HINDI
TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO ANG
PAKIKIPAG-DEBATE
Itinatanong ng iba:
"Bakit
hindi lumalaban sa anumang DEBATE
ang PUNO ninyo sa IGLESIA NI CRISTO? Takot ba ang PUNO ninyo na lumaban sa mga anumang DEBATE o natatakot na malantad sa iba
na wala talagang nalalaman ang inyong PUNO?"
Ito ang madalas na itanong ng iba lalung-lalo na
ng mga kaanib ng relihiyong MEMBERS
CHURCH OF GOD INTERNATIONAL (MCGI) o kilala sa tawag na ADD (ANG DATING DAAN). Ang
nagpapakilalang PUNO ng samahang ito
ay nag-anyaya ng isang hamon ng debate sa PLAZA
ayon sa kaniya handa siyang makipag-debate sa LAHAT NG PASTOR, LAHAT NG MINISTRO NG IGLESIA. Ang hamong ito ay
tinanggap ng mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO. Nang malaman ng
samahang ADD na tinatanggap ng IGLESIA NI CRISTO ang hamon niyang
debate sa PLAZA ay bigla namang
niyang ipinahayag sa telebisyon na HINDI
NAMAN DAW IGLESIA NI CRISTO ANG HINAHAMON NIYA. Subalit sa unang pahayag
niya na LAHAT ANYA ng PASTOR, LAHAT ANYA NG MGA MINISTRO NG
IGLESIA AY HANDA NIYANG MAKALABAN NG DEBATE SA PLAZA pero ito ay AGAD NIYANG BINAWI NA HINDI NAMAN DAW
IGLESIA NI CRISTO ANG HINAHAMON NIYA pero malinaw naman na ang tinutukoy
niya ay LAHAT NG MINISTRO NG IGLESIA
samakatuwid KASAMA RIN DITO ANG MGA
MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO.
Sumunod na pagkakataon ay hinamon ng samahan ng ADD sa maginoong pakikipagdiskusyon ang
MGA MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO nagkaroon ng PAG-UUSAP
AT KASULATAN NA NILAGDAAN NG MGA MANGGAGAWA ng samahang ADD para sa PRE-DEBATE CONFERENCE upang pag-usapan ang tema at kung kailan
gaganapin ang naturang DEBATE.
Subalit sa mismong araw ng PRE-DEBATE
CONFERENCE na nilagdaan ng mga manggagawa ng ADD ay HINDI NAGSIPAGPUNTA
o HINDI SUMIPOT sa naturang usapan. Ayon
sa kanila ay hindi sila pinahihintulutan ni ELISEO SORIANO na makipag-debate sa MGA MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO sa PLAZA ang nais ni ELISEO SORIANO ay magdebate sila HINDI sa PLAZA.
Nagkaroon muli ng paghahamon sa panig mismo ng
samahang ADD at ito ay tinanggap
muli ng mga MINISTRO ng IGLESIA
NI CRISTO subalit ang nais ni ELISEO
SORIANO ay PUNO sa PUNO ang magde-debate. Ang nais ni ELISEO SORIANO ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ang makaka-debate
niya.
Ang paninindigan ni ELISEO SORIANO ay PUNO sa
PUNO subalit sa lahat ng mga
nakadebate ni ELISEO SORIANO kahit isa ay wala pa siyang PUNO ng isang relihiyon ang kaniyang hinamon. Ang mga naka-debate
noon ni ELISEO SORIANO ay hindi
naman mga PUNO pero pagdating sa IGLESIA NI CRISTO ayaw niyang
makadebate ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO dahil ang nais niyang
makalaban ay ang PUNO daw ng IGLESIA NI CRISTO. SA IGLESIA NI CRISTO LAMANG SIYA NAGDEMAND NA ANG GUSTO NIYANG MAKADEBATE
AY ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN subalit sa lahat ng mga relihiyon na
kaniyang nakadebate ni isa ay wala siyang hinamon na PUNO.
Dahil sa hindi sumang-ayon ang IGLESIA NI CRISTO sa nais ni ELISEO SORIANO ay hinamon muli nila ang
IGLESIA NI CRISTO na gumawa ng KASULATAN na may lagda ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN na kapag
natalo ang MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ay talo n rin ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN at ang BUONG IGLESIA NI CRISTO at ito ay tinanggap naman ng IGLESIA NI CRISTO subalit nagbago na
naman ang isip ng samahang ADD dahil
ang gusto niyang makadebate ay ang TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN.
Nakakatawang isipin na kung sino pa ang NAGHAHAMON siya pa ang NAGDEDEMAND kung sino pa ang naghahamon
siya pa ang NAMIMILI ng gusto niyang
makalaban sa DEBATE. Pero pagdating
sa ibang relihiyon ay wala siyang dine-demand at wala siyang pinipili kahit
sino sa kanila handa niyang makalaban sa debate. Ngunit pagdating sa IGLESIA NI CRISTO na HINAHAMON nila ay sila pa talaga ang NAGDEDEMAND. Ang PUNO ng IGLESIA NI CRISTO
ang gusto niyang makalaban sa debate.
Nais lamang namin na ibahagi na ang tumatayong TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ay hindi kinikilala
ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO bilang
PUNO ng IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Sino ang kinikilalang PUNO ng
mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO?
Juan 15:5
"AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang
nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami:
sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa."
Hebreo 3:6
"Datapuwa't
SI CRISTO, gaya ng anak AY PUNO SA BAHAY NIYA; NA ANG BAHAY NIYA AY
TAYO, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa
pagasa natin hanggang sa katapusan."
Ang kinikilalang PUNO ng mga kaanib ng IGLESIA
NI CRISTO ay ang PANGINOONG
JESUCRISTO.
TANONG: Sino ba ang tinutukoy na "TAYO"
sa talata na; "ANG BAHAY NIYA AY
TAYO"?
Efeso 5:30
"Sapagka't
TAYO AY MGA SANGKAP NG KANIYANG KATAWAN."
Ang tinutukoy na "TAYO" ay mga sangkap ng KATAWAN o mga MIYEMBRO o
mga KAANIB ng KATAWAN.
Sa saling KING
JAMES VERSION ay maliwanag ang pagkakasalin ng talatang Efeso 5:30.
Ephesians 5:30 King James Version
"FOR WE ARE MEMBERS OF HIS BODY..."
Sa Filipino:
Efeso 5:30 King
James Version
"SAPAGKA'T TAYO AY MGA KAANIB NG KANIYANG
KATAWAN..."
TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KATAWAN
na dito KAANIB o MEMBER ang mga taong kumikilala kay CRISTO bilang kanilang PUNO?
Colosas 1:18
"AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID
BAGA'Y NG IGLESIA."
I-SUMMARY natin ang pahayag ng mga talata:
- Si CRISTO ang PUNO sa Kaniyang BAHAY.
- Si CRISTO ang ULO ng IGLESIA na Kaniyang KATAWAN.
- Ang mga SANGA ng PUNO ay ang mga KAANIB o MEMBER sa KATAWAN ni CRISTO ay nasa IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO.
Kaya isang pagkakamali na HAMUNIN ang PUNO ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang HINAHAMON niya ay ang PANGINOONG JESUCRISTO mismo na Siyang
kinikilalang PUNO ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Bakit nga ba hindi maaaring humarap sa DEBATE ang TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN?
Sa katunayan HINDI
TUNGKULIN o GAWAIN ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa IGLESIA NI CRISTO ang humarap sa anumang
DEBATE. Bakit? Sapagkat HINDI ITO ANG TUNGKULIN NA SA KANIYA AY
INIATANG.
Tandaan natin na ang DIYOS ang naglagay ng mga MAY
TUNGKULIN sa IGLESIA, ngunit ANG MGA TUNGKULING ITO AY HINDI PARE-PAREHO
ANG GAWAIN. Ganito ang mababasa sa:
1 Corinto 12:28-30
At ANG DIOS AY NAGLAGAY NG ILAN SA IGLESIA,
una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga
himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, MGA PAMAMAHALA, at iba't
ibang mga wika. Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat
baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala? May mga kaloob na
pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat
baga ay nangagpapaliwanag?
Roma 12:4-8
“Sapagka't kung
paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ANG LAHAT NG MGA SANGKAP AY HINDI PAREHO
ANG GAWAIN: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at
mga sangkap na samasama sa isa't isa. AT
YAMANG MAY MGA KALOOB NA NAGKAKAIBAIBA
AYON SA BIYAYA NA IBINIGAY SA ATIN, KUNG HULA, AY MANGANGHULA TAYO AYON SA
KASUKATAN NG ATING PANANAMPALATAYA; O KUNG MINISTERIO, AY GAMITIN NATIN ANG
ATING SARILI SA ATING MINISTERIO; O ANG NAGTUTURO, AY SA KANIYANG PAGTUTURO.
O ANG UMAARAL, AY SA KANIYANG
PAGARAL: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno,
ay magsikap; ang nahahabag ay
magsaya.”
Ang DIYOS
ang Siyang NAGLALAGAY at NAGKAKALOOB ng mga TUNGKULIN sa IGLESIA.
Ang BAWAT TUNGKULIN na inilagay ng
Diyos SA IGLESIA ay IBA-IBA NG GAWAIN NA GINAGAMPANAN.
Kaya nga ang banggit sa talata ay "ANG LAHAT NG MGA SANGKAP AY HINDI
PAREHO ANG GAWAIN", "AT
YAMANG MAY MGA KALOOB NA NAGKAKAIBAIBA AYON SA BIYAYA NA IBINIGAY SA ATIN, KUNG
HULA, AY MANGANGHULA TAYO AYON SA KASUKATAN NG ATING PANANAMPALATAYA O KUNG
MINISTERIO, AY GAMITIN NATIN ANG ATING SARILI SA ATING MINISTERIO; O ANG
NAGTUTURO, AY SA KANIYANG PAGTUTURO; O ANG UMAARAL, AY SA KANIYANG
PAGARAL."
Hindi ba sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng KAAYUSAN?
TANONG: Nais ba ng Diyos na magkaroon ng KAAYUSAN
sa Iglesia?
1 Corinto 14:40
"DATAPUWA'T GAWIN NINYONG MAY KARAPATAN AT
MAY KAAYUSAN ANG LAHAT NG MGA BAGAY."
Sa panuntunang ito ng Diyos ay maiiwasan ang sapawan
na nagdudulot ng KAGULUHAN. Sa
tungkulin na kanilang ginagampanan ay doon lamang sila NAKATUON o NAKA-FOCUS.
Mas nagagawa nila ng maayos ang tungkulin na sa kanila ay ipinagkaloob ng
Diyos.
TANONG: Para saan ba kung bakit naglagay ang Diyos ng kaniya-kaniyang tungkulin
sa Iglesia?
Efeso 4:11-12 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
"At
binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga
propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. GINAWA NIYA ITO UPANG IHANDA SA
PAGLILINGKOD ANG LAHAT NG MGA BANAL, PARA SA IKATITIBAY NG KATAWAN NI CRISTO,
ANG IGLESYA"
Ginawa ng DIYOS
ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal para sa IKATITIBAY ng KATAWAN NI CRISTO o ng IGLESIA
NI CRISTO. Para sa ikatitibay ng Iglesia ni Cristo.
HALIMBAWA:
Kung sa atin ngang SAMBAHAYAN, sa ESKWELAHAN
o sa PAMAYANAN ay mayroong
itinatalaga sa kaniya-kaniyang mga gawain, hindi lahat ay gawain din ng lahat.
Sa ganito ay nagkakaroon ng maayos na paggawa nakikita ang tunay na kahulugan
ng pagkakaisa.
ANG TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN AY
HINDI UPANG MAKIPAGDEBATE O HINDI UPANG MAGING TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO.
TANONG: Ang pagiging isang tagapagsanggalang ng Ebangelyo isa ring tungkulin sa
Iglesia?
Filipos 1:16
"ANG ISA'Y GUMAGAWA NITO sa pagibig,
palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay SA
PAGSASANGGALANG NG EVANGELIO;"
Ang pagiging isang TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO ay isa ring tungkulin na ang Diyos
ang NAGLALAGAY. Kaya nga NAGTATALAGA ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA NI
CRISTO ng mga MINISTRONG magiging
TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO.
Dahil ANG TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALA AY
UPANG PAMAHALAAN AT PANGISAWAAN ANG BUONG IGLESIA NI CRISTO.
Tandaan na ang pangunaging dahilan ng paglalagay
ng Diyos ng PAMAMAHALA sa Iglesia ay
para sa ikatitibay nito. Ganito ang nakasulat sa mga talatang:
Efeso 4:11-12
“At
pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta;
at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; SA IKASASAKDAL NG MGA BANAL, SA GAWAING
PAGLILINGKOD SA IKATITIBAY NG KATAWAN NI CRISTO.”
2 Corinto 10:8
“SAPAGKA'T BAGAMAN AKO AY MAGMAPURI NG
MARAMI TUNGKOL SA AMING KAPAMAHALAAN (NA IBINIGAY NG PANGINOON SA IKAPAGTITIBAY
SA INYO, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.”
Ang gampanin na iniatang sa TAGAPAMAHALANG PANGAKALAHATAN ay NAPAKALAWAK lalo na at parami na ng parami ang mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO. Ang kaniyang
tungkulin ay nakatuon sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sapagkat sila ang may
pananagutan upang MAPANGALAGAAN at MAPANGASIWAAN ang IGLESIA. At upang hindi magambala ng iba ang tungkulin ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAATAN ay nag-aatang
ang PAMAMAHALA ng mga MINISTRO na magiging KATUWANG niya.
Hebreo 13:17 Ang
Bagong Magandang Balita Biblia
"PASAKOP KAYO AT SUMUNOD SA MGA NAMAMAHALA
SA INYO. SILA'Y MAY PANANAGUTANG MANGALAGA SA INYO, AT MANANAGOT SILA SA DIYOS
UKOL DIYAN. KUNG SILA'Y SUSUNDIN NINYO, MAGAGALAK SILA SA PAGTUPAD NG KANILANG
TUNGKULIN; KUNG HINDI, SILA'Y MAMIMIGHATI, AT HINDI ITO MAKAKABUTI SA
INYO."
Ang mga ITINALAGANG
mga MINISTRO NG EVANGELIO na mga TAGAPAGSANGGALANG NG EVANGELIO. Sila
ang sinusugo ng PAMAMAHALA sa mga DEBATE. Sila ang may BASBAS at DALA NILA ANG PANGALAN NG IGLESIA NI CRISTO at SILA ANG TITINDIG UPANG IPAGTANGGOL ANG ARAL NG IGLESIA NI CRISTO.
Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng KAAYUSAN
sapagkat nagagawa ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN
na gampanan ang kaniyang tungkulin na pangasiwaan ang Iglesia at maituon niya
ang kaniyang gampanin sa Iglesia ni Cristo.
Kung may maghamon man ng debate sa Iglesia ni
Cristo laging nakahanda ang mga itinalaga ng PAMAMAHALA na mga MINISTRO na
siyang titindig upang ipagtanggol ang aral na itinataguyod sa IGLESIA NI CRISTO. Sila ang may basbas
at ang pagsasanggalang sa Ebanghelyo ang tungkulin na sa kanila ay
ipinagkaloob.
Ang IGLESIA
NI CRISTO ngayon ay hindi na tulad noon na maliit na samahan at bilang lang
sa mga kamay ang mga kaanib. ANG KAPATID
NA FELIX MANALO NA NOO'Y SIYA PA LAMANG ANG NANGANGARAL UKOL SA IGLESIA NI
CRISTO AT SIYA LAMANG ANG TUMATAYO SA DEBATE SIYA PA LAMANG ANG NAGTATANGGOL SA
EVANGELIO. At dahil sa ang mga kaanib ngayon sa IGLESIA NI CRISTO ay mabilis na dumarami ay NAGTATALAGA na ang PAMAMAHALA
ng IBAT IBANG TUNGKULIN sa loob
ng IGLESIA NI CRISTO. Sila ay may IBA'T-IBANG GAMPANIN at TUNGKULIN. Ang gawain ng isa ay hindi
gawain ng isa.
- At kung ipipilit nila na ang nais nila ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ang haharap sa DEBATE ay wala silang magagawa.
- Hindi naman sila ang naglagay sa PAMAMAHALA para utusan ang IGLESIA na ang ihaharap sa DEBATE ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
- May sariling tungkulin ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN na dapat niyang gawin na sa kaniya ay iniatang ng Diyos.
- Dahil mas uunahin pa ng mga may tungkulin na ganapin ang gawain na sa kanila ay ipinagkaloob ng Diyos.
Alam na alam ni ELISEO SORIANO na hindi siya papatulan sa DEBATE ng TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN dahil nalalaman niya na hindi ito ang tungkulin ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Nakahanda
naman ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO para lumaban sa kaniya
sa isang maginoong debate.
- Subalit maraming pagkakataon na puro siya PANGANGATUWIRAN para hindi matuloy ang debate at maraming kondisyon na gustong mangyari.
- Ang nakakatawa ay yaong HUMAHAMON ang humihingi ng KONDISYON.
- Pumayag ang mga Ministro sa KONDISYON subalit NANGATWIRAN na naman para hindi matuloy. Kaya sa huli ang KONDISYON niya ay PUNO sa PUNO.
- Sa lahat ng kaniyang hinamon tanging ang LIDER lamang ng IGLESIA NI CRISTO ang hinamon niya at ayaw niya na ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ang makakalaban niya sa isang DEBATE.
- Sa lahat ng relihiyong hinamon niya lahat ay kinalaban niya kahit sino ngunit pagdating sa IGLESIA NI CRISTO ayaw niya ng mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ang makaharap niya kundi ang nais niya ay ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO.
- Alam na alam niya na hindi talaga siya papatulan ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN sapagkat hindi naman ito tungkulin ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN.
HALIMBAWA:
Sa BANSA nga natin ay may tumatayong PRESIDENTE subalit hindi ang PRESIDENTE ang SUMASABAK SA LABAN sapagkat mayroon siyang itinalagang mga SUNDALO upang ipagtanggol ang bansa na
kaniyang pinamumunuan. Dahil ANG
TUNGKULIN NG PRESIDENTE AY PANGALAGAAN AT PANGASIWAAN ANG BANSA HINDI PARA
SUMABAK SA ISANG LABANAN.
Walang KINAKATAKUTAN
o INAATRASAN ang IGLESIA NI CRISTO sa DEBATE
ukol sa BANAL NA KASULATAN. May mga
nakatalaga na sa gawaing ito upang sila ang siyang haharap sa debate. Sa
pagkakataong ito HINDI MAPAPABAYAAN NG
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ANG TUNGKULIN NA SA KANIYA AY IPINAGKALOOB NG
DIYOS.
No comments:
Post a Comment