Wednesday, December 30

IPINAGBABAWAL BA SA IGLESIA NI CRISTO ANG PAGBABASA NG BIBLIA?



ANG MGA KAANIB BA NG IGLESIA NI CRISTO AY PINAGBABAWALAN NGA BANG MAGBASA NG BIBLIA?

ARGUMENTO:
  • Madalas na sinasabi ng mga pumupuna sa IGLESIA NI CRISTO sa ibang tao na ang mga KAANIB daw sa IGLESIA NI CRISTO ay PINAGBABAWALANG MAGBASA NG BIBLIA.
  • Sapagkat madalas nilang nakikita na ang mga KAANIB na pumupunta sa mga PAGSAMBA ay WALANG MGA DALANG BIBLIA.
  • IKINUKUMPARA nila ito sa IBANG MGA RELIHIYON na lahat ng mga MIYEMBRO nito ay LAGING MAY DALA-DALANG BIBLIA sa tuwing sila ay pupunta sa kanilang mga GUSALING SAMBAHAN.

TANONG: Totoo nga bang pinagbabawalan ng Iglesia ni Cristo ang mga kaanib nito na magdala at magbasa ng Biblia? May katotohanan nga ba ang paratang na ito?

SAGOT: Hindi kailanman pinagbawalan ng IGLESIA NI CRISTO ang mga kaanib nito na magdala at magbasa ng BIBLIA. Sa halip ay HINIHIKAYAT pa ang mga kaanib na patuloy na magbasa ng BIBLIA. Mayroon kaming tinatawag na "FAMILY HOUR" na dito din namin ginagawa ang pagbabasa ng BIBLIA na isa sa mga pangunahing naming gawain. Bawat SAMBAHAYAN ay hinihikayat na magkaroon ng kahit isang BIBLIA sa kani-kaniyang mga TAHANAN. Ang pagbabasa ng BIBLIA ay ipinababasa na sa mga kaanib na MAY KAKAYAHAN NG SUMULAT AT MAGBASA.

Ngayon, ang mga sinasabi DIUMANO na ang mga KAANIB daw ng IGLESIA NI CRISTO ay pinagbabawalang magbasa ng BIBLIA dahil sa hindi nagdadala ang mga kaanib ng BIBLIA sa tuwing sila ay dadalo ng mga PAGSAMBA ay WALANG KATOTOHANAN.

Karamihan sa mga KATOLIKO na dumadalo sa kanilang mga SIMBAHAN ay walang dalang mga "CATHECHISM." Maaari na ba nating sabihin na ang mga KATOLIKO ay pinagbabawalang magbasa ng "CATHECHISM"?

Ang mga PROTESTANTE na dumadalo sa kanilang mga PAGSAMBA ay walang dalang mga HEBREW at GREEK BIBLE. Kaya maaari na ba nating sabihin na sila ay pinagbabawalang magbasa ng HEBREW at GREEK BIBLE?

KAHIT SINO ay maaaring magdala ng BIBLIA sa tuwing siya ay dadalo sa mga PAGSAMBA ng IGLESIA NI CRISTO. Walang sinuman ang magbabawal sa kaniya. Mayroong mga kaanib at hindi pa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ay gumagawa nito sa iba't-ibang pagtitipon ng IGLESIA.

TANONG: Subalit, bakit karamihan ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ay hindi nagdadala ng BIBLIA sa mga pagsamba?

SAGOT: Hindi dahil ipinagbabawal itong gawin, sapagkat ANG KARANIWAN NG GINAGAWA SA IGLESIA NI CRISTO NA ANG MGA KAANIB AY KANIYANG ISINUSULAT O TINATANDAAN ANG MGA TALATA HABANG SILA AY NAKIKINIG SA ARAL NA IPINAPAHAYAG NG MINISTRO AT SINUSURI AT PINAG-AARALANG MULI ANG MGA TALATA SA KANILANG MGA TAHANAN GAMIT ANG SARILI NILANG MGA BIBLIA. Ang pagbabasa ng Biblia ay isa sa mahahalagang bahagi ng aming pagsamba. Sa paghahatid ng aral na sinasalita ng MINISTRO ay nasasagot ang mga katanungan na pinag-aaralan sa pamamagitan ng direktang pagbabasa ng mga talata sa BIBLIA (mayroon maraming KOPYA at VERSION ng BIBLIA ang bawat pagsamba sa IGLESIA NI CRISTO). Hindi niya binibigyan ng SARILING PAGPAPAKAHULUGAN ang mga talata ni MAGKUWENTO sa loob nito. Upang patuloy na masundan ang aral, ANG KAPULUNGAN AY MASIGASIG SA PAKIKINIG AT SAKA SINUSULAT ANG MGA TALATA UPANG PERSONAL NA MABASA AT MAPAG-ARALAN ANG MGA TALATA SA KANILANG MGA TAHANAN GAMIT ANG SARILI NILANG MGA BIBLIA.

ANG MGA KAANIB (at maging mga hindi kaanib) ng IGLESIA NI CRISTO ay HINDI PINAGBABAWALANG MAGDALA at MAGBASA ng BIBLIA  sa mga pagsamba kung ninanais nila. WALANG GANOONG URI NG PAGBABAWAL.

Tuesday, December 29

BAKIT DALAWANG BESES SA ISANG LINGGO ANG PAGSAMBA SA IGLESIA NI CRISTO?



Itinatanong ng marami: KUNG BAKIT ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO AY DALAWANG BESES KUNG SUMAMBA SA ISANG LINGGO?

SAGOT: Totoong kami ay may pagsambang kadalasan ay HUWEBES o MIYERKULES at SABADO o LINGGO depende sa LOCATION at ORAS na naipatupad.

Ang kaugalian ng CONGREGATION o LOKAL para sa PAGSAMBA nang DALAWANG BESES sa ISANG LINGGO ay PINAGPAPASYAHAN sa pamamagitan ng PAMAMAHALA ng IGLESIA NI CRISTO upang matiyak ang pagiging MAGANDA at MABUTING halimbawa ng mga KAPATID sa PANANAMPALATAYA at upang mabigyan ng sustansiya ang kanilang ESPIRITUWAL NA BUHAY, sapagkat sa pang araw-araw na buhay ay may iba't-ibang pagkakataon na maaaring makasalamuha ng mga KABIGATAN NG PASANIN at PAGSUBOK sa buhay na nagdudulot ng PANGHIHINA sa tao at ang kanilang iba pang mga pangangailangan na may kaugnayan sa kanilang mga SERBISYONG PANGRELIHIYON.

1 Corinto 14:26
“Ano nga ito, mga kapatid?  PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. GAWIN NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY SA IKATITIBAY.”

1 TESALONICA 5:18-19
“SA LAHAT NG MGA BAGAY AY MAGPASALAMAT KAYO; SAPAGKA'T ITO ANG KALOOBAN NG DIOS KAY CRISTO TUNGKOL SA INYO. HUWAG NINYONG PATAYIN ANG NINGAS NG ESPIRITU.”

Hebreo 10:23 at 25
“Na ATING INGATANG MATIBAY ANG PAGKAKILALA NG ATING PAGASA UPANG HUWAG MAGALINLANGAN: sapagka't tapat ang nangako:…Na HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING PAGKAKATIPON, na gaya ng ugali ng iba, KUNDI MANGAGARALAN SA ISA'T ISA; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Ang BIBLIA ay nagsasabi at nagtuturo din sa atin na ang mga UNANG CRISTIANO ay nangag-katipon ng sama-sama sa PAGSAMBA sa UNANG ARAW NG SANGLINGGO.

Gawa 20:7 Magandang Balita Biblia
NANG UNANG ARAW NG SANLINGGO, KAMI'Y NAGKAKATIPON upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay.  At SI PABLO'Y NANGARAL SA KANILA HANGGANG HATINGGABI sapagkat aalis siya kinabukasan.”
                                                                                                                        
Gayunman ang BANAL NA KASULATAN ay nagtala din na may mga PANGYAYARI o PAGKAKATAON na nagsagawa sila mga PAGSAMBA sa mga IBANG ARAW SA LOOB NG ISANG LINGGO. Maging sa ARAW-ARAW upang magbigay ng magandang halimbawa sa kanilang sarili sa IKALULUGOD NG DIYOS.

Gawa 2:46 Magandang Balita Biblia
ARAW-ARAW, SILA'Y NAGKAKATIPON SA TEMPLO, nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban.”

May ibang mga CONGREGATION o LOKAL ng IGLESIA NI CRISTO sa IBANG DAKO o LUGAR na nagsasagawa ng IBANG ARAW NG PAGSAMBA SA LOOB NG ISANG LINGGO na gaya ng binanggit kanina sa pamamagitan ng PINAGPASYAHAN at PINAGTIBAY ng PAMAMAHALA SA IGLESIA.

Ukol sa KAPAKANAN NG IGLESIA ang DISISYON ay ginagawa ng PAMAMAHALA sa IGLESIA NI CRISTO kung saan ibinigay sa kanila ang pagkasi mula sa Diyos upang matupad ang mga SALITA NG DIYOS.

Colosas 1:24-25
“Ngayo'y NAGAGALAK AKO SA AKING MGA HIRAP DAHIL SA INYO, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman DAHIL SA KANIYANG KATAWAN, NA SIYANG IGLESIA; Na AKO'Y GINAWANG MINISTRO NITO, AYON SA PAMAMAHALA NA MULA SA DIOS NA IBINIGAY SA AKIN PARA SA  INYO UPANG MAIPAHAYAG  ANG SALITA NG DIOS.”

Ito ang aming paniniwala na ANG DESISYON NILANG NITO SA BAGAY NA NAUUKOL SA PANANAMPALATAYA tulad ng PAGTATALAGA ng mga ARAW NG PAGSAMBA para sa CONGREGATIONAL o LOKAL ay kalooban na ITINALI o PINAGTIBAY din naman ng DIYOS mula sa LANGIT.

Mateo 18:18
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INYONG TALIAN SA LUPA AY TATALIAN SA LANGIT: AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INYONG KALAGAN SA LUPA AY KAKALAGAN SA LANGIT.”

Hindi ito dapat na PANGHINAYANGAN at IKASAMA NG LOOB ng lahat ng tao sapagkat sa pagsamba ay kaunting bilang lamang ng oras ang ating NAIBIBIGAY at NAILALAAN para sa DIYOS kumpara sa mga oras sa ating pang araw-araw na gawain. Sa isang linggo ay may 168 na ORAS at kung paglalaanan natin ng ORAS ang PAGSAMBA ay nakapaglalaan lang tayo ng ISANG ORAS BAWAT PAGSAMBA. Kung gayon sa loob ng ISANG LINGGO ay DALAWANG ORAS lamang ang ating naibibigay sa DIYOS at may 166 na ORAS pa tayo para sa pang araw-araw na gawain.

Kaya ang PAGSAMBA ay isang napakahalagang bahagi sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na laging pinagtatalagahan, sapagkat ito ay UTOS NG DIOS NA HUWAG NATING PABABAYAAN.

Hebreo 10:25 Magandang Balita Biblia
"HUWAG NATING KALILIGTAAN ANG PAGDALO SA ATING MGA PAGTITIPON, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon."

Kaya LAHAT ay aming INAANYAYAHAN na DUMALO sa aming mga PAGKAKATIPON at MAKINIG ng mga DOKTRINA. Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala ninyong mga kapatid namin o pumunta sa malapit naming GUSALING SAMBAHAN o KAPILYA sa inyong lugar.