Wednesday, September 28

SINO ANG SUMASAMBA NANG WALANG ALAM

Ang paglilingkod sa Diyos ay pananagutan ng lahat ng tao. Ngunit hindi wasto na basta na lamang magsagawa ang tao ng paglilingkod sa lumalang sa kaniya. Dapat muna niyang matiyak na ang ginagawa niyang paglilingkod ay nakasalig sa mga KALOOBAN NG DIYOS, sapagkat nakataya dito hindi lamang ang kaniyang KINABUKASAN kundi lalo na ang kaniyang KALIGTASAN. Dapat din niyang matiyak na ang relihiyong kaniyang kinaaaniban ay nagtataguyod ng TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS.

SINASABI NG IBA:
“Na ang lahat ng uri ng pagsamba na iniuukol sa Diyos ay katanggap-tanggap sa Kaniya at hindi na kailangang magsuri pa.”

TANONG: Ano ang sinasabi ng Panginoong JesuCristo sa mga may ganitong kaisipan?

Juan 4:22 Biblia ng Sambayanang Pilipino
“SUMASAMBA KAYO NANG WALANG ALAM; sumasamba naman kami nang may alam, dahil sa mga Judio galing ang kaligtasan.”

Ano ang sinasabi ng Panginoong JesuCristo sa mga may kaisipang  lahat ng uri ng pagsamba na iniuukol sa Diyos ay katanggap-tanggap sa Kaniya? Ayon sa Panginoong JesuCristo, “SILA AY WALANG ALAM.”

Kaya hindi kataka-taka na may mga taong kapag tinanong mo kung bakit nila isinasagawa ang mga gawaing panrelihiyon at kung ang mga ARAL at TURO na kanilang ginagawa ay naaayon sa KALOOBAN NG DIYOS ang kanilang sagot ay;

“HINDI SILA TIYAK AT KAYA RAW NILA GINAGAWA ANG MGA ITO AY DAHIL GAYON NA ANG KANILANG NAKAMULATAN O DAHIL SA GAYON ANG IPINAG-UTOS NG PINUNO NG KANILANG SIMBAHAN.

Samakatuwid, ang kanilang pagsamba at paglilingkod ay HINDI BUNGA NG PAGKAUNAWA SA MGA ARAL NG DIYOS.

TANONG: Paanong nangyari ang gayon? Ano ang hindi naunawaan ng mga taong sumasamba nang walang alam?

Malakias 2:7 Magandang Balita Biblia
“TUNGKULIN NG MGA SASERDOTE NA ITURO ANG TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS. SA KANILA DAPAT SUMANGGUNI ANG MGA TAO tungkol sa aking kalooban, SAPAGKAT SILA ANG MGA SUGO ng Makapangyarihang si Yahweh.”

Ano ang hindi naunawaan ng mga taong sumasamba nang walang alam? Hindi nila alam ang TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS at sa PAGLILINGKOD SA KANIYA. Upang maging dapat ang alinmang gagawing paglilingkod sa Diyos ay dapat na malaman muna ng maglilingkod ang TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS. Sinabing “TUNAY NA KAALAMAN” sapagkat MAY MGA MALING KAALAMAN NA ITINUTURO SA MGA TAO TUNGKOL SA DIYOS AT SA PAGLILINGKOD SA KANIYA. Sino ang magtuturo ng TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS? Ang sabi sa talata, SASANGGUNI ANG TAO SA SUGO NG DIYOS.

Kaya kapag ang ISANG RELIHIYON ay WALANG SUGO NG DIYOS NA TAGAPANGARAL o HINDI NAGPAPAHALAGA SA PAGSUSUGO NG DIYOS, ang gayong relihiyon ay WALANG TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS.

ARGUMENTO:
May mga relihiyon na kapag ang paksa ay TUNGKOL SA DIYOS ay nagsasabing ito ay isang MISTERYO o BAGAY NA HINDI MAUUNAWA.

TANONG: Misteryo nga ba o bagay na hindi mauunawa ang kaalaman tungkol sa Diyos?

Roma 1:19
“ANG MAAARING MALAMAN TUNGKOL SA DIYOS AY MALIWANAG, yamang inihayag ito sa kanila ng Diyos.”

Misteryo nga ba o bagay na hindi mauunawa ang kaalaman tungkol sa Diyos? Ang sabi ni Apostol Pablo, ANG MAAARING MALAMAN TUNGKOL SA DIYOS AY MALIWANAG. Kung gayon, maliwanag sa mga kaanib sa TUNAY NA IGLESIA ang kaalaman tungkol sa Diyos. Bakit?  Sapagkat sila ay tinuruan ng SUGO NG DIYOS.

TANONG: Ano ba ang karapatang ipinagkaloob sa mga SUGO?

Marcos 4:11-12
“At sinabi niya sa kanila, SA INYO AY IPINAGKALOOB ANG MAKAALAM NG HIWAGA ng kaharian ng Dios: datapuwa't SA KANILANG NANGASA LABAS, ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY GINAGAWA SA PAMAMAGITAN NG MGA TALINGHAGA: UPANG KUNG MAGSITINGIN SILA'Y MANGAKAKITA, AT HUWAG MAMALAS; AT KUNG MANGAKINIG SILA'Y MANGAKARINIG, AT HUWAG MANGAKAUNAWA; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.”

Ano ba ang karapatang ipinagkaloob sa mga SUGO? Ipinagkaloob sa mga SINUGO ang MAKAALAM NG HIWAGA NG KALOOBAN NG DIYOS. Sino ang kausap dito sa talata ng ating Panginoong Jesucristo? Ang mga APOSTOL.

TANONG: Saan ba inilagay ng Diyos ang mga APOSTOL?

1 Corinto 12:28
“At ANG DIOS AY NAGLAGAY NG ILAN SA IGLESIA, UNA-UNA'Y MGA APOSTOL, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.”

Ang mga APOSTOL ay inilagay ng DIYOS sa IGLESIA. Sila ang nangasiwa sa Iglesia noong umakyat sa langit ang Panginoong JesuCristo noong unang siglo. Kaya, natitiyak natin na ANG MGA PINAGKALOOBANG MAKAUNAWA NG KALOOBAN NG DIYOS ay ang mga NASA LOOB TUNAY NA IGLESIA. Ang sabi pa sa talata kanina, “SA KANILANG NANGASA LABAS, ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY GINAGAWA SA PAMAMAGITAN NG MGA TALINGHAGA: UPANG KUNG MAGSITINGIN SILA'Y MANGAKAKITA, AT HUWAG MAMALAS; AT KUNG MANGAKINIG SILA'Y MANGAKARINIG, AT HUWAG MANGAKAUNAWA

TANONG: Sino ang mga “NANGASA LABAS” na tinutukoy ng Panginoong JesuCristo na HINDI NAKAUUNAWA o WALANG ALAM?

1 Corinto 5:12-13 New Pilipino Version
“Ano ang karapatan kong humatol SA MGA TAGA-LABAS NG IGLESYA?  Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan”

Sino ang mga “NANGASA LABAS” na tinutukoy ng Panginoong JesuCristo na HINDI NAKAUUNAWA o WALANG ALAM? Walang iba kundi ang mga NASA LABAS NG TUNAY NA IGLESIA. Samakatuwid, HINDI MATATAMO NG TAO ANG TUNAY NA KAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS SA LABAS NG TUNAY NA IGLESIA. Kahit na anong paglilingkod ang gawin ng taong wala sa tunay na Iglesia ay mawawalan ng kabuluhan.

TANONG: Ano ang isa sa mga kaalamang dapat na malaman ng tao tungkol sa Diyos?

Juan 17:1 at 3 New PilipinoVersion
“Pagkatapos masabi ito ni Jesus, tumingala siya sa langit at nanalangin: "AMA, dumating na ang oras.  Luwalhatiin mo ang iyong Anak para maluwalhati ka ng iyong Anak….At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, NA MAKILALA KA NILA NA IISANG TUNAY NA DIOS, at si Jesu-Cristo na sinugo mo.”

Ano ang isa sa mga kaalamang dapat na malaman ng tao tungkol sa Diyos? Ang kilalanin kung sino ang TUNAY na DIYOS. Ayon sa Panginoong JesuCristo sino lamang ang dapat na kilalaning TUNAY na DIYOS? Ang AMA ang IISANG TUNAY na DIYOS. Ano ang halaga kung kilalanin natin na ang AMA lamang ang IISANG TUNAY na DIYOS? Ang sabi pa ni Cristo, ITO ANG IKAPAGTATAMO NG TAO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

TANONG: Ang katotohanan bang ito na ang AMA lamang ang IISANG DIYOS ay patuloy na itinuro  ng mga Apostol?

1 Corinto 8:6-7
“Nguni't SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. “Gayon ma'y WALA SA LAHAT NG MGA TAO ANG KAALAMANG IYAN: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa.”

Ang katotohanan bang ito na ang AMA lamang ang IISANG DIYOS ay patuloy na itinuro  ng mga Apostol? Maliwanag ang pahayag ni Apostol Pablo, SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA. Sino ang kausap dito ni Apostol Pablo na ang banggit niya ay “SA GANANG ATIN”? Siya at ang mga kaanib sa TUNAY na IGLESIA. Kaya ang UNANG IGLESIA noon sa Pamamahala ni CRISTO at ng mga APOSTOL, ang kinikilalang TUNAY na DIYOS ay IISA. Nakapagtataka ba kung karamihan ng tao sa mundo ang kinikilalang DIYOS ay HIGIT PA SA ISA o MARAMI SILANG KINIKILALANG DIYOS? Hindi, sapagkat ang sabi pa sa talata, WALA SA LAHAT NG MGA TAO ANG KAALAMANG IYAN.

Kung gayon, ang ISA SA MGA BATAYAN upang matiyak kung TUNAY nga ang isang IGLESIA ay ang pagtataguyod nito ng KAALAMANG TUNGKOL SA DIYOS na itinuturo ng PANGINOONG JESUCRISTO at ng mga APOSTOL. Dito dapat masalig ang ginagawang paglilingkod ng tao sa Diyos.

KUNG HINDI GANITO ANG RELIHIYONG INYONG KINAAANIBAN, NANGANGANIB KAYONG MAPAHAMAK AT HINDI MALIGTAS.


Tuesday, September 27

ANG LAYUNIN NI CRISTO SA PAGTATAYO NG IGLESIA

  • Walang malay ang maraming tao tungkol sa layunin ni CRISTO sa pagtatayo ng Kaniyang IGLESIA, kaya hindi nila pinahahalagahan ang IGLESIA NI CRISTO
  • Hindi nila alam ang KAHALAGAHAN nito. 
  • Ang akala nila, ito ay katulad din ng ibang mga Iglesiang itinatag ng kung sinu-sinong tao dito sa mundo. 
  • Wala ring malay ang maraming tao tungkol sa kung PAANO ITINAYO NI CRISTO ANG KANIYANG IGLESIA. 


Kaya't ito ang ating liliwanagin sa pamamagitan ng mga ARAL na itinuturo ng BIBLIA.

TANONG: Paano itinayo ni Cristo ang Kaniyang Iglesia ayon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan?

Efeso 2:15
“Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; UPANG SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;”

Paano itinayo  ni Cristo ang Kaniyang Iglesia? Ayon sa pahayag ni Apostol Pablo,  NILALANG ni CRISTO ang ISANG TAONG BAGO.

TANONG: Paano nilalang ni  Cristo itong ISANG TAONG BAGO? 

Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at SA IBABAW NG BATONG ITO ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Ganito NILALANG ni CRISTO ang ISANG TAONG BAGO

“ITINAYO NIYA ANG KANIYANG IGLESIA SA IBABAW NG BATO.”

TANONG: Sino itong BATO na pinagtayuan ng Iglesia? 

Gawa 4:10-11
“Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni JESUCRISTONG TAGA NAZARET, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. SIYA ANG BATO na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.”

Sino ang BATO na pinagtayuan ng Iglesia?  Si CRISTO.  Kung gayon, itinayo ni Cristo ang Kaniyang Iglesia sa Kaniya ring sarili.  

TANONG: Itinayo Niya sa Kaniyang sarili ang Kaniyang Iglesia na ano Niya at ano naman Siya ng Iglesia?

Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA

Itinayo ni Cristo ang Kaniyang IGLESIA na KATAWAN Niya at Siya ang ULO nito.  Kaya ang naging kayarian ay ISANG TAONG BAGO.  

TANONG: Bakit ganito ang ginawa ni Cristo? Ano ang layon ni Cristo at itinayo Niya ang Kanyang Iglesia na katawan Niya at Siya ang lumagay na ulo nito? 

SAGOT: Dahil sa batas ng Diyos sa taong nagkakasala.  

TANONG: Ano ba ang batas ng Diyos sa mga taong nagkakasala?

Ezekiel  18:4 at 20 Magandang Balita Biblia
 “Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ANG KALULUWANG MAGKASALA AY MAMAMATAY… ANG NAGKASALA ANG DAPAT MAMATAY.  Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak.  Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan.”

Ano ang batas ng Diyos sa mga taong nagkakasala?  Kung sino ang nagkasala ang siyang dapat mamatay. 

TANONG: Aling kamatayan ang tinutukoy? 

Apocalipsis 20:14
“At ANG KAMATAYAN at ang Hades ay ibinulid SA DAGATDAGATANG APOY.  ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid ay ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Aling kamatayan ang tinutukoy?  Ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY o IMPIYERNO. Kung gayon walang taong makaliligtas sa parusang ito na itinakda ng Diyos sa mga taong nagkasala.

TANONG: Ilang tao ba ang nagkasala ayon sa Biblia?

Roma 5:12
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ANG KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA TAO, SAPAGKA'T ANG LAHAT AY NANGAGKASALA:”

Malinaw ang pagtuturo ni Apostol Pablo, ang LAHAT NG TAO AY NAGKASALA

TANONG: Ano ang napakabigat na kalagayan ng taong nagkasala?

Roma 3:19
“Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ANG BUONG SANGLIBUTAN AY MAPASA ILALIM NG HATOL NG DIOS:”

Kung gayon ang lahat ng tao na nagkasala ay nasa ilalim ng HATOL NG DIYOS.

TANONG: Ano ang hatol ng Diyos sa taong nagkasala?

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Ang HATOL NG DIYOS sa taong nagkasala ay KAMATAYAN. Subalit kamatayan ba na pagkalagot ng hininga ang ganap na kabayaran ng kasalanan? HINDI.

TANONG: Alin ang ganap na kabayaran ng kasalanan?

Apocalipsis 20:14
“At ANG KAMATAYAN at ang Hades ay ibinulid SA DAGATDAGATANG APOY.  Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, sa makatuwid ay ang DAGATDAGATANG APOY.”

Ang ganap na kabayaran ng kasalanan ng tao ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY

TANONG: Sa banggit kanina na ang LAHAT NG TAO AY NAGKASALA, kasama ba si Cristo sa taong nagkasala?

1 Pedro 2:21-22
“Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't SI CRISTO man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”

Hebreo 4:15
“Sapagka't tayo'y walang ISANG DAKILANG SASERDOTE na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa NA TINUKSO SA LAHAT NG MGA PARAAN gaya rin naman natin GAYON MA'Y WALANG KASALANAN.”

Samakatuwid sa pagsasabing LAHAT ng tao ay nagkasala may EXEMPTION. Sino ang hindi kasama sa taong hindi nagkasala? Si CRISTO lamang ang TANGING TAONG HINDI NAGKASALA.

TANONG: Kung ang tao ang magbabayad ng kaniyang mga kasalanan, makababayad ba siya?

SAGOT: Makababayad siya ngunit hindi siya maliligtas.  

TANONG: Kung si Cristo naman ang magbabayad ng kasalanang ginawa ng tao, may malalabag ba Siyang batas ng Diyos?

 SAGOT: Meron, dahil may batas ang Diyos na kung sino ang nagkasala ay siyang dapat mamatay.  

TANONG: Kaya, upang mailigtas ni Cristo ang mga tao ng ayon sa batas ng Diyos, ano ang ginawa ni Cristo?

SAGOT: Nilalang ni Cristo ang Kanyang sarili at mga ililigtas Niya na ISANG TAONG BAGO.  Si Cristo ang lumagay na ULO upang managot at ginawa Niyang KATAWAN Niya ang mga ililigtas upang Kaniyang mapanagutan.  SA HARAPAN NG DIYOS, IISA NANG TAO SI CRISTO AT ANG MGA TAONG ILILIGTAS NIYA.  

TANONG: Napanagutan ba ni Cristo ang Kaniyang KATAWAN o IGLESIA

2 Corinto 5:21
“YAONG HINDI NAKAKILALA NG KASALANAN AY KANIYANG INARING MAY SALA DAHIL SA ATIN: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.”

Ang sabi ni Apostol Pablo, “YAONG HINDI NAKAKILALA NG KASALANAN AY KANIYANG INARING MAY SALA DAHIL SA ATIN.”  Sino ang tinutukoy sa talata na TAONG HINDI NAKAKILALA NG KASALANAN? Ang ating PANGINOONG JESUCRISTO. Sino naman ang tinutukoy na “DAHIL SA ATIN”?  Lahat ba ng taong MAKABABASA nito at MAKARIRINIG?  Hindi.  Bakit?  Sapagkat ang salitang “DAHIL SA ATIN” ay nauukol lamang sa NAGSASALITA at KINAKAUSAP.  Si Apostol Pablo ang nagsasalita, siya ay MINISTRO ng IGLESIA at ang kausap niya ay ang mga KAANIB sa IGLESIA.  Kaya ang “DAHIL SA ATIN” ay tumutukoy sa IGLESIA NA KATAWAN NI CRISTO.  Kung gayon, napanagutan ni CRISTO ang kasalanan ng Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.

TANONG: Ayon sa Biblia, alin ang tiyak na ililigtas ni Cristo?

Efeso 5:23 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”

Alin ang tiyak na ililigtas ni Cristo?  Ang Kaniyang KATAWAN.  Alin itong KATAWAN?  Ang IGLESIA.  Kung gayon ang IGLESIA na KATAWAN ni Cristo ang ililigtas Niya.

TANONG: Marami ba ang KATAWAN o IGLESIA na ililigtas ni Cristo? 

Roma 12:4-5
“Sapagka't KUNG PAANONG SA ISANG KATAWAN AY MAYROONG TAYONG MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga SANGKAP ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”

Ilan ang KATAWAN o IGLESIA na ililigtas ni Cristo?  IISA LAMANG.  Alin ang marami?  Ang MGA SANGKAP.  Sa kabuuan ay SAMA-SAMA sa IISANG KATAWAN o IGLESIA ngunit ang bumubuo ay  maraming mga SANGKAP. Kaya hindi sa kung saan-saang Iglesia o relihiyon dapat sumangkap ang tao para magtamo ng kaligtasan.

Sa Bibliang Ingles sa gayon ding mga talata ay maliwanag na mababasa kung alin ang SANGKAP ng KATAWAN o IGLESIA na tinutukoy ni Apostol Pablo.

Roma 12:4-5 New King James Version
“For as we have many MEMBERS in one body, but all the MEMBERS do not have the same function, so we, being many, are ONE BODY IN CHRIST, and individually MEMBERS of one another.”

Kung gayon sa ISANG KATAWAN o ISANG IGLESIA dapat maging MEMBER o KAANIB ang tao para maligtas.

TANONG: Alin itong ISANG KATAWAN NI  CRISTO o ISANG IGLESIA na tanging ililigtas ni Cristo?  Ano puhunan ni Cristo sa Kaniyang Iglesia?

Acts 20:28  George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Alin ang ISANG KATAWAN NI CRISTO? Ang IGLESIA NI CRISTO. Ano ang puhunan ni  Cristo sa Kaniyang Iglesia?  DUGO NIYA.  

TANONG: Ano ang halaga ng dugo ni Cristo sa mga tinubos Niya?  

Hebreo 9:14-15
“Gaano pa kaya ANG DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, AY MAGLILINIS NG INYONG BUDHI SA MGA GAWANG PATAY UPANG MAGSIPAGLINGKOD SA DIOS NA BUHAY? At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol SA IKATUTUBOS NG MGA PAGSALANGSANG NA NASA ILALIM NG UNANG TIPAN, ang mga tinawag AY MAGSITANGGAP NG PANGAKO NA MANANG WALANG HANGGAN.”

Ano ang halaga o nagawa ng dugo ni Cristo sa kapakanan ng mga tinubos Niya sa makatuwid baga’y ng Iglesia? 

  • NALINIS ANG KANILANG BUDHI.
  • NAGKAROON SILA NG KARAPATANG MAGLINGKOD SA DIYOS NA BUHAY.
  • TATANGGAP SILA NG PANGAKONG MANANG WALANG HANGGAN.


TANONG: Hahatulan pa ba ang mga Iglesia Ni Cristo

Roma 8:1
“Ngayon nga'y WALA NANG ANOMANG HATOL SA MGA NA KAY CRISTO JESUS.”

Hahatulan pa ba ang mga Iglesia Ni Cristo?  Wala nang anumang hatol. 

TANONG: Sino itong mga taong na kay Cristo Jesus? 

Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Sino itong mga taong na kay Cristo Jesus?  Ang Kaniyang IGLESIA

TANONG: Bakit ang IGLESIA ang na kay Cristo Jesus? 

Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”

Bakit ang IGLESIA ang na kay Cristo Jesus?  Sapagkat ang IGLESIA ay KATAWAN Niya at si Cristo ang ULO nito. 

TANONG: Ano ang pangalang itinawag sa IGLESIANG KATAWAN NI CRISTO

Roma 16:16
“Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Ano ang pangalang itinawag sa Iglesiang katawan ni Cristo?  IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano ang katunayan na ang mga Iglesia ni Cristo ay wala na ngang anomang hatol?  

1 Tesalonica 4:16
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI;”

Ano ang katunayan na ang mga Iglesia ni Cristo ay wala na ngang anomang hatol? Ang sabi ni Apostol Pablo, ANG NANGAMATAY KAY CRISTO o IGLESIA NI CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI.

TANONG: Ano naman ang kapalaran ng mga unang mabubuhay na mag-uli?  

Apocalipsis 20:6
MAPALAD AT BANAL ANG MAKALAKIP SA UNANG PAGKABUHAY NA MAGULI: SA MGA ITO'Y WALANG KAPANGYARIHAN ANG IKALAWANG KAMATAYAN; KUNDI SILA'Y MAGIGING MGA SASERDOTE NG DIOS AT NI CRISTO, AT MANGAGHAHARING KASAMA NIYA SA LOOB NG ISANG LIBONG TAON.”

Ano ang kapalaran ng mga unang mabubuhay na mag-uli?  Walang kapangyarihan ang IKALAWANG KAMATAYAN.  Kanino?  Sa mga UNANG MABUBUHAY  NA MAG-ULI.  Sinu-sino sila?  ANG MGA KAY CRISTO.  Sinu-sino itong mga kay Cristo?  ANG MGA SANGKAP NG KANIYANG KATAWAN o IGLESIA.  Alin naman itong  ikalawang kamatayan?  Ito ang DAGAT-DAGATANG APOY.  Samakatuwid, wala na ngang hatol ang mga IGLESIA NI CRISTO.  Napakapalad ng maging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano pa ang lalong dakilang kapalaran ng mga Iglesia ni Cristo?  

Efeso 3:6
“NA ANG MGA GENTIL AY MGA TAGAPAGMANA, AT MGA KASANGKAP NG KATAWAN, AT MGA MAY BAHAGI SA PANGAKO NA KAY CRISTO JESUS SA PAMAMAGITAN NG EVANGELIO,”

Sinabi ni Apostol Pablo na ang mga Gentil ay naging TAGAPAGMANA.  Bakit?  Sapagkat sila’y naging KASANGKAP NG KATAWAN o KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO.   Samakatuwid, mapalad ang IGLESIA NI CRISTO sapagkat;

UNA: Sila ay wala nang anumang hatol.
IKALAWA: Sila ay magiging tagapagmana.

TANONG: Ano naman ang mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo? 

2 Pedro 3:13
“Nguni't, ayon sa kaniyang PANGAKO, ay naghihintay tayo ng BAGONG LANGIT AT NG BAGONG LUPA, NA TINATAHANAN NG KATUWIRAN.”

Ano ang mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo?  ANG BAGONG LANGIT AT NG BAGONG LUPA, NA TINATAHANAN NG KATUWIRAN.

TANONG: Alin itong bagong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran na mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo? 

Apocalipsis 21:1-4
“At nakita ko ang ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Alin itong bagong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran na mamanahin ng mga Iglesia ni Cristo?  ANG BAYANG BANAL.  Ano ang magiging uri ng buhay doon?  WALA NG PAGLUHA, WALA NANG KAMATAYAN, WALA NG DALAMHATI O PANAMBITAN MAN, O HIRAP PA MAN.  Lahat ng nararanasan ng tao dito sa mundo ay papalitan ng Diyos ng PERPEKTONG PAMUMUHAY. Kaya napakahalaga na maging SANGKAP NG KATAWAN o IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Ano ang itinuro ni Cristo na ikaliligtas sa parusa ng mga tao na hindi pa sangkap ng KATAWAN o IGLESIA Niya?

John 10:9  Revised English Bible
“I AM THE DOOR, ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE...”

Salin sa Filipino:

Juan 10:9
“AKO ANG PINTUAN, SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ano ang utos ni Cristo upang ang tao ay maligtas?  Pumasok sa Kaniya bilang PINTUAN.  Paano ang pagpasok kay Cristo?  Sa pamamagitan ng pagpasok sa loob ng KAWAN

TANONG: Alin ang kawan na doon dapat pumasok ang tao upang maligtas?

Acts 20:28  George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang KAWAN ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO na dito dapat maging  SANGKAP o PUMASOK o UMANIB o maging MIYEMBRO ang tao para MALIGTAS.

TANONG: Ano ang gagawin sa mga hindi pumasok kay Cristo o hindi  sumangkap sa katawan ni Cristo o sa madaling salita ay ayaw umanib sa Iglesia ni Cristo? 

Lucas 13:24-28
“MAGPILIT KAYONG MAGSIPASOK SA PINTUANG MAKIPOT: sapagka't sinasabi ko sa inyo na MARAMI ANG MANGAGSISIKAP NA PUMASOK, AT HINDI MANGYAYARI. KUNG MAKATINDIG NA ANG PUNO NG SANGBAHAYAN, AT MAILAPAT NA ANG PINTO, AT MAGPASIMULA KAYONG MANGAGSITAYO SA LABAS, AT MANGAGSITUKTOK SA PINTUAN, NA MANGAGSASABI, PANGINOON, BUKSAN MO KAMI; AT SIYA'Y SASAGOT AT SASABIHIN SA INYO, HINDI KO KAYO NANGAKIKILALA KUNG KAYO'Y TAGA SAAN; KUNG MAGKAGAYO'Y PASISIMULAN NINYONG SABIHIN, NAGSIKAIN KAMI AT NAGSIINOM SA HARAP MO, AT NAGTURO KA SA AMING MGA LANSANGAN; AT SASABIHIN NIYA, SINASABI KO SA INYO NA HINDI KO KAYO NANGAKIKILALA KUNG KAYO'Y TAGA SAAN; MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA MANGGAGAWA NG KALIKUAN. DIYAN NA NGA ANG PAGTANGIS, AT ANG PAGNGANGALIT NG MGA NGIPIN, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.

Sino ang pintuang makipot na dapat pasukan sa ikaliligtas?  Si Cristo.  Ano ang sabi ni Cristo sa mga taong nagnanais na maligtas? MAGPILIT KAYONG MAGSIPASOK SA PINTUANG MAKIPOT. Ano dapat nating mapansin sa sinabing ito ng Panginoong JesuCristo? Ang tao ang dapat MAGPUMILIT na PUMASOK o UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO para maligtas. Mali na ang tao ay PILITIN na umanib sa Iglesia. Ayon kay Cristo, paaano Niya inilarawan ang mangyayari pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM?  Ang mga HINDI NAGSIPASOK ay NASA LABAS at MAGSISITUKTOK.  Ano ang kanilang sasabihin?  “PANGINOON, BUKSAN MO KAMI.”  Ano ang isasagot ng Panginoon sa kanila?  “HINDI KO KAYO NAKIKILALA.”  Ano ang kanilang imamatuwid?  NAGSIKAIN KAMI AT NAGSIINOM SA HARAP MO, AT NAGTURO KA SA AMING MGA LANSANGAN.  Ano ang sasabihin ng Panginoon?  HINDI KO KAYO NAKIKILALA, MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA MANGGAGAWA NG KALIKUAN.  At saka sila TATANGIS at MAGNGANGALIT ANG MGA NGIPIN

TANONG: Ano ang kasalanan ng mga  ayaw sundin ang utos ng Panginoong JesuCristo na pumasok sa Iglesia ni Cristo upang maligtas?

Mateo 7:21-23
“HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN, PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT. MARAMI ANG MANGAGSASABI SA AKIN SA ARAW NA YAON, PANGINOON, PANGINOON, HINDI BAGA NAGSIPANGHULA KAMI SA IYONG PANGALAN, AT SA PANGALAN MO'Y NANGAGPALAYAS KAMI NG MGA DEMONIO, AT SA PANGALAN MO'Y NAGSIGAWA KAMI NG MARAMING GAWANG MAKAPANGYARIHAN? AT KUNG MAGKAGAYO'Y IPAHAHAYAG KO SA KANILA, KAILAN MA'Y HINDI KO KAYO NANGAKILALA: MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MANGGAGAWA NG KATAMPALASANAN.”

Ano ang kasalanan ng mga  ayaw sundin ang utos ng Panginoong JesuCristo na pumasok sa Iglesia ni Cristo upang maligtas? HINDI NILA GINANAP ANG KALOOBAN NG DIYOS. May relihiyon din ba ang mga taong ayaw KILALANIN ni Cristo? Mayroon. Ano katunayan? Ang sabi ni Cristo, MARAMI ANG MANGAGSASABI SA AKIN SA ARAW NA YAON, PANGINOON, PANGINOON, HINDI BAGA NAGSIPANGHULA KAMI SA IYONG PANGALAN, AT SA PANGALAN MO'Y NANGAGPALAYAS KAMI NG MGA DEMONIO, AT SA PANGALAN MO'Y NAGSIGAWA KAMI NG MARAMING GAWANG MAKAPANGYARIHAN? Ngunit ano ang malinaw  na sabi ni Cristo sa kanila?  KAILAN MA’Y HINDI KO KAYO NAKIKILALA.  Ano ang ibig sabihin ni  Cristo na “HINDI KO KAYO NAKIKILALA”?  Hindi ba sila kilala  kung taga-saan sila at kung anu-ano ang mga pangalan nila?  Nakikilala  sila ni Jesus pati ang mga katampalasanang ginawa nila’y nalalaman nito.  Bakit Niya sinabing “HINDI KO KAYO NAKIKILALA”?  Ibig  sabihin:  HINDI KO KAYO NAKIKILALANG AKING KATAWAN o AKING IGLESIA o  HINDI KAYO IGLESIA NI CRISTO.

Ano pa ang dapat nating maunawaan sa pahayag na ito ng Panginoong JesuCristo. Hindi batayan sa pagrerelihiyon ang mga HIMALA o MILAGRO, ang batayan ay kung KALOOBAN ba ng DIYOS ang TURO o ARAL sa kanilang relihiyon na kanilang sinusunod.

TANONG: Sino ang tunay na kay Cristo at nakikilala Niya?

Juan 10:14
“Ako ang mabuting pastor; at NAKIKILALA KO ANG SARILING AKIN, at ang sariling akin ay nakikilala ako,”

Ano ang malinaw ang sagot ni Cristo?  NAKIKILALA KO ANG SARILING AKIN.  Sino ang mga hindi Niya nakikilala?  Ang mga itinakwil.  Samakatuwid, hindi sa Kaniya ang mga iyon.  Hindi sila bahagi ng Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.

TANONG: Kung ang isang tao naman ay Iglesia ni Cristo na at nahiwalay o natiwalag, ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa taong iyon?  

Juan 15:6
“KUNG SINOMAN AY HINDI MANATILI SA AKIN, AY SIYA'Y  MATATAPONG KATULAD NG SANGA, AT MATUTUYO; AT MGA TITIPUNIN AT MGA IHAHAGIS SA APOY, AT MANGASUSUNOG.”

Ano ang sasapitin ng taong natiwalag sa Iglesia Ni Cristo? Ang sabi ni Jesus, ANG HINDI MANATILI SA KANYA AY MATATAPONG KATULAD NG SANGA AT MATUTUYO, AT TITIPUNIN AT IHAHAGIS SA APOY.  Samakatuwid, masama ang MAHIWALAY SA KATAWAN o MATIWALAG sa Iglesia ni Cristo o KUSANG TUMIWALAG sa Iglesia.  Ang mahiwalay ay MASUSUNOG SA APOY

TANONG: Aling apoy ang tinutukoy ng Panginoong JesuCristo? 

Apocalipsis 20:14
“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.  Ito ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Aling apoy ang tinutukoy ng Panginoong JesuCristo?  Ito ang DAGAT-DAGATANG APOY AT ASUPRE na siyang IKALAWANG KAMATAYAN. Dito patungo ang mga taong HIWALAY, NATIWALAG o AYAW UMANIB sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Paano ang pagpasok kay Cristo upang maligtas?

Juan 1:12-13
“Datapuwa't ANG LAHAT NG SA KANIYA'Y NAGSITANGGAP, AY PINAGKALOOBAN NIYA SILA NG KARAPATANG MAGING MGA ANAK NG DIOS, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG MGA NAGSISISAMPALATAYA SA KANIYANG PANGALAN: NA MGA IPINANGANAK NA HINDI SA DUGO, NI SA KALOOBAN NG LAMAN, NI SA KALOOBAN NG TAO, KUNDI NG DIOS.”

Papaano ang pagpasok kay Cristo?  Dapat TANGGAPIN SI CRISTO sa pamamagitan  ng PAGSAMPALATAYA SA KANYANG PANGALAN.  Ano ang dakilang kapalaran ng mga tumanggap at sumampalataya sa pangalan ng Cristo? Ang sabi sa talata, PINAGKALOOBAN NIYA SILA NG KARAPATANG MAGING MGA ANAK NG DIOS.  Paano sila naging mga anak ng Diyos?  HINDI SA DUGO, NI SA KALOOBAN NG LAMAN,  NI SA KALOOBAN NG TAO,  KUNDI IPINANGANAK SILA NG KALOOBAN NG DIYOS.  

TANONG: Alin ang kalooban  ng Diyos na sa kanila ay nanganak?

Santiago 1:18
“SA KANIYANG SARILING KALOOBAN AY KANIYA TAYONG IPINANGANAK SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG KATOTOHANAN, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.”

Alin ang kalooban  ng Diyos na sa kanila ay nanganak? Ang SALITA NG KATOTOHANAN.

TANONG: Alin ang salita ng katotohanan?

I Pedro 1:23
“Yamang IPINANGANAK KAYONG MULI, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIOS na nabubuhay at namamalagi.”

Kung gayon, ang SALITA NG KATOTOHANAN ay walang iba kundi ang mga SALITA NG DIYOS.  Ito ang nanganak sa mga nagsitanggap kay  Cristo na nagsisampalataya sa  Kaniyang pangalan. 

TANONG: Ano ang ikakikilala sa nga sumampatalaya o tumanggap kay Cristo na ipinanganak ng mga salita ng Diyos? 

Roma 6:6
“Na nalalaman natin, na ANG ATING DATIHANG PAGKATAO AY KALAKIP NIYANG NAPAKO SA KRUS, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y HUWAG NA TAYONG MAALIPIN PA NG KASALANAN;”

Ano ang ikakikilala sa nga sumampatalaya o tumanggap kay Cristo na ipinanganak ng mga salita ng Diyos?  Ang sabi sa talata, ANG KANILANG DATIHANG PAGKATAO’Y  KALAKIP NI CRISTONG NAPAKO SA  KRUS KAYA’T SILA’Y HINDI NA ALIPIN NG KASALANAN. 

TANONG: Alin ba itong datihang pagkatao na napako sa krus kalakip ni Cristo?  

Efeso 4:22
“At inyong iwan, TUNGKOL SA paraan ng inyong PAMUMUHAY NA NAKARAAN, ANG DATING PAGKATAO, NA SUMAMA NG SUMAMA AYON SA MGA KAHALAYAN NG PAGDARAYA;”

Alin ang dating pagkatao na napako sa krus kalakip ni Cristo?  ANG NAKARAANG PAMUMUHAY NA SUMAMA NANG SUMAMA AYON SA KAHALAYAN NG PAGDARAYA.  

TANONG: Alin-alin ang ilan sa mga nakaraang pamumuhay na sumama nang sumama ayon sa kahalayan ng pagdaraya? 

Colosas 3:7-9
“Na INYO RING NILAKARAN NANG UNA, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito; Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: GALIT, KAPOOTAN, PAGHIHINALA, PANUNUNGAYAW, MGA SALITANG KAHALAY-HALAY NA MULA SA INYONG BIBIG: HUWAG KAYONG MANGAGBUBULAAN SA ISA'T ISA; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa.”

Ano ang DATIHANG PAGKATAO ng mga PUMASOK KAY CRISTO o UMANIB SA IGLESIA NI CRISTO?  Ang NAKARAANG PAMUMUHAY noong una o noong sila ay hindi pa SANGKAP NG  KATAWAN o KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ay ang IBA’T IBANG GAWANG MASAMA NA LABAG SA KALOOBAN NG DIYOS.  Ang mga ito ay NAPAKO NA SA KRUS NA KALAKIP NI CRISTO

TANONG: Ano ang dapat na maging uri ng pamumuhay ng mga tumanggap kay Cristo o kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

Roma 6:3-4 Magandang Balita Biblia

“Hindi ba ninyo nalalaman na TAYONG LAHAT NA NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NABAUTISMUHAN SA KANYANG KAMATAYAN? Samakatwid, TAYO'Y NAMATAY AT NALIBING NA KASAMA NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, TAYO NAMA'Y MABUHAY SA ISANG BAGONG PAMUMUHAY.”

Samakatuwid, namatay na ang datihang pagkatao dahil sa pagkapako sa krus. Kaya sila ay inilibing ng sila ay bautismuhan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN. Kaya nagtagubilin si APOSTOL PABLO sa mga tumanggap ng TUNAY na BAUTISMO ang sabi niya, TAYO NAMA'Y MABUHAY SA ISANG BAGONG PAMUMUHAY.

TANONG: Alin itong bagong pamumuhay na dapat masumpungan sa mga tumaggap ng bautismuhan kay Cristo?  

Galacia 3:27
“Sapagka't ANG LAHAT NA sa inyo ay BINAUTISMUHAN KAY CRISTO AY IBINIHIS SI CRISTO.”

Alin itong bagong pamumuhay na dapat masumpungan sa mga tumaggap ng bautismuhan kay Cristo?   Dapat IBIHIS SI CRISTO

TANONG: Paano maibibihis si Cristo? 

Galacia 2:20
“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at HINDI NA AKO ANG NABUBUHAY, kundi SI CRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN: at ANG BUHAY NA IKINABUBUHAY KO NGAYON SA LAMAN AY IKINABUBUHAY KO SA PANANAMPALATAYA, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.”

Paano maibibihis si Cristo?   Siya ay NABUBUHAY NA SA  PANANAMPALATAYA.  

TANONG: Ano na ang dapat na maging kalagayan ng mga tunay na kay Cristo o tunay na Iglesia Ni Cristo?  

2 Corinto 5:17
“Kaya't kung ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA; NARITO, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”

Ano na ang dapat na maging kalagayan ng mga tunay na kay Cristo o tunay na Iglesia Ni Cristo? 

  • Sila ay mga BAGONG NILALANG.
  • ANG MGA DATING BAGAY AY LUMIPAS NA.
  • Sila ay pawang naging mga BAGO.


Ito ang dapat na maging kalagayan ng lahat ng mga nagsipasok kay Cristo o umanib sa Iglesia Ni Cristo.  Ito ang katunayang sila ay IPINANGANAK NG SALITA  NG DIYOS.  Ito ang tamang pagpasok kay Cristo para magkamit ng pangakong kaligtasan.