natin, alamin muna natin ang pangyayaring naganap sa DULO NG IKAANIM NA TATAK?

Apocalipsis 6:12
“AT NAKITA KO NANG BUKSAN NIYA ANG IKAANIM NA TATAK,…”

Ano ang pangyayaring naganap sa dulo ng ikaanim na tatak? Ang sabi sa talata, BINUKSAN ANG IKAANIM NA TATAK.  

TANONG: Ano ang pangyayaring naganap sa DULO nito?  

Apocalipsis 6:15
“AT ANG MGA HARI SA LUPA, AT ANG MGA PRINSIPE, AT ANG MGA PANGULONG KAPITAN, AT ANG MAYAYAMAN, AT ANG MGA MAKAPANGYARIHAN, AT ANG BAWA'T ALIPIN AT ANG BAWA'T LAYA, AY NAGSIPAGTAGO SA MGA YUNGIB AT SA MGA BATO SA MGA BUNDOK;”

Ano ang pangyayaring naganap sa dulo ng ika-anim na tatak?  NAGSIPAGTAGO SA MGA YUNGIB AT MGA BATO SA MGA BUNDOK ANG LAHAT NG URI NG MGA TAO.  

TANONG: Ano ang dahilan ng kanilang pagtatago?  

Jeremias 4:13 at 23 at 19

Jeremias 4:13 “Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ANG KANIYANG MGA KARO AY MAGIGING PARANG IPOIPO ANG KANIYANG MGA KABAYO AY LALONG MATULIN KAY SA MGA AGUILA.  Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapanamak.”

Jeremias 4:23 “Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag.”

Jeremias 4:19 “Ang hirap ko, ang hirap ko!  Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ANG DIBDIB KO AY KAKABAKABA, hindi ako matahimik; sapagka't IYONG NARINIG, Oh kaluluwa ko, ANG TUNOG NG PAKAKAK, ANG HUDYAT NG PAKIKIPAGDIGMA.”

Ano ang dahilan ng kanilang pagtatago?  Sapagkat may naganap na DIGMAAN nang panahong yaon.  

Sinasabi sa aklat ni PROPETA JEREMIAS na ito ay isang HULA na may darating at ito ay sasagupang parang mga ulap. Na ito ay gagamitan ng mga;

KARO NA PARANG IPO-IPO at
MGA KABAYONG MAS MATULIN PA KAY SA MGA AGILA.

Na ang mga tao sa panahong ito ay KAKABAHAN at MATATAKOT kapag narinig ang TUNOG NG PAKAKAK o TRUMPETA na ito ay hudyat ng PAKIKIPAGDIGMA

Samakatwid ito ay isang uri ng digmaan na makabago at ito ay HINDI SA PANAHON NI PROPETA JEREMIAS MAGAGANAP KUNDI SA HINAHARAP sapagkat GAGAMITAN NG MGA MAKABAGONG KASANGKAPANG PANGDIGMA.

Ating tatalakayin, itong “KARO NA PARANG IPO-IPO” at ang mga “KABAYO NA MABILIS PA KAY SA MGA AGILA”.

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng KARO?

Basahin natin sa BIBLIANG INGLES iyong talatang Jeremias 4:13 na binasa natin kanina.

Jeremiah 4:13 King James Version
“Behold, he shall come up as clouds, and his CHARIOTS shall be as a whirlwind: his horses are swifter than eagles. Woe unto us! for we are spoiled.”

Ang KARO ay tinatawag sa INGLES na CHARIOT o KARWAHE sa ibang salita sa tagalog.

Wala tayong mahahagilap sa mga aklat ng kasaysayan na nagkaroon ng kasangkapang pangdigma na KARO o KARWAHE na parang ipo-ipo noong unang panahon. Kaya ating natitiyak na ang binabanggit ng talata ay sa FUTURE pa mangyayari at hindi sa panahon ni PROPETA JEREMIAS.

TANONG: Ano bang makabagong kasangkapang pangdigma ang hinango ang konsepto sa isang KARWAHE o KARO at maihahambing sa isang IPO-IPO?

ENCARTA ENCYCLOPEDIA, © 1993-2003 Microsoft Corporation. All rights reserved.

TANK, heavily armored track-laying, or treaded, military vehicle, with cross-country mobility and road speeds up to 97 km/h (60 mph). Tanks are classified as light, medium, and heavy. They range in weight from approximately 14 to 69 metric tons, have at least 15 cm (6 in) of armor plate, and mount cannons ranging from 75 mm to 122 mm in the tank's turret. The turret is a structure on top of THE TANK that CAN ROTATE 360 DEGREES, enabling the tank to fire in any direction.”

“The concept of armor protection dates from antiquity. By the 5th century BC Greek warriors, and sometimes their horses, wore armor. Florentine artist and scientist Leonardo da Vinci designed a crank-operated covered CHARIOT in 1482.” 


Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na KARO NA PARANG IPO-IPO ng Biblia ay ang isang TANGKENG PANGDIGMA na ayon sa ENCYCLOPEDIA ang pinaghanguan ng konsepto ng disenyo nito ay ang isang CHARIOT o KARWAHE. At maihahalintulad sa isang IPO-IPO ang isang tangke sapagkat ito ay may kakayahang umikot ng 360 DEGREES na siya ring katangian ng isang ipo-ipo. Mapapansin din na ang tangke ay kayang dumaan sa kahit na anong uri ng TERRAIN o ANYO NG LUPA, at NAGIGIBA ang dinadaanan nito na para bang dinaanan ng isang ipo-ipo.

Sa ano naman tumutukoy ang sinabi ng Biblia na, “MGA KABAYO AY LALONG MATULIN KAY SA MGA AGUILA”.

Mayroon bang kabayo na lalong MATULIN o mas MABILIS pa sa AGILA?  Kaya dito pa lang atin nang natitiyak na HINDI LITERAL o TUNAY NA KABAYO ang tinutukoy ng HULA.  Sapagkat ang bilis ng pinakamatuling kabayo ay 40 MILES PER HOUR lamang samantalang ang lipad ng isang AGUILA ay may bilis na mahigit 200 MILES PER HOUR ayon sa ENCARTA ENCYCLOPEDIA.  Kaya napaka-imposible na mayroong kabayo na mabilis pa sa agila maski na sa panahon natin ngayon.  Maliwanag kung gayon na HINDI LITERAL NA KABAYO ang tinutukoy.  Sa ano kaya ito tumutukoy? 

TANONG: Ano bang makabagong kasangkapang pandigma na mabilis pa agila na itinuturing na kabayo?

WORLD HISTORY. Madison United States Armed Forces Institute, 1942,; by: Boak, Arthur E. R., Slosson, Preston, and Anderson, Howard R.; pages 478-479

THE FIRST WORLD WAR was unlike any war in the past. …This was the first war in three dimensions; THE FIRST WAR IN WHICH CITIES WERE BOMBED FROM THE AIR AND WINGED WARRIORS FOUGHT AMONG THE CLOUDS. OF COURSE THE AIRPLANES OF 1914 WERE NOT SO FAST, SO FORMIDABLE, NOR SO NUMEROUS AS THOSE OF TODAY. THEY WERE REALLY MORE IMPORTANT AS SCOUTS (A KIND OF AERIAL ‘CAVALRY’), PHOTOGRAPHING ENEMY MOVEMENTS FROM ABOVE.”

Salin sa Filipino:

ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay hindi katulad ng anomang digmaan sa nakaraan. …ITO ANG UNANG DIGMAAN SA TATLONG LARANGAN; ANG UNANG DIGMAAN NA ANG MGA LUNGSOD AY BINOMBA MULA SA ITAAS AT ANG MGA MANDIRIGMANG MAY PAKPAK AY NAKIPAGLABAN SA MGA ALAPAAP.  MANGYARI PA NA ANG MGA EROPLANO NOONG 1914 AY HINDI GAANONG MABIBILIS, HINDI GAANONG MATITIBAY, AT DI GAANONG MARAMI KUMPARA SA NGAYON.  SILA AY TUNAY NA NAGING MAHAHALAGANG TAGAPAGMANMAN (ISANG URI NG ‘KABAYUHANG’ PANGHIHIMPAPAWID), NA KUMUKUHA NG LARAWAN NG MGA KILOS NG KALABAN MULA SA ITAAS.”


Ang mga “EROPLANONG PANGDIGMA” noong 1914 ay tinawag na AERIAL CAVALRY na sa tagalog ay KABAYUHANG PANGHIHIMPAPAWID.  Samakatuwid ang mga eroplanong ito ay itinuring na mga kabayo at ang mga piloto ay tinawag na mga CABALLERO o MANGANGABAYO, na noong panahon na iyon ang lakas ng kaniyang makina ay tinatawag na HORSE POWER o LAKAS NG KABAYO.  At totoo namang ang eroplanong pangdigma ay higit na mabilis sa lipad ng isang aguila. Dahil ang mga eroplanong ito ay may kakayahang lumipad ng higit sa 300 MILES PER HOUR. Ito ang kinatuparan ng HULA.

TANONG: Kailan ba unang ginamit ang dalawang kasangkapang pangdigmang ito?

Ating tunghayan ang patotoo ng kasaysayan:

ENCARTA ENCYCLOPEDIA; First World War
“During WORLD WAR I (1914-1918) the British developed and used the first armored tracklaying vehicles. To maintain secrecy, the vehicles were shipped to the battle zone in crates marked “TANKS,” hence the origin of the name.”…“AIRPLANES were first used in large numbers for military purposes during WORLD WAR I.”

Ginamit sa kauna-unahang pagkakataon ang EROPLANO at TANGKE noong FIRST WORLD WAR o UNANG DIGMAANG PANGDAIGDIG na naganap noong 1914 hanggang 1918

Kailan naganap ang digmaan na binabanggit ng Biblia na naging dahilan kaya nagsipagtago ang mga tao?  Ito ay ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG o FIRST WORLD WAR

Sa panahong ito lilitaw ang IBANG MGA TUPA NI CRISTO na sila rin ang MGA ANAK NA LALAKE AT BABAE NG DIYOS, sa panahon ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Ang digmaang ito ay ginamitan ng mga makabagong kagamitang pandigma, gaya ng mga KARO NA PARANG IPUIPO (MGA TANGKE) at mga KABAYONG MATULIN PA SA MGA AGILA (MGA EROPLANO)—tinatawag itong “AERIAL CAVALRY” o KABAYUHANG PANGHIMPAPAWID.  Kapag sumasasakay ang mga eroplano ay may hudyat na tumutunog.  Ito ang tunog ng mga sirena na nagbababala sa mga tao na may pagsalakay sa himpapawid.  Kapag narinig ito ng mga tao ay kumakaba ang kanilang mga dibdib at sila’y nagsisipagtago sa mga yungib na sa makabagong tawag ay “AIR RAID SHELTER”.

TANONG: Anong uring digmaan itong magaganap sa DULO NG IKAANIM NA TATAK ayon sa hula? 

Isaias 34:1-2
“Kayo'y magsilapit, KAYONG MGA BANSA, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan; dinggin ng lupa at ng BUONG narito; ng SANGLIBUTAN, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito. Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa LAHAT NA BANSA, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang IBINIGAY SILA SA PATAYAN.”

Anong uring digmaan itong magaganap sa dulo ng ikaanim na tatak ayon sa hula?  Ito ay DIGMAAN NG LAHAT NG MGA BANSA SA BUONG SANLIBUTAN, samakatuwid ay DIGMAANG PANDAIGDIG.

TANONG: Kailan naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng Digmaang ito?

HISTORY OF THE WORLD, VOL VIII, by Ridpath, page 3409
“Servia’s answer was handed to the Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the afternoon of the 25th as it was the reply was term unsatisifactory and evasive and diplomatic relations were broken off the same evening. Preparations for war already well forward were vigorously pressed ON THE 27TH AND INVATION OF SERVIA WAS BEGUN AND SOON AFTER BELGRADE WAS BOMBARDED.”

Salin Sa Filipino:

“Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at umiiwas at ang relasyong diplomatiko at nasira nung gabi ring iyon.  Ang paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang ITINULAK NOONG IKA 27 ANG PAGLUSOB SA SERBIA AY NAGSIMULA PAGKATAPOS NA BOMBAHIN ANG BELGRADE.”

Kalian naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng Digmaang ito? Ika 27.

TANONG: Ika 27 ng anong buwan ito?

Lilinawin sa atin ng isa pang aklat pangkasaysayan.

NOW GOD BE THANKED, by John Masters, page 112
“ON JULY 27TH, 1914, after four weeks of threats, counter-threats, entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and ultimatums, AUSTRIA DECLARED WAR ON SERVIA.”

Sali Sa Filipino:

NOONG HULYO 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta, kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatum, NAGDEKLARA NG DIGMAAN ANG AUSTRIA SA SERBIA.”

Kailan naganap ang UNANG DIGMAANG PANG BUONG SANLIBUTAN ayon sa ating kalendaryo?  Noong HULYO 27, 1914.  Ang panahong ito ang tinatawag ng Biblia na MGA WAKAS NG LUPA.  

Sa panahong ito itinakda ng HULA ang PAGLITAW sa PILIPINAS ng IGLESIA NI CRISTO na mga TUPA ni CRISTO na wala pa sa kulungan noong narito pa Siya sa lupa.  Natupad ba ang HULA?  Natupad.  

Ang IGLESIA NI CRISTO ay napatala sa pamahalaan ng PILIPINAS noong HULYO 27, 1914 kasabay ng pagsiklab ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Sino ang nagtayo ng TUNAY na IGLESIA NI CRISTO na lumitaw sa PILIPINAS noong 1914?  Ang DIYOS at si CRISTO sa bisa ng HULA.  

Natupad ito sa pamamagitan ng PAGSUSUGO kay kapatid na FELIX Y. MANALO sa mga huling araw na ito.